| CARVIEW |
Dahil pumalya ang alarm ng phone ko. Napasarap ang tulog ko. At dahil napasarap ang tulog ko, late na ako nagising!!!
Ginising lang ako ng alarm ng friend ko. Pagtingin ko sa oras OMG 6:30AM na!!! 6:45AM pick up time ng company shuttle. 6:30AM araw araw nagsisimula na akong maglakad papuntang pick up location. It will take 10 to 15 minutes depende sa bilis ng lakad at sa mga traffic signals bago makarating sa location. Kaya ang alam ko ng impossibleng makahabol pa ako.
Pag naiwan ka maswerte ka kasi kung magcocommute ka, ito lang ang choices mo:
| TRAVEL OPTIONS | TRAVEL TIME | APPROXIMATE COST (AED)** |
| Train+Bus+10mins Walk | 2 Hours | 11.50 |
| Train+Bus+Taxi | Almost 2 Hours | 21.50 |
| Train+Taxi | 1.5 Hours | 31.50 |
| Taxi | 45-50 minutes | 105.50 |
Nakita ko ang bus malapit sa huling pick up location. Sinubukan kong makahabol pero dahil mahihirapan na daw si manong taxi driver na umikot sa lugar na iyon na paniguradong maiiwan lang ako at baka maging paikot ikot pa ang taxi, pinadiretso ko na siya papuntang pagkalayo layong office ko.
At iyon nga Taxi ang napili kong Travel option. Napakasakit sa bulsa ang magbayad sa taxi ng 102.50. Madami na akong mabibiling pagkain jan. Pero ganun talaga ang buhay kung minsan. Masarap naman ang tulog ko eh. Yun nga lang sumakit ang bulsa.
Late ako nagising para sa bus. Pero 15 minutes early ako sa work. Sa susunod dalawang alarm na ang ise-set ko. Baka magkasakit na ang bulsa ko nian eh.
**(1 AED = 12PHP)
]]>Nakaka HB! Para sa akin ang maglagay ka ng mahigit isang exclamation marks ay nangangahulugang galit ka o asar. Pero depende pa rin ito sa kung ano ang laman ng sinulat mo or mensahe mo. Meron kasing puno ng exclamation point dahil sobrang saya o kaya sobrang excited.
Pero simula kahapon namumuro na sa akin ang amo ko. Kung makagamit ng exclamation mark sa email at kung makakwestyon akala mo kasalanan ko ang pagkakadecline sa isang kumpanya inaplayan namin ng isang equipment. Sinagot ko naman siya sa email at sinabi ang naging rason galing sa kumpanyang iyon at sa banko. Nabasa ko ang sumunod na sagot niya ngayon lang umaga. Nakakapag init ng ulo dahil pareho pa rin… Kung makakwestyon at kung makapaglagay ng exclamation mark hanep ah, parang kasalanan ko talaga. Parang ako yung dahilan ng pagkaka decline samantalang malinaw naman ang dahilan kung bakit. Hayaan na nga lang siya. Kung di siya matahimik idemanda niya ang banko dahil hindi nasunod ang gusto niya lol!
Mok mafi!
Image from spring.org.uk
Oo nga’t wala akong natanggap na mga bulaklak o ano mang regalo sa araw ng mga puso.
Pero…. Pero…. Pero….
Eksaktong isang linggo makalipas ang araw ng mga puso….
Binulabog ako ng isang tawag sa phone habang bumubula bula pa ang bibig ko sa pagtu-toothbrush.
“Open door, flower, flower!” Ang sabi ng delivery boy sa kabilang linya.
At eto na nga po ang bumungad sa akin.
Say mo? Cute dibah? Salamat sa nagbigay 
First post using an app! Yay!
Lol! Nasaan nga ba?
Bakit hindi mahanap yung totoong love. Yung hindi one-way lang. Yung unconditional….?
Hmmmnnn… Uso pa ba yun? Meron pa bang ganun? Daming katanungan na mejo mahirap sagutin. Kung hindi naman natatagpuan pa yung totoong love… yung hindi one-way… yung unconditional.. masyado na akong redundant. Aba’y napakahirap sagutin niyan. Ang makakasagot lang nian ay yung mga couple na hanggang sa pagtanda nila ay sila pa rin ang magkasama at nagmamahalan.
Kung minsan parang gusto mong itanong paano nangyari sa iba na walang kahirap hirap na dumating at natagpuan yung true love nila. Samantalang sa sarili mo ay hindi. Inugat ka na’t lahat (lol) puro mali pa rin ang mga napipili o nagugustuhan mo. Nakakapagod din kung minsan ang trial and error sa pag-ibig, kasi maraming nasasayang na oras.
Bakit kasi hindi na lang pagtagpuin yung mga taong totoong magmahal. Tapos yung pare parehong manloloko at manggagamit sila naman ang ipagpares. Para pag nagkabukuhan at nagkabukingan na ng mga panloloko nila, matatawa na lang sila pareho sa kalokohan nila dahil pareho pala sila ng takbo ng isip. Walang masasaktan dahil pareho lang naman ang intention nila sa isa’t isa.
O bakit di kaya magkaroon na lang ng True Love detector. Idea iyan ng isa kong kakilalang may pinagdaanan din sa pag-ibig. Naisip ko magandang idea yun! Bakit nga wala nun? At least mejo layo layo ang lahat sa mga taong alam mong hindi ka pala totoong mamahalin.
Ang sabi naman ng iba – kung lahat ng bagay sa pag ibig ay simple at madali… Kung hindi ka masasaktan, maloloko or iiwanan, hindi ka daw matututo… hindi ka daw magiging matatag. Pero kung minsan naman hindi mo naman kailangan yun. Hindi mo kailangang maging matatag. Dahil matutunan mo ang pagiging matatag sa ibang bagay, sa ibang paraan na hind mo kailangang pagdaanan yung sakit na binigay ng pagmamahal mo lang ng totoo. Kung walang mga manloloko sa pag-ibig, kung makilala mo agad si THE ONE bakit kailangan pang matutunang maging matatag?
Kung minsan life is unfair talaga. Bakit ang iba kailangang dumaan sa sunud sunod na failure in love life. Samantalang ang iba, after one or two heartbreaks, matatagpuan na si The One. Mas lalo naman ang iba, estudyante pa lang sila ay natatagpuan na agad ang kanilang makakasama for life. And it’s a sad fact na kabilang ako sa mga taong nahihirapang matagpuan si The One.. and possibly will not find The One. Kaya tuwing Love Month at ang mga lovers ay abala sa mga roses and chocolates and dates – mejo napapaisip ako kung ano nga ba talaga yan importante ba yan lol! Bitter ampalaya lang ako lol!
Aamin na ako. Meron namang nagyaya ng “dit ba” pero paano kung hindi mo naman gusto? Eh di wag na lang makipagdate dibah.
Tandaan:Â Makipagdate lang sa taong sa pakiramdam mo ay posible mong magustuhan. Kung tingin mo ay hindi mo talaga type – magdahilan na lang na busy ka.
So since ako ay walang jowa at date this balentaym magpapakabusy na lang ako sa trabaho 
Mabuti pa ang mga pigeons sa entry kong ito.
]]>Susulat. Walang magawa eh.
Buburahin. Walang kwenta ang sinusulat eh.
Â
Ano ba talaga gagawin ko?
Pamatay oras lang.
Â
Hindi magbalanse talaga.
Nung nakaraang mga buwan losyang na ko sa kabusyhan.
Ngayon titig-monitor ang trabaho.
Â
Nakakainip. Wala ng trabaho sa opiz. Wala pang lovelife haha.
Bakit napasok na naman yang lovelife nayan! LoL!
]]>Noon. Sa apat na taon kong pagtatrabaho sa Dubai, hindi man lang ako nakapagbakasyon. Mahirap kasing magpaalam noon at napakatagal bago aprubahan. Pauulit ulitin kang pahanapin ng murang ticket. Lumipas na ang ilang buwan at ang buwan ng bakasyon mo — hindi ka pa rin nakakaalis. Dito sa bagong kumpanya, mabilis lang. Bigyan ko lang sila ng pagpipilian, ilang araw lang okay na — pababayaran na ang ticket para hindi na mapalagpas pa.
Kaya noon minabuti na lang namin na kunin ang pera. Pero ngayon, gugustuhin ko namang umuwi at magspend ng oras kasama ang pamilya. Kahit magastos, masaya naman kami! Yey!
Doon sa dating kumpanya tuwing ikalawang taon ang libreng ticket. Pero dito, taon taon libre ang ticket. Yey ulit!
Eksaktong isang lingo na lang… makakatapak na uli ako sa Pinas! Yey!!!
]]>Paalis na lang kasi ako ng bahay para pumasok sa office, hindi ko pa mahanap ang NOL card (train and bus) ko. Nagmamadali pa naman ako dahil dadaan pa ako ng bank para magdeposit ng cheque na kailangang mai-deposit before 9:00 AM. Ang alam ko nilabas ko ng bag iyon dahil magpapalit ako ng gagamiting bag. Pero nung paalis na ako nawala na ang card. Binaligtad ko na ang dalawang bag. Sinilip ko na ang ilalim ng sofa. Tinignan ang bed ko. Pero wala talaga!!! 
Paano ako papasok? Magta-taxi? Sayang naman dahil maraming ikot pa ang gagawin nun. Bibili ng bagong card? Pero abala lang iyon at mauubos lalo ang oras ko. Ang ginawa ko na lang. Naglakad ako. 15-20 minutes kayang lakarin papasok. Magtatagal lang ako dahil pupunta pa ‘ko ng bank. 8:35 na ata ako nakaalis ng bahay. At sakto 8:59 AM naideposito ko ang cheke!
Pero may konting abala habang papunta ako ng banko. Mabagal akong naglalakad dahil hinahanap ko ang deposit slip at cheke. Maya maya naramdam ko na lang may something na bumagsak sa braso ko. Eeewness! Nakakainis naman talaga! May ipot ng kalapati sa braso ko! (Sorry sa mga kumakain) Mabuti na lang may wet wipes akong dala, kung hindi paano na lang ano ang ipampupunas ko dun LoL! Pero ang dala kong wet wipes ay…. basta secret! Bawal sabihin. Â Nakakahiya lol! Talaga namang it’s my day, today!
Swerte daw yung maiputan, sabi nila. Pero hindi ko pa maisip ang swerte dahil nanghihinayang ako sa nawawalang bus card na pangkalahating buwan ko pa sanang magagamit.
Â
Napaka-careless ko naman!
Teka, nasaan na kaya ang swerte ko?
]]>Nakakatuwa talaga silang panoorin. Madalas silang tambay sa aming balcony. Kami ay nasa 6th floor. Siguro dito sila sa balcony namin naging komportable. May inilagay kaming sobrang carpet sa balcony. Nang mga nakaraang araw napansin kong madalas nakatambay ang isa sa kanila. Sumunod na gabi andun pa rin siya at kahit pumunta kami doon ay hindi sila natitinag.. Unti unti ay nag-iipon na ng mga sanga sanga ang magjowang kalapati. Yes kalapati po sila. Yun naman pala buntis na siya.
Kaninang umaga Feb 15 habang kami ay nag-aalmusal, nakikita namin ang mag-asawang kalapati. Busy’ng busy ang lalaking kalapati sa pangunguha ng mga sanga-sanga. Habang ang babaeng kalapati ay nakaupo lang at hindi kumikilos kahit na kami ay sumisilip paminsan-minsan sa balcony. Hiyang hiya naman kaming istorbohin siya dun lol. Nakakaawa naman kasing itaboy dahil pakiramdam namin manganganak na siya. At hindi nga kami nagkakamali. Ilang minuto lang biglang may lumabas na itlog sabay tayo niya at lipad. Ang lalaking kalapati naman ang pumuwesto at naglimlim sa itlog.
Pagbalik ng babaeng kalapati, wala ng tigil ang pag-alis at balik ng lalaking kalapati. Laging may tangay na kung ano-anong sanga. Nakakaawa naman siya, Im sure pagod na pagod na. Pero nakakabilib ha. Mabuti pa ang kalapati alagang alaga ang jowa niya. Mabuti pa ang mga kalapati nagmamahalan.
Mabuti pa ang birdie may lovelife. Bakit ako wala? LoL! San ko ba makikita yung para sa akin. Kagaya ng kalapati na totoo yung pagmamahal at pag-aalaga sa mahal niya. Hindi naman kalapati ang hanap ko ha. Syempre tao naman noh! LoL!
]]>Unang-una, wala pang trabahong dapat gawin. Maaga pa, mga 10AM dun ako magsisimula. Malamang kasi ang mga taong dapat kong tawagan late naman papasok.
Pangalawa, wala akong ka-chat. Hayst naman busy ata ang aking friendship, wala akong reply na natatanggap sa kanya.
Pangatlo, naisip ko lang baka pinamamahayan nang agiw ang bahay kong ito.
Pang-apat, gusto ko lang kausapin ang sarili ko. At alam kong sa pamamagitan ng pagba-blog parang kinakausap ko na rin ang sarili ko – at kahit papaano matatanggal pa ang pagkainip ko.
]]>Tamang tawiran – 15mins papunta + 15mins pabalik
Maling tawiran – 5mins balikan na
Ganyan ang oras na natitipid ko. Kaya minamabuti kong tumawid sa nakamamatay este sa bawal na tawiran. Nung araw na iyon dala-dala ko na ang chekeng idedeposito ko bago pumasok ng opisina. Matapos kong maideposito ang cheke handa na akong tumawid palapit sa pinakatapat ng building na pinapasukan ko. Ilang hakbang pa mula doon nakita ko ang tatlong lalaking sunud-sunod na tumawid. Nakakapanghinayang! Kasi hindi ako nakasabay sa kanila. Maluwag pa naman ang kalsada sa magkabilang tawiran. Sa unang kalye paisa isa lang ang sasakyan. Sa sumunod na tatawiran, nakatigil ang mga sasakyan. Kaya mabilis silang nakatawid. Nakakainis talaga dahil hindi ako nakahabol.
Kaya wala akong nagawa kung hindi maghintay na maubos ang mga sasakyan sa unang tawiran. Sumunod ay hinintay ko namang tumigil ang mga sasakyan sa kasunod na tawiran. Sa wakas, pwede na akong tumawid! At habang ako ay tumatawid, unti unti kong nakikita ang nakaparadang kotse ng pulis sa ibaba ng building na pinapasukan ko!
Hindi ako pwedeng umatras nasa gitna na ako ng ikalawang kalyeng tawiran, baka bigla pa akong mabundol pag umatras ako. At huli na rin ang lahat. Pag tumawid akong pabalik sa gitna, kakailanganin ko ring tumawid pa-kabilang kalye. Dumiretso na lang ako ng tawid habang kabadong kabado at nagdadasal na sana hindi ako makita. Ayokong luminga linga dahil ang nasa isip ko may pulis ng nakatingin sa akin at naghihintay lang na makatawid na ako ng tuluyan papunta sa building. Tinitigan ko maigi ang kotse ng pulis pero parang wala akong matanaw sa loob ng sasakyan kaya malaki ang hinala kong nasa labas sila. Ilang hakbang papalapit sa sasakyan, nakita ko na ang pulis nakaupo sa driver’s seat pero nakatalikod. May kausap na tatlong lalaki.
Yun pala ang tatlong lalaking nakita kong tumawid! Nahuli sila ng pulis! Tumakbo na ako papasok ng building para hindi na ako mapuna at kung halimbawang napuna, gugustuhin ko na lang na tumakbo para hindi mahabol lol! Sobrang kabado ako at nageexpect na baka may biglang magpahinto sa akin habang tumatakbo. Mabuti na lang wala. Hanggang sa makapasok ako ng building at kwentuhan ko si mamang guard. LoL! Kabado pa rin ako hanggang ngayon. Sumunod na araw na nagdeposito ako ng cheke. Bahala ng abutin ako ng 30mins, ang importante hindi ako mahuli. Bukas mag-dedeposito na naman. Tsk. Tsk. Tsk. Dapat kasi may pedestrian lane sa tapat.
Lesson Learned:Â Hinding hindi na tatawid sa maling tawiran, sayang naman ang 200-210 dhs.
]]>

