Blogging once again

It’s been years since I stopped blogging. Few things made me stopped: time, time and time. And before the Ramadan days gets over, I decided to just make one this time. I’m not sure when is the next blog will come out, but let me finish this one first.

We just came from our vacay in the Phils. I say, I had the best vacay ever, had sooo much time relaxing & resting, along with my brother who is also on his vacation till these days. And though, it was a 26-day holiday, i still felt it was so short (as always)

Two days after we landed UAE, I had an appointment with an OB. I requested the date after my vacay, so that I can enjoy the vacay just in case the result does not come out fine hehe.

The initial findings are suggesting a not-so-good situation but of course I am praying and hoping for the best as I have a child to take care of. I have on-going series of tests, and result may come after a month, once all the tests are over. I am given a pill too right now, which I have to take for 21days. I am quite scared but trying not to.

God be with me and my family.

crying heart

I couldn’t sleep last night, I was again crying in silence. I know this may take time, perhaps forever. I know this may haunt me during night time, a time when everything around me is in mum.I am not really sure if I want this, but for once let me just give in to what others want me to do. I love Mama, i love my brothers, i love ur ading and i love you, and at this point I want to listen to the majority. I know its moot to blame you now, and its late for us to do something pa, everything fell out of my hands na, all i can do now is wait..pray & wait…think of you and wait… yes, my heart is crying out for you, but i know it will  also be the same if I still hold on to what I really want…like before…for now, let me make them all happy….it may sound ironic, because i know deep within their hearts they feel bad too, but as they say, life has to go on… whatever life offers us, we have to face it….not appealing as it may seem, lets just pray that something good may happen…still….of course!

 

you are always in my thoughts..my heart longs for you…my heart cries for you…i love u kid!

nakakalitong christmas 2011

Dec 8 nung umalis ka, at hindi ka na bumalik mula nun. Naiinis ako sau, pero sa kaibuturan ng puso ko,andun andun lahat ng pagmamahal,  takot, pag aalala, pag asa, kawalan ng pag asa…..magulong emotions…Ilang oras na lang pasko na, at lalong nadurog ang puso ko nang makausap kita at iyak ka ng iyak. Alam mo ba yung feeling ko na gusto kitag yakapin at iparamdam sa u na andito ako at mahal na mahal kita, at sana naman makapag isip ka na ng maayos., yung ang nararamdaman ko ngayon.Masyadong magulo ang utak mo anak ko at nalulungkot ako ng sobra, na gusto kitang itama, gusto kitang tulungan sa hirap mo, sa pagkalito mo, pero anlayo layo ko, i feel so helpless.. at hindi ko na talaga alam kung ano pa ang gagawin ko….nalilito na din ako 😦

my heart is broken……….

Maisip ko lang na magpapasko na naman, d ko mapigilang bilangin ang mga paskong absent ako sa pinas, akalain moung its been 6 na pasko na pala. At dahil malamig lamig na these days, d rin mapigilang maging low ang feeling mo paminsan minsan, dumadagdag pa ang problema sa bahay at sa aking anak. Napakadamot mo anak ko, ni hindi mo man lang ako naiisip sa lahat ng mga ginagawa mo. pero ganun pa man, i will try my best to accept things as they are, hurt as I am now, pagbibigyan kita. Sana lang wag dumating yung time na marealize mo ang tama jung kelan huli na. Whatever you’re up to, I can only pray hard for your safeety and hapiness and peace of mind. I am  so disaapointed sa nangyayari. Gusto kong magalit sa inyo for giving up on each other but sometimes, siguro nga its one thing that I have to accept, na kailangan mo/nio ng space, its really too bad lang, that u have to give up something na napaka essential sa buhay. I am so disturbed, but i know  I  need to accept things as they come. Ganun lang naman ang buhay. u get some, u lose some, thats the way life plays.

I’m sad….

missing my brothers

My brother is set for vacation sa pinas this month. and I feel sad that I am not be able to see him this time..again! Been 5yrs since we had seen each other, when we were so lucky enough to have chance to be together, and that too was barely a week (but much better than meeting my other brother last June, for only 2days!).

I was just thinking, alam ko naman na its not happening only to me eh, kahit naman mga magkakapatid na pare parehong nasa Pilipinas na nasa magkakaibang lugar, on occasions na lang din magkita. You feel sad din sometimes. Minsan kasi me mga times na binabalikan mo yun buhay nio dati, nung mga bata pa kayo, ang hirap hirap financially, pero ansaya lang, at bawat kasiyahan, anjan lang sia laging maalala mo, and sometimes u wish na sana lang e magkasama sama naman kayo…madalas..kung hindi man parati….

Akala ko dati, dahil babae ako, emotional, ako lang yung nakakaalala at napapangiti pag inaalala ang kabataan, I was wrong. Kahit din pala mga kapatid ko, nakwekwento kasi ng asawa nila, lalo pag lasing, iisa ang kwento …naalala nila ang pamilya.. ang papa ko..ang mama ko…ang buhay naming magkakapatid….

Namimiss ko ang mga kapatid ko.. Nalulungkot ako dahil hindi kami magkakasama…..nalulungkot ako dahil pakiramdam ko hindi ko nasusuportahan ang bunso namin sa mga problema nia….. i just hope and pray na makaya nia ang lahat.. I miss them both..

planning the plan!

Longterm plan.

Parang wala ata kaming mag-asawa neto. Parang hindi namin napag uusapan to. Isang linggo ko nang naiisip na ano nga bang gusto kong mangyari in the next 5yrs or so. Naiisip ko lang, dapat ata mag set kami ng plans, in B & W,  na me kasamang timelines, deadlines… para hindi kami makapandaya (sa mga sarili namin), para mas merong dahilan para magpursige, at kumilos/magdecide ng mga bagay bagay. (at hindi un puro na lang bahala na). Mas maganda at parang mas exciting atang gumising araw araw na alam mo kung ano yung gusto mo talaga. me direksyon. Meron kang batayan sa ga decisions mo, at ang approach mo sa buhay ay ayon sa kung  gusto mo talaga sa buhay mo. And not merely deciding using your emotions (dito kasi ako panalo eh)

Short term plans.

Syempre you will most likely succeed in your long term plan pag meron ka din short term plans, na magcoconstitute ng kung ano ba ang gusto mo talaga in the long run. Me malinaw na perspective sa buhay, naka-align ang mga gusto nio kumbaga.

Naguguluhan lang talaga ako sa buhay namin. wala talagang plano. Me gusto kami, pero hindi expressed kung pano to masasakatuparan. Me gagawin kami, minsan big event na, pero palaging sagad sa oras kung magplano, sa sobrang sagad sa oras, ni hindi mo na masabing plano yun, kasi right there and then eh “in action” ka na pala. Haaay!

Napapaisip na ako talaga, outside the box!

missing u papa

Naeengot na naman ako d2, 8pm na ala pa ang sundo ko. Wala akong magawa na kaya ko naisipang magpatugtog, at napagtripan kong magpatugtog ng ilocano songs. Isang pagkakamali dahil naalala ko bigla ang aking papa at mama. Miss na miss ko na ang Papa ko, naiisip ko lang siguro ang gaang gaang gaang ng buhay kung andito lang sia at kung nabubuhay lang sia. Eh di sana me kasama ang Mama ngayon na naghihirap mag alaga ng mga anak ko. Namimiss ko yung mga panahong kalong kalong mo ako kahit maanda na ako at inaakap lalo na pag me magandang balita ako madalas from school.Yung ramdam na ramdam ko na kahit gano kahirap ang buhay natin, alam kong masayang masaya ka, kayo ng Mama. Sana anjan ka lang na masasabihan ko kung me masama akong nararamdaman o masama ang loob ko. Miss na miss na kita. At ramdam ko kung gano ka mas namiss ni Mama. Nung dinalaw kita, d ko maipaliwanag kung gano yung pagkamiss ko sau, ang sakit sakit pa rin hanggang ngayon. Andami kong pinangarap para sa u. Kasi nga maaga kang nagkasakit, akala ko pag nakatapos akong mag aral, makakatulong na ako sau, kaso nawala ka na agad sa buhay namin, bago pa maging maayos ang lahat, sana lang nakita mo man lang kaming nakatapos, sure u will be proud na sa kabila ng kapayakan ng buhay natin, nakayanan naming magtapos lahat ng pag aaral. Sana nakita mo ring magsimula kami ng kanya kanyang pamilya. MInsan napapaisip ako, to si Lord nakita naman niang kahit hirap kami, kahit madalas ala kaming pera hindi naman ganun kamiserable ang buhay namin, siguro dahil nung mga panahong un e nagkakasya kami sa akung anuman ang meron, at walang pag masyadong mga gustong wala namang kwenta. Kahit na antagal tagal mo nang  wala sa amin, andun pa rin yung sakit sa tuwing maalala kita, nakakapanikip ng dibdib. Sana lang andito ka Pa.  Parang kahit gano kahirap magtrabaho sa malayo,  alam kong mapapagaan mo lahat lahat by just listening to my stories. I feel so lucky to have u as my father. Love you. And im missing you so much….

hapy bday baby ko

Maayos naman akong gumising kaninang umaga, Masaya pa nga. Ewan ba’t naiba bigla ngayon. Bigla kong naisip ang anak ko. At naisip ko kung ano yung namimiss ko  (na naman). Bigla akong nagtago sa banyo, para tahimik na umiyak ng umiyak ng umiyak. Hindi ata talaga ako masasanay kahit kelan.. Nakakalimang bday na ang anak ko, isang beses pa lang yung magkasama kami. Pero sa isang yun, sinigurado ko naman na super nag enjoy sia..at syempre kami din ng daddy nia…

 

Bday wish ko sa anak ko? Sana lumaki sia ng maayos, in our physical absence. Pag maayos ka kasing napalaki lahat will follow.

 

Namimiss kita ng madaming madami anak. Namimiss ko ang pagkiss mo sa akin na me tunog pa “maah”, namimiss ko yung lagi kang nakabuntot/nakasunod sa akin, namimiss ko yung madami mong tanong tanong, namimiss ko yung panay ka pabili ng “chaka toys” sa palengke, namimiss ko yung maya maya mong pag-ungot ng food, namimiss kong ipagtimpla ka ng dongdong, namimiss ko yung kaharutan mo pag binibihisan ko, at higit sa lahat ang mga kwento mong todo action ka pa…. love u anak… suerte ng mommy at daddy nakahirit pa kami ng baby ke Lord… Sana sa sunod na bday mo magkasama na tayo… in the meantime, sa net lang muna tayo anak… more than enough for now..

 

missed communication

Feeling terribly bad for someone who has been consistently ignoring my woes on one particular thing. Last night is a real mess. Really don’t know where to stand. You try to be open and you will end up in trouble. Para bang wala ka nang karapatang umaray, anyway nag eenjoy naman sia. Para bang dapat umintindi ka na lang ng umintindi para wala na lang gulo. Parang unfair. Ikaw iintindi, eh sa akin sino mag iintindi? Ok na sana yung makinig ka at mag isip baka din meron kang mali o baka din meron kang dapat gawin, compromise ba, pero sasabay ka pa ng mga nasty na mga lines. If last night ok ok pa ako, ngayon ko naiiisip ang mga salitang binitawan mo, ngayon nag sisink-in yung bigat ng mga sinabi mo. Mean!

“Always make your words soft and sweet just in case you might eat them”. Funny.