carview.php?tsp=carview.php?tsp=carview.php?tsp=

Exam na naman! hayyy… Oras na naman upang magsunog ng kilay sabi nga ng nakararami. Pero ano ba ang mga styles mo sa pagrereview ng mga lessons mo?

ikaw ba yung NANGANGAIN NG MGA LIBRO? baka naman isa ka sa mga estudyanteng over sa pag-aaral na NAGREREVIEW A WEEK BEFORE THE EXAM?  o baka naman miyembro ka ng ON THE SPOT REVIEWHAN CLUB? teka, wala pa ba sa mga nabanggit? alam ko na, baka ikaw yung PUNONG PUNO NG TIWALA SA CLASSMATES at wala nang pakialam kung makatotohanan pa ba ang mga sagot na natatanggap? Ayos ha, mainam mainam! haha!

narito ang ilang nakakatuwang eksena before, during and after every exam.

BEFORE THE  EXAM:

  • todo todo kung magreview. may schedule pa sa bawat subject na pag-aaralan. gigising nang maaga upang masmadami daw siyang maunawaan sa kanyang lessons. hindi nanunuod ng telebisyon sa gabi, talagang nakatutok lang sa pagrereview. hanep sa effort! talagang seryoso sa pagaaral na ultimo pagligo ay di na ata magawa.. sino ito? haha! pero nakakapasa nga ba after ng exam? peace…
  • kung merong super tiyaga, meron din namang kahit papano ay may tiyaga, halos mawala na pala ang tiyaga.. haha! sila yung mga estuadyanteng nagrerewiew 1 hour before the exam.. ahem, ako ata ito ah? hanep sa pagpupursige diba?  hehe’ tapos sasabihing sana mataas makuha ko. toink!!
  • kung bilib ka na sa mga yan, mas-bibilib ka sa mga estudyanteng basta nalang papasok sa klase sabay tanung sa mga classmate: “Ai exam ba ngayon, hindi nga?” oh diba, kunwari pang hindi alam di nalang sabihin na hindi nagrewiew, o kaya naman sasabihing: “tinamad ako e..” pero as if namang ngayon lang tinamad ano? e sa lahat ata ng exams ito ang linya. haha!
  • meron din namang dinadaan nalang sa panalangin: ” Lord, sana naman po mataas makuha sa mga exam ko kahit di po ako nagrewiew.. mwuuah! chup chup! tc. gbu!” peace…

DURING THE EXAM:

  • pagdating ng tamang oras, ito na kailangan ng paganahin ng mabuti ang utak. mmm… concentrate! concentrate! mmm…
  • dito mo rin malalaman na sobrang madiskarte ka pala. kailangan matalas ang pandinig at ang paningin, kung hindi e talagang mabobokya ka ng bongga! haha!
  • may nakatingin sa kisame na tila may isinulat na kodigo doon..
  • meron din talagang matindi ang pagcoconcentrate na ginagawa. yun bang talagang di mo maistorbo sa pagiisip, yun pala kunwari lang.  epek – epek lang! ^-^
  • madalas din na parang may umatakeng batalyon ng mga bubuyog, bulong dito bulong dun.. senyas dito senyas dun’ hai nakakatuwang nakakabaliw! =D
  • syempre mawawala ba naman ang mga best actors and best actresses? sila yung napakagaling magdrama para lang makakopya ng sagot, talagang gagawin lahat ng styles makakopya lang.. A for their effort! peace… pagtalikod na pagtalikod ng teacher, ” Sugod mga kapatid!” haha!

AFTER THE EXAM:

  • pagkatayo sa upuan, dali-daling maghahanap ng mapagsasabihan ng lahat ng isinagot sa test paper. iko-compare lahat ng sagot ultimo mga numbers na walang inilagay na sagot! sila yung mga naghahanap ng katulad! haha!
  • meron din namang nagpapayabangan sa mga isinagot na sa totoo lang e di naman sure kung tama nga ba talaga sila. hmpft!
  • pero kung wala kang halos naisagot, manahimik ka nalang. or kung gusto mo naman, makipasyabangan ka na rin: ” ai oo nga, ganyan din yun sagot ko..  galing naman magkaparehas lahat sagot natin..” pero kapag tinanong mung una e, wala namang maisagot: ahm, parang nakallimutan ko yung sinagot ko e.. anu ulet yun?” haha!
  • pero yung talagang nagsisisi dahil di pinagbuti yung pag-aaral. sila yung mga grade conscious pero di naman nag-aaral. “Ai kaka-asar naman, nabokya ata ako dun? Promise babawi ako sa susunod!” heto na naman ang exam pero yun na naman ang linya. ”promise na promise na talaga to, talagang mag-aaral na ko!”  kailan kaya yan?next year? next next?  haha! peace…

iba-ibang styles sa pagrereview, iba-iba ring results ng exam. haha! nasaan ka sa mga nabanggit na uri ng estudyante kapag exam? Nakita mo ba ang iyong sarili sa mga nabanggit? nakakahiya pero totoo.  nakakahiya na nakakatawa di ba? haha! don’t worry, normal lang yan!

hayyy… buhAY estudyante nga naman, talagang kailangan mag-aral mabuti upang maging maganda ang kinabukasn. Pero hindi naman talaga ganun kahirap ito gaya ng sinasabi ng marami, iniisip lang kasi nila na hindi nila kaya. Pero kung kung i-eenjoy lang natin ito, magugulat nalang tayong lahat na natapos na pala natin yung dati’y inaayawan natin. hindi naman kailangan na super serious ka e, kailangan mu lang isapuso lahat ng gagawin mo. Dapat lagi nating kayanin, kasi tayo din naman ang makikinabang sa lahat ng sacrifices natin ngayon!