| CARVIEW |
Litpower
Kalinangan ng Literatura at Paglikha Incorporated
Filipino Literary Division (FLD)
Ang Bulacan ay isa lamang sa mga lalawigan sa buong Pilipinas na pinagmumulan ng mga de kalibreng manunulat kaya naman ang Bulacan State University ay bumubuo ng mga programa na hindi lamang may kinalaman sa Inhinyera at Teknolohiya maging sa larangan ng sining at pagsulat.
Taong 2007 ng pormal na inilunsad ang FLD bilang isa sa tatlong dibisyon ng IAL Talent Center. Ang pamunuan ay kinabibilangan ni Gladdy Emilia bilang Pangulo, Ana Carlota Castillo bilang Pang. Pangulo, Emmanuel Pastolero bilang Kalihim, Reygee De Vera bilang Ingat-yaman, Eilleen Mendoza, Beverly Valencia, Dianne Suzette David bilang mga Kinatawan at sina Lalaine Bonifacio, Cristina Camille Cruz, Bianca Camille Apostol bilang mga komite. Si G. Edel Larin ang itinalaga bilang Tagapayo ng dibisyon.
Bagama’t nasa unang taon ng pag-oorganisa ang pamunuan ng FLD ay kaagad na nakapaglunsad ng mga gawain at proyekto na may kinalaman sa malikhaing pagsulat at panitikan. Naisagawa ang Pambansang Seminar-Worksyap ang “TELEPANITIK- Panitikang Mula sa Tao Para sa Tao” na dinaluhan ng iba’t ibang mga unibersidad sa bawat rehiyon.
Sa pagpasok ng ikalawang semestre ng 2007 naglunsad ang FLD ng isang Seminar-orientation, na may temang “Valuing the Writers Creative Mind by Protecting His Rights” naimbitang tagapagsalita si Atty. Edmund Jason Baranda (UP Diliman, College of Law, Alumni) ng Villaraza Law Firm na dinaluhan ng mga book writer, faculty writer at mga student writers ng pamantasan. Layunin ng programa na makapagbigay ng oryentasyon tungkol sa isyu ng Karapatang Pagmamay-aring Intelektuwal (Intelectual Property Rights) sa kasalukuyan. Ito ay bilang pakikiisa ng organisasyon sa pagdiriwang ng International Intellectual Property Month (Nobyembre).
Bukod pa sa 2 nabanggit na proyekto ay regular na nagsasagawa ang FLD ng buwanan nitong Literary Nights (isa itong literary exercise na pinasimulan ng organisasyon kung saan ang bawat kasapi ay nagtatanghal ng kanilang mga akda). Isinasagawa ito upang patuloy na mabuhay ang interes ng mga mag-aaral at guro sa malikhaing pagsulat at panitikan.
Sa kasalukuyan umiikot sa bawat baranggay sa lalawigan ng Bulacan ang mga manunulat at Tagapayo ng FLD upang makapagbigay ng inisyal na pagsasanay sa malikhaing pagsulat at oryentasyon sa panitikan. Layunin din ng gawaing ito na makapangalap ng mga kabataan at indibidwal na manunulat na maaaring makapagbigay ng kontribusyon sa ilulunsad na literary folio na may titulong “DITO SA AMIN, ang kuwento ng mga kuwentong hindi pa nakuwento”.
Sa kabuuan ay naging mabunga ang unang taon ng FLD at makakaasang sa mga susunod pang panahon ay patuloy na mangunguna ang organisasyon sa buong Bulacan upang ipromote ang literatura at pagsusulat sa bawat isang potensyal na manunulat na bulakenyo.
5 Responses to “Filipino Literary Division (FLD)”
Leave a comment Cancel reply
KALIPI Filipino Literary Division (KFLD)
Categories
Recent Comments
- aironcprs on Mga Tula Ni Efraim
- Donell on Mga Tula Ni Efraim
- Marvin Zapata on Mga Tula Ni Efraim
- Albert Viray on speech
- RMBDJ on Minsan Ako Si Madonna
-
Recent Posts
Archives
- October 2014
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- March 2009
- January 2009
- December 2008
- November 2008
- October 2008
- September 2008
- August 2008
- July 2008
- June 2008
- May 2008
- April 2008
- March 2008
- February 2008
Mga ka- fellow!
Manatili pa rin kayo sa pagbabasa ng mga literary pieces dito. salamat!=)Meta
Top Posts
January 2026 S M T W T F S 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
-
Subscribe
Subscribed
Already have a WordPress.com account? Log in now.
go penKO! jamila millar po, AB MassComm-1a. continue enriching the public’s mind through literary works! isa rinpo ako sa mga ‘illegal’ na myembro ng penKO! hahah, but i swear KApen ako ng penKo in thought, words, and deeds! kudos!
jamilamillar - MaramFri, 14 Mar 2008 09:14:44 +00002008-03-14T09:14:44+00:0009 7, 2008 at 9:14 am |
wow.. ngayon ko lang nadiskubre to..
Dianne Suzette David - MaramThu, 31 Mar 2011 07:14:07 +00002011-03-31T07:14:07+00:0007 7, 2008 at 7:14 am |
malaki ang maitutulong ng ganitong adhikain sa lahat ng nagnanais mapalawak ang kanilang kakayahan sa larangan na pagsulat!
mabuhay kayo!
daisy fernando - JulamSun, 20 Jul 2008 06:13:41 +00002008-07-20T06:13:41+00:0006 7, 2008 at 6:13 am |
“Mabuti na ang magpaka-adik-adik sa mga akda kaysa mag-adik-adik sa kalsada.” Ipagpatuloy po natin ang magandang hangarin ng KALIPI. Nasa inyo po ang aming suporta.
mary rose - SepamThu, 18 Sep 2008 02:13:10 +00002008-09-18T02:13:10+00:0002 7, 2008 at 2:13 am |
Ipagpatuloy po natin ang ating adhikain sa buhay upang ipagpatuloy rin po ng iba ang ating nasimulan…go kalipi kaya yan sana mapabilang ako sa inyo….
jonathan - JulamFri, 10 Jul 2009 02:58:30 +00002009-07-10T02:58:30+00:0002 7, 2008 at 2:58 am |