| CARVIEW |
Tulad namin marami ang naghihinayang at nagdadalamhati. Nalulungkot dahil wala na ang gabay natin sa pakikibaka para maiwasto ang pulitika sa ating bansa. Bakit nga naman ngayon na muling nababalot sa krisis ang Pilipinas lumisan na siya? Hindi pa tapos ang laban Ninoy. Hindi pa tapos ang laban ni Cory. Sa ating pagdalamhati, maaring nalulungkot tayo para sa kanya o para sa ating sarili. Marami sa ating kababayan ang nagnanais na makamtan ang pagbabago subali’t ayaw niyang makilahok. Sana sa pagpanaw ni Pangulong Cory, maantig ang ating isip at damdamin at tatanggapin natin ang hamon na sinimulan ni Ninoy, pinagpatuloy ni Cory at magiging daan para sa tagumpay ng bawat mamamayang Pilipino. Hindi lamang demokrasya bilang isang paraan ng pamamahala, kung hindi higit sa lahat, demokrasya na mag-aangat ng antas ng buhay ng ordinaryong Pilipino.
Sabi nila nagbubunyi raw si Ninoy dahil kapiling na niya si Pangulong Cory. At palagay ko sa hirap at sakit na pinagdaanan ni Pangulong Cory kinuha na siya ng Panginoon para maibsan na ang hirap niya. Sana ang ating pagdalamhati sa ngayon ay mauuwi sa pagbunyi sa darating na panahon. Dahil sa pagpanaw ni Pangulong Cory muling matatagpuan natin sa ating mga sarili ang pagmamahal sa bayan, ang manindigan para sa matuwid at ang paggamit ng ating mga kapangyarihan para mabago na ang kalakaran sa ating lipunan. Ito lang ang tanging paraan para magkaroon ng saysay ang ating pagdalamhati, ang pagkamatay ni Ninoy at pagpanaw ni Cory.
Ituloy ang laban ni Ninoy at Cory!
]]>Kaya ng umalingawngaw ang balita tungkol sa P1Milyon hapunan ng ating Pangulo at ang kanyang mga kasama sa Amerika (at bago nito ay isa pang hapunan na P 0.75 Milyon) agad na naisip ko ang mga kawani ng DFA-R5. Ito na nga ba ang kalakaran sa pamahalaan ngayon? Utusan ang ordinaryong kawani magtipid. Subali’t ang mga may tungkulin at kapangyarihan ay di-sakop sa mga utos na ito. Sa gitna ng kahirapan, may karapatan pa ba tayong maging “class”? Kay naman pala ganito ang mga kawani ng DFA-R5. May tinitingalang gagayahan. Siyanga naman. Kung pwede sila sa Maynila magluho, dapat pwede rin dito. Kaya dahil hindi namin kaya ang akomodasyon na hinihingi ng DFA-R5, wala ng ’mobile passporting’ sa Naga. Kawawa mga mamamayan. Hindi niya kaya ang luho ng mga naninilbihan sa kanya!
]]>Obviously these Congressmen can not be shaken by public opinion. From experience, they have sat on important bills, passed laws that are anti-people and railroaded proceedings, without regard on what the public will say. Time and again they have done so. But instead of being kicked out of office, they not only have been allowed to cling to their posts but in fact they have entrenched themselves and their families. They may be so unpopular nationally, but they know that in their jurisdictions they will be voted into office because of the pork they bring to their districts. For most of them, these have funded and will fund their elections. It is not surprising therefore to see some “principled” members of the House hitched on the “cha-cha train” after their share of the gravy were assured. The positions they have taken and will take are consistent with their version of the “golden rule” . . . he who has the gold rules!
When Speaker Nograles mockingly said that our people now seem to be addicted to mass actions with the planned rallies slated against HR 1109, he is simply saying that he and his cohorts can not be swayed. As far as they are concerned, as long as the constituents in their respective district votes for them, to hell with public opinion. They are not concerned with what is right or wrong. They are not interested on what the people think. They are just after the votes by foul or fair means.
In other words, it is only the language of votes that they will listen to. No morality plays or shaming execises can return them to their senses. We need to campaign to their constituents that they should not be voted to office again. Otherwise they will continue conning us. We can begin with all the institutions and organizations which denounced HR 1109. The church, business and civil society groups must learn from the lessons of the past. They must not only denounced “Con Ass”. They must also ask the members of their groups not to vote for the “Con Ass Congressmen” and likewise campaign against them. In denouncing “Con Ass”, I will tell everyone who cares to listen that we not should vote for the Congressmen who believes that they can simply get away with this again. When they seek our vote, offer us money and gifts, we do not need to refuse them. We will lull them into complacency. After conning us for a long time, it is now our turn to con them! Let us make them lose in the next elections.
]]>Noong martes, ginanap ang BSP National Council Meeting sa Zamboanga City. Bilang Chairman, tinanggap ko para sa Naga City Council ang award bilang isa sa mga mahuhusay na council sa Pilipinas. Malaking karangalan ito sa amin lalo na dahil hindi pa naman katagalan na nabuo ang Naga City BSP Council. Sa aking pagnanais na mabigyan na tamang pansin ang scouting, hiniling ko na magkaroon na ng hiwalay na Council na ang Naga City. Palagay ko, pinatunayan ng mga tagumpay na natamo niya na dapat nga lang ng sariling konseho ang Naga City.
Si Mayor Jojo Binay ang Pangulo ngayon. Subali‘t ang mga nasa magkabilang panig sa larangan ng pulitika ay nandoon din. Nandoon si dating Governor Obet Pangdangan, Governor Victor Yap, Cong. Del de Guzman, Mayor Lawrence Cruz, Mayor Celso Lobregat, Vice-Governor David Ponce de Leon, dating Cong. Jun Aniag, Mayor Corvera, Mayor Guiam, Mayor Ona at marami pa iba. Iba’t ibang partido, makatunggali sa pulitika nguni’t nagkakaunawaan sa Boys Scouting. Iba’t ibang partido, iba’t ibang pinagdaanan, nagkaisa lahat sa scouting. Dating may mga tungkulin, wala na sa tungkulin, Boys Scout pa rin. Lahat, nais na maging bahagi sa paghubog ng hinaharap ng mga bata at kabataang Pilipino. Kung bigo man tayo sa pangkasulukuyang henerasyon, umaasang maisasaayos ang susunod sa pagtaguyod ng scouting sa kanya kanyang lugar.
Maraming hamon ang hinaharap ng scouting. Ayon sa kanyang pamunuan, bumaba ang membership mula sa pinamataas na bilang na 3 milyon sa kasalukuyan 1.6 milyon na lang. Dala ito ng “no-collection policy” ng DepEd. Mabuti man o hindi ang patakarang ito, kailangang maghanap ng ibang paraan kung paano mabibigyan ang lahat ng pagkakataon na sumapi at lumahok sa scouting. Kailangan mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga bata — mahirap man o mayaman na maranasan niya ang maging Boys Scout (o Girls Scout).
Dito sa Naga, hihimukin namin ang mga my kakayahan na tumulong at magkontribusyon. Isasalang namin ang isang batas na ang mga negosyante ay may taunang kontribusyon sa Boys Scout at sa Girls Scout. Hindi kalakihang halaga subali’t magbibigay saysay sa pananaw na dapat kasama lahat sa tamang paghubog ng mga bata sa aming lugar. Katulad sa national council, maaring ito ang daan na magkaisa lahat sa lokal. Isang simulain na makakapagbago ng ugali sa susunod na henerasyon. Dapat pag-ibayuhin natin ang mga bagay na nagbibigay daan na magkaisa. Kung di man sa pulitika sa scouting na lang!
]]>Natatandaan ko pa ng mag-umpisang magkaroon ng mga padyak sa Naga City noong 1990, pinuna na ito ng aming kalaban sa pulitika. Paurong daw ang pag-unlad ng lungsod. Wala raw lugar ito sa kalsada namin. Palagay ko, sa pangkalahatan, naintindihan ang aming pananaw sa bagay na ito, dahil patuloy kaming pinagkatiwalaan ng mga Nagueno. Ang sabi ko noon, ang isang marangal at malinis na hanapbuhay katulad ng pagpadyak ay dapat bigyan ng puwang sa aming lugar. Dapat sa pag-unlad, lahat ay maaring makilahok at dapat kabahagi lalo na yong walang sapat na lakas at kaalaman tulad ng mga namumuhunan at maykapangyarihan. Katunayan obligasyon ng pamahalaan at ng lipunan na bigyan sila ng pagkakataon maghanapbuhay. (Palagay ko, kung bibigyan sila ng mas magandang alternatibo, pipiliin ng mga nagpapadyak ang mas magaan at mas mataas na kitang hanapbhay.) At dahil bigo silang makamtan ito, naghanap sila ng isang mahirap subali’t malinis na pagkakakitaan.
Maraming patalinghaga ang nabubuo ng pagpadyak na nauukol sa ating mga paniwala at galaw ng ating lipunan. Una, sa hirap ng trabahong ito, tinuturuan nya tayong lahat ng ang tagumpay ay hindi madali. Huwag tayong umasa, lalo na dahil ang ating bansa ay lugmok na sa kahirapan, na isang araw ay gigising na lang tayo na ang ating mamumulatan ay isang maunlad ng Pilipinas. Kailangang tayo ay makibahagi, magsakripisyo at makipaglaban para magbago ang kalakaran sa ating pulitika at ekonomiya. Pangalawa, walang tunay na pag-unlad kung ang may kaalaman at mayayaman lamang ang makikinabang. Ang padyak ang isa sa mga simbolo ng kahirapan at pagsusumikap. Pinapaalala sa atin na walang saysay ang pag-unlad kung lalo lamang lalaki ang agwat ng mayaman at mahirap. Pangatlo, dapat bigyan natin ng puwang ang mga mahihirap na makaahon sa sarili nilang kakayahan. Mahalaga ang batas. Mahalaga ang areglo sa kalsada. Subali’t mas mahalaga na magkaroon ng paniwala ang ating mahihirap na mamamayan na siya ay aakayin ng ating lipunan kung siya ay magsusumikap. (Dito sa Naga City, may sidewalk vending ordinance na pinapayagan ang “regulated vending”.)
Sa aking panunungkulan, ang buhay ng malimit na ang aking mga nakakasalamuha noon, ang mistulang simbolo ay ang pagpadyak. Mga taong mahihirap subali’t nagsusumikap. Mga taong kailangan tulungan dahil tinutulungan ang kanilang sarili. Mga taong may mga munting pangarap para sa kinabukasan ng mga mahal nila sa buhay. Ang hamon sa aming pamamahala, gawing makahulugan ang pag-unlad para makinabang lahat!
]]>