Kwentong Buhay
Ipinanganak ako sa Naujan, Oriental Mindoro. Hulyo 11, 1943
Ang Tatay ko ay si Vivencio dela Torre. Namatay siya nang ako ay 4 na taon pa lamang.
Ang Inay ay si Romualda Gan dela Torre. Malapit na siyang umabot ng 89 sa Febrero 2009.
Ang tangi kong kapatid ay si Irene dela Torre. Nagtatrabaho siya sa Puerto Rico.
Ang aking kabiyak ay si Girlie Villariba, kaagapay at kasama sa paglalakbay sa buhay.
Ang aking panganay na anak ay si Gabriel dela Torre. Asawa niya si Minette de Leon. Kapapanganak pa lang ng kanilang kambal na sina Edric at Yohan, parehong lalaki.
Ang aming anak ni Girlie ay si Laraine dela Torre, nag-aaral ng Psychology sa UP.
Sila ang aking pamilya sa dugo at laman.
Kasama sila sa mas malaki ko pang pamilya – sa isip, damdamin, at adhikain.
Meron na akong blog sa Ingles, pero naisipan kong magblog sa Pilipino para sa mga kaibigan kong mas gustong makipag-usap sa sarili nating wika. Ke Ingles o Pilipino, siempre ako pa rin ako.Umabot na ng 65 sa 2008. Maraming pinagdaanan: dating pari, dating bilanggong pulitikal, dating UG, dating opisyal ng gobyerno sa TESDA. Ngayon, gustong ituring ang sariling edukador sa mga susunod na kabanata ng aking buhay.
By: Ed dela Torre on Enero 6, 2009
at 1:19 umaga
Napapanahon ang inyong pagsusulat sa WordPress. Kailangan ang matitinong blogista sa Filipino, at hinihintay ng marami ang inyong matatalisik na akda.
By: Roberto Añonuevo on Enero 7, 2009
at 2:16 umaga
Maraming salamat sa ipinaabot mo. Kahapon, binisita ko at binasa ang marami sa mga sinulat mo sa Alimbukad. Sana nga, mas marami pang Pinoy, at Pinay, ang makilahok sa usap-usapan sa cyberspace.
By: edicio1943 on Enero 7, 2009
at 5:07 umaga
Gusto ko ang tema ng inyong blog mula sa pamagat hangang sa inyong mga isinulat.
By: rockwitralph on Setyembre 8, 2009
at 9:13 umaga
Mang Ed, ikinawing ko kayo sa aking blog. kahangahanga po kasi ang adhikain ninyong magblog ng sarili ninyong mga karanasan sa wikang Filipino/Tagalog. Kamakailan lang, pumunta ako sa Mindoro para makiramay sa mga naulila ng aking tiyuhin. Maganda at malinis po ang inyong lalawigan at palakibigan ang mga tao.
Ipagpatuloy po ninyo ang magandang simulaing iyan. tama si Roberto Anonuevo, kailangang isulong ang matitinong blog na nasa wikang Filipino.
By: neil dalanon on Nobyembre 17, 2009
at 4:38 umaga
Maraming salamat po sa inyong sinulat ang ganda po nito…………
By: Arlyn mae caadlawon on Hunyo 29, 2014
at 10:34 hapon