
Noong Biyernes ng umaga, nakatanggap ako ng maliit na package. Akala ko kung pera pero ang laman pala’y 100 Evan Taubenfeld Free Stickers. Sumali ako dati kasi madali lang naman at gusto kong maranasan na makatanggap ng libre by mail. Mag-eemail lang naman kasama ang forum username, full name, address, telephone, etc. Bilang isang taong kakagawa lang ng forum username sa time na iyon, maswerte na ako.
Remember to tag your city and give stickers to your friends!
Tag ko iyong city ko? Noong una, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin nun at ang nasa isip ko ay iyong tag na ginagawa sa mga pictures sa Facebook. Iyon pala, ididikit ko lang sa paligid-ligid.
Napili pala iyong mga winners base sa kung sino iyong mga unang natanggap. Congrats sa akin at sa mga iba pang 199 na nanalo.



Kita mo ako?