| CARVIEW |
Tayo ay naliligalig sa maraming bagay. Kayamanan, kalusugan, relasyon, kapayapaan, kaligtasan, mga bagay na ating binibigyan ng halaga sa sanglibutang ito. Mga ginugugulan natin ng atensiyon, oras, pera at kung minsan pa nga buwis buhay.
John 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo’y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.
Bilin yan ng ating Panginoong Jesus noong bago siya pumanaw sa mundo. Lahat daw na kabalisahan na mararanasan ng kanyang mga lingkod, kahit sa anomang bagay, ay idulog lamang sa pamamagitan ng panalangin sa Dios.
Phil 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
Ang Dios ang may-ari ng lahat ng mga bagay na ating nakikita. Kaya Niyang ipagkaloob ang ating mga panganga-ilangan maging material o spiritual.
Mat 7:7 Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan:
Mat 7:8 Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
Ang trabaho hindi tayo kayang bigyan ng Dios, pero ang Dios kayang kaya niya tayong bigyan ng trabaho. Kung gaano kapursige ang tao sa paghahanap ng trabaho, ganun din dapat kapursige ang tao sa paghahanap sa Dios.
Prov 2:4 Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
Ang utos nga sa mga mananampalataya ay hanapin muna ang kanyang mukha, ang kanyang katuwiran at lahat ay idaragdag pagkatapos.
Luke 12:29 At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin, at kung ano ang inyong iinumin, o huwag man kayo’y mapagalinlangang pagiisip.
Luke 12:31 Gayon ma’y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito.
Ang kasulatan din ang nagbigay ng pamamaraan kung paano natin mahahanap ang mukha ng Dios at yan ay ang pagtanggi ng isang mananampalataya sa lahat ng anyo ng masama.
Isa 59:2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig.
Kasalanan lang naman pala ang pader na nakapagitna sa Dios at sa tao, Kung sagabal ang kasalanan sa kaunlaran, hindi ba marapat na ating gibain ang pader na ito? Ang Dios ay andiyan lang nag-aantay. Hindi siya nawawala para siya ay iyong hanapin. Hinahanap mo siya dahil kailangan mo siya sa pag-unlad ng iyong buhay. Tunay ngang napakasarap mabuhay na may kasama kang Dios at Cristo. Amen.
]]>
Ang langgam ay ginawang tagapagturo sa mga taong tamad. Matututo ka kasi kung papaano sila magtrabaho bilang paghahanda sa darating na tag-ulan.Prov 6:6 Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Ang bisagra ay ginawang halimbawa sa mga mahilig matulog. Inilalarawan nito ang walang pagpapahalaga ng tamad sa kanyang kabuhayan. Kabaliktaran ng mga langgam na masikap sa paggawa.
Prov 26:14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
Ang baboy ay ginawang kanlungan ng mga masasamang espiritu na nanggaling sa inalihang tao. Ang aral na gustong ituro sa tao ay ito: baboy man sila ay kaya nilang tumanggi sa kagustuhan ng mga espiritung masasama.
Matt 8:32 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo. At sila’y nagsilabas, at nagsipasok sa mga baboy: at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, at nangamatay sa tubig.
Ang tupa ay larawan ng mga maamong hayup na pinagpala at mga tagapagmana ng kaharian ng Ama.
Matt 25:32 At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila’y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;
Matt 25:33 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa’t sa kaliwa ang mga kambing.
Matt 25:34 Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:
Ang kambing ay simbolo ng kasamaan na itinadhana sa parusang walang hanggan.
Matt 25:41 Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:
Ang tao na banal ay ginawang hukom na hahatol sa sanglibutan at sa mga anghel.
1 Cor 6:3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito?
Mga bagay, insekto, mga hayup at espiritu na ginawang mga halimbawa na nagtuturo sa tao sa kapakinabangan ng mga magmamana ng kaharian ng Dios.
]]>
Sabi sa isang awit:
♫♪ Nand’yan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka di na natuto ♪♫♪
Katwiran ng mga lalaking matatakaw sa laman, Ako’y tao lamang na marupok at madaling tuksuhin. Para bang sinasabi nila na sila’y tao lamang at walang kakayanang tumanggi sa tawag ng laman.
Si Satanas ay manunukso at nanunukso kung saan ikaw ay nasa kalagayang mahinang mahina na. Maaaring sa kagutom, sa kawalan ng pag-asa sa buhay, sa kalagayan na baon na baon ka na sa utang o sa panahon na libog na libog ka na nagniningas na ang iyong pita sa laman. Si Kristo man ay nakaranas ng panunukso ni Satanas bagama’t Siya ay nanatiling tapat sa Dios Ama.
Matt 4:3 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.
Matt 4:6 At sa kaniya’y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka’t nasusulat, Siya’y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Matt 4:9 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.
Sabi nung mga manunuksong tao na kapanalig ni Satanas, eh hindi naman nakaranas si Cristo na tuksuhin ng babae at walang mababasang ganun nung tuksuhin Siya ni Satanas sa ilang.
Hello! Ilang kaya yung lugar, papaanong may babaeng magagawi dun? Bakit, hindi na ba Siya nagawi o nakapunta sa Siyudad? Siya ay tinukso sa lahat ng paraan at kasama na diyan ang babae. Basa-basa din pag may time!
Heb 4:15 Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan.
Alam ng Dios ang kahinaan ng tao kaya nga sa panahon ng Kristiyano, ipinahintulot Niya ang pag-aasawa sa isang babae lamang.
1 Tim 3:2 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo;
Ang kapahintulutan sa pag-aasawa ay doon lamang sa mga lalaking hindi makapagpigil kaysa nga naman mangagningas ang pita at kung anu-ano pa ang gawin at baka nga naman mang rape pa.
1 Cor 7:9 Nguni’t kung sila’y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka’t magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita.
Maaaring tanungin mo kung may lalaki ba na nakakapagpigil at hindi nag-aasawa? Meron! Si Pablo ay walang asawa sapagka’t ibig niyang makapaglingkod nang walang abala.
1 Cor 7:8 Datapuwa’t sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila’y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga’y gaya ko.
1 Cor 7:32 Datapuwa’t ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon:
1 Cor 7:35 At ito’y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo’y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala.
Kaya nga, kung lalaki ka na may asawa at di makuntento sa isa ay magisip-isip ka at siguradong siyento porsiyentong kapanalig ka na ngayon ng manunuksong si Satanas. Good Luck este bad luck……
]]>
Ang kamangyan ay hinahandog ng mga pari sa harapan ng altar. Ito ay isang ritual na ginagawa ng mga katoliko kasabay ng misa.
Ito ay mabango at mausok kaya naman maaamoy mo siya kahit nasa labas ka pa ng gusali.
Minsan naitanong ko sa aking sarili, kailangan ba talaga ng Dios ang usok ng kamangyan?
Parang ang babaw naman, usok lang ng kamangyan eh masaya na Siya.
Ang kamangyan ay pinakahulugan na literal ng mga bumabasa ng Biblia. Ginawang isang ritual na may anyo ng kabanalan ngunit walang malinaw na kahulugan.
Rev 5:8 At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa’t isa’y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
Magmula sa sinisikatan ng araw, ang Dios ay paghahandugan ng kamangyan at pagpapasalamat ng mga Gentil.
Mal 1:11 Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa’t dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka’t ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Jer 30:19 At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila’y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila’y hindi magiging maliit.
Ang alam ko, hindi ko maihahandog sa Dios ang mga bagay na nanggaling sa kanya maliban lang na alayan ko Siya ng panalangin at pagpapasalamat.
Acts 17:24 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa’y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
Acts 17:25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya’y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
Anoman ang literal na paniniwala natin sa epektibong gamit ng kamangyan, positive energy, good vibes, pagtaboy sa masasamang espiritu, pangkontra sa kulam at kung anu-ano pa, ang kamangyan ay isang espiritual na salita ng Biblia na ang ibig sabihin ay mga panalangin ng mga banal.
Kabuuan ng sulat ni Jose Rizal sa mga kababaihan sa Malolos.
Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. “Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo” ani Cristo; “hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama.”
Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo’y di kilala sa halikang kamay.
Si Cristo’y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin.
Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo’y ang mga pari’y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito’y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi.
Gayon din sa kasakiman sa salapi’y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ngá sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol.
Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya’y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil?
Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.
]]>
Ang karunungan ng tao ay totoong maunlad na at ginagawa nito na mapadali ang lahat ng ating ginagawa o mga gagawin.
Nauso na ang mga madaling lutuin gamit ang oven. May instant kape at instant noodles na rin ngayon na pinakikinabangan ng mga bising tao.
Ang pag-unlad ng tao ay naalaman na noon pa man at binanggit yan sa aklat ni propeta Daniel.
Dan 12:4 Nguni’t ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo’t parito, at ang kaalaman ay lalago.
Sa aspeto ng pamumuhay, ang pagkatha ay hindi masama maliban na nga lang sa preservatives ng mga pagkain na nakakasama sa kalusugan pero sa aspeto ng pananampalataya ang pagkatha ay hindi ipinahihintulot ng Dios.
Eccles 7:29 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni’t nagsihanap sila ng maraming katha.
Alam kasi ng Dios na sa pag-unlad ng mga katha o inventions of man, masasalig ang marami sa karunungan ng tao at hindi sa kapangyarihan ng Dios.
1 Cor 2:5 Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.
Ang pagkatha halaw sa karunungan at imahinasyon ng tao sa aspeto ng pananampalataya sa Dios ay maliwanag na pagsamba sa diosdiosan at alin man sa lahat ng mga katha maging sa computer, gadget, leisure, travel at communication, kapag nasalig ang ating isip at puso dito, mahahanay ito sa pagkabuyo sa kalayawan at naglalayo sa atin sa lingap ng Panginoon.
Paninira daw kapag pinuna mo ang maling gawa ng iyong kapuwa. Katwiran nila, huwag kayong humatol para huwag din kayong hatulan. Katwiran yan ng mga hindi nakaka-alam ng katotohanan. Isa yan sa bilin nung dumalaw sa Pilipinas na hindi ko man lang naringgan ng mga talata sa Bible, puro kuwento na galing sa kanyang sariling pagpapaliwanag. Bawal kang humatol kung yung ginagawa nung hinahatulan mo ay ginagawa mo din.
Rom 2:1 Dahil dito’y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka’t sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka’t ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.
Rom 2:21 Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?
Pag-ibig sa kapwa ang tawag dun at hindi paninira. Aantayin mo ba na mismong ang Dios ang magparusa sa iyo? Dito yan sa lupa Tsong hindi yan yung parusa sa langit pagkatapos ng paghuhukom.
Heb 12:6 Sapagka’t pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa’t tinatanggap na anak.
Depensa na lang yan ng mga gumagawa ng masama para hindi masaway ang kanilang mga maling gawa.
John 3:20 Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.
Hindi kasi maiwasan na kapag nagsabi ka ng totoo ay may masasagasaan kang mali. Halimbawa na lang sa usapin na kung sino ang mga sumasamba sa dios-diosan. Kahit hindi mo banggitin kung anong religion, may clue na agad ang nagbabasa kung sino ba ang gumagawa nito.
Depensa ulit nila, kung si Kristo nga hindi nakiki-alam sa ibang religion, kayo pa? Hello, hindi po mga laban yan sa aral. Mga kakampi po yan at hindi po kayo yan!
Mark 9:38 Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan mo’y nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagka’t hindi sumusunod sa atin.
Mark 9:39 Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka’t walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka’y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
Mark 9:40 Sapagka’t ang hindi laban sa atin ay sumasa atin.
Ang utos nga sa mga lumalaban sa aral ay ito:
Titus 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
Titus 1:14 Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
Mawalang galang po, respeto lang po! Ang mabuting Kristiyano hindi naninira. Isa yan sa gasgas na gasgas na depensa. Wala kasi silang masabing katuwiran na galing sa Bible para masusugan ang kanilang mga ritual na ginagawa. Para silang si San Pablo noon na masikap sa sali’t-saling sabi ng kanyang mga magulang kaya yun akala niya tama siya, kaya inusig at nilipol niya ang mga kaanib ng Iglesia ng Dios.
Gal 1:13 Sapagka’t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
Dios ang may ibig na lahat ng tao ay mangaligtas at mangaka-alam ng katotohanan. Umaasa kami at sumasampalataya, na ang mga namamali sa diwa ay darating din sa pagkaunawa at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral. Sino ba ang ayaw maligtas? Kung evangelio ni Cristo ang basehan ng paghatol, dapat sumunod tayo sa kanyang sinasabi. Kapag sinabing huwag, talima dapat agad agad.
]]>
May bagong bahay at kailangang mabendisyunan o mawisikan ng holy water para daw suwertehin ang mga titira.
Sa pagkaka-alam ko, iwisik mo man ang buong tubig ng dagat sa bago mong itinayong bahay, sa bagong kotse o sa anomang bagong gamit, walang epekto ito sa magiging kapalaran ng mga taong titira o gagamit.
Kumbidahin mo man ang lahat ng Pastor, Pari at kung sinu-sinong Ministro at manalangin ng walang tigil gabi’t araw, hindi yan magiging epektib at pawang walang kabuluhan sa Dios.
Sa totoo lang, ang Dios ay nagpapasikat ng araw at nagpapa-ulan sa mabubuti at sa masasama.
Mt 5:45 Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka’t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
Subali’t, ang pagpapagaling sa lupain at kabuhayan ng tao ay depende sa kanyang paraan ng pamumuhay. Ang kondisyon ng Dios sa kanyang pagpapalain at tatawagin niyang bayan ay ito:
2 Chron 7:14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
Kung ang pagpapala sa lupain ay ang pagtalikod sa masasamang mga lakad, may blessing ba ang bahay at kotse ng magnanakaw, babaero, lasenggero at sugarol? Wala tayong ma-ililihim na mga gawa sa mata ng Dios at kahit gawin mo yan ng walang nakakakita, tandaan mo kapatid, mas malawak ang sakop ng mata ng Dios na nasa langit kaysa sa CCTV o Camera na nasa lupa.
Ang sinungaling ay yung kitang-kita na eh deny to death pa rin siya.
Lahat yata ng mga nahuhuling magnanakaw na natiklo ng Pulis sa akto ay ganyan mangatwiran. Kaya nga ang magnanakaw daw ay kapatid ng sinungaling o kung hindi man ay mag pinsan sila.
Kung ang isang rebulto ay dinadalanginan, niyuyukuran, niluluhuran, pinaglilingkuran, binibihisan, pinapasan at inililibot, hindi ba yan ay pagsamba sa diosdiosan?
Deut 5:7 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko.
Deut 5:8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Deut 5:9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka’t akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;
Sa mga nasanay at namulat na sa ganyang pananampalataya ay mahirap na raw baguhin sa kanilang nakaugalian. Kung baga, nakatigasan na.
Eph 3:17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo’y magugat at magtumibay sa pagibig.
Eph 3:18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,
Eph 3:19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo’y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.
Dati akong Katoliko, pero nung mabasa ko at maintindihan ang Kasulatan, natakot ako. Sinabi Niya kasi na ang kanyang kaluwalhatian o kapurihan ay hindi Niya ibibigay sa mga larawang inanyuan.
Is 42:8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
Eccles 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.
Mag-isip ka ngayon Kapatid, ang rebulto ba ay hindi maihahanay sa mga larawang inanyuan? Papito-pito ka pa ngayon Kapatid
pero hanggang kailan ka ganyan? Kayo naman o, simpleng simple di ninyo maGETZ.
Ano ba ang dapat unahin? Sa bayarin, ano ang mas importante na dapat bayaran, kung ang pera mo ay sapat lang sa isang bayarin katulad ng ilaw o tubig, ano ang iyong uunahin?
Para sa akin kasi mas importante yung tubig kaysa ilaw. Babayaran ko muna tubig tapos later na yung ilaw o kuryente. Ikaw, ano ang mas importante sa iyo?
Kung tao ang pag-uusapan, may mga sinasabi ang Bible sa kung sino ang dapat unahin bago ang sa ibang tao.
1 Tim 5:8 Datapuwa’t kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.
Sa pagitan ng Dios naman at sa tao, sino ang dapat nating unahin?
Mt 10:37 Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.
Hindi ang ibig sabihin ay hindi mahalaga ang iba, kundi may mas mahalaga lamang na dapat unahin at pahalagahan bago ang iba. Gayun din naman ang pakikinig sa salita ng Dios kaysa sa anomang gawain na pinagkaka-abalahan ng mga tao.
Lk 10:38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.
Lk 10:39 At siya’y may isang kapatid na tinatawag na Maria, na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.
Lk 10:40 Nguni’t si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya’y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako’y tulungan niya.
Lk 10:41 Datapuwa’t sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:
Lk 10:42 Datapuwa’t isang bagay ang kinakailangan: sapagka’t pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.
Hindi nga ba ganito ang karamihan sa atin? Naliligalig tayo sa mga maraming bagay at hindi natin naiisip na ang Dios ang may ari ng lahat ng mga bagay na nakikita at hindi nakikita, na kayang kaya Niyang ipagkaloob kung tayo ay maging masunurin at tatalima sa lahat ng Kanyang mga utos.
Is 1:19 Kung kayo’y magkusa at mangagmasunurin, kayo’y magsisikain ng buti ng lupain:
Ikaw kapatid, ano ang iyong inaantay? Bumalik ka na sa saway at utos ng Panginoon na siyang pinakamahalaga kaysa sa anomang bagay na ginagawa mo sa buhay sa ilalim ng araw.
]]>