Pag tinamaan ka nga naman ng topak. PAK talaga! Kahapon isang napaka-Boring na araw para saken at para sa aking katrabaho. Panu di kame nag uusap. Ewan ko ba, siguro sa sobrang inis ko sa aming boss pati sya nadamay sa tindi ng topak ko. Di ko lang trip makipag usap ng bongga kahapon.
Kawindang lang talaga ang boss namen. HAHA! uber magparamdam na may peyborit sya samen. KALOKA lang talaga. Hindi naman ako naghahangad ng malaking sweldo. Kasi kaya ko lang naman pinasok ang trabaho ko para lang may experience na ko. At oo! nadama ko talaga ang hirap ng buhay simula nung nag work ako. Mahirap pala ang magtrabaho lalo na pag alam mong indi sapat ang sweldo na matatanggap mo. BTW, ayun na nga. Yung epal kasi naming boss me peborit! haha!
Sya yung isa sa katrabaho ko, actually bestfriend ko sya. 😦 Hindi naman ako naiinggit sa kanya or what. Pero minsan talaga para na rin syang nagiging boss samen. Di ko alam kung napapansin nya ba yun o hindi. Pero ang daming nakakapansin na minsan may asta talaga sya na hindi maganda. Inaasahan ko pa naman na magiging matured na ang super isip bata kong bestfriend. Kaso wala pa rin pala.
Di ko na rin maintindihan tong sinusulat ko. Pero marami akong gustong sabihin sa mga oras na to. PAKYU KA SIR! haha Ang sama ko na talaga. Pero kung alam nyo lang talaga. Hays! Sige alis na nga ako. </3
~jenista