Magdradrama muna tayo mga karancho at kapanalig sa pananampalataya. At pag sinabi kong magdradrama, hindi yung tipong magpapa-emosyonal ako (well, medyo siguro lol), magdradrama tayo ng literal. As in usapang drama ang usapan natin. Tragedy na drama. Yung tipong musical pa.
Ay oo mga kapatid, kung nasisilip niyo ang aking facebook, alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko: Ang Les Miserables.
—–
Isinulat ni Victor Hugo at nailathala nung 1862, ang nobelyang ito ay patungkol sa buhay ng ilang mga tao nung mga panahon ng French Revolution. Naaalala ko na ang huli kong naisulat dito sa blog ko eh tungkol din sa isang rebolusyonaryo na si pareng Andres Bonifacio. Ang totoo niyan ay nagkaroon daw ng inspirasyon si Andres sa French Revolution. Maaring nabasa niya kaya ang librong ito? Hindi na natin malalaman.
Unang dumampi ito sa buhay ko nung ako’y bata pa. Wala akong pakialam nuon kasi ako’y bata pa. Nababasa ko lang to sa mga tinype ng kapatid ko na book report. Malamang ginawa din niya yun isang araw bago ang deadline kasi ganun naman ang lahat ng estudyante.
Pero akala ko ba drama ang usapan? Oo, kelangan muna siyempre nating magbigay ng paunang mga salita bago natin ipasok ang theatrical play sa eksena.
—–
Ang musical ng Les Mis ay base din sa nobelya. Imbes na basahin mo daw yung limang malalaking yugto ng libro, napaikli ito sa dalawang oras na musical. Ang music para sa play na ito ay ginawa ni Claude-Michel Schonberg at ang orihinal na pranses na lyrics ay isinulat ni Alain Boubil. Itrinanslate ito sa ingles ni Herbert Kretzmer at prinoproduce ni Cameron Mackintosh. Ahhh, alam na alam. Fan kasi.
Unang sumayad ito sa aking kamalayan nung nainterview si Lea Salonga tungkol sa role niya bilang Eponine, isa sa mga characters din nung play, nung ika-10 anibersaryo ng play na ito.
Pero di ko pa rin napapanuod yung play dahil ako’y musmos pa lamang. Tsaka di pa uso piratang DVD noon kaya hindi pa kami nagkakatagpo ng play na ito.
—–
Kumipas na ang ilang taon, at marami na din akong idinagdag na edad sa loob ng aking mga bulsa. Isang beses, may nakita akong video sa youtube matapos kong manuod ng porno. Maraming views noon, naibalita pa nga sa philippine tv yung nangyaring ito.
Ito yung natatanging audition na nagpanganga kay Simon Cowell sa isang talent search show sa Britanya. Yep, si Susan Boyle ang tinutukoy ko.
Di ba? Tignan niyo yung video maigi. Tignan niyo. Ipause niyo somewhere at makikita niyo ang mukhang ito:
Di ba? Isang matandang dalaga lang pala na di naman magaling pumorma ang makakapagpakumbaba sa isa sa mga napakataas na tao sa industriya ng showbusiness. Pero ewan ko ha, di kasi tayo kasing talino nila, ewan ko kung tatalab dito yan. EHERM.
Ayun na nga, mabalik sa usapan, nabanggit naman nya bago siya kumanta kung saan galing yung kinanta niyang “I Dreamed a Dream”, sa play na tinatawag na “Les Miserable”.
—–
Namatay si Michael Jackson, kasagsagan ng pagdadalamhati sa kanya ng mga fans niya. Yung nanay ko, turns out, eh fan din ng namayapang King of Pop. Nung minsang napadaan kami sa Quiapo, may nakita siyang mga piratang DVD. Siyempre puro concerts din ni MJ yung mga binebenta. Nagsimula na siyang mamili para magdagdag sa kanyang koleksyon.
Ako naman, tumingin tingin na din para di mabore at para makapagpabili na din habang nasa MJ heaven yung nanay ko. Nakita ko sa kasuluksulukan ng mga tinitinda ni kuya ang DVD ng 10th anniversary ng Les Miserables.
Pinabili ko na sa nanay ko siyempre, di ba, isa yun sa mga perks pagka kasabay mo magulang mo na namimili para sa isang bagay lang? Pwede kang magpabili ng isa. Style diyan, isa isahin mo lang yung pabili mo. Literal. Eventually dadami din yun.
Ito na ang simula sa pagkahumaling ko sa palabas na ito. Nung napanuod ko na mula umpisa hanggang wakas, nung nalaman ko ang nilalaman ng kwento, dun ako napaibig ng palabas na ito. At minahal ko na.
Matapos ang ilang taon, nabigyan ako ng isa sa aking mga kaibigan ng 25th anniversary naman. Orihinal naman ito dahil nakita niya akong nag-eemote sa loob ng isang tindahan sa may megamall at sinasabi sa sariling “GUSTO KO NITO”. Siguro naawa sa akin at binigyan ako ng limos.
Kung binabasa man niya to, salamat ulit. Walang humpay. Till the end of taym.
—–
Biased man pakinggan, at di ko naman dinedeny ang pagkabiased ko sa pagsasabing “NAPAKAGANDA NG STORYANG ITO!”, pero napakaganda talaga ng storya na ito. Di lang dahil sa galing ng mga kanta na naisulat at sa pagkanta ng mga aktor, kung hindi dahil na rin sa pagkakasulat sa mga eksena. Hindi siya simpleng palabas lang na magugustuhan mo tapos magagandahan ka at idadagdag mo sa listahan ng mga paborito mong palabas, isa siya sa mga kakaibang palabas na isasapuso mo talaga yung nais ituro ng kwento dahil halos kapareha lang ng mga karakter ng kwentong ito ang sarili mo. Makakarelate ka ika nga.
Gusto mo humingi ng kapatawaran? Gusto mong magbagong buhay? Gusto mo ikaw ang pinakamagaling na tao sa buong mundo? Gusto mo bang mahalin? Gusto mo bang mapalitan ang kalagayan mo sa buhay? Yan at higit pa riyan.
—–
Napakagaling ng pagkakasulat ni Victor Hugo sa kwentong ito kaya nga sinisimulan ko na yung nakulimbat kong ebook. Mahaba habang basahan ito, pero kakayanin.
At para sa musical…
—–
Kung saan man gaganapin ang ika-30th, gusto ko andun ako. Yan, tutal unang post ko naman to sa taong 2013. Yan ang isa sa mga papangarapin ko, ang makaipon para mapanuod ang 30th anniversary nito. Gusto ko andun ako para pag pinapanuod ko sa DVD mas masaya sa pakiramdam. Yung masabi mo lang ba na “I was there”, naks, napakalaking kasiyahan na yun para sa akin. Sana matupad ko ang mumunting pangarap na ito. Sabi nga eh, I dreamed a dream. Sana magkatotoo ang dream na ito. Paulit ulit hanggang magkatotoo. SANA MATUPAD!
—–
Bukas, ipapalabas ang hollywood version ng palabas na ito. After 25 years, ipapalabas din yung musical sa sinehan. Though pinalabas na to nung 1998, iba pa rin kung musical.
Siguro hiwalay na blog post na lang ang ibibigay ko para magkaroon naman ng laman tong blog na to. Kita kits na lang tayo matapos ang isa o dalawang araw kasi papanuorin namin to bukas na mismo. Hanggang sa susunod, paalam!











