ako nga at wala ng iba !
isang taga-daigdig na inaalam ang misyon sa mundong ibabaw
pilit inaarok ang mga bagay bagay na sadyang mahirap maintindihan
tinatalos kung saan sya paroroon, kung may paroroonan man
binabatid ang mga kasagutan sa mga katanungan
ako ito
may kalakasan at kahinaan
may kagandahan at kapintasan
may nakalipas,
may kasalukuyan,
at naniniwala sa hinaharap
hindi ako anghel
hindi ako diyosa
ito ako

Mag-iwan ng puna