Hindi naman ako manunulat o kasingaling gumawa ng mga blog entries tulad ng maraming mga Pinoy bloggers, ang nais ko lamang ay makapagkwento din ako ng aking mga experyensya, obserbasyon, opinyon, kasiyahan, katatawanan, kalungkutan, at mga aral sa buhay na natutuhan. Maaring corny o hindi gaanong ka- interesting ang aking mga entries, gayunpaman, ang mahalaga ay makapag-ambag ako sa masaya at nakakaaliw na mundo ng Pinoy blogging habang nagtra-trabaho ako dito sa maliit, mainit, at mayaman na bansa ng mga Qatari.
Mga kwentong related sa akin…
- Naging OFW noong May 2003 at mahigit apat na taon na ring
nagpapakabayaninagsusumikap na mapagbuti ang aking kareer at mapalago pa ang aminglimpak limpak na salapimga ipon.
- Nandito ngayon sa Qatar at nagtratrabaho sa isang multinational company na ang mga nagpapalakad naman ay hindi handang humawak ng isang malaking kumpanya na katulad ng sa amin. Hindi naman sa bias tayo sa ating mga kakayahan kaso sadyang maiinis ka lamang talaga. Pero ang sabi nga nila, “trabaho lang walang personalan” kaya’t eto kaming mga Pinoy na patuloy pa rin ginagampanan ang aming mga trabaho sa tama at mabuting paraan.
- Ngayo’y masaya ng dinadagdagan ng mga entries itong bago kong blog para makapagkwento pa ako ng marami at maging karapatdapat na miyembro ng WordPress Pinoy Bloggers.
- Masayang inisip lagi ang aking maybahay na si MomyKarl at ang aming bibong anak na si Iñigo. Excited na akong mayakap sila at makipag dance showdown ako sa aking anak.
- Laging homesick, lalo pa’t lumamig na ngayon ang klima dito, gayunpaman ay masayahin pa rin at hindi naman nagpapa-apekto. Mahirap lang kapag matutulog na ako sa gabi sa aking malaki at malambot na kama.
- Medyo umaangal na rin dahil sa
stronger currencylumiliit na palitan ng dollar to peso. Mabuti sana kung ito ay dahil sa mga positibong paglago ng ating ekonomiya at kasabay ng pagbaba ng mga bilihin ang kaso ay hindi naman.
- May pagka monotonous ang buhay dito sa abroad…gising sa umaga, ligo, toothbrush, gawa ng breakfast, pasok sa opisina, kain ng breakfast habang nagbabasa ng mga emails, trabaho ng konti, gamit ng internet, lunch time, kulitan sa mga kaopisina, balik sa desk, trabaho ulit ng konti, gamit ulit ng internet, uwian na, luto ng ulam o initin ang ulam na niluto kahapon, dinner time, hugas ng pingan, toothbrush, linis ng mukha, magpalit ng pantulog, lagay ng facial cream, magbasa ng dyaryo o reader’s digest o kahit anong libro na nahiram o na-download sa mininova , laro ng ps2, nood sa creative ng na-download na movie or tv shows, dasal bago matulog, higa, tulog, hilik.
- Wala kaming TFC o GMA channel sa aming flat. Lahat ng mga pinapanood ko ay galing lamang sa Mininova (Mabuti na lang at naimbeto ang mga torrent files). Eto naman yung mga palabas na talaga namang sinusundan ko: Prison Break, Kyle XY, Heroes, Supernatural, Dexter, Burn Notice, Eureka, The4400, Sleeper cell, at Battlestar Gallactica. Mga palabas na sinusundan ko naman sa YouTube: Ariel and Maverick shows, Nuts Entertainment, at GMA News ang Public Affairs Programs.
- Naiinis ako sa mga kababayan nating nasa abroad na madalas magsabi ng mga negatibong bagay tungkol sa ating bansa kesyo corrupt ang ating mga opisyal, walang trabahong makuha, nagkalat ang mga basura, sobrang traffic, walang disiplina ang mga tao at marami pang mga komentong di kanaisnais. Mas superyor na ba ang tingin nila sa kanilang mga sarili kaysa doon sa mga naiwan nila? Ang kanilang mga opinyon ba ang naglalaman ng mga kasagutan sa problema ng ating bansa? Ang hirap espelingen! Sana laging positibo na lamang.
- Masayang nakilahok sa EDSA2 dala ang bagong pag-asa para sa ating bansa at kamakailan lamang ay dobleng lungkot na binasa naman ang paglaya ng
pang-gulopinaalis natin sa pwesto.
- Isa akong Gemini kaya’t ibig sabihin nito ay mayroon akong dalawang personalidad, hindi naman tipong jekyll & hyde, kungbaga isang mabait at isang mas mabait. Kaya’t pati itong blog ko ay parang dalawa lagi ang gumagawa dahil madalas na nagbabago yung mga entries ko.
- Mahilig ako sa mga suspense at horror movies. Dahil siguro ito sa mga double thriller movies na pinanood ko noong maliit pa ako kasama si Tatay sa Bellevue Theater sa may Paco. Tinatakpan ko na yung mata ko sa takot ay sige pa rin ako sa kapapanood.
- Hindi nakapagtrabaho bilang isang crew sa kahit ano mang fastfood noong nasa kolehiyo pa ako. Big deal sa akin kasi karamihan sa mga naging kaibigan at tropa ko ay palaging may mga kwento tungkol dito kapag nag iinuman kami. Nag-apply at natangap din naman ako sa JolB noon kaso’y di ko lang nagustuhan yung store na pinaglagyan sa akin kaya’t di ko na itinuloy. Pramis.
To be continued at salamat muli sa inyong pagbisita.







wahihi! paki-timbrehan mo ko pag may update na ng tungkol sa yo sa page na ‘to ha? oist! salamat nga pala sa pagbisita sa sight ko este site pala. 😀 sayang di kita naabutan dun…di man lang kita napa-kape.
hello fellow gemini 🙂 sige, magblog tayo ng tungkokl sa kagitingan ng pinas.. nakakataba ng puso yan… enjoy bloggin! at welcome sa WPP.
🙂