Kung ikulong natin si Madame Auring at Baron Geisler sa kuwarto ni Panday nang isang oras, anu kaya ang mangyayari?
Magpapa extend sila.
| CARVIEW |
Kung ikulong natin si Madame Auring at Baron Geisler sa kuwarto ni Panday nang isang oras, anu kaya ang mangyayari?
Magpapa extend sila.
Posted in Kuwarto Ni Panday | Leave a Comment »
Panday: Pare sama ka sakin. Taya tayo sa karera. May tip sakin kanina galing kay Pareng Oca. Malaki premyo, pag nanalo tayo, i-libre natin mga kumapre natin sa Giligan’s o di kaya sa Cowboy Grill. Sky’s the limit.
(Si pareng Oca ang kumapre naming Kristo sa sabungan at the same time master ng karera)
So tumaya kami at hawak hawak namin ang ticket namin na nakangiti habang hinihintay namin ang karera.
Announcer: Ang Windstrong is taking the lead by two lanes but Faster than Bullet is taking it from behind in lane 2. Last 50 meters is getting near and Winstrong is making a strong statement holding his lead but Faster than Bullet is surprisingly doing a good job by tailing Windstrong. And here we are with the last 10 meters and there we have it! While waiting for the final results place your bets now for the second race which will start in 30 minutes. Thank you!
Tulala kaming dalawa. P3.5 million ang premyo! Naka upo parin kami hindi kami makapag salita. After 5 minutes of silence.
Panday: Tara. Uwi na tayo. Mangutang nalang muna tayo kay Aling Bering ng dalawang litrong Red Horse. Itext mo sila, sabihin mo cancel muna ang birthday party ko.
Posted in Buhay ni Panday | Leave a Comment »
Kakagising ko lang. Bumaba ako sa talyer. Nakita ko si Panday. Bago ko pa siya nabati sumenyas siya.
Panday: Dyan ka lang. Upo ka lang dyan.
Binuksan niya ang ice box. Kumuha ng san mig light. Binuksan. Inabot sakin. Bumalik siya sa mesa ng talyer. May bagong dvd player si Panday. Pindot siya ng play.
“Red, red wine
Go to my head
Makes me forget that I
Still need her so…”
Panday: Daanin nalang natin sa beer at Bob Marley ang lungkot natin.
And so we got drunk that beautiful Sunday morning.
(Nasa abroad ang girlfriend ko, nasa Bicol naman asawa ni Panday)
Posted in Buhay ni Panday | 4 Comments »
Habang kumakain kami kaninang umaga sa karinderya ni Cora dumating ang kumare kong updated sa balita.
Kumareng Lorna: Panday, alam mo ba na si blah blah blah ay blah blah blah. …. at eto pa, nakirnig ko kanina kay Ka Tonying. Di ka kasi nakikinig sa radyo e. Si Marian Rivera daw ulit ang kakanta sa susunod na laban ni Pacman.
Laglag ako sa upuan.
Posted in Buhay ni Panday | Leave a Comment »
Si Erap. Kasi sa bahay ni FGMA, mas maliit yung size ng customized bowl nila dahil kung yung regular ang gagamitin, aba e siguradong nalaglag si PGMA sa bowl. Since maliit ang bowl nila, dahan dahan ang pag ihi ni FGMA para ma shoot nito ng maayos.
Posted in One on One | Leave a Comment »
6 AM Lunes. Pagkagising ko binuksan ko na agad ang telebisyon para sana e makapanood ng balita kaso ayaw sumindi. Atras ako kunti, pindot sa switch ng ilaw sa likoran ko. Ayaw din sumindi.
“O syet eto na!” nasambit ko.
Kagabi kasi napag diskusyunan namin ng mga kumpare ko sa talyer (with a couple of beers) kung nakakasira ba ng aplayances ang pag-gamit ng internet overnight kasi nga nalaman nila na magpapa-kabit ako. E nagkataong nag internet ako over night (thanks to Pareng Kris).
“Nakakasira nga” sabi ko sa icip ko.
Kamot ako sa ulo. Switch ako sa electric gas stove ko, ayaw din sumindi. Sinaksak ko ang aking plantsa, malamig. Sinaksak ko din ang CD player, wala din.
Nanlamig ako sa katotohanang aking kinaharap. Pinagpawisan ako. Nanlumo. Napaupo nalang ako sa tabi. Hindi ko alam ang aking gagawin.
After 5 minutes, numb parin ako. “Wala na” nasabi ko nalang sa sarili ko. Iiyak na sana ako nang narinig ko sigaw ni Cora.
“Panday! Uy Panday! Pinutulan ka na kanina ng Meralco! Di ka pa pala bayad ungas ka!”
Posted in Buhay ni Panday | 4 Comments »
Charmaine Clarice Relucio Pempengco was born in Laguna on May 10, 1981. She just turned 28. She’s also closely related to PGMA and Jejomar Binay. The movie “Curius Case of Benjamin Button” was actually inspired by her autobiography titled “Ma, Why Do I Look Older than My Age?”. Minsan nasabihan na rin daw ni Oprah na mukha siyang matanda. Ayon sa mga nakarinig, eto daw ang sagot niya in tagalong:
“E mas mukhang gurang ka naman sakin leche ka”.
Posted in Truth Behind it All | 2 Comments »
Ayon sa resyulta ng isang research sa India, ang condisyon ni Mr. Enriquez, kung saan lagi nalang siyang pagbugso magsalita, ay bunga ng isang medical condition na kung tawagin ang human photosynthesis. Bihira lamang ang may ganito kung saan si Mike ay nakakagawa ng oxygen instead of carbon dioxide. Para siyang halaman. In theory parang half-plant half nose siya. Ang epekto ng pagbuga niya ng oxygen ay may effect sa kanyang lungs at voice box kaya ganun na lamang siya magsalita. Ito’s nangyayari lamang sa mga taong malalaki ang butas ng ilong. Prolonged effect nito ay ang tuloy-tuloy na pag laki ng ilong at pagliit ng bayag.
Posted in Truth Behind it All | 2 Comments »
Based sa mga files na nakuha ko 3 years ago kay Senator Ping Lacson, Si PGMA ay exactly 3 feet and 18 inches during the day at 3 feet 19 inches at night. Di ko alam kung may silbi itong katotohanang ito pero nag enjoy ako isulat.
Ang height na ito ay may advantages. Halimbawa, kung mag mag attemp na mag assasinate sa kanya, puwede siya pumasok sa Manila Zoo for free tapos magtago sa kulungan ng mga penquins (pero dapat katabi niya si Jejomar Binay para magblend).
May disadvantage din gaya pag nakatayo siya sa likod ng umutot na Kano.
Dati nagpagawa na siya ng sapatos na 5 inches ang takong pero natalisod siyat natusok ng armalite ang kanyang pisngi (which is tought to be a mole).
Posted in Truth Behind it All | Leave a Comment »
Ate Cora (ang aking bagong amo): Ang renta mo ay 1,500 kasama na ang tubig. Poochy no, May sarili kang kuntador para sa ilaw. Magtipid ka kasi maliit lang suweldo mo sakin, medyo mahina ang talyer ngayon, Poochy no,para hindi ka maputulan ng ilaw.Magbayad ka ontime kasi ang renta mo para sa aso namin, etong si Poochy. Poochy no sabi! Paki pasok nga ang sapatos mo, inaamoy ni Poochy, baka malason. Poochy no! Pag may tira kang pagkain wag mong pakainin si Poochy kasi KFC ang ulam niya (the what? come again?). Bawal ang malakas na TV or sounds kasi baka hindi makatulog si Poochy. Sentitibo yan. Diba Poochy Poochy ko, my love Poochy Poochy! (tapos kiss and hug sa aso). O cya, alis muna kami, mahaba na kuku ni Poochy, cut muna namin. Come Poochy Poochy!!
And the dog is really huge! Kaya hindi ako nagsasalita baka kainin ako nang buhay. After few months with the fact na mahal ang pagkain ni Poochy, I began to realize na kaya pala ganun nila kamahal si Poochy kasi si Ate Cora is not married and has no one to love but her oversized dog. I did’t wonder anymore. In fact I admired her love for her dog. Pero KFC? One lucky son of a dog.
Posted in Buhay ni Panday | Leave a Comment »