| CARVIEW |
Nagulat ang mga tao. Nagtakbuhan ang lahat sa takot. Hindi ako makakilos, parang tumigil ang mundo ko bigla. Nakatayo ako sa gitna ng palengke habang nagtatakbuhan ang lahat. Hindi ko malaman ang gagawin. Natauhan lang ako sa iyak ng isang bata. Dali-dali akong lumapit para hatakin ang bata papunta sa ligtas na lugar. Pero saan ng ba ang ligtas na lugar?Malapit na ko sa bata ng bigla na lang itong kunin ng isa pang batang babae. Napanatag ako para sa bata ng marinig kong tawagin niya itong ate.
Pero bigla na lang akong napatingin sa bubong. Sobrang takot ang bumalot sa aking katauhan . Totoo ba itong nakikita kong ito o isang imahinasyon lang? Unti-unting tinutuklap ng buhawi ang bubong ng palengke.
Kinalma ko ang sarili ko. Takbo lakad akong pumunta sa gilid ng palengke gaya ng ginawa ng iba. Umiiyak ang iba, nagdarasal, humihingi ng tulong, hindi alam kung anong gagawin. Nagkakagulo pa din, sumisigaw ang mga bata sa takot.Natatakot ako, paano ko tangayin ako? Hindi ‘to kasama sa plano pero anong magagawa ko. Bahala na, ipinapasaDiyos ko na lang ang lahat. Tinawagan ko ang mommy ko, ikwinento ang kasalukuyang nangyayari. Kahit paano ay napanatag ako. At hinintay kung anong susunod na mangyayari.
Kitang-kita nang lahat kung paano tangayin ang matibay na bubong ng palengke. At unti-unti’y nagliwanag ang kalangitan. Wala na ang bubong, wala na rin ang iba pang bagay na natangay sa pagdaan ng buhawi. Lumiwanag na ang paligid. Kalmado na ang lahat. Pauwi na ang iba at nakikiusyoso naman ang iba.
At ako, naglakad ng naglakad. Medyo tulala pa sa nangyari. Hanggang nakakita ng masasakyan pauwi. Nagdasal ng taimtim at nagpasalamat sa Diyos. Masaya na at panatag dahil walang nasaktan sa nangyari.
Sa sasakyanm ay tahimik pa din ako. Si manong driver ang bangkero ng usapan. Biruuin mong pati pala mga trickle ay muntik ng tangayin. Ang nakakatawa pa sa kwento niya ay yung isang plastik ng gulay na pumasok sa sasakyan niya. Tuwang-tuwa at may ulam na siya. Basta ak, nagpapasalamat at naka-uwi ako ng ligtas.
Talaga nga namang nakakatakot. Hindi mo alam kung mabubuhay ka pa o hindi. Walang nakakaalam kung hanggang kelan nakatapak ang ang mga paa mo sa lupa at humihinga. Kaya gawin mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Samantalahin hanggat buhay ka pa. Hindi lahat ng tao ng tao ay kaya pang gawin ang mga nais nila. Kaya ano pang ginagawa mo?
Nasaan na nga ba tayo paglipas ng dalawampung taon? Unti-unti na tayong dinodomina ng teknolohiya. Kung baga cyber world na ang tawag.
Nag-umpisa ang pagdomina ng teknolohiya noong panahong nauso ang mga computer at cellphone… may pinsan nga ako..8 years old pa lang sya..hasler na sya sa mga larong counter strike, Y8 at iba pang video and computer games na uso ngayon. Mayroon na rin syang sariling facebook..nakikipag agawan na sya sa amin sa pag gamit sa computer.. naalala ko tuloy noong kabataan namin, ang mga usong laro pa na madalas naming laruin ay patintero, harangang taga, piko..pati na rin ang chinese garter at jockstones. At kung maliwanag ang buwan, madalas kaming maglaro ng taguan..pagkatapos ay nagkakatakutan. Napalitan na nga ang uso. Hindi ko na nakikitang nagpapawis ang pinsan ko sa pakikipaghabulan sa mga batang ka edad nya…ngayon, nakikipagbarilan na sya sa mga kalaro nya sa loob ng computer. nagpapasabog ng mga granada at gumagamit ng iba’t ibang klase ng baril.
Nawalan na rin ng silbi ang mga post office..sabagay, mas napabilis naman ng e-mail ang pagpapadala ng sulat..isang click lang, presto! Natanggap na ng ang letter mo. Yun nga lang, nawalan ng trabaho ang mga postman dahil wala ng interesadong magpadala ng sulat.
Nag evolve na rin ang e-mail sa YM. Makakapag usap kayo ng hindi kayo nagkikita. Chat-chat na lang kumbaga. Doon mas lumawak ang pakikipag boyfriend sa mga foreigner through chat.
Pataais pa natin ng kaunti, mula sa chat na nag uusap, ngayon pwede mo ng makita at marinig ang boses ng kausap mo kahit nasa magkabilang panig pa kayo ng mundo. Uso na kasi ngayon ang webcam. Parang ganyan ang set up ng mga pilipinong mga kapamilya abroad. Tulad ng tito ko, nasusubaybayan nya sina tita dahil 3 beses sa isang araw sila kung mag usap ng naka webcam. Nauso tuloy ang cybersex.
Mula sa hichtech na mga gamit, mapunta naman tayo sa dati ay pangarap ko lang..nabubuhay sa imahinasyon ko dala na rin ng mga napapanuod ko sa tv. Nagsimula ko silang makita sa isang batang lumilipad habang nagliligtas ng buhay..hanep ang batang ito, ipinagdiriwang pa ang birthday nya.. sikat sikat.. pati na rin ng limang sasakyang lumilipad at nag vo-volt in, upang kalabanin ang mga monsters na nagsusulputan upang manakot.. kabisado ko pa nga dati ang theme song nila. ngayon, totoong totoo na talaga sila. Minsan nga napanuod ko sa tv na may isang dinesenyo pa para maging kasambahay. May ibang pang office ang dating at may isa na receptionist. .hindi kaya dumating sa puntong puro sila na lang ang gagawa ng mga bagay na dati ay tayo ang gumagawa.? Parang yung napanuod kong movie ng isang black american na nakikipaglaban sa isang batalyong robot dahil sinasakop na nito ang buong amerika. Minsan nga naisip ko, baka nga magkatotoo na ang isang scifi movie na pinanuod ko na nakatulugan ko ata, yung lalake na in-love sa isang babaeng robot…malaki nga yata ang posibilidad noon dahil sa ngayon, may mga lifesize robot na ang purpose ay para sa sexual arousal ng mga tao..
Dahil nga masyado ng high tech ang mundo, hindi maiwasang pati tayo ay gumaya na. tulad ng hightech na eleksyon..automated na kung baga.. ipapasok mo lang sa machine presto na-count na ang boto mo..
Sa dinami-dami ng mga naiimbentong makabagong teknolohiya ngayon, hindi ko maiwasang mag isip kung ano pa kaya ang wala? Kung ano pa kaya ang maiisip gawin ng tao? Minsan nga sabi ng prof ko, may naimbento na raw na kumo-control sa weather natin.. kaya nilang magkaroon ng bagyo.. ng buhawi.. parang naniniwala na nga ako..hindi ba’t sabi noon sa lumubog na MV princess of the stars ay bumalik daw ang bagyo na impusible namang mangyari kaya ito lumubog? Ewan ko na lang.. Bakit hindi na lang sila gumawa ng isa pang ozone layer para naman mawala ng global warming, at ng lumamig lamig na dito sa pinas..o on the process na sila?…
H’wag mo akong tirisin
ni wag laruin.
Hindi! Hindi makabubuti
sa mukha mong makinis.
H’wag mo akong pigain.
Lalabas ang naknak na
maaari mong sumpain para
sa pangarap mong maging beauty queen.
Ako pa ang iyong sisisihin.
Lilipas. Iimpis. Maghihilom.
Subalit sa di sinasadyang pagkakataon,
nakukutkot mo ako nang
wala sa loob.
]]>











