| CARVIEW |
Ano bang nangyare saken? Nagulat ako. Ang gaganda ng mga sinasabi ko dito, na parang di ko lubos maisip na naisulat ko un. Ewan ko ba. Nag ka amnesia ata talaga ako.
Nabasa ko sa isang post sa Facebook, nasa WordPress ang tunay na mga blogger. Napangiti ako. Blogger kasi ako dito. Teka, matatawag ko pa rin bang blogger ung sarili ko e di na nga ko active dito? Pwede siguro.
Bakit ako nagkaganto? Parang di ko na kayang mag sulat ulit ng mga ganong article. O dahil muntik ko ng talikuran ung pagsusulat? Nawalan ng gana kasi ala ng ispirasyon, o kaya naman dahil walang nangyayare sa mga sinusulat ko. Pero nung binasa ko ung mga comment sa dati kong post. Nasabi ko na, may nagbabasa ng mga sinusulat mo Nicki. Kahit papano. Kahit dalawa o isa. Mambabasa pa rin sila.
Babalik na ko dito sa WordPress, hindi dahil andito ang mga tunay na blogger kundi dahil dito ako nagsimula. Dito nahasa ang lapis ko. Dito ko natutunan na lahat ng sinasabi ng tao e galing sa puso at utak nila. At higit sa lahat, eto ang tahanan ko.
]]>Sabi nila, ang galing ko daw magbigay ng payo. Lagi akong may naiisip na solusyon. Lagi may sagot. Sa totoo lang, di ko naman laging sinasadya na magbigay ng payo, ang akin lang.. andito ako para makinig sa problema mo.. nasasayo na kung susundin mo ung sinabi ko. Minsan kasi, di naman kailangan ng isang taong may problema ng taga payo, kadalasan.. kailangan lang nila ng makikinig sa kanila.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako magaling magpayo.. akala lang nila ‘yun kasi wala silang ibang nakakausap. Lagi lang ako. Kung magaling ako magpayo edi sana kaya kong payuhan ung sarili ko. Pero, pansin nyo.. ung mahilig magbigay ng payo.. sila ung hindi kayang payuhan ung sarili. Kasi nga naman, alam mong hindi mo magagawa ung mga sinasabi mo. Wag mong gawin yan.. itigil mo yan.. blah. blah. blah..
Ganito siguro talaga ang buhay. Hindi sa nagrereklamo akong Single ako. Gusto ko lang sabihin na.. Hindi lahat ng magaling magpayo sa Love. E merong Lovelife. Ü
]]>ikwento lahat ng kalokohan..
ung tipong.. siya ung diary mo..
andyan siya palagi.. di ka iniiwan kahit gaano ka kagago.
tawang tawa siya sa mga joke mo kahit na parehas niyong alam na korny..
sabihan siya ng iloveyou na parang wala lang..
makatanggap ng text niya pagkatapos ng group message niya..
kantahan kapag walang mapag usapan..
magkwento about sa feelings mo para sa isang tao..
sabihin kung gaano mo kagusto ung crush mo..
pero, di ko pa nattry ung sabihin sa kanya na “ui! lahat un para sa’yo”
kasi natatakot ako. natatakot na iwan niya ako. na iwasan niya ako.
kaya kahit ganito lang kame. masaya na ko. alam kong andyan siya lage para sa’kin. at ganun din ako sa kanya.
lage kong sinasabi na “He was a shot of life.”
maswerte na ko na naparamdam at napakita kong mahalaga siya sa’kin. bonus nang maramdaman ko na importante din ako sakanya. pero sa totoo lang. kahit wala ng bonus. 
alam kong alam mo na miss na kita.
at parehas tayong alang magawa dun.
ikaw naman kasi.
mahina sa temptasyon.
mahina sa mga tukso.
yan tuloy.
kahit na gustong gusto na natin maging tayo eh hindi pwede dahil nga nanlandi ka ng iba.
at di mo naantay ang OO ko.
hmmm.
sabagay ala namang nagbago.
daig pa nga natin ung may relasyon.
daig pa natin ung palaging magkasama.
di ko akalain na mamimiss mo ung mga text ko s gabi.
kala ko kasi di mo iniitindi.
nawindang pa ko na nagalit ka kanina.
pero. iloveyou pa rin! :))
iloveyou kahit habit mo na mang away sa gabi.
iloveyou kahit na mahilig ka sa atay.
iloveyou kahit na lagi mo siyang kasama.
at iloveyou kahit taken ka! :))
ui.pst!
batang mahilig mag hmp.
at mag tanong kung ganito ba talaga ako.
iloveyou po!
still,
Eclavu.
Ilang araw na 0 linggo ang nakalipas… wala pa rin nagbago, mahal pa rin kita, at di na magbabago ‘yun… alam ko naka move on ka na, ayokong magsinungaling at alam kong alam mo na inaantay ko pa rin yung pagbalik mo… din a nga siguro mangyayari un at malabo na mangyari un…
Para akong timang, ako naman nakipagbreak tap0s ako ung nagkakaganito… di lumilipas ang araw na di ko nababanggit ung “Jeric Da Pugz” masaya kana siguro ngayon, ayoko ng paniwalaan na maiyak iyak ka daw, kahit nga reply na thank you wala akong nareceive iih… ganyan ka nga siguro, mataas ang pride, walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao…
Di ako galet sa’yo, ala den akong regret… s0bra s0bra naman siguro ung naibigay k0 sau di’ba??? Ganon nga lang siguro kabilis ang lahat para sa’yo… it’s just a whisked by a powerful map of fingers…
Matagal tayong magkakahiwalay, pero di habang buhay… makikita pa rin kita, maniwala ka… mababatukan pa rin kita, makakapagbasa pa rin ako ng quotes sa phone mo, makakapag lunch pa rin tayo ng sabay… alam mo kung baket? Kasi sabi mo nung una natin break up (February 10, 2010), “bestfriend tayo…” kaya ngayon, bestfriends na tayo, walang bawian ha, bez?
Tama ka talaga, mas ok pa nung hindi tayo, nakikitext ka para itext ako… nagmemessage ka sa FB ko kasi namimiss mo ko… pero ngayon, parang din a tayo magkakilala… para bang di mo na kilala ung pinapagalitan mo dati kasi gabi na nasa sh0p pa… kasi lasing na, lakad pa ng lakad… namimiss na kita bhie, s0bra… sorry na ha…
Time heals and reveals…
Still,
Nicole
]]>Kung ang puso mo’y pag-aari pa rin ng iba.
Paano kita aagawin sa kanya?
Kung hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalik siya.
Paano mo malalaman nandito ako palagi para sa’yo?
Kung hanggang ngaun siya pa rin ang lagging laman ng isip mo.
Paano ka muling sasaya?
Kung ayaw mong pagbigyan ang puso mong magmahal muli ng iba.
Paano kita mapapaligaya?
Kung siya lamang at wala ng iba ang gusto mong makasama.
Paano ko ba maiibsan ang kalungkutang iyong nadarama?
Kung sa puso’t isipan mo siya lamang ang tanging alam mong makakapagbalik ng dati mong sigla.
Hanggang kailan ko pa kayang tiisin ‘to.
Dapat pa bang ipagpatuloy ito o ipagpaliban na lang.
Labis man akong nasasaktan.
Patuloy pa rin akong maghihintay.
Hanggang sa dumating ang isang araw.
Pag gising mo ako na ang iyong mahal.
]]>