Nabubuhay, kumakain, humihinga.
komplikado ang buhay!,
Naranasan mo na bang matulala at mapaisip? ?Baket nga ba ako nandito sa mundong ibabaw??
Maraming mga katanungan sa buhay na hindi natin masagot. Naghahanap tayo pero wala, at malalaman na lng natin ang mga kasaguta sa mga katanungang ito sa mga panahong hindi natin inaasahan.
Madalas, ,natututunan naten ang tama dahil sa mali.
sangkatutak ang definasyon ng buhay, marami na rin ang mga naisulat na mga life lessons, pero naisip mo n bang pinakasimpleng bagay lang naman talaga ang kailangan?
Minsan, para bang nagmamarathon ang mga kaisipang nagkakagulo sa utak kong kakarampot!Nakatuntong ako sa kolehiyo, pinalad na makapag-aral(thanks sa Charity First!) at mag4th year na. ngunit ganun pa rin, madaming puwang, madaming tanong at sagot na kulang.
Kaya ngayon, hahawaan ko kayo ng mga ideya kong wala lang. Gusto kong ibahagi sa inyo ang mga bagay na naglalaro sa isip ko, baka sakaling may makapagbigay ng magandang sagot at makatulog na ako ng mahimbing sa gabi. tapos, kayo naman ang magugvuluhan at hindi makakatulog!!haha, ,
Pag namatay tayo, san nga ba tayo mapupunta??ewan ko, wala pa namn nakapagpatunay na me langit nga at impyerno. Pero depende pa prin ito sa paniniwala mo. Sabi nga ng kakilala kong atheist kuno, hindi daw totoong merong life after death, kaya enjoy ka lang sa buhay. Hindi ka dapat magpakahirap! just eat, drink, and be merry! (epicurean principle). Pero anong malay mo meron pala??(patay ka!hehe).
Im portante ba ang relihiyon??
Siguro oo!dahil dito ako natuto ng basic rules of life, pero hindi dahil sa inaalipin nila ang kaisipan ng mga tao na nauuwi sa hindi pagkakaunawaan, digmaan at patayan!
Tatanungin kaya tayo ng Diyos sa p[into ng langit kung ano ang relihiyon mo bago tayo papasukin??
ewan ko ulit!pero sa palagay ko,(palagay ko lang ha!), mas importante na may pananalig ka at kung nabuhay ka ng may kabuluhan at may silbi sa mundong ibabaw. Ika nga, “Faith without action is death!”
Baket may mahirap at mayaman??
Ewan, pero siguro, ginawa ito para mabalanse ang mundo. Pra magkaroon ng productive compitency sa society sabi nga ni Aristotle. Isipin mo na lna, kung lahat mayaman, wala ng magtatrabaho. Pag wala ng nagtatrabaho, wala na tayong pagkukuhanan ng mga pangunahing pangangailangan.tapos ang tao pagnagkataon!(ang saklap non!)
parang ganito kasi yan, isipin mo kung baket may leon sa africa?(connect?) Kawawa naman ang kanilang biktima di ba?pero isipin mo rin, kung walang leon, dadami ang mga hayop, at pag dumami sila, dadami rin ang kukunsumo ng damo. limitado lang ang damo kaya dadating ang panahon, wala na rin silang makakain dahil ubos na sa sobrang dami nila. tapos mamamatay na rin sila kalaunan. KAya wag nyong sisihin ang Diyos, dahil kahit kailan, wala siyang ginawa na non-sense!,
BAket dumarami ang bading?, Dadating kaya ang panahon na mas marami na sila kesa sa tunay na lalaki?(saklap,,forever na akong single pag nagkataon!)
ewan ko din, narinig ko lang naman yan sa mga babaeng nakasakay ko sa bus!hindi ko rin masasagot, ,hindi ko naman area ang magbigay ng rason para sa kanila. Basta ako, nirerespeto ko sila, dahil tao pa rin sila tulad ko, at hindi ibig sahihin na ganon sila eh masama na rin sila!
Baket me teacher at prof na naghuhula ng grades?
Ewan ko ulit!, oo, hindi lahat pero meron!un bang tipong titingala sa langit tapos, ,”hmm, ,ms. Insigne, sino to?tama na ang 3.0, Ms. Frasco, ah ito ung anak ni kumare, tatamad-tamad naman, tama na ang 2.0, ms. Reyes, cute ang batang ito, 1.5(palag?)saklap di ba?Hindi makatarungan, imagine pagkatapos mo maghirap ganun lng pala ang magiging kalakaran at labanan?tsk!tsk!tsk!,
BAket ang PUP kulang sa lahat?(pero sobra sa estupidyante,hehe)
Malamang nagsasawa ka ng mag-assume. Sa totoo lang, hindi tayo nauubusan ng reklamo kung pagkakamali at pagkukulang ang pag-uusapan. Simple lang namn ang sagot dito, kulang tayo sa budget! kung may mga anomalya man dito, wala akong masasabi dahil hindi ko sigurado kung meron nga!napakaliit lamang ksi ng budget o subsidy sa mga state universities at colleges na nagkalat sa buong bansa. Malaking porsyento nito ang napupunta sa UP at ang natira ay paghahati-hatian ng mga SU at SUC’s (sabi sa imbestigador). Kabilang dito ang PUP kaya wag ng magtaka!
Ano nga ba ang relevance ng mga sinasabi ko??aba eh ewan ko sayo, ,ang mahalaga lang eh nagulo ko ang isip nyo, ng isip kong magulo rin!!hehehe,
basta ang problema ko ngayon, eh kung baket me itlog na pula ang siopao?(pao express,,yumyum!)bigla na lang ba nila naisip na sasaya ang mundo pag may itlog ang siopao?ewan ko ba, ewan ko ba, siguro nakasanayan na natin ito kaya hindi na lang natin kinukwesyon. BAsta para sa akin, masarap ang siopao, may itlog man o wala, ,
ay ewan, epekto lang to ng gutom, , ,