(Isang pagmumuni muni)
ni : Japok
Opinyon ko lang to.. sariling pananaw.. Minsan ang hirap din pala maging ENGINEER, medyo komlplikado, simpleng salita lang sana sa iba pero para sakin, pinahirap at pinagugulo ko..
“Pangarap” sa iba, ang simple di ba? pwedeng naupo kalang.. nangarap kana.. may nakita ka at nagustuhan.. nangarap kana.. o kahit pa habang nagko-consentrate ka sa pagtae, bigala kang may naisip.. nangarap kana.. ang dali kasi sa salitang “pangarap” may gawin ka man o wala.. yun na yun.. so anong ipinagkaiba?.. eto..
Ang salitang “pangarap” kasi ay may katapat o kasing kahulugang salita sa aming mga engineer, mas gusto kasi naming sinasabi yung salitang “plano”, halimbawa, sa iba sasabihin nila, “ang pangarap ko sana sa hinaharap”, pero kami.. ang sasabihin namin.. “ang plano namin sa hinaharap”.. magkaiba kasi ang salitang “plano” samin medyo malalim ang kahulugan.
Ayon nga kay kumpareng Google:
“Plan”
Definition
Written account of intended future course of action (scheme) aimed at achieving specific goal(s) or objective(s) within a specific timeframe. It explains in detail what needs to be done, when, how, and by whom, and often includes best case, expected case, and worst case scenarios.
English yun.. hehehe.. so.. ay teka.. tagalog nga pala.. kaya ganito yun.. pag sinabi namin na “plano namin ang ganito” pwede kasing sabihin na “pangarap namin yun”, ang kaibahan lang, sa isang engineer, ang salitang plano ay kailangang may mangyari, may aksyon na dapat gawin para magka totoo at maisakatuparan ang plano.
So mag hahanda ka ngayun, aalamin ang lahat ng gusto, pag aaralan, at pag nakumpleto, hahanapan na ng solusyon, paano magagawa at kaylan uumpisahan..
Ang ganda sana, parang walang mali diba? Parang tama naman na magplano talaga, lalo pa nga at napakahirap ng buhay ngaun, ang problema lang.. eto.. kadalasan, nakakalimutan natin na bago pa mangyari ang lahat, may mga makakasalamuha tayong ibang tao, at sa sobrang kaka plano, dun naman namin napapabayaan na i-enjoy naman ang buhay.. mga tao sa paligid na dapat din bigyan ng atensyon, oras at pagmamahal, at hindi yung puro plano nalang.
Im a proud engineer pero minsan.. Being an engineer sucks.. lalo sa mga ganitong pagkakataon, kaso wala naman kaming magawa.. nakaukit na sa mga kukote namin yun mga plano at mga pamamaraang yun.. kaya ang hirap baguhin..
The only thing we can do is make some adjustments.. di nga lang instant.. di ganun kadali kasi parang plano, pag may babaguhin o i-a-adjust, kailangan na naman ire-compute mula sa umpisa para tumama.. at kung sa pagkakataong yun na habang binabago mo ang sarili mo eh nagiging problema mo na at ng mga taong mahal mo, umasa nalang na matapos ang adjustments bago pa ang deadlines..
Magdasal nalang na sana umabot.. para naman di masayang ang hirap sa pagpaplano.. At di makita sa basurahan ang pinag hirapan mo..
O medyo lumayo na yata sa paksa ang mga sinabi ko.. babaguhin ko pa sana kaso lang tapos na ang “Coffee Break” ko.. paalam na muna.. ikaw ba? Ano bang kwento mo? Pag usapan natin yan sa susunod.. hanggang sa muling pag tambay.. tara.. kape tayo.. = )






