Ang rosas na panyo
Ang Rosas na panyo
“Hi there…”
Nakahiga. Napalingon. Bumangon. Sinalat. Napaisip. Ngunit nagising nung tila naiidlip. Tumititig ulit. Hinawakan. Pinagmasdan. Pinagpawisan. Biglang kinabahan, P. I. bakit parang walang kalalabasan?
Yang ang eksatong ginawa ko- Unang pangugusap- kung matuturing nga ba.. Binati ko ang journal ko 3 buwan na mula nung tuluyang na punta sa STATE of comma ang kamay ko- sa kadahilanang humiwalay na yun sa utak ko. dati dati, parang kiti kiti ang kamay ko sa kakasulat at nung mauso ang typewriter eh naging takatak hanggang sa maging tak tak tak sa keyboard ng luma kong kompyuter. Isip, sulat, isip uli. tawa, revise, tawa uli sa pagkakamali ng nasulat, revise taz iyak. kasi nakarelate ako sa sinulat ko (sino ba namang hindi makakarelate sa sarling sulat?) pero tila natapos ang gawaing yung nung nakalimutan kong ang kamay ko ay konektado diretso sa utak ko dahil ang nangyari nakonekta ko yung utak ko sa kung saan man.
Siguro yung dahilan kung bakit di na ako makasulat kasi di na ako nakakaramdam ng labis na emotions. Di na maxadong nagagalit, tama lang ang pagkalungkot at ang kasiyahan ko ay lagpas sakong ng lang. Tama lang- sakto kung baga. Pero bakit? Heto yun. Muli kong binasa lahat ng posts ko sa fb. Karamihan ay tungkol sa amin – sa kanya. nung panahon na magbarkada kami, nung magkaaway kami at nung panahong in between. magulo. ngaung kami na (sa ibang post ko na lang yung kilig factor, seryoso kasi to.hahaha) Pero ngaun na kami na? MAS MAGULO, pero ang unang nyang tinuro sa akin ay may mga bagay na di dapat palakihin at ipag bigay akam sa mga kakilala (sabi nya pa lalo na sa kakilala mong tambak sa baranggay.) Pinakinggan ko yun pero nakalimutan ko yung mahalagang parte sa buhay ko – ang buhay ko mismo. ang pagsusulat. Di ko sya sinisisi. Sarili ko ang saralin. Mga daliri ko ang dumuro sa akin. Pinatay ko sila – ginawa ko lang silang pangtext, pangkain at panghugas ng P – pinggan. Kinalimutan ko na mya buhay sila- na sila bumubuhay sa akin. Sa mga patay kong pangarap at sa natatago kong damdamin.
pinilit ko to ilabas – kahit wala akong oras. isa, dalawa, eeeeeeeeeehhh. tatlo, apat. eeeeeeeeeh pa.sanaang pagsusulat parang ka lang tuma*** (maxadong di kanais nais para sa mga mambabasa kong mahilig kumain. apat sila lahat).
So isang araw, naisipan kong ibalik ang dating sigla- ang romansa ng kamay ko sa papel at ang madiin na sulat ng ballpen. Naisipan ko na maglakbay, umikot at magkulikot para may masundot na hiwaga sa isip. Hai buhay, minsan ko pinangarap makasulat ng librong may pamagat na “My Life: Travels and Love”. Yung tipong ang introduction eh, this is my life, this is my daily activities at iba pa. Sinong matinong tao ang magbabasa ng libro ko? Maaring si Inay at Itay, pero wala ng iba. Sinumulan ko ung pangarap na yun nung una kong pinindot ang keyboard at lumabas sa screen ang “This is my first ever blog” at eto na yun.
“This day, a usual day, tiring yet with sense of achievement, was only my compensation to hide what I really feel for few days. Until I saw something that triggered me, I saw someone dear to me suffering. That was the turning point that I knew I was only hiding to myself that I am not feeling well. I am so afraid that moment- I cannot explain what I am feeling that time. Tears fell endlessly, as if I was feeling the pain, as if the agony was carried by me. I cried not knowing what I was crying for.
I am so Afraid.
I am so afraid that I would lose my loved ones that way
I am so afraid that I will come to the point that I will either nurse a sick or the other way around.
I am so afraid if I would be lucky enough to be the care giver or the care receiver. Either way, I don’t know what I am scared of, so I cried.
And then, as what I always do, I went out of that place, wanting to feel happiness or not even as much as that. I went to a place that I know I can find comfort. Yet an enigma crossed my path that let me think, is there anyway I can find comfort if I know how to suffer more? I dunno the answer, holding my tears not to fall since I’m in a public place. Until I stumble upon a beggar saying, “13 taon mula noong Kinuha nila si Susan. Unang araw ng buwan ng Hulyo.” And he changed the topic. He is maybe losing his sanity, yet I cried. Seeing the agony in his eyes while talking to me, I am a stranger, whom he had not judged nor would think about if I’ll fit as a confidante. I cried for his story. I knew it was a tragedy. And I cried of fearing it might happen to me too.
That soon, I’ll lose someone who happened to take care of me, the rest of my life yet I chose to break his own.”
Ang taong tinutukoy ko ay si Mang Ben. Nagusap kami. Bumili ako ng pizza sa tinatambayan nya- hindi sya mabaho at nanakit. Kaya nagkalakas ako ng loob na kausapin ko sya. At base sa kwento nya, kumbaga “this blog contain my whole life”. Sa sariling salita at pananaw ko ganito ang kwento nya…
Pawis at luha. Yan ang naging kapital ko sa lahat ng to. Namuhunan ako na walang kasiguruhan. Tapang at lakas ng loob ang naging kakayanan ko para makuha ko ang gusto ko. Mahigit apat na taon mula nung una kong malaman na ang gusto ko ay higit pa sa mga bagay na madaling makuha kung saan. Isa akong tao walang pagkataonoon, killa pero walang kinikilala. Ginusto lahat pero walang ginustong sinuman. Matapang, mayabang pero may ipagyayabang. Lahat nasa gusto ko pero nabago lahat nung pinanganak ang taong babago sakin. 5 taon mula ng nakilala ko siya, babaeng di matitigan dahil isang bulaklak sa dingding lamang ang turing ko sakanya. Maraming nakakapansin pero di ko binigyan ng pansin. Hindi siya ang tipo ko- tipong ipangangalandakan ko sa tropa na nakuha ko dahil sa karisma ko. Di nagtagal katulad ng ibang kwento, ginusto ko siya ngaun. at mahal ko na sya nung malaman kong hindi pala ako dapat sakanya. Katulad ng ibang kwento nabago nya ako at naging kami. Pero matapos ang isang taon at mahigit, nawala na ang kislap sa mata kundi napalitan ng kulimlim. luha niya ang naging kapalit ng lahat para sakin pero wala akong ginawa para siya ay pasiyahin.
Naiiyak ako sa kwento nya, kahit di ko naiintindihan minsan ang mga salita nya, marahil sa boses na basag dahil sa katandaan o sa minuminutong paglinis ng ilong nya. Puti ang panyo na gamit, ngunit nung tumagal tila naging rosas- dahil sa natuyong dugo na nabasa ng luha…


