Camsur 70.3 nanaman. last time ko sumulat dito, last year pa, kakatapos lang nung unang Ironman 70.3.
Salamat sa Team PMI,nakasali ako uli ako sa race na ito. Excited ang lahat di lang dahil sa karera kundi makakasama ang mga kaibigan at mga pamilya.
Umalis kami ng Thursday, sakay ulit ang Isarog Lines.
First time akong mapapanood ng anak ko, si Jan Ulrich. Pinangalan ko siya sa idol kong siklista. Kasama rin nanay ko kaso wala sa picture. Siyempre, gagalingan ko para sa kanila. Mahirap na mapahiya.
Ang bilis magmaneho ni manong! 2 oras lang, di pa tapos yung pelikula sa bus, nasa Tiaong Quezon na kame! Umalis kami ng 8:30p.m, 4am ay nasa CWC na kame!
Nag set up na kami sa PMI container. sa dami naming bikes at mga nakatambay doon, akala ng mga dumadaan lalo na ang mga foreigners, na kami ang official bike check. Nanghina nga ako dun eh. daming umiinglish sakin na foreigner, nagpapaayos ng bike. siguro mas matulin pa ko nung laro, kung di dumugo ilong ko. kaka-english nila sakin. Si August Benedicto din, kung di tinodo English ni Arland Macasieb, mas matulin pa. Sabotage. Joke joke joke!
Sumunod na araw, Aug. 21. sinuportahan namin ang mga anak ng mga kaibigan namin sa Ironkids. Ang galing nila. Si Bambam Manglicmot at si Moniq Reyes. Fighter na fighter ang dalawang ito. Idol ko sila. Binigay nila ang kanilang todo.
Pagkatapos ng Ironkids, sinimulan na ang pag aayos ng gamit para sa karera. Iniisip ko narin ang mga strategy ko sa race. Ensayado ba ko? Kaya ko ba? Strategy ko: sa swim, pumunta sa bungad, itodo ko ng 100m tapos glide, focus sa boya ng hindi maligaw. easy lang sa bike. high cadence ng konti, para makatakbo ng maayos at hindi pulikatin kagaya ng last year. Ininom ko na ang aking agimat. Vitamin B1 and B2 para kontra pulikat. Tubig. Gatorade ng gatorade. Todo electrolytes. Feeling ko, handa ako. Pulikat lang talaga ang kalaban ko. Ayoko na mangyari uli yung last year. Nagdasal at natulog na nang maaga.
Race day na. Nung tinawag na ang wave namin sa swim start, pumunta na ko sa bungad. Pumwesto na ako sa harap ng mga taga Camsur. Pag ahon ko sa unang lake, easy jog lang dahil naisip ko last year na mabilis takbo ko papuntang kabilang lake, nahirapan ako ng sobra lumangoy sa pangalawang lake. Kaya ngayon, easy jog lang. Pag ahon mula sa pangalawang lake, nagulat ako na nasa 34 minutes ang oras ko. Na-bawasan ko ng 1 minute ang time ko last year.
Pagkuha ng bag, sinuot kona ang cycling shoes kong butas.
Easy jog to my bike. Inulit ulit ko sa utak ko yung strategy ko sa bike nang hindi ko makalimutan: wag itodo. easy lang. 10kilometers palang, marami na ko nalagpasan sa bike. lalo na mga foreigners, marami. feeling ko, napabilis ako pero pinapakiraman ko sarili ko, hindi naman. ayos lang. maganda pakiramdam ko. nung 20 kilometers na, napansin ko lumalaki yung grupong naghahabol sa akin. bago dumating sa u-turn, lahat ng makasalubong ko, inoorasan ko. neil catil 1 hr 7 minutes nung nakasalubong ko. pag dating ko sa u-turn, 1 hour 10 mins ako. ibig sabihin, mga 7 mins agwat niya sakin. U-turn na, iniisa isa ko ng inorasan yung mga age-group ko na kilala ko.
mga 50-55 kilometers, marami na ko nakasalubong na grupo. na feeling ko, drafting. sige parin ang padyak ko. ano pakialam ko sa kanila! sabay lingon sa likod. aba, hindi ata makatarungan to ah. mula’t sa pul hanggang 55k, yung grupo sa likuran ko steady lang andun parin at lalo silang dumami na feeling ko may ginagawang hindi kanais nais. so nagdecide ako na mag-bagal –mga 32-35kph–pinabayaan ko lumagpas sila. nung nakalagpas sila, tinignan ko speed nila. parehas kami ng speed kanina. tinignan ko kung makakalayo sila akin. umagwat ako ng tama, pero tinignan ko muna mga numero nila, baka may ka-age group ako na maka-silat. habang nasa likod, pinapanood ko sila. feeling ko, ako na yung draft buster. tinitignan ko kung sino nag ddraft at hindi. kung sampu sila, 2 lang ang hindi nagddraft. sa tagal kong pagiging siklista, alam ko kung sinong nagddraft at hindi. pag may dumadating na draft marshal, parang voltes V na naghihiwalay hiwalay tas pag lumalayo ang marshal, magbubuo ulit.
ay nako. tinitignan ko speed ko, bumabagal sa target average ko ang takbo ko dahil nga umaagwat ako sa kanila. tapos nag accelerate at bumwelo at pumunta na kong kanan, minaintain ko ng 40kph at nang nakita nila ako dumaan, itinodo rin nila na pumunta sa likod ko. isang bike lang lagi ang agwat nila sa akin. yoko na sila pansinin. babagal lang ako. pag may nakakasalubong kami na marshal, pupunta sila sa harap ko, ako tuloy napipituhan. ayoko mandaya at ayokong mapenalty. so buwelo ulit ng todo punta ulit sa kanan,, at inunahan ko uli sila. itinodo ko mga 45-48kph para bumaklas na sila at makita talaga kung sino malakas tapos last 10k napansin ko, isa nalang kasabay ko. pag bumebwelo siya, tama. pumupunta siya sa kanan. di siya nagddraft. Nakuha ko target time ko sa bike. di ako tumaas ng 2.20. eto nga pala bike na gamit ko. di pa bayad yan. salamat, gerard reyes sa frame at salamat sa gulong, czar manglicmot.
pag pasok sa CWC, sa transition area, nakita kong kakababa lang ni Ferdie Catabian. Di ako nagpanic. Bahala siya kung mauna siya o hindi. basta ang target ko ay wag maglakad. wag pulikatin. so di ko kinalimutan mga agimat ko, hydration belt, salt tablets at higit sa lahat, bengay at omega pain killer. nahulog ang bengay, binalikan ko. no way. di ko iiwan yun. tumakbo lang ng moderate… unang water station, lahat ng inabot sakin, ininom ko. pag daan ko dun sa kung saan ako pinulikat last year, ibang saya ang naramdaman ko. no sign of pulikat this year! pagdating sa u-turn, di ko na kaya tumakbo dahil paltos paltos paa ko. napaupo sa u-turn, nagtanggal ng sapatos. bente tao ang lumagpas sakin. suot ng sapataos takbo ulit. parang ang luwang yata ng sapatos ko….yun pala hawak hawak ko pa ang in-sole ng sapatos ko. di ko naibalik. ayun. tigil ulit. suot ng in-sole at sapatos. pag dating sa malaking lake, unti unti ko ng naabutan yung mga lumagpas sa akin. habang tumatakbo, nagchcheer ako sa mga nakakasalubong ko. nakakagaan ng pakiramdam ang chinicheer at nagchecheer. salamat, pinalakas niyo loob ko. nung first round, moderate lang ang takbo ko. second round ako magdadagdag.
sa second round, bago matapos ang malaking lake, nakasabay ko si piolo tumakbo. pilit ko siyang iniiwanan pero di ko magawa. ambilis ng lolo mo. pero pasalamat parin, feeling ko pogi na rin ako.
pag dating sa finish line, pasalamat kay lord, ngiti, sobrang saya ang naramdaman ko, di ko mapaniwalaan na ganun ang oras ko. masaya rin ako sinalubong ako ng anak ko. Nagpasalamat ako dahil maganda oras ko.
Pero nanghinayang kasi kaya ko pa i-push ang sarili ko. kayang kaya ko pa. natakot lang ako baka mahiga nanaman ako at manigas. target ko sana kasi 1.40 sa run. di ko nagawa. 1.57 plus oras ng run ko. next year. patay kung patay. NEXT YEAR, I’LL BE CRAZY ON THE RUN!
*salamat sa mga pictures nila Rachel Manglicmot, Tina Reyes, Joy Vargas (sa picture with piolo) at sa mga nag tag sakin sa facebook.


































sana maganda ang panahon