Tapos na ang eleksyon at marami parin ang hindi maka-move on sa resulta. May mga kandidatong di mo inakalang mananalo kasi di raw deserving na manalo sila, may mga bet ka namang manalo pero yun natalo, anyways that’s democracy, sila ang pinili ng taong bayan para maluklok sa pwestong yan at wala na tayong magagawa. Sa kabila nang batikos (mostly kabataan) sa social media sites ay nawala ang pagkadismaya ko sa resulta ng eleksyon sa mga larawang pumukaw ng aking atensyon. Here are some of the funny meme’s I saw on fb and twitter:



The Nancy Binay’s Meme. Sikat na ‘tong si Ms. Nancy Binay bago pa lang ang election, naungkat ang di niya raw pagdalo sa mga public debates, ang pagtakbo niya sa mataas na posisyon sa kabila ng wala kulang na karanasan sa politika, at sa mga pahayag ni Vice Ganda sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ng batikos ay hindi parin nagpa-apekto itong binansagan nilang Blacksmith at pumasok parin sa Magic 12 ng senado at akalain mong nakapasok pa sa top 5. Nakakatuwang isipin na pilit nilang dinidiin si Nancy Binay bagamat hindi lang siya ang may kulang na kaalaman sa politika, nahahanay sa pangalan niya sina Grace Poe, Bam Aquino at Cynthia Villar pero nakakapagtatakang trip ng taong bayan na pagkatuwaan itong si Binay. Siguro dahil sa kulay nitong ang bilis mapansin? Hindi ko lang alam.
The hashtag #IpasokSiDick

This hasthag caught my attention on Twitter. Unfortunately, the Red Cross guy Dick Gordon landed on the 13th spot in the senatorial race. Maraming supporters itong si Dick Gordon at isa na ako ‘dun dahil sa leadership skills nito pero nakakalugkot na hindi siya umabot sa Magic 12 ng senado.
“It’s all about performance. #ipasoksidick #Erection2013 #Halayan” Literal na nagtrend ito at sinang-ayunan naman ng mga malilikhaing isip ng mga pinoy. Nakakalokong-nakakatawa, basta sa kalokohan magaling talaga ang pinoy pero may good side rin ang pagtrend nito sa mga supporters ni Gordon.

The Asiong Salonga-Dirty Harry Battle
Isa ang laban nina Mayor Alfredo Lim at Former President Joseph Estrada para sa pagka-alkalde ng Maynila ang inabangan at sinuportahan ko ngayong eleksyon. I’m a big fan of Mayor Lim, in fact Lolo Lim pa ang tawag naming magka-classmate sa kanya. Eversince ayoko naman talaga dito kay Erap eh, una hindi ako panatag na siya ang uupo sa pwesto bilang Mayor ng kapitolyo ng bansa at pangalawa, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ngongo siya o lasheeeng lang pag nagsasalita basta choppy.
Nanalo si Erap sa botong 342,254 votes while Lim got 307,291 base sa 97.5% of vote na nabilang. Ikinalungkot ko ito pero wala namang magagawa ang pagrereklamo ko. Malaki ang utang na loob ko kay Mayor Lim kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako ga-graduate ng walang tuition at miscellaneous fees na binabayaran, maski singkong-butas ay hindi sa amin hiningi. Pero sabi nga ng kaibigan ko, the best way to do right now is to pray for the new elected persons sa aming lungsod.


Sa kabila ng lahat ng mga naganap ngayong eleksyon, sa pagloloko ng mga PCOS machines na ikinumpara ng iba sa cd-r king na puros topakin ang mga supply, sa kakulangan ng indelible ink at pagkaubos ng tinta ng mga panulat, sa mga bigong nanalo tulad ng mga manok kong sila Hontiveros, Hagedorn, Gordon, Bro. Villanueva, Casino, at ni Lolo Lim, sa kaunting brownout na naganap, sa mga armas na nakumpiska sa kabila ng gun ban, at marami pang iba.

Masasabi kong naging maayos at organisado ang eleksyon ngayong taon at inaasahan ko pang mas magiging high-tech ang eleksyon sa mga susunod na taon, tulad ng touch screen style na botohan, pwede ring online voting or sa text na mismo para mas lalong maging interactive sa nakakarami, anong malay natin? Muli, congrats sa lahat ng nanalo nawa’y magampanan ninyo ng maayos ang mga nakapatong na tungkulin sa inyong mga balikat.
Ang mga larawan ay nakuha sa iba’t ibang social media sites.