Ang nakaraan:
Magbackread ka kaya, alangan namang ikwento ko pa.
Salamat sa lahat ng nagbasa at nagkomento, huwag na lang ipahalatang binayaran ko kayo.
Naipakilala ko na sa inyo si nanay at tatay. Ngayon ang isa sa mga kapatid ko naman. Si Atari ang sumunod sa akin. Babae siya, hippie kasi si tatay kaya ipinangalan siya sa gaming console. Buti na lang hindi pa uso ang pokemon at tomagochi nung kabataan ni tatay. Business Admin ang kinukuha niya, caregiving course ang suggestion ng isang auntie namin kaso ayaw magkawkaw ng mga Canadians ni Atari. Sosi yun eh. Sabi ko mag-artista na lang siya kasi magaling siyang mag-taglish. At madalas wala siyang ginagawa sa bahay kaya pwede siya sa PBB. Magaling siyang umarte, lalo na sa harap ni tatay. At magaling din umiyak. Tanga kasi sa pag-ibig.
Paborito siya ni nanay, nung bata pa siya kung anu-anong ipit at ayos ng buhok ang ginagawa sa kaniya ni nanay. Parang pet ni nanay sa facebook ba. Ngayon siya naman ang nagbubunot ng puting buhok ni nanay. Hindi kami ganoon ka-close ni Atari pero kung may mapagkakasunduan kami ay yung pangarap namin na mag-host ng talkshow si nanay at turuan mag-skateboard si tatay. We have a dad who seldom talks and a mom who never shuts up.
Balak ko nga lagyan ng mga camera ang buong bahay at i-tape ang araw-araw na buhay namin. Parang “The Osbournes” ba. Tapos ipapadala ko sa Studio23. Isa lang talaga ang pumipigil sa akin, wala akong pambili ng mga camera. Artistahin ang pamilya namin at mayabang ako.
Si Atari Arimo. Size ng battery ang initials niya. Tipikal na dalagang pilipina. Patago uminom at magyosi. Ala-2NE1 pumorma. Vitamins ang facebook. Ipo-pause ang 27x nang napanuod na New Moon DVD para lang umihi. Nagsusuot ng panty at gumagamit ng sanitary napkin kapag dinudugo. Kabisado ang mga linya ng bidang babae sa “The Notebook”. Umiiyak dahil sa lalake. May kuya’ng babaero’ng nananapak kapag niloko siya.
Si Atari Fernandez Arimo, mudra ang tawag kay mama.



they say