Tanaw sa Panginorin
Inaapuhap natin sa mga bituin
ang kasagutan sa malaon nang bugtong
niyaring ating mga buhay,
hinggil sa pag-iral sa mundong ibabaw.
Tinalunton natin ang daan ng mga tala
habang sinundan kung saan lalapag
ang mga kometang dumaraan lamang–
mga estrangherong umibis sa lansangan
isang hapon ng tag-araw. 10




