tengga /tƐȠgɅ?/ pnd. estado kung san walang ginagawa; blangko, walang laman.
kelan ko lang nakilala yang salitang yan (ginawang title ng libro). ang nasa itaas din ang pagkakaintindi ko sa kanya. ewan ko kung sumakto ako, pero kung hindi man, walang pakialamanan. eh sa yan ang pagkakaintindi ko eh. hehe. ngayon, habang makulimlim ang kalangitan at may manaka-nakang pag-ambon, habang nanonood ako ng lalakeng parang wala ng bukas kung makalamon (man vs. food), at habang naghihintay ako ng laban ni pacquiao sa solar sports, naalala ko ang kaibigan kong si tapa. napag-isip-isip ko na ang tagal ko ding tinengga ‘tong tamabayan ko. may mga nagtataka siguro kung bakit (yun eh kung meron man.hehe.), bakit nga ba? eto ang listahan ng mga palusot ko: 😀
1) busy ako (asus..busy your face!);
2) kasi blocked ang wordpress sa office (asar!eto..totoo to!), kaya pag may mga gusto akong isulat habang nasa office, hindi ko maisulat;
3) walang internet sa bahay. (-___-“) (maralitang maralita ang dating.haha)
4) lagi akong nasa layasan (saka na siguro ako magsusulat tungkol sa mga paglalakwatsa ko kapag tinopak akong magshare.haha);
5) wala akong maisip na isulat; at
6) hindi ko na alam (hahaha).
yung # 5-6 pag pinagsama..wala akong maisip at hindi ko alam kung bakit, minsan nakakaasar. kasi andami kong gustong isulat, bigla nalang lumulutang ang mga idea (lalo na pag nakatunganga na ko sa office)..kaya lang..tumingin sa #2-3. hehe.
sa ngayon, hangga’t may pagkakataon na makapagsulat at makabisita ng mga bahay, tambayan at kung ano pa..gagawin ko para di naman masyadong matengga ‘tong bahay ko. =^___^=
ayown.
