Naisip ko yang line na yan kahapon habang tinitignan ko ang photos ni E.
Kung hindi sya naglakas loob iwanan si J, eh di sana hindi nya mahahanap si L..
Hmm.
Oo, sobrang mahal nya si J. Pero natutuwa naman ako na nahanap nya ang kaligayahan at pagmamahal kay L. haha!
J at L. pauso.
Wala lang.
Lately kasi andami ng nagtetake ng risk. Andami ng nagkakacareer move, andaming nagbebreak, andaming nagkakaron ng bagong jowa, andaming nagpapataba, andaming nagpapapayat, andaming andami. haha! andaming andami. gets mo? hindi? wag ka na.
Dito sa work. Si Rhonn, nagresign na sya. tapos si Ate Karen, tapos si Maam Zerah, Kuya Mike. Tapos ngayon, Si Kuya James, last day nya na to..
Nakakalungkot, mawawala na si Kuya James,
isa sa mga kuya ko dito, kasama sa pag Pinoy Pao, sa Pag Mcdo, sa mga kung anu ano dito sa office.
Nakakalungkot isipin na hindi na buo ang b2&8 at ang Wireline.
Srsly, napakalapit nila sa puso ko.
Ako naman kasi si attached. Haha! Pwedeng magtreasure ng mga tao? Pwede diba?
Pero ayun, kailangan nila yun, career growth.
Hindi ako magugulat kung isang araw, wala nang matitira dito na kabatch ko o ka team ko.
Kasi someday, mawawala din ako dito.
Walang permanente.
Walang hindi nagbabago.
Andami ring nagiging single Yung mga tipong kelan lang makikita mong im-super-in-love at happy-monthsary-i-love -you-forever posts, pero ilang araw lang, BFEWIFNMC C is SINGLE.
Yun ay dahil sa maraming dahilan, siguro hindi na sila masaya, oo. yun naman siguro ang main reason eh.
pag nakahanap ng iba,
anong dahilan bakit ka naghanap ng iba?
kasi hindi ka kuntento?
bakit hindi ka kuntento?
kasi hindi ka na masaya diba?
pag nasasakal ka na,
at gusto mo lang ng space,
oo hindi ka nga naghanap ng iba,
pero bakit gusto mo ng space?
kasi hindi ka na masaya diba?
eh pano naman kung hindi ka na masaya,
pero hindi mo maiwan,
kasi dahil sa totoo ka sa promises mo na hindi mo sya iiwan at hinihintay mo lang na
sya ang maunang mangiwan?
masasabi mo bang ginagawa mo yun dahil mahal mo sya?
o ginagawa mo yun para sa dignidad? haha! dignidad.
Eh ako yan eh.
Ok. Wag ako iba na lang. HAHA!
Moving forward,
Andami ring nag in a relationship. Yung iba, yung mga taong ilang taon mong kilala na walang jowa, biglang nagkaron.
Yung ibang taong kahapon iba jowa, ngayon may jowa na ulit na bago.
Pero kung anuman ang dahilan kung bakit BFWEIUXDN WDF is IN A RELATIONSHIP,
yun ay dahil, dun sila masaya.
at meron pa. ok. pano ba.
meron pang maraming maraming bagay ang nagbago.
merong nabawas,
merong nadagdag.
isa na dun eh yung, SECRET :D
kung totoo man ang bunga na yun,
mahirap,
pero kailangan nilang harapin kasi ginawa nila,
masaya sila.
masaya sila kaya ginawa nila yun,
masaya sila habang ginagawa nila yun,
ngayon, takot.
pero magiging masaya rin, lalo na kung totoo, kasi blessing.
Ok. secret yun. haha!
ACTUALLY, NUNG INUMPISAHAN KO TONG BLOG NA TO,
ANG INIISIP KO LANG NA TEMA EH TUNGKOL SA PAG MOVE FORWARD,
SA PAG TAKE NG RISK, SA PAGHARAP SA MGA BAGAY NA ALAM MONG DATI AY HINDI MO KAYA PERO NGAYON GINAGAWA MO NA DAHIL HANDA KA NA AT NAGPARAYA KA NA SA DATI MONG HAWLA.
THINKING OUT OF THE BOX.
GOING OUT OF YOUR SHELL.
OO.
NAREALIZE KO,
LAHAT NG TO AY DAHIL SA IISANG BAGAY LANG.
HAPPINESS.
DO WHATEVER THAT MAKES YOU HAPPY.
DO ANYTHING THAT WILL MAKE YOU HAPPY.
LIVE LIFE. LIFE YOUR LIFE TO THE FULLEST.
ENJOY EVERYTHING.
LOVE YOUR FAMILY. LOVE YOUR FRIENDS. LOVE YOURSELF.
THANK GOD. TRUST GOD.
DO NOT JUST SMILE.
BE HAPPY! :)