Hanggang sa kahuli hulihang pagkakataon, patuloy mo pa rin akong sinosorpresa. This time, nasasaktan ako. Umalis ka bigla na di mo man lang ako binigyan ng moment to shine. Mahaba ang goodbye speech na ginawa ko pero wala na tong silbi. Kung saang mapa ka man ng pilipinas or mundo ngayon, hopefully makarating ang blog na ito sayo. I’m praying na sana nga hurt ka pa rin until now para tabla din tayo. Sana nga nagluluksa ka pa sa nga pangyayari para may karamay naman ako. Okey fine heto na…
Ilang taon din ang tinahak ng ating away- bati na relasyon, para tayong bata naglalaro ng hide and seek. Tago ng tago, natatakot na baka mahuli ng iba at mabisto and worst maitakwil ng family at mawalan ng mana. Pero nag OUT na ako sa iba, ikaw lang naman ang arte arte mo kasi akala mo pangulo ka ng pilipinas or si Piolo Pascual na lahat nakatingin sa pagkakamali mo. Pero wala na tayong magawa nangyari na ang di dapat mangyari, umandar ang tupak natin na di kayang gamutn ng antibiotic.
I still wanna say thank you kahit na maypaka superiority complex ka patuloy mo pa ring inuunawa ang mga need ko sa buhay. Di mo kaya ang TIME na demand ko kaya ok lang sayo na may relasyon akong iba. Okay lang ako sayo na ikaw nagbabayad ng bills sa bahay kahit na iba ang kasama ko sa kwarto. Okay lang sayo na in a month di tayo magkita kasi mas inuuna ko ang out of town gimik with my dysfunctional friends. Okay lang sayo na hanggang ngayon patay na patay pa rin ako kay Ebler (my first love).
Pero im sure you would agree na fair naman ang lahat di ba? Ikaw nga super mag demand. Didn’t you remember na nilasing ako ng isang bayaran mong walang kwentang kaibigan para lang sa surpise anniversary sa tuktok ng Busay (Cebu)? The hell!!!! Bravo! napaka romantic nga ang ginawa mo pero dahil dun muntik na akong bumagsak sa socio101 at mawalan ng scholarship. Bitch! At eto pa, na hold up pa ako sa madaling araw dahil you failed to fetch me sa Dunkin Donuts na akala ko nga eh etchos lang ang hold up na yun pero totoo pala! Sometimes nakakainis ang mga surprises mo ha!napaka morbid mong tao!
My Fears
Prangkahan nato, ngayon, unti unti kong nararamdaman ang takot. Natatakot ako dahil pag wala ka na baka di ko kayang i- handle ang finances ko, mas lalaki ang gastos ko kaysa sa monthly income ko, baka maubos ang savings ko’t mamulubi at hanggang sa maging taong kalye na lng ako. Natakot ako baka mali mali ang mga gamit na mabili ko (alam mo naman bad taste ako sa mga bagay bagay), baka pangit ang laptop na gusto ko, and etc., Natatakot ako baka i’l be dating the wrong guy and i end up with swollen heart. Nasanay na akong ikaw ang nag criticize sa mga taong nakakasalamuha ko at kung sino ang pang sala or pang kama.
Missing you
kagabi, namiss ko ang pangungulit mong tawag pag nasa partee scene ako. Kaninang umaga, mimiss ko ang walang kwentang luto mo sa breakfast food, ang mga litanya mo sa bahay dahil di ako marunong maglinis, ang walang sawang panonood ng sassy girl na magkasama tayo while gumagawa ka ng business plan mo, ang foot spa at pedicure session , ang mga nakasabit na underwear sa banyo, at walang sawang tuksuhan.
Di ko na ulit mararanasan ang mga ganung bagay. ilang oras na lang ikakasal ka na. iakakasal ka na sa taong gusto ng parents mo and hopefully gusto mo rin. Sana nga di baog ang girlalu para naman mabigyan ka ng dosenang anak. Sana nga di sya magsawang unawain ang pagiging brat mo paminsan minsan at ang pagiging utak bolinao mo. Sana nga di sya mapagod sa kaka appreciate sa mga luto mong masagwa ang lasa. Sana nga ma realize ng girlalu how much shes blessed dahil sya ang napili mo.
alam mo bang punong puno ako ng inggit sa bago mong babae. kasi sya ang gusto ng parents mo. kasi sa kanya na ang taong gusto ko legally. if i only have another chance siguro nagiging masikap ako, nagiging seryoso sa buhay para at least you will be proud of me. pero happy na rin ako kasi kahit papaano pinaglaban mo ako sa mga instik kwakang mong mga magulang. traditon is tradition at ang hirap na baguhin yung mga nakasanayan na.
Thank you sa lahat lahat..