Ako
Ako si Leah.
Ako ay anak nina Leonardo at Linda Sayomac. Ang palayaw ko ay Nene. Meron akong dalawang kapatid na lalaki.. sina Leo Paulo at John Carlo. Ako ang bunso at ang nag-iisang babae.
Madalas akong tawagin na isang “spoiled brat” dahil sa ako ang bunso sa aming magkakapatid. Hindi ko naman itinatanggi na spoiled brat ako.. minsan. Pero syempre, marunong din naman akong tumanggap ng mga rejections. Ako ay kasalukuyang nakatira sa Miag-ao, Iloilo. Ako na rin ang nagpapalakad ng aming munting negosyo. Hindi kalakihan ang kita pero mas okay na yun kesa sa walang tinatanggap kada buwan.
Mahilig ako sa mga aso. Sa katunayan nga, meron akong limang alagang aso. Ang tatlo (sina Coke, Rich at Pandabear) ay nasa bahay ng aking mga magulang. Ang dalawa naman (sina Teddybear at Pokeybear) ay kasama ko dito sa bahay. Mahilig din ako sa photography. Nakakahiligan kong kumuha ng iba’t ibang pictures gamit ang aking Sony Cybershot. Gusto ko sanang magkaroon ng isang DSLR Nikon/Canon camera.. pero hindi pa sigurong ngayon ang tamang panahon. Mahilig rin akong manood ng mga pelikula. Kaso nga lang, hindi ako mahilig sa mga pelikulang Pilipino. Kadalasan kasi, parang pare-pareho na ang tema ng pelikula. Mas gusto kong panoorin ang mga international movies, lalo na kapag animated films o dili kaya’y gawa ng DISNEY.
Komplikado akong tao. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Hindi ko lang din alam kung bakit…..


Leave a comment