Isa sa mga paraan ni Dick ng paghahanap ng babae na mabibiktima ay ang friendster.
dito niya nakilala si barba. isang web developer. hindi katangkaran, maganda, maliit ang height pero malaki ang dibdib, sexy kung manamit, labas and cleavage.. “hot” kung titignan ang kanyang mga larawan.
kinaibigan, at kinilala ni dick si barba dahan dahan. at ng magkapalagayan ng loob, inaya na ni dick na sila ay magkita.
unang pagkikita nila ay sa isang mall sa maynila. dahil parehas nag tatrabaho, minabuti nilang magkita sa gabi.
dick: pano kita makikilala?
barba: naka pang office attire ako, skirt, at longsleeves na polo. ikaw?
dick: naka pang opisina din. itim na pantalon at longsleeves din na polo, kulay blue.
at nagkita na nga ang dalawa..
dick: ang layo ng ichura mo sa personal.. mas maganda ka.
barba: bolero!
dick: totoo. teka, gutom ka na ba? san mo gustong kumain?
barba: medyo busog pa ako e. may pakain kase sa opisina.
dick: ganun ba. e anong gagawin natin?
barba: ikaw bahala, kahit ano.
naglaro na sa isip ni dick na ayain mag motel si barba. pero may mga rules na sinusunod si dick.. 1.) no sex on first date. yun ay para makuha niya ang tiwala ng babae at para hindi isipin na sex lang ang habol niya. systematic cheating.
dick: gusto mo manood na lang ng sine?
barba: pwede rin. maganda ata yung bagong palabas ni katherine heigl.
dick: o sige. tara..
at nanood nga sila ng sine. dun pumapasok ang second rule ni dick. 2.) kung manonood ng sine sa unang pagkakataon, holding hands lang ang pwedeng gawin.
habang nanonood ng sine. dahan dahang hinawakan ni dick ang kamay ni barba. dahil na rin may katagalan narin silang “online friends” ay hindi na pumalag si barba. hindi panget si dick, may ichura, katamtaman ang tangkad at laki ng katawan. mukang propesyonal. presentable at laging mabango. natapos ang pinapanood nilang palabas na magkahawak parin ang kamay.
dick: medyo gumagabi na rin, mas maganda siguro kung uuwi na tayo. ayokong gabihin ka sa kalsada.
barba: (medyo kinilig) o sige. kahit wag mo na akong ihatid, malapit lang naman dito ang bahay ko.
dick: (sa isip niya, buti nalang at hindi nagpahatid) sigurado ka? sakin ok lang.
barba: wag na. gagabihin ka din. may pasok pa bukas diba?
hindi na pinagpilitan ni dick ang paghatid at baka um-oo pa. at naghiwalay ng landas ang dalawa. habang bumabyahe pauwi si dick, sinimulan na niya ang kanyang pangdudugas.
sa text:
dick: salamat,nagenjoy ako ng husto. magingat ka pauwi ha. magpakita ka ulit ha. hehehe!
barba: ako din nagenjoy. salamat sa treat ha. oo naman, magpapakita ako ulit wag ka mag alala. ok ka naman e.mabait ka.
dick: talaga? sige asahan ko yan ha. parang namiss nga ata kita agad. ang sarap hawakan ng kamay mo.. sana maulit yun.
barba: naughty ka ha! hahaha! ok lang, hawak lang pala sa kamay e.
dick: hahaha! hindi naman sa ganun. siguro din e dahil matagal na akong walang gf, kaya nanibago. ang sarap pala ng may kahawak ng kamay. sayo lang ako nakaramdam ulit ng ganito.
barba: hahaha! ikaw naman! bihira ka naman kase makipagdate kaya wala kang nagiging gf.
dick: hahaha! oo nga e. sa tagal nga e tingin ko hindi na ako maurnong humalik. hahaha! pero ok lang, di ko naman hinahanap yun.. nakakatiis ako.
barba: what?? teka, kelan ka huling naka kiss? err.. kelan pa last sex mo? hahahahaha! hindi kaya bakla ka? uy joke lang..
dick: hahaha! hindi ako bading no. kiber mo ba. hahaha! joke lang. last kiss? 2 years na siguro, smack pa sa pisngi. hahaha! pero yung totoong kiss, siguro 3 years ago.
barba: bading bading! hahaha! buti nakakatiis ka. at buti hindi ka nag attempt magkiss kanina sa sinehan?
dick: hahaha! di nga ako bading. echosera! kanina, well.. ewan. medyo. muntik na.hahaha! nakakahiya lang, pati ayoko masampal. hahaha! pero tao lang ako, tinablan din naman. gusto kong gawin, pero.. basta..
barba: hahaha! ok lang yun. at least e honest ka. hindi na ako sasama sayo sa sinehan ulit. hahaha! joke.
dick: wag ganun! hahaha! honest lang ako, muntik lang. di ko naman ginawa diba? pati baka mapahiya lang ako, hindi naman ako marunong e. ata. hahaha!
barba: hahaha! biro lang yun. of course sasama ako sayo ulit.
dick: salamat. sige next time ulit.. sine tayo. kaso ang panget kung hahalikan kita sasinehan. hahahaha! parang high school lang.
barba: yuck! di ko gawain yun..dati, oo. nung college. hahaha!
dick: ako din dati ganun nung college. sige dun na lang tayo sa walang makakakitang iba na nagkikiss tayo… hahaha!
barba: naughty! hahaha! e wala ka ngang alam jan, dadalhin mo pa ako dun. hahaha!
dick: oo nga ano.. hehehe! at least safe ka, alam mong wala akong magagawa sayo.. kahit tayong dalawa lang dun.
barba: hahaha! oo nga. sabagay. ano ba yan, nakakadala. para narin akong pumayag na pumunta tayo dun.
dick: mas masama kung ikaw ang nag aya. hahaha! e ako naman.. di naman siguro masama mag kiss in private. mas nakakahiya kung mahuhuli tayo ng roaming guard sa sinehan. hahaha!
barba: hahaha! lakas ng loob mo magcheck in.. e muka ka ngang walang alam. hahaha! basta, magkita muna tayo ulit..
dick: hahaha! yabang! ewan ko.. hindi ko alam kung may alam pa ako.o sige, magkita na lang muna tayo.. baka nadadala lang siguro ako dahil nagenjoy ako ng husto kasama ka.
barba: siguro nga, ganun din ako..
dick: so kelan? kelan ko papatunayang di ako bading? hahaha!
barba: hahaha! yuck ka! hahaha!
dick: bukas? pwede ka ba? gusto na agad makita. excited? hahaha! love na ‘to.hahaha!
barba: sige, bukas. wala naman akong lakad.. excited ka ha! hahaha!
dick: sige, gusto ko rin bukas. thanks! ingat ha. bukas makikita na kita ulit. salamat ha.
barba: wala yun, gusto ko rin namang kasama ka. sarap mo kasama e.
dick: flattered. naks! thanks.. mwaah! o, marunong pa ako mag kiss.hahaha!
barba: hahaha! ok. bukas. mwah!
abangan kung ano ang mangyayari sa susunod na pagkikita ni dick at ni barba…