Exporters From Japan
Wholesale exporters from Japan   Company Established 1983
CARVIEW
Select Language

merong tao akong ayaw idamay sa anumang entry ko dito sa blog ko. ayokong maging bahagi kasi siya ng bloglife ko. dahil siya ang aking “Present” … tama nang manatili na lamang siya sa aking pansariling buhay.

sa ngayon. sa tingin ko masayang-masaya na ako sa buhay ko. wag niyo nang itanong kung bakit? obvious naman diba? may nagtanong sa akin kung sino nga ba si Jordan? si JORDAN??? tsk tsk tsk! isa na siyang kahapon. para sakin mas masarap na kalimutan ang mga bagay na dapat nang makalimutan forever. ayoko na siyang isipin. pasasaan ba’t tuluyan na siyang mawawala sa sistema ko. sistemang nilamon niya nang buong-buo. tama nang ibaon na lang siya sa nakalibing na mga alaala.

sa mga nakaraang mga araw. alam kong masayang-masaya na ako. kahit pa may umeepal pa rin sa buhay ko. at ayoko na ring isipin ang mga taong pilit na sumira sa buhay ko. paksyet na lang sila!!!

]]> https://dee13.wordpress.com/2008/03/08/sobrang-okay-pare/feed/ 1 271 Prinsipe ng Pangarap! 000_dilan.jpg Guzmanian Reunion! https://dee13.wordpress.com/2008/03/04/guzmanian-reunion/ https://dee13.wordpress.com/2008/03/04/guzmanian-reunion/#comments Tue, 04 Mar 2008 03:23:10 +0000 https://dee13.wordpress.com/2008/03/04/guzmanian-reunion/ guzman.jpg
GUZMAN COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
March 25, 2008; 3:00PM
(para lang to sa mga ka-batch at friends namin dati ha!)

kailan lang. nagparamdam sakin ang kaklase ko dati sa Guzman na si Rap-Rap. niyayaya niya akong pumunta sa bahay nila kasama ang dalawa pa naming kaklaseng sina Ed at Ernest. pero sa kasamaang palad. nag-inarte si Ed at wala naman si Ernest, nang tinext ko naman si Ceejay, na isa pa naming kaklase eh kasalukuyang nasa dulo ng walang hanggan. tinext ko na lang ulit siya na hindi na nga kami matutuloy.

hanggang sa napag-usapan naming ituloy na lamang ang sama-sama sa March 25, 2008, birthday daw kasi ni Rap-Rap. sinabi kong pasabihan na niya ang lahat ng mga kaklase namin i-chain text niya kung maaari. gawin niya ang lahat ng mga POSIBLENG paraan para dumating ang mas nakararami. ilan na ang nagparamdam at nagsabing darating sila sa araw na iyon. sana lang matuloy. sa buhay ko maraming-maraming tao na akong namimiss, at hindi ko ibinaon sa limot. sana nga magsama-sama kami ngayon. balitaan, kumustahan, kwentuhan. alam kong magiging napakasaya nun.

kaya sa lahat ng mga taga- Guzman College of Science and Technology. kitakits na lang tayo sa March 25, 2008, alas-tres ng hapon sa mismong tapat ng school.

P.S. nagyaya nga rin po pala si Rose (Norhinia) Sema sa Pizza Hut Glorrieta, andun daw si Darrel. bahala na kung sinong sasama, sa Monday, March 10. manlilibre daw siya dahil birthday niya.

HAPPY BIRTHDAY SEMA!

]]> https://dee13.wordpress.com/2008/03/04/guzmanian-reunion/feed/ 4 268 Prinsipe ng Pangarap! guzman.jpg miss ko na! https://dee13.wordpress.com/2008/03/03/miss-ko-na/ https://dee13.wordpress.com/2008/03/03/miss-ko-na/#comments Mon, 03 Mar 2008 05:10:07 +0000 https://dee13.wordpress.com/?p=267 namimiss ko na naman ang mga kaibigan ko noon sa opisina. haiz, matagal na rin pala mula noong huli kaming magkita. hindi na nakakatext sina Joy at Jericho… me bago pa ba? eh antatamad naman nila talagang mag-load. si Eve at Andrea ayun at me mga balita pa rin naman… sa text na nga lang. Si Jessica, sa text din. Si Abbie, well asa pako sa intsik na yun eh minsanan lang naman talaga magtext yun kahit na noon pa. si Rose, balita ko ayos na sa buhay may-asawa. yung iba gaya nina Maan, Khin at iba pa naming katropa, hindi na bumabalita. at yung iba naman… nevermind.

minsan nakakatamad naring puro kuwentuhan na lang kami ng mga kabarkada ko ngayon dito samin. hindi naman lahat ng oras gusto kong maki-chikka chikka. namimiss ko pa rin yung dati. si ex-bestfriend… ayun at wala na talagang imikan. ewan ko nga ba kung bakit palagi ko siyang napapanaginipan with his wife na kailan lang eh nakahiwalayan niya. GUILTY siguro ako. pero sabi naman ng ex-wife niya, wag daw akong maguilty dahil wala naman daw akong kasalanan. dati pa raw niyang balak na hiwalayan yun. pero ewan kung bakit parang nagiguilty talaga ako.

PS: kakamoderate ko lang ng koment ni Joy.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2008/03/03/miss-ko-na/feed/ 2 267 Prinsipe ng Pangarap!
Lalaki Sa Parola. https://dee13.wordpress.com/2008/03/01/lalaki-sa-parola/ https://dee13.wordpress.com/2008/03/01/lalaki-sa-parola/#comments Fri, 29 Feb 2008 17:14:01 +0000 https://dee13.wordpress.com/2008/03/01/lalaki-sa-parola/ napanood ko na ang indie film na “Ang Lalaki Sa Parola” naalala ko tuloy noon na sinabi sakin ng kaibigan kong si Joy yung tungkol dun. sa wakas napanood ko na. anlufet ng pelikula. totoong-totoo… napakaganda, pati pagkakagawa, kahit na tatlong araw lang na ginawa at digicam lang ang ginamit sa paggawa nito… ayos na ayos, sulit na sulit ang thirty five pesos na pinambili ko ng piniratang cd sa quiapo.

panoorin niyo rin.

lalakisaparola2.jpg

]]>
https://dee13.wordpress.com/2008/03/01/lalaki-sa-parola/feed/ 4 266 Prinsipe ng Pangarap! lalakisaparola2.jpg
paano ba kasi? https://dee13.wordpress.com/2008/02/27/paano-ba-kasi/ https://dee13.wordpress.com/2008/02/27/paano-ba-kasi/#comments Tue, 26 Feb 2008 17:51:54 +0000 https://dee13.wordpress.com/2008/02/27/paano-ba-kasi/ nitong mga nakaraang araw. merong nabuong plano sa utak ko. ano kaya kung kalimutan ko na nang biglaan, as in isang bagsakan si Jordan? alam ko mahirap yun, pero sa tingin ko naman, sanayan lang naman ang lahat ng bagay at sa tingin ko rin ay kakayanin ko.

oo mahirap. malamang sobra, pero basta ba huwag siyang magpakita pa sakin, malamang makalimutan ko na siya ng tuluyan. ang nagiging problema lang naman eh hindi ko kayang hindi siya pansinin kapag hindi siya dumarating. kaya tingin ko kung hindi naman siya darating, mas mapapadali. tingin ko kakayanin ko.

wish me luck. naisip ko kasing hindi ako makakaalis sa kasalukuyang ako kung hindi ko tutuldukan ang kwento namin.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2008/02/27/paano-ba-kasi/feed/ 3 264 Prinsipe ng Pangarap!
prakaping! https://dee13.wordpress.com/2008/02/20/prakaping/ https://dee13.wordpress.com/2008/02/20/prakaping/#comments Wed, 20 Feb 2008 05:09:01 +0000 https://dee13.wordpress.com/2008/02/20/prakaping/ hindi na lumilipas ang isang buong araw na hindi kami nagkakasama-sama ng mga kaibigan kong sina King, Alex, Jaycee at Denz – minsan naiisip kong mas lalong nagiging komplikado ang lahat, pero looking on the brighter side, masaya. nadala na rin ako na sa bawat kasiyahan – may kakambal na kalungkutan. natatakot ang harapin ang mga maaaring mangyari, na magdudulot ng matinding kalungkutan. si Jaycee na sentro palagi ng asaran, si Alex na mala-henyo kung titingnan – whistle kung whistle ang labanan, si King na pa-sweet; sagad hanggang buto at si Denz – na puno ng kaabnormalan. hindi na kami makaiwas sa makakating dila ng mga tao. marami na ang umeepal.

madalas na rin akong dinadalaw ni Jordan – ewan pero ayos naman at masaya kapag nandiyan siya, pero kung wala naman okay lang din.

tinatamad na rin naman ako sa pagtambay, gusto kong magkaroon ng mas magandang katuturan ang buhay ko. namimiss ko ang mga kaopisina ko, sina joy, jericho, andrea, maan, eve, niall, joan, abbie, bunjon, jen, rose, jessica, lyn at carl. namimiss ko yung kwentuhan at kulitan namin noon. hindi ko namimiss yung trabaho ko, mas namimiss ko yung mga TUNAY na kaibigang nakilala ko. namimiss ko yung boss kong Koreano.

nagbalik na nga ng lubusan ang pagkakaibigan namin ng mortal kong kaaway na si Toni, pero minsan na-giguilty pa rin ako.

P.S: Badtrip ako sa mga taong umeepal sa buhay ko, yun bang mga taong akala nila eh alam na nila ang lahat – nag-fifeeling close at nagmamarunong sa mga bagay-bagay. ayoko ng mga taong CHISMOSA, siguro dahil walang ibang mapaglibangan. prangka ka na kung prangka pero alam kong PLASTIK ka din at BALIMBING pa! bakit? tataas ba ang sweldo mo? magiging boss ka ba ng kumpanya sa mga ginagawa mo? anuman ang gawin mo, DIYAN KA NA LANG SA KINALALAGYAN MO!

]]>
https://dee13.wordpress.com/2008/02/20/prakaping/feed/ 4 263 Prinsipe ng Pangarap!
kamusta na? https://dee13.wordpress.com/2008/02/18/kamusta-na/ https://dee13.wordpress.com/2008/02/18/kamusta-na/#comments Mon, 18 Feb 2008 03:48:59 +0000 https://dee13.wordpress.com/?p=260 kamusta na? alam ko namang walang naka-miss sakin. pero dahil maepal ako… kailangan kong gumawa kahit napakaikling blog entry lang para sa sinumang trip din basahin ang mga isinusulat / itinatype ko.

dilansss.jpg

nitong mga nakaraang buwan… nakakapagtakang hindi man lamang ako makapagpost samantalang wala naman akong ginagawang mabuti – siguro tinatamad lang talaga ako or whatever. nawawalan ako ng gana, lalo pa at wala naman akong ginagawa maghapon magdamag kundi tumambay, makipagtsikahan etc. nga pala… namimiss ko na tuloy ang mga blogfriends ko at ang mga friends ko. ano na kaya ang mga pinagkakaabalahan nila? naaalala pa ba nila ako? maaaring oo, pero maaaring hindi rin. pero anu’t-ano pa man, namimiss ko na silang lahat – kayong lahat!

may mga bago akong kaibigan – sina Jhay-R, Jessie at King, lima na tuloy kami nina Herson na magkakasama palagi. madalas na nagkakatuwaan at madalas ring nag-ookrayan. nakakapagod at nakakapanakit ng katawan pala talaga ang pagjujumping-rope at pag teten-twenty. hindi na kasi sanay ang katawan ko sa ganung patibayang laro. lalo pa at may pagkalastik ang katawan ni Jhay-R. madalas naman na tampulan namin ng pang-aasar eh si Jessie, si Jessie… na mukha ngang lalaki, pero tadtad naman ng kaladian ang katawan. hindi na ulit kami nagpapansinan ni Ex-Bestfriend Arnold… (bakit kanyo?) ewan ko… talagang nababanas lang ako kapag nakikita ko siya. ewan, ah basta. patuloy ang sweet friendship namin ng ex-Mortal Enemy kong asawa ni Jordan na si Maritoni. tumaba si ang patpating si Joshua. buntis na rin si Jeng-Jeng – sinong ama? malamang si Ace.

gusto ko pa rin naman talagang magpost. at ngayon ko ulit sisimulan ang panibagong yugto ng blog na ito.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2008/02/18/kamusta-na/feed/ 4 260 Prinsipe ng Pangarap! dilansss.jpg
Children’s Party! https://dee13.wordpress.com/2007/12/20/childrens-party/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/20/childrens-party/#comments Thu, 20 Dec 2007 03:53:42 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/20/childrens-party/ arrouni.jpg

pumunta ako kahapon sa bahay ng dati kong opismeyts at ngayon ay mga matatalik ko nang kaibigan na sina Joy at Jericho. sakto naman ang dating ko dahil birthday pala ng prinsesa ng bahay nila na si Arrouni (isang dalawang taong gulang na bata) hindi mo aakalaing 2 years old pa  lang siya sa sobrang bibo nung bata. napakagaling magkabisado ng mga bagay-bagay, from alphabet, number to product labels. naaliw nga ako kasi nung una nahihiya pa yung bata sakin although ilang beses na rin naman niya akong nakita, maya-maya naman eh katabi ko na siyang nakaupo at nagpapasikat na.

from simple handaan  – nauwi sa bonggang kasiyahan. isa-isang nagdatingan ang mga bisita. parang children’s party talaga ang dating AS IN! dumating yung mga kaibigan, kabarkada at kasamahan sa trabaho ng dady PeeWee nung bata. from 20 pataas ang mga tao. at si Arrouni lang ang bata. ang ingay, ang kukulit, ang sasaya.

dapat talaga sandali lang ako pero dahil enjoy, abutin ba naman ako ng midnight hahaha IMAGINE THAT! nag-inuman, nagkuwentuhan, nagkulitan, nagvideoke. wala nang pakialamanan basta kumanta ang gustong kumanta. iba-ibang mood… nakakatawa pa nung Rock and Roll sama sama-sama kaming parang isang banda. ANG INGAY! with matching talunan talaga. Rakrakan na talaga! sayang nga at hindi namin kasama sina Eve, Maan, at Andrea….. me balak pa naman akong IASAR kay Eve.

masaya pa lalo nang yung CD na ng boyband ang isinalang, pa-boyband effect talaga. WALANG KATULAD. nakita ko ang MAKULIT NA PINOY VERSION ng Westlife (Wishlayp) Backstreet Boys (Barako Boys) at A1 (Ewan)… ang saya talaga UBER!!! tingin ko mauulit pa yun at malamang sa b-day ni Joy.

kapag may time ako ipopost ko naman ang Concert Videos ng mga pasaway na boyband! ABANGAN!!!

HAPPY BIRTHDAY ARROUNI!

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/20/childrens-party/feed/ 7 258 Prinsipe ng Pangarap! arrouni.jpg
tambay https://dee13.wordpress.com/2007/12/19/tambay/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/19/tambay/#comments Wed, 19 Dec 2007 04:36:06 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/19/tambay/ sa sinumang nilalang na babasa nito! kamusta ka na? na-miss mo ba ako? ako oo namiss kita… SOBRA! obvious ba. meri krismas nga pala and a happy new yir ha!

gusto kong mangaroling
gusto kong mamasko

pasko na naman at naaalala ko na naman yung mga masasayang pangyayari sa buhay ko.

krismas parti sa iskul
out of town wid da klasmeyts
krismas parti sa opisina
gimikan

ngayon eto ako nakatengga sa bahay, paminsan-minsan nanonood ng sine, mag-isa. masyado palang boring ang buhay kapag walang lovelife no? i hate being single yah know! kabanas. wala man lang akong kakulitan, kaharutan at ka-bolahan. yung mga dati kong kabarkada, hindi ko na nakikita, puro mga katextmate ko na lang sila. minsan nga hindi pa.

nagpapasalamat na rin ako at nakabati ko na ang mortal kong kaaway. hindi ko na sasabihin kung sino siya. basta mga taon na rin ang binilang nang huli kaming magkumustahan. at kumare ko na siya ngayon, kamustahin naman diba? andami na rin sa mga kabarkada, kababata ko ang may mga anak na at may mga sarili nang pamilya, samantalang ako eto, nananatiling single, hindi ko pa ata kasi nakikita ang tru lab na sinasabi ng iba. pero kung iisipin parang nakita ko na. pero nadulas pa at napalayo.

waaaaaaaaaaah! gusto ko na talagang magsimulang mag-aral para matuldukan na ang pagiging single ko, para hindi na ako ganito ka-bored sa life ko. para may pinagkakaabalahan naman ako.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/19/tambay/feed/ 1 257 Prinsipe ng Pangarap!
Ethel Booba and Baron Geisler https://dee13.wordpress.com/2007/12/18/ethel-booba-and-baron-geisler/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/18/ethel-booba-and-baron-geisler/#respond Tue, 18 Dec 2007 01:35:49 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/18/ethel-booba-and-baron-geisler/ napanood ko na naman ulit ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 kagabi. masaya ako kapag napapanood ko iyon, gaya siguro din ng iba na adik na adik dati sa Jewel In The Palace at Jumong. maganda pa rin naman tagala ang boses ni Ethel Booba dahil birthday niya at nag-mini concert siya sa labas ng Big Brother house.

nakakatuwa na mayron na naman siyang nagustuhang bago. si Will Devaughn. pero nang kinakausap siya ni Kuya sa Confession Room, nagpaalaman naman sina Will, Ruben at Riza sa labas. saktong nagyakap na sina Will at Riza nang biglang lumabas naman si Ethel at kitang-kita niya ang halik na naganap sa inaakalang bagong pag-ibig at sa isang bagong kaibigan. nagsabi pa siya ng “My God!”… wawa naman. pero wag sana niyang ma-misinterpret dahil nag-gudnayt lang naman sila sa isa’t-isa.

by the way… late na ito pero.

napanood niyo ba nang magkaroon sila ng party sa loob ng bahay ni kuya at nang malasing nga si Baron Geisler ay pinagmamamanyak ang lahat ng girls. lumabas na siya ang ultimate pasaway. bat ako galit kay Baron? hindi ako galit, nababanas lang ako sa mga ipinapakita niya sa loob ng bahay. kahit hindi nagsasalita ang mga babae, alam kong nababastusan sila kay Baron. niyayapos, hinahalikan, at hinihipuan na niya ang mga babaeng housemates. minura niya pa ng “Tangina!” si Big Brother.

nang laplapin niya si Ethel, halikan sa lips si Yayo, yapusin at paghahalikan si Mariel, yapusin at halikan si Gabby, nang hipuan niya sina Gabby at Ethel. hindi ba masasamang gawain iyon? bat hindi siya pinalabas? nakaligtas si Riza dahil nakahalata na ito sa kamanyakan ni Baron at lumayo na siya kaagad dito. kinabukasan, ipinanood lang sa kanya ang mga pinaggagagawa niya… nu ba yun?

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/18/ethel-booba-and-baron-geisler/feed/ 0 256 Prinsipe ng Pangarap!
pasasalamat! https://dee13.wordpress.com/2007/12/17/pasasalamat/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/17/pasasalamat/#respond Mon, 17 Dec 2007 09:30:25 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/17/pasasalamat/ kapag natuloy ang balak ko, maaaring magbago ang lahat-lahat.

bibihira na naman ako mag-post. kasi mayron akong bagay na pinagkakaabalahan. ano naman kaya iyon. ABANGAN. hindi trabaho, hindi paaralan. isang bagay na maaaring magsilbing leksiyon sa ating lahat. isang pagsubok sa katatagan at katotohanan.

tama na ang satsat… wag niyong hihintaying ako ang bumanat! pagod na rin naman akong gawin ang mga walang kakwenta-kwentang bagay, ngayon may silbi na ang mga gagawin ko.

nga pala. gusto ko rin palang mangamusta at magpasalamat sa mga taong naririto pa rin sa tabi ko. kina joy at jericho. eve at andrea, maan at rose.  kamusta na kayong lahat? balita naman diyan. kay darwin – ang pastor na makulit. kay jessica  – ang nene na napag-utusan bumili ng suka sa opisina. kay carl  – na laging late kapag huwebes. sa mga pLdt boys na mahaharot na sina ruel at jessie (wag ka na wax).

kamusta na kaya sina rambo at sophie, kay roanne – ihabol na natin ang mag-jowang el-el at rayan. si hagedorn. sina ate janet, kuya jhune at sandamakmak na tsikiting. sina ate norlyn, katya, ate raquel, mark at raymond. kamusta na ba ang mga buhay-buhay. sina florence, noriel, ate cecille, ate bing, kuya ed, kuya william, mommy beth (oooppssss nabati ko siya baka ano ang sabihin ng iba)

kamusta na kaya sina pio, sina pipay, sina ate eva at kuya rey? ang baby ni rose na si adrienne? kamusta na kaya si langaw?

gusto ko lang ipaalalang hindi ko sila nakalimutan. at hindi kailanman mawawala sa aking isipan.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/17/pasasalamat/feed/ 0 255 Prinsipe ng Pangarap!
Baron: Makasarili, Gladys: Pinakamaarte. LABAS! https://dee13.wordpress.com/2007/12/10/baron-makasarili-gladys-pinaka-maarte-labas/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/10/baron-makasarili-gladys-pinaka-maarte-labas/#comments Sun, 09 Dec 2007 16:44:28 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/10/baron-makasarili-gladys-pinaka-maarte-labas/ as ussual, nanood na naman ako ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. nakukyutan ako kay Mariel na ngayon ay ang bagong Big Sister ng bahay ni Kuya (dami talagang pakulo nitong ABS) nakakatuwa kasi para siyang praning / baliw / siraulo… kasi makulet siya masyado sa kuwarto niya na siya lang mag-isa ang nananahan. halatang-halatang CRUSH na CRUSH niya si Jon.

on the other hand. nababanas pa rin ako kay Baron Geisler, napakamakasarili niya. biruin mo ba namang mapikon siya dahil mas pinili ni Jon na wag nang parusahan si Mommy Yayo at tanggalin na lang ang yosi. talaga nga namang adik sa YOSI ang kumag. paarte-arte pa siya halata namang wala siyang pakialam sa ibang housemates.

eto namang si Gladys Guevarra, pabagu-bago pa ng isip. paiyak-iyak pa sa harapan ng mga housemates GUSTONG-GUSTO na raw niyang lumabas ng Big Brother House. tapos nung kinausap naman siya ni Big Brother eh ayaw na niya. naks, pakitang tao talaga. malulungkot pa siya kunwari na na-evict si Donnie eh hindi naman sila masyadong close nun. tapos eto na naman at gusto na naman niyang lumabas. PALABASIN na nga yang hinayupak na yan!!!

nakakatuwa nga rin naman ang pagpo-propose ni Ruben sa live-in partner niya. me iyak talaga at luha. kaso pag-iisipan pa daw ng live-in partner niya. naku naman ate, pag-iisipan mo pa eh may mga anak na kayo ni Ruben ngayon ayaw mo pa pakasal. baka naman may iba ka na?

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/10/baron-makasarili-gladys-pinaka-maarte-labas/feed/ 4 254 Prinsipe ng Pangarap!
PBB Celeb Edition 2: Kabanas! https://dee13.wordpress.com/2007/12/08/pbb-celeb-edition-2-kabanas/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/08/pbb-celeb-edition-2-kabanas/#comments Fri, 07 Dec 2007 16:21:43 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/08/pbb-celeb-edition-2-kabanas/ haiz. kakatamad talaga pag walang trabaho. hindi rin naman ako tumatambay. nagpapaka-buro lang ako sa loob ng bahay. basa, sulat, soundtrip at kung anu-ano pa kagaya na rin ng panonood ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. nabanas na ako kay Ethel Booba (kahit paborito ko siya dati) dahil tuang-tuwa siya sa araw-araw na gusto niya na talaga lumabas. me pa-laslas laslas pa. OA talaga.

yung pumalit naman sa kanya na si Gladys Guevarra aka Chuchay eh isa pang kupal. kawawa naman tuloy si Will nang paiyak-iyak pa siya dahil binastos daw siya ni Will. siya lang ba ang may karapatang magpatawa? Epal din si Baron uber Plastic feeling niya naman eh mas pipiliin siya ni Mariel kesa kay Jon. UNGAS ka Baron asa ka pa! bat di ka na lang kaya lumabas Gladys?

ansama ko na ba? la magawa eh.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/08/pbb-celeb-edition-2-kabanas/feed/ 2 253 Prinsipe ng Pangarap!
kaliwa’t kanan https://dee13.wordpress.com/2007/12/01/kaliwat-kanan/ https://dee13.wordpress.com/2007/12/01/kaliwat-kanan/#comments Fri, 30 Nov 2007 16:38:15 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/12/01/kaliwat-kanan/ flores.jpg

boring pag nasa bahay lang…
boring pag walang trabaho…

lumabas ako ng bahay para magpagupit at pumunta sa dentist… sinalubong naman ako ni Joshua, isinasama ako sa SM Manila. tinawag niya si Arnold (o ayan hindi ko na ipinangangalandakang ex-bestfriend ko siya) ayoko pa sanang sumama, pero wala rin naman akong gagawin sa bahay. pero sa totoo lang tinatamad ako.

nag-jeep lang kami, at buti naman dahil alam ko na ang papunta sa main building ng Universidad de Manila na eenrollan ko sa Monday. dagsa na naman ang mga raliyista sa daan kaya trapik… SOBRA! hinanap namin nang hinanap si Jasmine (ang asawa ni Arnold, kapatid ni Joshua, ina ng dalawang batang sina Ashanti at Amerie) pero nabigo kami. nagpalipas-oras muna kami sa palaruan ng mga bata (sa arcade, yung may carousel) nakailang token din sa mga rides ng mga bata na wala namang ginawa kundi umuga-uga lang (nakakatuwa ba yun?) hindi pa rin namin nakita si Jasmine kaya ikot-ikot na lang kami, matagal-tagal na rin naman akong hindi napapadpad sa SM Manila mula noong hayskul pako. kung saan eh si Arnold ang palagi kong kasama… ang dahilan, alam mo na CUTTING CLASSES!

nagkayayaan kaming kumain – sa KFC sana, pero sabi ni Joshua sa Rice in a Box na lang daw, tutal ayoko rin naman gumastos ng malaki – mas ginusto ko ang Rice in a Box – pero sa Kamay Kainan kami napunta.

natatawa ako nang makita ko ang set-up. susubuan ni Arnold ang dalawang anak – kaliwa’t-kanan. buti nga at behaved naman ang mga bata kahit maliliit pa ito. napagkatuwaan ko tuloy kunan ng larawan (tingnan sa simula ng entring ito) “ang saya no” ang sabi ni Arnold sakin, natawa na lang ako. tingin ko oo para sa mga tatay pero sa mga wala pang mga anak na kagaya ko – HINDI! masyadong komplikado ang sitwasyon, nakakapagod lalo pa at maliliit pa ang mga bata.

pero sa totoo lang, nag-enjoy ako… sa panonood sa kanilang tatlo. nakakatawa pero sa isang banda, nakakalungkot… Wag Mo Nang Itanong Kung Bakit.

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/12/01/kaliwat-kanan/feed/ 5 252 Prinsipe ng Pangarap! flores.jpg
Opis Piktyur! https://dee13.wordpress.com/2007/11/25/opis-piktyur/ https://dee13.wordpress.com/2007/11/25/opis-piktyur/#comments Sat, 24 Nov 2007 17:47:15 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/11/25/opis-piktyur/ kung me klas piktyur, mawawalan ba naman ng opis piktyur, okay sige dis is so hayskul, pero ano magagawa ko – gusto ko ng ganitong trip.

sandofamily.jpg

itutuloy… (may karugtong ituh!)

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/11/25/opis-piktyur/feed/ 7 250 Prinsipe ng Pangarap! sandofamily.jpg
One Week Na Lang! https://dee13.wordpress.com/2007/11/23/one-week-na-lang/ https://dee13.wordpress.com/2007/11/23/one-week-na-lang/#comments Fri, 23 Nov 2007 14:25:25 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/11/23/one-week-na-lang/  

 

hindi ko alam kung ano ang mangyayari – naghihintay ako sa isang bagay na walang kasiguruhan. pero ngayon, handa na ang lahat… isang linggo na lang ang hihintayin ko at matatapos na ang lahat! ano na kaya ang susunod na adventure ko???

whitelace.jpg

abangan ang susunod na kabanata!

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/11/23/one-week-na-lang/feed/ 4 245 Prinsipe ng Pangarap! whitelace.jpg
eto na po! https://dee13.wordpress.com/2007/11/19/eto-na-po/ https://dee13.wordpress.com/2007/11/19/eto-na-po/#comments Mon, 19 Nov 2007 01:39:15 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/11/19/eto-na-po/ marami na namang mga nangyari. pati ang talaaraawan ko hindi ko na naa-update. hindi naman ako masyadong busy pero ewan ko nga ba at pati ang mga simpleng mga personal na bagay ko eh hindi ko na nabibigyan ng panahon.

—————————————

kahapon, magkasama kami nina Jasmine at anak nila ni Arnold na si Ashanti. nagpasama kasi si Jasmine na bumili ng sapatos para sa new job niya. umikot kami sa mall. kumain sa labas, nag-grocery… ngayon lang ata ulit naulit yung dati. ipinahiram niya rin sakin ang contact lens niya, pero namula na lang ang mata ko at nanakit pero hindi ko talaga mailagay. NAKU NAMAN! bat ba naman kasi kulay itim ang mata ko, sana naging brown man lang para medyo foreigner ang dating hehehe. boring ang maghapon, pwera na lang nung umalis nga kami nina Jasmine at Ashanti.

nakita ko si Jimboy (kapatid ni Jordan) kasama daw niya si Toni, at si Jordan ay naiwan para magbantay ng mga bata. nagpagawa nga din pala ako ng SSS ID Card – at hindi ako masyadong satisfied.

last FRIDAY, pumunta kami sa bahay ng officemate namin na sina Jericho at Joy, doon eh kumain kami nang kumain, nanood ng walang kapantay na “Transformers”, uminom ako mag-isa at saka kami nag-videoke, dahil nga nakainom ako – hindi ako pinapasok sa Station ng LRT 2. bawal daw ang “amoy-alak”… PUCHA nag-jeep tuloy ako ng di-oras.

wala na rin namang exciting pa na mga bagay. yun na yun!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/11/19/eto-na-po/feed/ 4 243 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
Wag Mo Nang Itanong Kung Bakit! https://dee13.wordpress.com/2007/11/11/wag-mo-nang-itanong-kung-bakit/ https://dee13.wordpress.com/2007/11/11/wag-mo-nang-itanong-kung-bakit/#comments Sun, 11 Nov 2007 08:54:54 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/11/11/wag-mo-nang-itanong-kung-bakit/ three.jpg

sa totoo lang. sa ngayon, hindi ko na kilala ang sarili ko. after all these years of sadness, a little bit of happiness and unforgettable experiences, sa tingin ko, isa na akong panibagong tao.para ngang naranasan ko na talaga ang lahat ng dapat maranasan… siguro!

nagmahal na ako at nasaktan, iniwanan at binalikan – saka iniwanan ulit at pinaasa. nakapunta na ako sa mga places na hindi ko pa napupuntahan. at nangyari na ang mga bagay na hindi ko inaasahan. naging estudyante, empleyado – at nangangarap na maging estudyante ulit. nakaharap at nakasama ko na ang sa tingin ko’y pinakamabubuting tao, pinakamasasama, pinaka-sweet, pinaka-professional, pinaka-plastic at pinaka-epal. i’ve experienced every part of being a person. i guess.

now, magsisimula na naman ako sa isang panibagong chapter ng life ko. and i hope i can make it through the flaming circle. nang walang kahit na anumang galos, at kung meron man sana’y sunog na balahibo lang or paso na maaaring tumubo at maghilom in just a short period of time. without scars.

meron akong mga naiisip na gawin sa panibagong chapter na ito, and i want to make it happen… NOW NA! i just hope na whatever these changes and revelations in my personality, sana walang magbago sa mga taong mahahalaga sa buhay ko like my family, friends, relatives and love interests.

kaya sa iyo! wag mo nang itanong kung bakit! basta’t maniwala ka.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/11/11/wag-mo-nang-itanong-kung-bakit/feed/ 3 242 Prinsipe ng Pangarap! three.jpg sign forever
Ang Muling Pagbabalik… https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/ang-muling-pagbabalik/ https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/ang-muling-pagbabalik/#comments Mon, 05 Nov 2007 12:06:35 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/ang-muling-pagbabalik/ 11032007_001.jpg

“Dee, hinahanap ka ni Jordan, nung pumanik naman ako wala ka naman daw doon, nakaalis ka na daw!” and laman ng text sakin ni Mark. Kasalukuyan akong may ginagawang importanteng tapusin that time kaya hindi ako pwedeng umuwi kaagad-agad. “Dee, andito si Jordan, pumunta daw siya sa inyo pero umalis ka daw… hihintayin ka daw niya, nasan ka ba?”, ang text naman ni Norton (kuya ni Jordan) makalipas ang isang oras. Pero kailangan ko pa rin talagang tapusin ang ginagawa ko kaya hindi talaga pwedeng umalis nang ganun na lang.

“Kamusta ka na?”, ang salubong niya sakin nang magkita kami sa kalsada. “Tarantado ka! Anong petsa na?” ang sagot ko sabay suntok sa braso niya. Sa loob ng isa’t kalahating buwan, masyado nang humaba ang buhok niya, tatay na tatay tuloy ang tingin ko sa kanya. Pero hindi naman nagbago ang mukha niya, yun nga lang umitim siya. Niyaya ko siya sa birthday ni Jasmine, although hindi dapat kami dapat makitang magkasama ng kahit sinong taga sa amin – sabay kaming pumasok sa street naming – wala na akong pakialam sa anumang mangyayari.

Hindi man nagpakita ng pagkabigla sila Julia, Jasmine, Arnold, Herson at Joshua, halata sa mga tingin nilang parang nagwiwika ang kanilang mga isipan, “Bat nandito yan, kala ko ba wala na siya?”… Kaming dalawa lang halos ang nag-usap sa simula hanggang sa dumating naman ang Tatay ni Arnold na si Kuya Andy na kabarkada naman ng namayapa kong ama, matutulog na daw sana siya pero nang marinig na dumating nga ako, nakisali ulit siya sa inuman, kung wala na daw ang tatay ko, kami na lang daw ang magkainuman. Hindi gaanong nagsasalita si Arnold, paano ba naman, ngayong medyo nagbalik na yung dati naming samahan – yun ay dahil nawala nga si Jordan – saka naman bumalik tong ugok na ito.

Nalasing ako at lumabas ang kakulitan, kadaldalan at kapraningan, dahilan para maging close kami ng ate ni Arnold na si Marie. “Sana noon pa tayo naging close!” ang sabi niya habang tawa nang tawa sa mga pinaggagagawa kong katatawanan. Nakikita kong lihim na sumusulyap naman si Jordan sakin, para bang nagtatanong na.. “Napakalaki na ng ipinagbago ni Dee, masyado na siyang masayahin!”. Masyado ring sweet ang mga anak nina Arnold at ni Jasmine sakin that time na sina Ashanti at Amerie.

Nagkayayaan kami sa videokehan sa kanto, kasama si Marie, Herson, Jordan at Arnold. KUmanta ako ng kumanta na parang sabik sa atensyon, hindi ako nabigo, halos lahat nakatingin sa akin at lahat eh pumapalakpak. May ilan pang nakipag-duet sakin, na pinagbigyan ko naman. Napahiya pa si Jordan nang pilitin niyang mag-duet kami sa isang kanta pero sa ibang tao ako nakipag-duet. Bumawi naman ako at nag-duet kami sa “Kahit Isang Saglit!” Labi sa labi ang labanan, wala nang nahihiya samin pareho.

Pak! Pak! Pak! Ang tatlong magkakasunod na sampal na ibinigay ko kay Jordan, lumipas na ang tatlong oras, kasalukuyan kaming nasa bubungan ng bahay naming, sinundan niya ako matapos siyang magwalk-out sa pag-aaway naming sa kalsada. Hindi ko siya sinundan, hinabol o anupaman, tiningnan ko lang siyang papalayo – hindi ako umiyak, umuwi ako sa bahay at dumiretso sa bubungan – ang tanging lugar na pinaglalabasan ko ng sama ng loob, maya-maya dumating siya. “Hindi mo man lang ako sinundan!” ang sabi niya. Saka ko siya pinagsasampal. “anong akala mo sakin, kagaya pa rin ng dati? Tangina ka pala eh, nagtataka nga ako kung bat bumalik ka pa, Masaya naman pala na wala ka… hindi ka na kawalan sakin sa ngayon, marami na akong nakikilalang tao, na enjoy naman kasama, sinanay mo ako sa ganitong klase ng pagkikita patago, paminsan-minsan at walang kasiguruhan, sanay na ako, at sana nama… ummmp!” tuloy-tuloy akong naglilitanya nang putulin niya ito ng isang mainit na halik… sa labi. Nag-usap kami ng maayos at mahinahon.

Sumisilip na ang haring araw, tanda ng isang napakagandang bukang-liwayway.

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/ang-muling-pagbabalik/feed/ 3 239 Prinsipe ng Pangarap! 11032007_001.jpg sign forever
November 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/november-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/november-2007/#respond Mon, 05 Nov 2007 12:01:53 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/november-2007/ talaarawan2007.jpg

November 1, 2007 – THURSDAY

tanghali na akong nagising. hindi na naman ako nakasama sa sementeryo para dalawin si papa. pumunta ako sa SM Sta. Mesa, bibili sana ako ng Micro SD Card para sa phone ko pero out of stock naman sa CDR King, bibili sana ako sa mismong Samsung pero Php 1,300 naman samantalang sa parehong tatak at laki ng memory na 1gig eh makukuha ko iyon sa halagang Php 600 sa CDR King. Pumunta rin ako sa SM Manila, tumingin na rin ng Micro SD Card at dumaan sa TIMEX para i-claim yung TIMEX watch from HSBC. Nag-inuman kami nina Herson at Norton sa In and Out sa Avenida, naka 14 bottles kami, pero iniwanan naman kami ni Norton dahil nalasing na daw siya, itinapon ko sa CR ang tatlong natirang bote ng Colt 45. Pumunta ako sa bahay nina Arnold kung saan andun sina Jasmine at Julia, nagkuwentuhan kami at kumain ng Mister Donut.

November 2, 2007 – FRIDAY

late na ako nagising, pumunta ako sa office dahil pinapupunta daw ako ni Mr. Sohn – hinintay ko lang naman yung text nila dahil sabi nga ni Mr. Sohn eh magtetext muna siya kung pupunta ba ako. natapos ko naman ang alinmang dapat gawin doon. Umuwi ako kaagad – Birthday ni Jasmine and i have to be there. bumalik si Jordan at isinama ko siya sa Birthday. naging napakasaya ng buong gabi. sa sobrang pagkabangenge ko eh lumabas talaga ang kakulitan ko, na naging clown sa buong gabi. Nasalubong namin ni Jordan si Bench – hindi naging maganda ang usapan, nagkakailangan. mag-uumaga nanng matapos ang lahat.

November 3, 2007 – SATURDAY

late na naman ako nagising, hindi na naman ako nakapagsimba. maghapon lang akong nagpahinga, nasobrahan ako sa inuman kagabi. una DON LUIS na hard, GILBEY’s na may halong Pomelo ata iyon, at siyempre Red Horse. paos na paos pa ako, siguro dahil sa kakakanta ko kagabi. text naman ng text si Bench. walang kakwenta-kwentang araw – napakaboring.

November 4, 2007 – SUNDAY

nakakatamad talaga at feeling ko ay magkakasakit ako sa sobrang boring ng buong buhay ko today. I just hope i’ll be happy tomorrow na lang hehehe! by the way… i don’t have money hahahaha!

November 5, 2007 – MONDAY

unang araw ng pasok for November hehehe! ayos na ayos pero naasar ako sa isang topic na tungkol sa DC, nyemas! pumunta nga pala kami ni Rose sa Greenhills para humanap ng Casio Exilim pero wala kaming nakita kaya dumiretso kami sa SM Megamall na tinagtag naman kami ng traffic. Pero siyempre wala pa rin kaming nahanap. bwisit kasing magnanakaw yan eh! hindi na lang mamatay. Bakit ba naman kasi may mga tao pang sadyang makakapal ang apog para kunin ang mga “mahahalagang bagay” sa ibang tao. BURN IN HELL!

November 6, 2007 – TUESDAY

bwa ha ha ha ha! la naman nangyari… GUILTY BA? hahaha! halata tuloy na guilty siya. well eniweiz, naging maayos naman ang takbo ng lahat. nakuntento na talaga rin siguro ako sa takbo ng mga bagay-bagay sa buhay ko. bwa hahaha!

November 7, 2007 – WEDNESDAY

hindi ako na late. masaya sa opis, lalo pa nang umalis naman ako ng mas maaga kasi nga me lakad kami nina Mar, Herson, Omay – hindi naman talaga lakad, inuman galore lang bwa hahahaha. nag-away sina Mar at Herson kaya naisip namin ni Herson na tumuloy pa rin sa MC – dabest pa rin naman. harutan na kami nang harutan ni Bench (close na ba talaga???) si Herson naman, napakaamong tuta. bwa hahaha. madaling-araw na kami umuwi pero enjoy kaming pareho.

November 8, 2007 – THURSDAY

nababanas ako dun sa mamang katabi ko sa bus. napakainit pa naman ng panahon, solohin daw ba ang aircon! tinutok niya talaga sa mukha niya yung dalawang labasan ng lamig. kabanas, pinagpawisan talaga ako. naaasar pa ako dahil ipinangangalandakan niya yung mukha niya sakin, feeling ko nga bading yun eh. kabanas. ututan ko nga! (joke lang hehehe!) na late ako dahil sa sobrang trapik. masyadong tahimik sa opisina.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/11/05/november-2007/feed/ 0 237 Prinsipe ng Pangarap! talaarawan2007.jpg sign forever
Bakit Ako Pa??? https://dee13.wordpress.com/2007/10/31/bakit-ako-pa/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/31/bakit-ako-pa/#comments Wed, 31 Oct 2007 13:54:15 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/31/bakit-ako-pa/ may mga bagay sa buhay na kailangang kalimutan kahit hindi mo kaya…
ewan, napapraning ako ngayon…
wala akong malabasan ng nasasaloob ko dahil sa mga sensitibong reasons,
sana bigla na lang akong lumubog sa kinaroroonan ko…
o bigla na lang akong mawalan ng malay…

SHIT! Life really SUCKS!

I just hope that THIS FUCKING THING will end ASAP!
I think, I couldn’t make it…

Sana mamatay na lang ako.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/31/bakit-ako-pa/feed/ 5 236 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
isang bagsakan… https://dee13.wordpress.com/2007/10/30/isang-bagsakan/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/30/isang-bagsakan/#respond Mon, 29 Oct 2007 22:37:40 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/30/isang-bagsakan/ kapraningan2007.jpg

nagtataka ako sa sarili ko kung bakit bibihira na lang akong gumawa ng entry. so siguro ngayon mahaba-haba itong entring ito, matagal-tagal rin akong natengga eh.

naaaning ako sa mga nangyayari sakin – marami-rami na rin akong nakilalang “new friends” na talagang namang naeenjoy ko ang company. una na si James, makulet, maharot, magaling sumayaw – si Bench, napakagaling sumayaw lalo na pag nasa stage hehe. mabait kaso sa ngayon medyo hindi pa ako sure,one week na rin siyang nagtetext pero hindi ko na nirereplayan, siguro kapag nitong buong linggong to at hindi pa rin sya tumigil kakatext, malamang replayan ko na siya. at siyempre si Kurt – magaling kumanta, dabest makisama at maki-bonding, yung tipong kala mo eh matagal mo na siyang kakilala.

binigyan ko na rin ulit ng “chance” yung mga dati kong malalapit na kaibigan na patunayan ang “true friendship” na ibinibigay nila. umattend ako sa reception ng binyag ng inaanak kong si Amerie – pangalawang anak ng ex-bestfriend kong si Arnold at ng ex-girlfriend kong si Jasmine (inaanak ko rin kaya yung panganay nilang si Ashanti!) halos araw-araw eh nagtetexan na ulit kami, matagal-tagal ring naging “cold” ang treatment ko sa kanila, lalo na kay Arnold. pero hindi pa rin naman naibabalik yung dati. like nakokornihan pa rin ako kapag niyayaya niya akong mamasyal (na madalas naming ginagawa dati, para nga kaming nagdedate eh) at nakokornihan at pinagtatawanan ko pa rin ang mga text messages niya like “ikaw lang ang bestfriend ko” etc. etcetera. ganoon din naman si Joshua na panay ang text… at ang nakakatawa pa, last time na mag-inuman sila at malasing siya. nagtetext ba naman sakin ng kung anu-anong kakornihan like, namiss niya daw yung dati, nandiyan lang daw siya as a “bestfriend” anytime na kailanganin ko siya. at kung anu-ano pa.

well anyway. happy na rin naman ako sa nga simple things na nangyayari sa life ko ngayon. i have enough friends… kulang na nga lang eh yung nag-aaral na naman ako at ine-experience ang college life, kung saan eh makakakilala ako ng mas maraming kaibigan. me credit card nako, may cellphone nako… at mas maraming pang mga bagay sa susunod.

siguro kailangan ko na rin talagang kalimutan ang past ko. pero siyempre ayoko pa ring magsalita ng patapos – pero pipilitin ko.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/30/isang-bagsakan/feed/ 0 235 Prinsipe ng Pangarap! kapraningan2007.jpg sign forever
Modelo https://dee13.wordpress.com/2007/10/22/modelo/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/22/modelo/#comments Mon, 22 Oct 2007 13:23:38 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/22/modelo/ julia.jpg

namiss kita! hug mo naman ako… lage na lang bang yang bata, ako naman ang i-hug mo.” ang naglalambing na sinabi sa akin ni Julia nang pumunta ako sa reception ng binyag ng anak ng ex-bestfriend kong si Arnold at ng ex-girlfriend/friend kong si Jasmine na inaanak ko at pamangkin naman ni Julia at maaaring inaanak niya din. “para kang sira, andaming tao o!” ang nahihiyang sabi ko dahil nga naroroon ang mga magulang ni Arnold. inaanak ko rin ang panganay nilang si Ashanti, pero dahil sa pinagsamahan kaya pati yung pangalawang anak nila eh inanak ko na rin sa binyag (sugapa ba?) bahagya akong nagitla sa napakalaking pagbabago sa ayos ni Julia. napakalayo sa dating siya.

yung tungkol sa panliligaw mo sakin, siguro mas maganda kung magiging friends muna tayo, kasi mas masaya yung ganun, kasi hanggang ngayon boyish pa rin ako.” ang nakasaad sa dati niyang sulat sa akin nang minsang tangkain ko siyang ligawan mga apat na taon na ang nakakaraan. sa simula pa lang tomboyin na talaga siya, maikli ang buhok, at nagsusuot ng supporter para hindi mahalata ang dibdib, at hindi mo makikitang nagsusuot ng palda o bestida pwera na lang kapag pumapasok sa eskuwela. puro maluluwang na t-shirt na panlalake, hip-hop na pantalon at shorts, minsan pa nga eh me nakataling panyo sa ulo. nakababata siyang kapatid nina Jasmine at Julia, although para sakin kasi noon eh babae pa rin siya, dahil lumalabas na talaga ang mga soft sides niya, matampuhin, malambing, mabait.

parang kailan lang, higit apat na taon na pala ang nakakaraan.

galit ako sa’yo, puro ka na lang Jordan – Jordan – Jordan. samantalang nandito naman kami para sa iyo, hindi mo kami binibigyan ng pansin… ako! hindi mo ako itinuturing na nagmamahal sayo!” ang galit at lumuluhang wika niya noon sa akin, lasing na siya noon, inilalabas niya ang sama ng loob niya sa akin. niyakap ko siya, sapat para tumahan siya sa pagpupuyos ng damdamin niya.

dumaan ang mga araw, linggo, buwan…. taon. nagkaroon na rin siya ng mga nobyo at nasanay sa pakikiharap sa pang-araw-araw na buhay, naging matatag at matapang. at eto nga siya, isang malaking pagbabago, na kahit kailan hindi ko naisip na makikita ko siyang ganun… kahit kailan. pero huli na ang lahat… HULI NA!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/22/modelo/feed/ 6 231 Prinsipe ng Pangarap! julia.jpg sign forever
Pusong Bato https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/pusong-bato/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/pusong-bato/#comments Thu, 11 Oct 2007 12:21:34 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/pusong-bato/ pusongbato.jpg

 

————————————————————–

PAGBABAGO

“patay na si Itay…”
“huh…”

“mula ngayon magtutulungan na tayong magkakapatid, walang mag-aaway kailangang kampi-kampi tayo hanggang sa katapusan… wala na si Itay – ako na ang padre de pamilya at ako ang mag-aayos sa ating lahat!”
“oo kuya!”

makalipas ang isang buwan

nasa kanto pa lamang si Romeo eh tanaw na niya ang kumpulan ng mga kabataan sa tapat ng bahay nila. kagagaling lamang niya sa trabaho at malapit nang mag-hatinggabi, pagod siya at masaya siya sapagkat nasa bahay na siya at makakapagpahinga na. hindi umaalis ang paningin niya sa kumpulan ng mga kabataan – maraming mga bagong mukha at ang ilan naman ay matagal na niyang kilala.

“ahhhhhh!” ang isinisigaw ng isang lalaki habang sunud-sunod na tinatanggap niya ang suntok, sipa at tadyak ng limang kalalakihang miyembro ng gang. hindi niya nakikita ang mga bumabanat sa kaniya dahil nakatalikod siya at nakapiring ang kanyang mata.

“aahhhhh taaaayyym aaaawwwt!” ang halos hindi na masabing salita ng lalaki – hudyat upang tumigil ang limang kalalakihan sa pagbanat sa likuran niya. pinainom siya ng tubig at pinagpahinga ng ilang sandali at saka isinalang ulit sa banatan.

pinagtitinginan na ng mga tao lalo na ng mga kapitbahay nilang tsismoso at tsismosa na nakatambay sa isang sari-sari store. humihinto sila saglit kapag dumaraan ang mga barangay tanod na nagiikot-ikot sa mga eskinita ng lugar nila. pagkatapos ng banatan eh isang masaganang welcome inuman ang nakahanda sa mga bagong kasapi ng gang. walang katapusang pagpapakilala, pagyayabang at pakikipagkamay ang ginawa nila. ganoon ang naging eksena sa araw-araw hanggang sa lumago ang gang na iyon.

—–

umuugong ang lugar sa lakas magpatugtog ng mga kantang puro mura at hindi magagandang salita. halos sumabog ang speakers sa lakas ng tugtog. isang kahon ng Generoso Brandy ang isa-isang binubuksan ng tanggero at palipat-lipat ang isang sigarilyo sa bunganga ng mga nakiki-hits. halos hindi na magkarinigan ang magkaka-tropa sa lakas ng tugtog at sa iba-ibang usapang nabubuo sa pangkat nila. ilang beses na silang winarningan ng mga barangay tanod, maging ang mga kagawad na tigilan ang panggugulo. hindi naman nila iniisip na nanggugulo sila dahil wala naman silang sinasaktang tao. pero hindi nila naisip na sa lakas ng tugtog nila at sigawan at hiyawan eh nakakaistorbo na sila ng mga kapitbahay nilang nagpapahinga na. umaabot ng umaga ang inuman, kasama na rito ang ingay. humahalimuyak ang masangsang na amoy ng Marijuana.

ilan na ang nagtangkang buwagin sila pero walang nanalo – marami kasi sila.

PADRE DE PAMILYA

“eh kung maghanap ka kaya ng trabaho! imbes na yang katarantaduhang barkadahan na iyan ang inaatupag mo! bat hindi ka magbago!” minsan lamang magbunganga ang ina ni Rico. mahinahon ito. pero sa mga lumilipas na araw eh ilang beses na silang nagpapabalik-balik sa barangay hall kung saan eh hinaharap nila ang iba’t-ibang reklamo. pero inilalabas lamang ni Rico sa kabilang tenga ang sinasabi ng ina, wala siyang pakialam sa kahit sino – siya ang padre de pamilya. siya ang batas.

inabutan niyang nagbubugbugan ang mga kapatid niya. hinatak niya si Romeo – ang kapatid niyang sumunod sa kanya. lasing na lasing ito kagaya niya – halos hindi na makalaban sa kapatid niyang si Ronnie na ilang pulgada ang lamang sa tangkad sa kaniya. tuluy-tuloy ang banatan – hinawakan na niya si Romeo, pero hindi si Ronnie – na patuloy naman sa pagbibigay ng todong suntok sa mas nakatatandang kapatid. nang matapos ang gulo, nag-uumapaw ang luha ni Romeo – inaalalayan siya ng iba pa nilang barkada na sa pagkakataong iyon eh naroon sa bahay nila. inangat nito ang telepono at dumayal ng mga numero – ilang beses… pero walang sumasagot sa kabilang linya. nagsalita ito, walang tigil – iniisa-isa ang lahat ng sama ng loob sa lahat ng mga kapatid – pilit naman siyang pinatitigil ni Rico – pero patuloy lamang si Romeo sa pagsisiwalat ng nasasaloob sa harap nilang lahat.

“hindi ka talaga titigil ha!” ang wika ni Rico kay Romeo sabay hataw ng telepono dito na gumawa ng sugat sa bandang kilay nito, pinagsususuntok niya ang nanghihinang kapatid – lahat sa mukha. nag-black out ang paningin nito. nagkagulo. si Rico naman ang bumangka sa usapan. “gago ka ah! hindi mo na ako ginalang!” ang wika niya. “bat naman kita igagalang eh hindi ka naman kagalang-galang, palamunin ka lang dito! wala kang kuwenta! hindi ka pa nahihiya…” ang sigaw ni Romeo na nagpainit sa buong pagkatao ni Rico at sunud-sunod na pinagsasapak sa mismong mukha ulit si Romeo. natapos ang panggugulpi niya sa kapatid – umaagas ang dugo sa biyak na kilay – nananakit ang panga at pisngi – hindi halos makadilat sa nakakahilam na dugo at sa blackeye na siyang nakatatak sa kaliwang mata.

kinabukasan, hindi na nagsasalita si Romeo – tanging ang nanay lamang nila ang kinakausap nito, ni hindi sumasabay sa pagkain – parang wala siya sa bahay. tumagal ang malaking pagbabagong iyon. ilang beses nang kinakausap ni Rico ang kapatid. pero hindi natitinag si Romeo, ni hindi nagsasalita – sa utak niya, wala siyang mga kapatid! itinatak na niya sa isip ang ganoong katotohanan! siya lamang ang nagtatrabaho sa pamilya, bukod sa pinauupahan nilang bahay. hindi siya panganay at lalong hindi siya ang padre de pamilya.

patuloy si Rico sa mga katarantaduhang ginagawa sa araw-araw… wala siyang sinumang sinusunod. wala siyang payong binibigyang-pansin. kumapal na ang pagmumukha niya at naging manhid. malaki siyang tao, kasama ang pangangatawan sa araw-araw na pagharap sa salamin at pagbubuhat ng dumbells, paminsan-minsang pagbisita sa gym at gabi-gabing paghitit ng marijuana na nagpapalakas sa kaniyang kumain sa pagpapanatili nitong gutom siya palagi.

IDOLO

tumatanda na siya. siya ang panganay sa magkakapatid, kalalaking tao, mahilig sa basag-ulo, inuman at babae. lulong na sa marijuana. isang napakapangit na halimbawa sa sinuman. walang inatupag kundi paggising sa umaga kumain, sumama sa barkada, kumain, uminom at marami pang iba. iniidolo siya ng mga batang gangsters na tinuruan niya ring lumaklak at manigarilyo, gusto siya ng mga babaeng pakiramdam eh langit sa piling niya at nakikita siyang larawan ng isang perpektong lalaki.

lumaki ang ulo niya. mayabang, makuwento. sa isang banda… hindi niya naisip kung ano ba ang mangyayari sa pamilyang siya ang padre. siya ang hindot na panganay siya ang walang kuwentang anak, siya ang gagong kapatid, pero siya ang dabest na kaibigan at katipan.

lumala pa lalo ang sitwasyon. hindi siya nakuntentong sa labas lamang ng bahay tumambay, mag-marijuana at makipag-inuman. sa gabi, pinapapasok niya ang buong tropa sa loob ng bahay nila, kung saan ay mahimbing na natutulog ang ina at mga kapatid niya. sinumang nanonood ng TV sa oras na pumanhik sila, kinakailangang sumunod sa gusto niyang manood ng DVD. siya ang bangka sa usapan, akala niya siya ang bida.

KAGULUHAN

walang habas na takbuhan – nakakabingi ang putukan at pagsabog ng mga pillbox na ibinabato ng magkabilang grupo. kapwa lasing ang isa’t-isa, wala sa sariling katinuan. umiigpaw ang mga katawan, kung saan ay hinahataw naman ng mga dos-por-dos na kahoy at binabato ng malalaking bato.

“sa likod mo!” ang sigaw ni Rence. huli na ang lahat. Duguang nakahandusay ang katawan ng binata sa gitna ng kalsada. Umaalingawngaw ang wangwang ng mga pulis na laging huli dumarating kung saan ay tapos na ang digmaan sa isang banda. iisipin pang ilang lakad lamang ang layo ng istasyon ng Pulis sa pinangyarihan ng digmaan ng dalawang grupo.

nasawata ang napakaraming Pillbox na hindi pa napapasabog, mga lanseta at beinte nueveng patusok, ipinosas ang mga inabutan, isinakay sa ambulansiya ang mga nasaktan – isinakay sa Police Mobile ang mga nahuling kasali sa laban.

NGITI

“wala pa bang dalaw sakin?” ang tanong ni Rico sa Jailguard. “wala pa! limang taon ka na dito wala pa ring dumadalaw sa iyo. may pamilya ka ba talaga?” ang nang-iinis na wika ng Pulis, kasunod ng matunog na halakhakan ng mga nakarinig. idinemanda silang lahat ng ama’t ina ng napatay nila sa laban na si Popoy na isang anak-mayaman. Pulis at abogado ang mga kamag-anak ni Popoy, dahilan upang hindi sila makalabas lahat.

sa kanilang tahanan, nakangiting nakikipag-usap ang kanilang ina sa telepono. “oo anak, gusto ko na ring diyan na manirahan. nakakabagot na dito sa Pilipinas, mula nang lumipat tayo ng bahay eh hindi na ako masyadong nakalalabas at nakakapagsaya.” ang masayang wika ni Aling Lourdes. “Nay, tama. uuwi ako diyan sa katapusan para ayusin na ang mga papeles niyo at nang makapunta na tayong lahat dito, sayang naman itong bahay na nabili ko kung ako lang ang maninirahan.” ang masayang wika ni Romeo na nasa kabilang linya. “mas mabuti na nga ang gayon iho”.

nag-migrate silang pamilya sa Australia. “kung buhay lang sana ang Kuya Rico mo, tiyak kong matutuwa iyon”. ang wika ng kanilang ina. “kung hindi lang sana siya napatay sa riot na yun, malamang kasama natin siya sa ngayon!”. napangiti si Romeo nang palihim. buo na ang desiyon niya na hindi sabihin sa ina ang katotohanan.

— w a k a s —

 

————————————————————–

 

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/pusong-bato/feed/ 3 230 Prinsipe ng Pangarap! pusongbato.jpg sign forever
Spirit of the GRASS https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/spirit-of-the-grass/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/spirit-of-the-grass/#respond Thu, 11 Oct 2007 09:37:43 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/spirit-of-the-grass/ octoberkapraningan.jpg

napakaraming mga bagay-bagay na kinakailangan kong isulat para maging isang blog entry ko this week, napansin ko kasi na bihirang-bihira na ako mag-post ng entries so this time kailangan habaan ko at kailangan itodo ko. here goes…

SPIRIT OF THE GRASS

– anak ng pitong puting pusa naman. sa ginabi-gabi na lang na uwi ko eh nalalanghap ko ang hinihitit na MARIJUANA ng mga GANGSTERS sa lugar namin. PUNYETA! okay sige hindi lang mga GANGSTERS pero 99% eh mga GANGSTERS talaga. oo aaminin ko, GANGSTER ako… pero noon yon, siguro nalaman ko na hindi naman kinakailangan sa buhay yung mga ganoong klase ng bagay. okay na na mga kabarkada ko sila – pero PUCHA iba ito. antitigas ng mga pagmumukha nilang humitit ng MARIJUANA sa lugar namin. NYETA – kung hindi lang sana mga kupal yung mga pulis sa lugar namin, ansarap sanang itawag at ipadampot lahat – pero wish ko lang mapalitan silang lahat LECHE! nung kelan nga nanood kami ng OUIJA – at nauso na nga na imbes na SPIRIT OF THE GLASS eh kung anong kademonyohan ang mga pumasok sa kukote nila at nag- SPIRIT OF THE GRASS sila. PUCHA!

SINO BA SA KANILA?

– naaning ako last Saturday Morning nang makasama at makainuman ko yung long-time crush ko – me picture-taking pa ngang naganap dahil talagang hindi ko pinalagpas ang moment na iyon. nitong mga nagdaang mga araw, palagi akong nakangiti dahil naaalala ko iyong umagang (madaling-araw) na iyon at kinikilig-kilig pa rin talaga ako. pero kagabi, naisip ko… iba pa rin yung mahal ko. pero nalilito ako kasi nung makita ko na naman kagabi si crush eh pumintig na naman ang puso ko. PUCHA, tataka tuloy ako kung LOVE ba to o LUST lang. ah ewan… we’ll see na lang sa mga susunod na kabanata.

PANONOOD NG TV

– kapag nanonood ako ng TV sa madaling-araw, dahil nga me insomnia na ako at makakatulog lang ako kapag 5am na eh kinakalkal ko ang lahat ng channels sa cable – pero grabe nung masimulan kong mapanood ang KITCHEN CONFIDENTIAL, naadik na ako kasama yung kababata ko. ang saya kasi, hindi mo aakalaing may mga nangyayaring confidential na bagay sa loob ng kitchen gaya na lamang ng sex haha. ang cute ng palabas grabe. nito ko lang din napagtanto na kinakailangan ko na ring subaybayan ang SUPERNATURAL, hindi dahil sa mga aktor kundi sa mismong takbo ng istorya. hindi ko na nga masubukang panoorin ang NIP/TUCK dahil parang ayoko na nun, hindi ko naman mapagtyagaang panoorin ang HEROES dahil hindi ko rin naman siya nasimulan kaya haiz.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/11/spirit-of-the-grass/feed/ 0 228 Prinsipe ng Pangarap! octoberkapraningan.jpg sign forever
Sina Pacquiao, Teri at Batang Z https://dee13.wordpress.com/2007/10/05/sina-pacquiao-teri-at-batang-z/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/05/sina-pacquiao-teri-at-batang-z/#comments Fri, 05 Oct 2007 11:55:23 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/05/sina-pacquiao-teri-at-batang-z/ tatluhan.jpg

napakabilis talaga ng araw at biyernes na naman nang hindi ko man lang nararamdaman dumaan na naman pala ang ilang araw. ala pa kaming pasok nung myerkules kaya talagang parang napakabilis ng isang linggo. napapraning na rin ako sa kakaisip ng studies na binabalak ko to the point na napapanaginipan ko na ito – at wag ka! isa itong nakakatakot na bangungot, but i will not take that as a reason para hindi ko na ituloy ang mga plans ko.

nitong mga nagdaang araw ko rin napansin na puro pala mga makalumang pambatang pelikula ang palabas sa Cinema One tuwing 11:00 AM, gaya na rin ng mga pelikulang BIOKIDS (kung natatandaan niyo pa sina Red Lion 1, Green Dragon 2, Blue Eagle 3, Yellow Tiger 4, at Pink Panther 5 – na sama-samang nakikipaglaban kina Bembol Roco, Sammy Lagmay, Ai-Ai delas Alas, Chinkee Tan at ang walang kamatayang Computer Monster na si REXORR) kung saan ay uso pa ang paglalaro ng Family Computer at kung saan eh halatang hindi mga bata ang mga tumatambling-tambling at gumagawa ng stunts, isama na rin natin ang naglalakihan nilang mga helmet at ang nagliliitang mga motorsiklo, at kaninang bago nga ako pumasok eh napanood ko naman ang BATANG Z na pinagbibidahan naman ni Tom Taus na ngayon nga eh napapabalitang bakla.

andami na ring nangyayari like nagkagulo sa website ng ABC na siyang producer ng Desperate Housewives na sa sobrang desperada eh nanlait na ng mga Pinoy para maka-harvest naman ng atensiyon sa iba – sikat na sikat sila in fairness dahil lamang sa simpleng linyang binitawan ng pokpokitang si Teri Hatcher at sa walang modong sumulat ng script na yun. lalaban na naman ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao – at hihinto na naman ang ikot ng mundo. wish ko lang na hindi magkamali ang kakanta ng Lupang Hinirang.

oo alam kong walang ka-kwenta kwenta ang post na ito pero pag-isipan mong mabuti, baka meron kahit kaunti. siguro talagang nabablangko na ang utak ko ngayon sa pag-iisip ng magiging post ko. siguro sa susunod na lang.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/05/sina-pacquiao-teri-at-batang-z/feed/ 5 227 Prinsipe ng Pangarap! tatluhan.jpg sign forever
Batang X https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/batang-x/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/batang-x/#comments Mon, 01 Oct 2007 13:29:52 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/batang-x/ batangx.JPG

nakakabanas, nakagawa na ako ng template para sa “diary” at “kapraningan” na posts ko pero hindi pala kasya ang 500 pixels, tama lang pala yung 400 pixels, pumangit tuloy dahil tinamad na akong ulitin. haiz. but eniweiz, tuwang-tuwa ako kanina sa dashboard ko kasi andaming comments (hehehe!) hindi dahil adik ako sa comments pero dahil yun sa idea na may mga bumabasa pala talaga sa blog na ito kahit la naman ka kwenta-kwenta. salamat mga readers and bloghoppers ha!

parang napapansin ko na bumababaw na ang kaligayahan ko ah! ni hindi na nga ako lumalabas ng bahay dahil nakukuntento na ako na magpasikut-sikot sa loob ng bahay at magakyat-panaog sa hagdanan – siguro ganito talaga pag nagmamature.

BATANG X

bago ako pumasok sa office kanina eh nanood muna ako ng BATANG X! naaalala niyo pa ba ang mga batang nagligtas ng mundo noong 1995? bigla tuloy bumalik ako sa pagkabata, twelve years na ang nakakaraan nang mapanood ko yun sa movie na talaga namang kinabaliwan ko – siyempre naman eh bata pa lang ako noon eh biruin mong 10 years old pa lang ako nun. feeling ko nga noon eh ako si A-Gel. at wag ka! pinangarap ko ring maisuot ang costume ni A-Gel, natatandaan ko pa na sa sobrang kapraningan ko sa Batang X noon at hindi ako mabilhan ng costume – eh bumili ako ng mga cartolina na iba’t-ibang kulay, kakulay nung suot ni A-Gel at bumuo ako ng sarili kong costume. siyempre bata ako kaya napakapangit nung ginawa kong yun at sa ngayon nga eh natatawa na lang ako sa sarili ko sa mga katarantaduhang pinaggagagawa ko nun. SYET!

sa sobrang kapraningan ko sa Batang X eh pinanood ko yun ng mga apat na beses sa sine at naghanap pa ako noon ng VHS Tape ng Batang X pero la naman ako makita – at siyempre mahal pa yun noon at malamang naman na hindi ako makabili nun. sinubaybayan ko rin yung Series nila sa TV at siyempre sa Komiks – o di ba ADIK talaga! ilang beses nga akong nanaginip noon na lumilipad kagaya ng pilay na si A-Gel, minsan pa nga nagdadasal ako na kahit mapilay na lang ako basta makalipad lang ako kagaya ni A-Gel. Sobrang saya ko talaga kanina na napanood ko na naman ang Batang X, sa ngayon si Kidlat (John Pratts) na lang ang nakikita ko sa TV at Movies, ala na yung iba pa niyang kasama – paminsan-minsan lumalabas-labas pa rin sina 3-Na (Anna Larrucea) at Control (janus del Prado) pero bihirang-bihira na nga talaga. nawala na yung idol ko na si A-Gel (John Ace Zabarte) at yung palagi niyang kabugbugan na si (G-Boy) JC Tizon. nakakalungkot tuloy.

kagaya nga ng narinig ko sa sinabi ni Kwago (Michael de Mesa) kanina sa Batang X – “may mga taong takot bumalik sa nakaraan!” – Oo tama yun, ako oo paminsan-minsan, natatakot ako kasi nakakalungkot nga namang isipin na lumilipas na ako – hindi na ako kagaya ng dati na bata at puro laro lang ang inaatupag. hindi ko na magawa yung mga pinaggagagawa ko noon na paglalaro ng mataya-taya, langit-lupa, sili-sili, ten-twenty, tumbang preso, follow the leader, tom sawyer at five-ten. kung bibigyan talaga ako ng kaisa-isang kahilingan gusto kong bumalik sa panahon ng pagkabata ko – aayusin ko lahat ng mga nasira ko at ieenjoy ko ang lahat ng bagay sa pagkabata. ikaw ano ang wish mo?

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/batang-x/feed/ 16 225 Prinsipe ng Pangarap! batangx.JPG sign forever
October 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/october-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/october-2007/#comments Mon, 01 Oct 2007 12:35:53 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/october-2007/ octoberdiary.jpg

===========================

October 1, 2007 – MONDAY

haiz. ulan naman ng ulan! minsan tuloy kakabanas – maputik kasi – pero minsan ayos lang, malamig kasi ang panahon. pero iba na ang usapan kapag BAGYO na! but eniweiz, maaga ako nagising at magpapagupit nga sana ako pero hindi naman natuloy dahil nga ala naman yung paborito kong barbero, dahil siya lang naman ang nakakaalam ng “tamang look” para sakin – kaya kinakailangang siya lang ang manggupit sakin, tumatakbo kasi ng pagka-kagawad ang hayup na yun kaya napapabayaan na niya ang barberya niyang siya lang naman ang nanggugupit. hindi ako na-late… kakatakot kanina sa office – nagagalit si bossing dahil sa punyetang program, pero naayos naman. hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko at kung papaano ako makakapagsend ng mga komento sa Me Too na yun.

October 2, 2007 – TUESDAY

kamustahin naman natin ang lakas ng bagyo huhuhu 😦 kakabanas kasi super-porma pa naman akong pumasok sa office tapos paglabas ko pa lang ng bahay eh nagwawala na ang ulan. waaaaaaaaahh! kabanas kaya! sana naman hanggang ulan na lang muna, mahirap kasi pag bagyo na ang pinag-uusapan eh MALUPIT! well eniweiz eto ako ngayon sa opisina at nagsisisi kung bakit hindi ko ba tinuluyang isuot yung jacket na Dickies na ibinigay sakin ni Ace, kabanas tuloy sa sobrang lamig. inayos ko yung mga pwesto ng teachers kanina, at least hiwa-hiwalay na at mas maayos na ang itsura hehehe! bukas la na namang pasok at may usapan na naman kami nina Mar at Herson ng inuman hehehe.

October 3, 2007 – WEDNESDAY

wala kaming pasok sa ngayon dahil nga KOREAN holiday. maaga pa lang kinukulit na ako nina Mar at Herson – hapon na akong nagising dahil nga hapon naman yung usapan naming mag-inuman. shala kami kasi pumunta muna kami sa In or Out Bar kung saan nag-videoke kami ng wantusawa – at may nakita pa kaming EYECANDY. haha dabest! tapos dumiretso kami ng mall kung saan eh nag-videoke na naman kami sa CENTERSTAGE kakapalan nga naman ng mukha ng mga bangenge… – pagbaba namin, hinatak ko sila sa Goldilocks para doon na mag-dinner. ayos na ayos – saka naman kami dumiretso ng Novi’s KTV para ituloy ang inuman at videokehan. bangenge talaga kami to the highest level at nang-asar na naman ako sa mga chizmozang neighbors namin. nakatulog kaagad ako.

October 4, 2007 – THURSDAY

napakaaga kong nagising saktong 3:00 AM, me hangover tuloy ako at napakasakit ng ulo ko. kumain na lang ako at nanood na lang ng TV. natulog ulit ako ng 7:00 AM, nagising naman ako ng 11:10 AM para mag-ready nang pumasok. nagkita na kami ni PAURONG (Emo Sevenfold), kasi ibinigay ko na nga sa kanya yung CDs ng mga collection ko ng Movies na pina-BURN ko kay Jericho. hindi naman kami nakapag-usap man lang ni PAURONG kasi parehong me gagawin pa kami. sabi ko next time na lang. nakakatuwa kasi nung nasa bus nako papuntang office – me sumakay na napakagandang kolehiyala, andami kayang bakanteng upuan sa harapan (nasa bandang gitna ako!) pinagtitinginan talaga siya ng mga tao (including mga babae – maganda talaga siya) biruin mo ba namang sa akin pa tumabi. WAAAAAAAAAH! nanindig talaga mga balahibo ko sa sobrang KILIG – yun ang masasabing KILIG TO THE BONES! anlamig na nga ng aircon lalo pa akong nilamig kasi katabi ko nga siya. nagpaka-gentleman ako at itinutok ko sa kanya yung isang labasan ng lamig ng AIRCON. bwa hahahaha!

October 5, 2007 – FRIDAY

nakz naman FRIDAY na naman. himalang nakatulog ako ng 2am. nagising akong nakangiti sa sobrang saya at nakatulog nga ako ng maayos kagabi. nakakatuwa kasi nga hindi ako na-late or whatever na hindi magandang nangyari. kaso pinapupunta ako sa Immigration sa Lunes – kung saan ako nakaranas ng kauna-unahang holdap. hindi ko na lang dadalhin ang fone ko. at sobrang ingat dapat – kung kinakailangang mag-taxi, magtataxi ako. nirereformat na namin ni Jericho yung mga PC para hindi naman sabihing wala akong ginagawa. wala ngang kwenta yung mga posts ko dito eh. la kasi ako sa mood!

October 6, 2007 – SATURDAY

bangenge kami nina Romnick at Joshua, nagkayayaan kasi kaming mag-inuman sa bar dahil wala lang. trip lang namin. nakailan din ako, nakipagsabayan kasi ako ke Romnick samantalang alam ko naman na matinding manginginom yun. mga 3am na kami nagsiuwian. nang pumasok nako sa bahay, sumilip muna ako sa Gendai (ang dati kong kuwarto na kasalukuyang tinitirhan nina Marit) andun sina Jaypee, Marit, Ron, Pocz, at Tina, niyaya nila akong uminom at siyempre hindi ko naman sila tinanggihan, syempre gusto ko rin naman silang maging kaibigan. so yun na nga nauwe sa umabot na kami ng umaga sa pag-inom at sumusuka na talaga ako (kakahiya nga eh) pero kumain muna kami sa Valencia. nagising akong napakatindi pa rin ng hangover. ilang beses akong bumalik sa pagtulog, nang bumaba na ako – hindi na namin naituloy yung usapan naming inuman na naman ng 6pm. pero masaya ako kasi me mga bago akong kaibigan. nagkuwentuhan na lang kami ni Herson bout last night, sayang at hindi siya nakasama.

October 7, 2007 – SUNDAY

maghapon na naman akong nasa bahay kain-tulog-nood ng TV. pinanood ko din yung laban nina Manny Pacquiao at Barrera, siyempre panalo na naman si Pacman – sa totoo lang hindi ko talaga gusto si Manny Pacquiao at yun ay dahil sa hindi ko naman talaga gusto ang panonood ng boxing – pero in fairness, natuwa ako at nanalo siya, siguro kasi isa na naman itong achievement para sa mga Pilipino.

October 8, 2007 – MONDAY

maaga akong nagising kasi pumunta ako ng Bureau at Immigration – syempre medyo kabado ako dahil kamakailan nga lang eh naholdap ako ng mga tukmol na rugby boys – so handa na ako na anytime na may sumakay na hindi maganda ang ikot ng mata – eh bababa talaga ako by hook or by crook, awa ng diyos ala naman. napakabilis ko lang na na-process yung Extension Visa ng boss ko at umuwi kaagad ako. nakatulog pa nga ako, at late nang nagising – na-late tuloy ako sa work. pero nakakatuwa pa rin kasi basta masaya lang.

October 9, 2007 – TUESDAY

umaga na ako natulog – pero sakto naman ang gising ko. napakaaga kong nakarating sa office – nagkuwentuhan muna kami ni Rose hanggang sa dumating na lahat. umalis na yung mag-iinang Koreana, mabait pa naman yung bunso… natapos na naman ang araw ko – na madame-dame ring nagawa. in fairness hindi ako gumawa ng blog entry.

October 10, 2007 – WEDNESDAY

umaga na naman akong natulog at sakto rin naman ang gising ko. pumasok ako ng hindi late at BIRTHDAY pala ni MS. EVE ngaun. party na naman hehe. malapit na naming matapos yung pagaayos ng mga PC – kung saan eh niloloadan namin ni Jericho lahat ng CPU para maibenta na.

October 11, 2007 – THURSDAY

inumaga na naman akong natulog – naiyak pa ako sa isang palabas sa TV… Maury – hehe. napakababaw naman ng luha ko. ibang klase kasi eh. nababanas ako sa bahay dahil ginagawa nang tambayan ng mga Temple. yung ex-bro ko kasi eh hindi maintindihan kung bakit ganun siya. Leche panganay pa naman siya tapos ni hindi siya mapakinabangan. bat kaya hindi siya maghanap ng trabaho? 24 anyos na siya umaasa pa rin siya kay Mama – isipin niya naman yung ibang tao. Pucha.

October 12, 2007 – FRIDAY

hindi ako lumabas maghapon dahil nga sa wala naman akong gagawin kung lalabas ako. ala rin namang pasok sa office kaya nanahimik na lang ako sa bahay maghapon magdamag. inuman sana kami ni Mar at Herson ngayon pero pumunta pala sila ng Batangas at hindi naman siya makaluwas dahil wala siya alibay sa asawa niya. sabagay, me pamilya na sya kaya mahihirapan talaga siya.

October 13, 2007 – SATURDAY

haiz. maghapon na naman akong nakatulog. hindi kasi kami natuloy nina Mar at Herson sa inuman. pero dahil nga wala kaming magawa ni Herson eh niyaya na lang namin si James na mag-inuman sa Novi’s tapos me kasama pa si James na si Macmac. ayos naman ang kantahan at inuman. masaya, lalo na nang biritan ko sila ng Kahit Isang Saglit at saka Total Eclipse of the Heart na talaga namang pinalakpakan ng madla. ni-requesan pa nga ko nbg Victims of Love na pinagbigyan ko naman hehe. nag-inuman pa kami sa bahay kasama sina Marit at si Raymond – na may pagtingin naman kay Tina hehehe. kulet. bangenge na talaga ako kaya natulog ako.

October 14, 2007 – SUNDAY

badtrip – maghapon lang ako sa bahay at natulog-nanood ng tv-kumain etc. hindi man lang ako lumabas ng bahay hehehe 🙂 at least napanood ko na ang Superman Returns at Kitchen Confidential. hirap ng alang anda… nananahimik ako sa lungga ko.

October 15, 2007 – MONDAY

me pasok na naman kami ngayon. ayos na ayos – kaso na-late ako kasi hinahanap ko yung cap ko na hindi ko na talaga matandaan kung saan ko nailagay. haiz – sayang naman yun, antagal na sakin nun, malapit na mag one year tapos nawala pa. huhuhu! well eniweiz – hindi ko inaasahang yun ang mangyayari sa pera ko. naku. kinakailangan ko na pong mag-ipon! BAKIT HINDI KO KAYA! late na ako nakapasok nababanas ako sa epal na feeling boss sa office – kabanas. ang lalaking ewan. epalogs grabe – feeling matalino, eh siya nga itong hindi nakakaalam ng program… etc.

October 16, 2007 – TUESDAY

hindi na ako natulog pagdating ko ng bahay. kinakailangan ko rin naman kasing gumising ng alas-tres ng madaling araw para maghanda sa pagpasok. 5:00am ang pasok ko at kinakailangang 4:00am eh nakasakay na ako ng jeep papuntang San Juan then sasakay ulit ng jeep papuntang Madison. haiz. ayos naman nakaka-thrill GRABE! dabest yung feeling na 4am pa lang eh papasok na sa office – imbes na 7am eh napasarap kami ng wentuhan ni Rose kaya 9:30 na ako umalis. nakuha ko na yung fone – natulog ako ng mga 1 1/2 na oras saka ako lumarga naman para magpa-haircut… haisalamat at nakapagpa-haircut na nga ako. hindi ako na-late sa sked ko na 4:00 PM. birthday ni Teacher Jessica, busog na busog ako, andami kong kinain kasi nagluto muna ako ng Mushroom Soup, then umorder ng Spicy Chao Fan sa Chowking – na kinain ko ng dinner at saka kumain kami ng cake. haiz.

October 17, 2007 – WEDNESDAY

isang napakasayang araw. pagkagaling ko sa work eh dumiretso ako sa Novi’s para puntahan sina Herson, Mar at Mark na kanina pa nangungulit sa inuman. naabutan ko sila dun saka ako nakilaklak na rin sa kanila. syempre mawawala ba naman ang hiyawan at palakpakan kapag bumibirit na ako? haha. pagkatapos nun eh umuwi na sina Herson at Mark – dumiretso naman kami ni Mar sa HEAVEN’S haha. heaven ang nangyari – although walang sex encounter na naganap. still feels like heaven kasi me nakilala akong bagong kaibigan na nagbigay sakin ng sign na kinakailangan ko nang kalimutan ang mga nakaraan ko at sumige na sa paglalakbay sa buhay – la na muna ako hihilingin pa. sa ganito ba namang momentum me mahihiling pa ako? hahaha! first time na nangyari sakin ito. i love it! pagkagaling namin sa HEAVEN’s eh kumain muna kami then uwian na. saka lang ako natulog. sakto ang gising ko. naaalala ko pa rin ang mga nangyari kagabi. hahaha. saya grabe.

October 18, 2007 – THURSDAY

nice naman. hindi na ako umuwi, balak ko umuwi ng mga 7am. nagkuwentuhan kami ni Rose hanggang madaling-araw syempre nakatulog ako at na-late ng gising… kakatuwa tuloy hehehe! almost 9am na ako nakauwi – la kaming sawa sa daldalan. pag-uwi ko, nakatulog ako – sakto naman ang gising ko. nababanas ako sa mga taxi driver na nandededma ng pasahero na buntis pa. punyeta mabangga sana sila ng sabay-sabay at sila-sila lang ha! hahaha 🙂 manganganak na ata si Rose today. ah ewan sana nga manganak na siya para may bagong baby na sa Korean Big Brother House.

October 19, 2007 – FRIDAY

naaasar ako sa mga taong ewan. pumunta kami ng UDMC para ihatid yung mga gamit ni Rose. iniwanan ko si Rayan doon dahil maaga pa ang pasok ko. nag-inuman kami ni Herson sa Novi’s – dumiretso ako sa MC para makipagkuwentuhan kay Alvin. ang saya namin sa kuwentuhan. meron akong bagay na naiintindihan na sa ngayon. kumain kami sa kainan malapit samin habang nagkukuwentuhan pa rin. nakatulog ako. waaaaaaaah! at na-late buti na lang marunong si Teacher Eve. nanganak na si Rose at nagwawala daw sa hospital, humihingi ng tulong hehehe 🙂

October 20, 2007 – SATURDAY

nag-inuman kami nina Joshua, treat niya, pero dahil nabitin kami dahil nga naadik na naman kami sa kantahan eh kailangan kong maglabas ng kaunti. nakakatuwa kasi napapansin kong nagiging sikat nakong singer – palakpakan ang labanan at hindi ako kaya ng iba, hindi nila napipigilang tumingin sakin. kaninang madaling-araw hanggang 11am eh binabantayan ko si Rose sa hospital, hirap siya sa panganganak dahil mala-1-year-old ang isinilang niya. buti na nga at tapos na. hehehe.

October 21, 2007 – SUNDAY

as usuall linggo kaya tanghali na (hep hep hep!) hapon na naman ako nagising, ginulantang naman ako ng
text ni Jasmine, binyag pala ni Amerie ngayon at ninong na naman ako – talagang pinatitibay ang
magkumare’t-magkumpare namin hehehe. pinasundo niya ako ke Arnold siyempre paimportante na naman kasi ako porke ako lang ang bisita. nakainuman ko sina Herson, Arnold at Kuya Andy (papa ni Arnold) na nagbukas ng aklat ng kahapon. hahaha, ala siyang memory gap in fairness. makalipas ang almost 2 years, bumalik ako sa bahay ng dati kong bestfriend – at welcome pa rin ako gaya ng dati. tataka nga ako kung bakit napaka-bitter ko ke Arnold. nalaman ko din na ako pa rin pala “gaya ng dati” ang tanging nakakapigil sa galit ni Arnold, sinusunod niya pa rin ako – although ayos lang din naman sakin kung hindi niya gagawin yun.

October 22, 2007 – MONDAY

nagising ako ng midnight at hindi na nagbalak na matulog pa. habang busy ako sa pagbabasa, tinext ako ni Mar at sinabing nasa tapat lang xa ng bakery. pumunta ako, ang aga ng ungas. nagpahatid ako sa work – kahit napakalayo. ayos lang naman sa kanya. masaya ako kasi may mga taong kagaya pa rin ni Mar although napakakulit niya madalas. antok na antok ako pero inayos ko lahat ng kinakailangang ayusin. natuto na nga talaga ako hehehe 🙂 nababanas ako kasi nawala na naman yung digicam ng mga bossing ko, ang masama – si rose ang humiram nun, kaya kailangan niyang bayaran – bat hindi na lang kasi mategi yung mga magnanakaw na yan. PUCHA! babayaran ni rose ang isang bagay na napakamahal niya at ni hindi niya napakinabangan… pakingsyet. sana lumubog sa kinatatayuan niya ngayundin ang sinumang nangnenok nun. bwiset!

October 23, 2007 – TUESDAY

dapat hindi ako uuwi, pero dahil kailangan ata ng malalabasan ng sama ng loob ng dati kong bestfriend eh umuwi ako para sa kanya – hindi naman kasi ako ganun kasama na tuluyan nang magpapakalayo ng damdamin sa kanila. naging maayos naman, bumalik ang sigla ko – may isang bagay akong kinakailangan tanggapin in order for me to win this game of life. mahirap pero kakayanin ko. kailangan eh. nakatulog ako pero ayos naman ang pagpasok ko kahit me isang pasahero kanina na mukhang Taliban. bumalik na si Rose galing sa Nova – hindi niya kineri. sa office ako slip kahit na ni-lulure ako nina Mar, Herson, Joshua at Jaypee dahil nga nag-iinuman na sila – hindi ako nagpadala. late na rin nakatulog dahil nagkuwentuhan muna kami ni Rose pero maayos na rin at least me tulog na ako.

October 24, 2007 – WEDNESDAY

sakto akong nagising, napakaaga. hindi na muna ako nagbihis, nakapantulog akong pumasok sa CC dahil balak kong mag-weights kapag tapos na ang work ko, kailangan ko na rin kasing mag-ayos ng looks ko ngayong malapit na naman ang pasukan (O.A. June pa yun) ngayon ko nakita ang hirap ng isang first-time na nanay sa pag-aalaga ng infant. PUCHA kakaaning, ganyan talaga pag nanay ka. maayos ang naging araw ko, pwera na lang ang unang tumambad pagpasok ko ng 4pm ng hapon. masaya naman. grabe hehehe.

October 25, 2007 – THURSDAY

umuwi pa din ako ng bahay after work, hindi na ako natulog, naglaro na lang ako ng Command & Conquer: Game of the Generals – courtesy of my friend Mr. Jercho Ginger Licerio hehehe. tenkyu! tenkyu! dahil bumalik na naman ako sa pagkabata hehehe 🙂 napakaaga kong nagbyahe papuntang work, in fairness ang aga ko, hindi pa rin nawawala yung creepy feeling kapag naglalakad ako sa loob ng Subdivision na ako lang ang tao waaaaaaaaaaaaaah! scary talaga andami kong naiimagine. itinuloy ko na naman ang workout ko. pero hanggang weighlifting lang dahil hindi kinakaya ng stomach muscles ko, painful talaga. nagsearch ako sa net, at nalaman kong maling-mali ang ginagawa ko. proper diet pala muna dapat at hindi dapat binibigla ang muscles. umuwi ako at nakatulog naman kaagad. pumasok ako ng 4pm. la pa rin sina bossing. haiz.

October 26, 2007 – FRIDAY

pag-uwi ko sa bahay eh nag-inuman kami ni Arnold at Herson. kumanta kami at uminom talaga. tapos nakita namin si Kurt na nakakabanas naman ang real name. at siyempre hindi ako nagising na suppose-to-be eh me pasok ako. hindi ako nakapasok, dahil nga 10:30am na ako nagising. nakakatuwa kasi natanggap ko na yung credit card ko – makakabili nako ng phone hehehe. pagpasok ko sa work lalong sumaya sa hindi malamang kadahilanan hehehe. la pa rin sina bossing. nakausap ko sa phone si Jomar (ervas) nakakamiss din na wala siya. nanakit na naman nga ang tenga ko, dahil gaya ng dati medyo telebabad kami. me usapan kami nina Mar at Herson sa Novi’s pag-uwi ko – sayang at hindi matutuloy yung lakad namin.

October 27, 2007 – SATURDAY

napuyat na naman ako sa magdamag, pero hindi naman ako nakainom or whatever, basta napuyat lang ako. nagising ako – tanghali na. ala naman akong ginawa kundi, matulog, manood ng tv at kumain. dumating sina norton at janice; gabi na yun pero nang-aasar si Kuya Norton. he he he!

October 28, 2007 – SUNDAY

tanghali na naman ako nagising… pumunta ako ng SM Sta. Mesa para kumuha ng fone gamit ang new HSBC credit card ko. nagtagumpay ako at nakapag-uwi ng SAMSUNG SGH-E250, maganda siya at siyempre kulay itim para mukhang maayos naman he he he! salamat sa HSBC hehehe 🙂 as ussual, puyat na naman ako. katext ko magdamag sina Josh at Jasmine, pumunta daw kasi sila kasama si Julia sa Baclaran para sa Opening ng bago nilang negosyo. take note na alas kuwatro yun ng madaling-araw.

October 29, 2007 – MONDAY

barangay elections at maaga pa lang eh wala nang tao sa bahay, siyempre para magbigay ng “full support” sa mga bet nilang kandidato. gabi na sila nagsidatingan. dumating si Shiela, dumalaw lang naman, nagulat pa siya nang malamang na-approve na pala ako sa HSBC na sya mismong nag-sales talk sakin. gumawa kami ng mga MUsic Videos ni Herson sa baba ng bahay namin – siyempre asaran. bukas may pasok na naman at malamang na hindi na naman kami ma-bore hehehe 🙂

October 30, 2007 – TUESDAY

maaga naman akong pumasok dahil hindi na naman ako nakatulog, sakto pa rin naman ang dating ko although nakakatakot sa byahe dahil nga dala ko ang new fone ko at bumiyahe ako ng 4am. sanay na talaga ako sa scheduling he he he 🙂 pag-uwi ko – tulog kaagad ako at pumasok ulit pagkagising – oo sige bitin na naman ang sleep ko pero ayos na rin. biruin mo ba namang napakaaraw kaninag umalis ako sa opisina ng 9:00am tapos pagbalik ko ng 4:00pm – bumabagyo! umaapaw ang lahat-lahat, na-stranded ako sa Madison sa lakas ng ulan, kung kailan kailangan kong maaga, buti na lang pagdating ko naisaayos na ni Rose ang dapat ayusin sa schedule dahil absent nga sina Joy at Jericho. nasa office si Jekay – dalagang-dalaga na… nakakapanibago. dati-rati makulit na bata lang yun.

October 31, 2007 – WEDNESDAY

sa room ako ni Rose natulog kasama sina Rose, Baby Andrei, Jekay at Roan, kuwentuhan na namang umaatikabo kami ni Rose, katextmate ko pa hanggang 2:00am sina Jasmine at Arnold. nakatulog na ako ng 2:00am. nagising ako ng 4:45am, dumiretso na kaagad sa office kahit naka-pantulog pa ako he he he 🙂

===========================

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/10/01/october-2007/feed/ 2 221 Prinsipe ng Pangarap! octoberdiary.jpg sign forever
Gusto Ko Na Mag-Iskul! https://dee13.wordpress.com/2007/09/28/gusto-ko-na-mag-iskul/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/28/gusto-ko-na-mag-iskul/#comments Fri, 28 Sep 2007 12:22:33 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/28/gusto-ko-na-mag-iskul/ schooling.jpg

napakarami na namang mga bagay-bagay ang sumasalaksak sa utak ko nitong mga nakaraang araw. napag-isip-isip ko kasi na kinakailangan ko na talagang mag-college. sa INFORMATICS nga dapat ako at kukuha na lang ng Computer Science, pero nang dumating si Jon-Jon last Saturday eh binigyan niya ako ng idea na sa Universidad de Manila na lang mag-aral… la rin naman akong balak mag-aral sa mga mamahaling eskwelahan dahil unang-una eh ayokong gumastos, pangalawa – wala rin naman talaga akong gagastusin, at pangatlo kung ayaw ko na eh hindi naman nakakapanghinayang na iwanan – pero hindi rin… malamang na ituloy-tuloy ko yun anuman ang mangyari.

panahon na rin naman kasi para isabuhay ang mga ideas sa utak ko at tuparin ang mga pangarap ng isang prinsipeng katulad ko. kakabanas lang naman kasi na eto na naman ako at naguguluhan kung anong course na naman ang kukunin ko – problema ko rin dati yun kaya nga hindi ako nakapag-college kasi naaaning ako sa kung anong landas ba ang tatahakin ko. kinakailangan ko ng FINAL DECISION.

siyempre una sa lahat eh gusto ko rin naman malaman kung ano ba talaga ang mga kwenta ng apat na courses na napili ko. siyempre isa lang ang pipiliin ko at yun ay kung ano sa apat na iyon ang mapapakinabangan ko talaga ng todo-todo, ano ang kailangan ngayon sa world market at kung anu-ano pang dahilan para piliin ko siya. ayoko rin naman kasi ng pa-shift shift ng course, maganda yung kung ano ba talaga ang mapipili ko eh, yun na yun forever.

eto nga pala yung mga course na pinagpipilian ko:

1. – Bachelor in Mass Communication
2. – Bachelor of Science in Secondary Education Major in English
3. – Bachelor of Science in Computer Technology
4. – Bachelor of Science in Computer Engineering

ano kaya sa apat na iyang ang kinakailangan ko nang simulang pag-aralan para ako ang maging SUMACUMLAUDE sa school na papasukan ko. haiz, gulung-gulo na talaga ang utak ko. kinakailangan kong mapili ay yung talagang magugustuhan ko at siyempre yung pakikinabangan ko talaga ng husto.

gusto ko maka-graduate ng college para naman maipagmamalaki ko ang sarili ko at maipagmalaki rin ako ng mga kapamilya at kaibigan ko… isama ko na pati mga ka-PUSO (bwa hahaha!) gusto ko kasing matupad yung mga bagay na pinapangarap ko like, makaipon, makabili ng bahay at sasakyan… mapasaya ang nanay ko at ang buong pamilya ko. etc. basta lang, hindi naman ako makasariling tao para puro kaligayahan ko lang ang iisipin ko.

isa pang dahilan na gusto ko na talagang bumalik sa school kasi nga gusto ko rin maka-meet ng mga bagong kaibigan at kabarkada – hindi dahil sa sawang-sawa na ako sa mga pagmumukha ng mga current friends ko kundi gusto ko pang dumami ang friends ko sa friendster hehehe.

excited na ako…

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/28/gusto-ko-na-mag-iskul/feed/ 5 218 Prinsipe ng Pangarap! schooling.jpg sign forever
Desktop Free View https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/desktop-free-view/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/desktop-free-view/#comments Thu, 27 Sep 2007 09:26:14 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/desktop-free-view/ na-tag ako ni RHAPSODY, pero nagkamali ako… masyado na kasing late yung pag-view ko. na-tag niya pala ako sa DESKTOP FREE VIEW! so sorry sa nangyari Rhapsody… wala rin naman akong balak na burahin ang entry koi about sa Christmas Wishlist, basta ayos na rin na dalawang tag ang nasagutan ko hehehe!

 

eto nga pala ang VIEW ng desktop ko…

desktop.jpg

mahilig ako maglalalagay ng kung anu-anong folders sa desktop. so ayan na nga. nanjan yung mga icons ng mga program na palagi kong ginagamit like Mozilla Firefox na siyang browser ko. Sithink FLV Player na taga-play ng mga nadodownload kong FLV Files like Xtube, Youtube at Thepinoytube, meron din yang Youtube Downloader, nandiyan din ang Converter ng kahit na anong klaseng file to kahit na anong klaseng file, at siyempre ang paborito kong Puto Shop (Adobe Photoshop).

yung mga personal icons ko naman eh mga important files lang like yung notepad file ko na kina-copy-paste ko lang para maging link sa mga friendster comments direkta sa blog kong ito, mga kakadownload ko pa lang na FLV Movies at siyempre yung folder na naglalaman ng mga downloads ko.

yung job icons naman eh yung mga folders ng mga nakatenggang gagawin ko, mga folders para sa mga naitago kong files na ginagamit ko sa work ko ginagamit ko pa man ito o hindi na. at siyempre yung lahat basta tungkol sa trabaho.

madalas kong pinapalitan yung wallpaper ko, basta may nagawa akong panibagong image na inedit-edit ko at nagustuhan ko. yun ang inilalagay ko… pero sa center lang… ayokong naka-tile kasi nakakahilo at ayoko ring naka spread kasi wala lang basta gusto ko kung gaano talaga siya kalaki yun lang siya. paborito kong kulay ang black kaya siya ang kulay ng buong background.

well well well. sino naman kaya ang i-tatag ko dito eh nahihiya naman ako sa kanila at baka sabihin nila eh “tanggalin ko na kaya ito sa blogroll ko!” di ba??? so bahala na basta tinag ko sila tapos.

Tinag ko nga pala sila:

PAURONGTURISMOBOIBARBARA BAKALTOTO LEYTBILLYCOY

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/desktop-free-view/feed/ 1 216 Prinsipe ng Pangarap! desktop.jpg sign forever
Christmas Wishlist https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/christmas-wishlist/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/christmas-wishlist/#comments Thu, 27 Sep 2007 07:52:26 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/christmas-wishlist/ Na-tag na naman ako. Walang iba kundi si Rhapsody na hindi ko malaman kung bakit kagaya ng Rhapzo-Dee ko bwa hahaha! well. eniweiz, pareho siguro naming peborit ang song na Bohemian Rhapsody.

Teka.. teka.. teka.. eto na nga ang ilang mga wishes ko this Christmas na nawa’y matupad po Lord…

My Christmas Wishlist:

1. Sana po ay makapa-start na ako ng pag-aaral next year (2008) kating-kating na kasi ako umupo sa mga sirang bench etc. at makakilala ng mga bagong frends na makakasama ko sa iba’t-ibang gimikan.

2. Makapasa po sana ako sa Entrance Exam ng anumang University na aaplayan ko. siyempre naman, hindi ako makakapag-start ng studies kung hindi ko naman maipapasa ang Entrance Exam diba???

3. Sana maging napaka-happy ng family ko and especially my Mom and I. sana hindi na kami malungkot at wala masyadong mabibigat na problemang dumating sa life namin. naman naman pagod na rin naman ako sa ka-sosolve ng kung anu-anong problema sa life. wish ko naman ng rest.

4. Sana yumaman ako.

5. Sana magkaroon ako ng mga gadgets na kinakailangan ko like Laptop (for blogging) at celfone (kasi naholdap nga diba)

6. Sana magkaroon ako ng kaibigang may special powers like mga diwata na magaganda na gagawa ng paraan para matupad ang anumang instant wishes ko. sana maging close kami na makakasama ko siya for a lifetime (NOTE: yung mabait na diwata ha!)

7. Sana walang magkasakit sa family ko at sa friends ko.

8. World Peace!

9. Sana matupad lahat ito.

Napaka-simple lang naman ng mga wish ko at wish ko na sana ay matupad ang lahat ng iyan.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/27/christmas-wishlist/feed/ 1 214 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
Alma – So Hayskul! https://dee13.wordpress.com/2007/09/20/alma-so-hayskul/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/20/alma-so-hayskul/#comments Thu, 20 Sep 2007 11:35:35 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/20/alma-so-hayskul/ alma-copy.jpg

kanina habang wala akong magawa at naghahanap ako ng magagawa eh nag-online ako sa YM. sakto namang naka-online si ALMA. sa mga hindi nakakakilala sa kanya. si alma ay yung kaklase ko nung first year high school ako sa Manila High School. actually siya yung pinaka-unang naging Close Friend ko that time. palagi kaming magkasama, nagkukulitan at naghaharutan. sabi niya nga sakin crush niya daw ako (crush lang ha!) so hayskul diba! marami kaming mga natatanging moments together nitong taong to. tapos nung third year ako eh umalis na ako sa Manila High School at lumipat na ng skul.

MOMENTS WITH ALMA…

kapag T.H.E. class na namin, eh malamang na magkatabi kami niyan (teka lahat naman ng subjects katabi ko siya ah!) tapos naghaharutan kami at palaging pinapagalitan nung teacher naming payatot. madalas nga nasasabihan yan na “Pangilinan! kababae mong tao napakaharot mo!” tapos magtatawanan na lang kami. hipuan to the max bwa hahahaha!

madalas magkasama kami sa lakwatsahan afterclass, like pumupunta kaming National Museum at paulit-ulit na titingnan at iikutin ang loob nun. madalas din kaming maghabulan sa Luneta noon kasama ang iba pa naming mga kaklase.

minsan napakalakas ng ulan at pareho kaming walang payong (kaming dalawa lang) nakasakay na yung mga kaklase namin pero kami ayun nahihiya kaming sumakay dahil basang-basa kami pareho… eh mantakin mo ba naman puno yung sasakyan sasakay ka eh basang-basa ka. so nilakad namin mula skul hanggang sa mga bahay-bahay namin. sa Quiapo siya nakatira that time kaya medyo lugi ako. wala pa siyang sando noon kaya bakat na bakat yung bra niya na polka dots ata na pula, sa sobrang basa nga namin. kuwentuhan lang kami sa pagtawid ng Quezon Bridge. haiz.

ilang beses niyang sinasabi na crush niya ako. pero ano ba naman ang alam namin sa mga ganoong bagay kaya hindi na lang namin iniintindi ang mga batang damdamin namin at ginagawa na lang ang mga bagay na dapat lang na ginagawa sa age namin.

PRINSIPE DILAN: ei musta!
PRINSIPE DILAN: ui suplada ka na ha…
PRINSIPE DILAN: kelan ba kasal???

Alma Pangilinan: nu bayang tnong mo!!!
Alma Pangilinan: san k?
PRINSIPE DILAN: d2 sa opis.
PRINSIPE DILAN: ayos naman tanong ko ah…

Alma Pangilinan: ano bayan???
PRINSIPE DILAN: eto picture ko just about 3 minutes ago…

dilanpnp.jpg

Alma Pangilinan: bkt my pool?
PRINSIPE DILAN: me pool dito!
Alma Pangilinan: talaga paligo nmn…
PRINSIPE DILAN: hahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: me papadala ako sau pic…

Alma Pangilinan: ah dami nmn bka mainlove n ko sau nyan ah
PRINSIPE DILAN: hahaha. 🙂
Alma Pangilinan: taba mo n dun ah.hehe
PRINSIPE DILAN: pumayat na naman ako noh.
Alma Pangilinan: send ko n pics ko ngaun dito?
PRINSIPE DILAN: uu
Alma Pangilinan: ok bigay ko sau kaw n bahalang mamili ha.
Alma Pangilinan: magkape ka muna dyan.
PRINSIPE DILAN: nagkakape ako, galing ah!
Alma Pangilinan: wee.. parehas kau ng bf ko mga adddikkk!!!!
Alma Pangilinan: ok online me bks same time.chat tyo.
PRINSIPE DILAN: okidoki
PRINSIPE DILAN: hehe 🙂
PRINSIPE DILAN: alis kanaba?

Alma Pangilinan: ganda ko n noh! di tulad dati di nyo ko napapansin huhuhuh 😦
PRINSIPE DILAN: hahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: ganyan naman na dati eh hahaha 🙂

Alma Pangilinan: ano ka!
PRINSIPE DILAN: ganyan din kaya!
PRINSIPE DILAN: ala nagbago!

Alma Pangilinan: ayaw m nga skin eh gusto m kay christina… 😦
PRINSIPE DILAN: hahahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: patawa… hindi naman ah.

Alma Pangilinan: ahahaha 🙂
Alma Pangilinan: weee…
PRINSIPE DILAN: ndi kaya.
Alma Pangilinan: ok.
Alma Pangilinan: kulot kasi buhok ko dati AHAHAHAH 🙂
PRINSIPE DILAN: ayus lang naman yun ah.
Alma Pangilinan: iniisip ko mga nagbago sakin.
Alma Pangilinan: payat ako dati!
PRINSIPE DILAN: ngaun tababoy
Alma Pangilinan: sau ba?
PRINSIPE DILAN: ano
Alma Pangilinan: ano nagbago sau cge n share m n?
PRINSIPE DILAN: hahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: madami.
PRINSIPE DILAN: bwa hahaha 🙂

Alma Pangilinan: like what?
PRINSIPE DILAN: tumaba… naging bobo!… pumangit… ???
Alma Pangilinan: ahahah.matalino k b dati???
PRINSIPE DILAN: nung 2nd year
Alma Pangilinan: ah ok sabi mo nga!
Alma Pangilinan: hehe 🙂
Alma Pangilinan: ok lng pogi k p din.
PRINSIPE DILAN: uu.
Alma Pangilinan: dilan maya konti mag out muna ako ha 5mins. kc mamimili me ng lutuin ko.

Alma Pangilinan: oy sakit ng tiyan ko
Alma Pangilinan: breaktine muna ha. luluto narin ako.
Alma Pangilinan: para pag uwi mo may kakain na tayo
Alma Pangilinan: ano b gusto mo?
PRINSIPE DILAN: okei hon… hahahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: pag anjan na naman boypren mo!
PRINSIPE DILAN: magagalit na naman yun hahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: ako kabet hahaha!
PRINSIPE DILAN: ah kare-kare

Alma Pangilinan: hala di ko n naabutan lola ko eh? di naituro skin un.
PRINSIPE DILAN: hahaha:-)
PRINSIPE DILAN: o sige kalderetang baka…

Alma Pangilinan: what!
Alma Pangilinan: pano b lutuin un?
PRINSIPE DILAN: hahaha
PRINSIPE DILAN: ewan ko din.
PRINSIPE DILAN: o sige sinigang na baka.

Alma Pangilinan: ah sige yan lam ko na.
PRINSIPE DILAN: hahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: paborito ko yan.

Alma Pangilinan: talga bkt nmn baka….
Alma Pangilinan: baboy nlng
PRINSIPE DILAN: pero pinakapaborito ko kare-kareng baka at kalderetang baka or manok.
Alma Pangilinan: tgl plambutin un eh
PRINSIPE DILAN:: kasi hindi ako kumakain ng baboy
Alma Pangilinan: muka kang baka!!! ahhhahaha 🙂
PRINSIPE DILAN: hehehe
Alma Pangilinan: ay mag 6 n abutan ako ng dilim sa labas teka out muna ako hon.
PRINSIPE DILAN: okei hon… love you ingats
Alma Pangilinan: ok lng
PRINSIPE DILAN: nya hahahaha
Alma Pangilinan: wow!!!
Alma Pangilinan: pag nbasa nnmn to ng bf ko sasakalin n ko nun
PRINSIPE DILAN: uu nga hahaha
Alma Pangilinan: nung nagwebcam tyo nhuli nya kaya ako kaya nwala agad me.
Alma Pangilinan: di nag iingat hehe.
Alma Pangilinan: cge maya ulit ha. or tommorow na. mag online k ha!
PRINSIPE DILAN: okei sige.

napakarami na nga namang nagbago sa mga buhay-buhay namin. pero yung friendship naman eh nananatili. minsan tuloy nakakalungkot kasi hindi na kaya pang ibalik kung ano ang nakaraan. nakakalungkot sobra!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/20/alma-so-hayskul/feed/ 7 213 Prinsipe ng Pangarap! alma-copy.jpg dilanpnp.jpg sign forever
dating tropa https://dee13.wordpress.com/2007/09/14/dating-tropa/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/14/dating-tropa/#comments Fri, 14 Sep 2007 10:46:19 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/14/dating-tropa/ deewan.jpg

noong bata pa ako… i mean mga 12 years old pataas pa lang ako, eh napakarami kong mga kabarkada, iba-ibang klase ng tao at siyempre may matatanda na at may mga bata pa din. mahilig kasi akong mag-explore at napaka-riendly kong tao.

madalas kaming tumatambay sa may Juderey Building na isang apartment sa tabi mismo ng bahay namin. naging ka-close namin noon yung mga Juderey Boys, sila yung mga taga-Mindoro na ni-recruit ng isa pa nilang kababayan na si Kuya Romy (na hanggang ngayon eh hindi namin sure kung me dugong berde ba) para magtrabaho dito sa Manila na tagagawa ng FRAMES. eh usung-uso pa noon yung cross stitch.

napakinabangan ko sila kasi yung mga nakasabit na frames sa bahay namin eh lahat eh galing sa kanila. ten years na pala ang nakakaraan.

————————————-

madalas nakong nakikipagharutan sa mga Juderey Boys na sina Andrean (na asawa na ngayon ni Jeanette), sina Rodney, Richard, Antonio, Phillip, Aris, Alfred, Jun, Raffy at Robin.

naglayas ako at sa kuwarto nila ako tumira ng tatlong araw. pinakakain, pinapasaya para hindi ako ma-boring. nakick-out kasi ako noon sa Pasay City Academy dahil sa isang napakababaw na rason. so yun na nga… ang pinakamabait sakin eh si Kuya Richard, grabe… alagang-alaga niya ako. siya ang katabi ko matulog at kakuwentuhan ko palagi at kasabay ko rin naman kumain. hindi siya nagsasawang nakikinig sa mga sinasabi at ikinukuwento ko sa kanya.

masaya ako na nakasama ko sa kanila. naaalala ko pa noon nang mag-away sina Jessa at Len-Len – hindi namin talaga alam ang rason ng pag-aaway nila, pero marami ang nagsabi na dahil daw sa pinag-aagawan nilang dalawa si Rodney, bunso ang tawag sa kanya at babyface talaga. napakakulit at napakabait na tao rin.

madalas ko rin kasama noon si Aris, hindi kasi siya regular employee kaya pa-extra extra lang siya. marami rin siyang kuwento, kaso madalas naman silang mag-tsongke, yun ang hindi maganda, para ngang nagsha-shabu pa ata sila. kaya nga ang tawag naman nila kay Andrean eh bangkay – sa sobrang kapayatan nito. maraming masasayang pangyayari noon, like doon kami tatambay kasama ang mga kabarkada kong mga kaedad ko, nagkukuwentuhan, naghaharutan, kumakain – hindi pa kasi kami umiinom talaga noon. kuwentuhan ng nakakatakot at kung anu-ano pa. yung iba ngang ginagawa namin eh medyo may kabastusan na kung ipopost ko dito, bahala na si Cleo na magkuwento ng tungkol doon.

makalipas ang maraming taon, nagkaasawa na ang karamihan… nakikita ko pa rin si Andrean dahil kapitbahay lang namin sila. si Rodney dumadalaw-dalaw at may pasalubong na Hopia kasama si Aris, si Kuya Richard… isang beses na lang bumalik at napakatagal na nun. Napakalaking pagbabago. bata pa ako noon at iba ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay, nasisiyahan ako sa mga walang kuwentang bagay at kung anu-ano pa.

sa ngayon nasa alaala na lang ang lahat… isang napakagandang alaala.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/14/dating-tropa/feed/ 6 210 Prinsipe ng Pangarap! deewan.jpg sign forever
nababanas ako… https://dee13.wordpress.com/2007/09/11/nababanas-ako/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/11/nababanas-ako/#comments Tue, 11 Sep 2007 12:11:14 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/11/nababanas-ako/ kapraningan

naiinis ako – hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako! HAIZ! nakainom ako ngayon – nandito ako sa opisina pero nagbaon ako ng Gran Matador, para mawala lang yung asar ko.

hindi ako kumain ng lunch sa bahay – dire-diretso akong pumasok – pero dumaan muna sa Minsitop para mamili. late na ako nakarating sa office kahit maaga naman akong nagising. ang kinain ko lang ng dinner eh Cup Noodles lang – pansin ko nga na nangangayayat na naman ako. haisalamat! maluwag na ang body-fit na polo ko at maluwag na nga rin ang maong pants ko na suot ko kahapon. lalo pa akong mangangayayat kung tuloy-tuloy ang pagkaasar ko.

naaawa ako sa pamilya namin, nalulungkot ako kasi dumating na naman kami sa point na… yun na nga. basta naaasar ako. hindi ko mabilang kung makailang ulit na lumipad ang isip ko. ayokong ipagkalat ang sama ng loob ko – kaya basta lang matindi-tindi yung asar ko. HAIZ!

pasayahin niyo naman ako… 😦

kung andito lang si Jordan, iindahin ko lang lahat ng ito… pero wala siya kaya, maghihintay na lang ako sa pagbabalik niya – sa ngayon. asar ako, enough said!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/11/nababanas-ako/feed/ 4 208 Prinsipe ng Pangarap! kapraningan sign forever
kapag darating siya, darating siya. https://dee13.wordpress.com/2007/09/10/kapag-darating-siya-darating-siya/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/10/kapag-darating-siya-darating-siya/#comments Mon, 10 Sep 2007 12:11:35 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/10/kapag-darating-siya-darating-siya/ kapraningan

nasubukan ko na naman ang pagka-psychic ko last saturday. masaya ako kasi feeling ko eh nararamdaman ko na paparating ang isang napakasayang sandali. well anyweiz. ka-boringan na naman ako nung Sabado. as in kain – kuwentuhan – tulog. tapos nung magising na naman ako – ginigising na pala ako ni Ex-Bro Ulikba Version – may naghahanap daw sakin. nang tingnan ko naman. nakkzzz, si Angel pala… yung pinsan ni Jordan na kapatid ni Badette.

“nanjan si Jordan!” sabi ni Angel. nataranta naman ako dun. akala ko naman eh hindi ako hinahanap ni Jordan – kasi feeling ko nagalit siya kasi iniisip niya na nagpalit na naman ako ng number para hindi na niya ako makontak nang tuluyan, buti naman at napag-usapan namin ng maayos – medyo nagkakailangan pa kaming pauwiin muna si Angel para makapag-usap muna. – si Jordan na msmo ang nagsabi sa kanya. nang papasok na kami sa kuwarto – nakatitig na naman ang dalawang epal.

3 weeks kaming hindi nagkita – masaya ako. SOBRA! pano ba naman, kani-kanina lang eh iniisip ko lang siya at napapanaginipan na bumalik na nga – tapos paggising ko… anjan na agad siya. haiz. nag-inuman lang kami magdamagan habang pinagkukuwentuhan ang mga nangyari sa mga buhay namin sa loob ng tatlong linggo.  lumagpas pa nga kami sa oras na kinakailangan eh umuwi na siya dahil malamang na hanapin na siya ng pamilya niya.

hinatid ko siya sa sakayan ng jeep – habang patindi nang patindi ang ulan… at kaming dalawa ay nasa gitna ng kalsada – kamay niya sa kamay ko – at ang isa niyang kamay ay nasa payong. umalis siya na iniwan ang pangakong babalik siya.

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/10/kapag-darating-siya-darating-siya/feed/ 4 207 Prinsipe ng Pangarap! kapraningan sign forever
bakit may mga taong ganun? https://dee13.wordpress.com/2007/09/07/bakit-may-mga-taong-ganun/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/07/bakit-may-mga-taong-ganun/#comments Fri, 07 Sep 2007 10:15:49 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/07/bakit-may-mga-taong-ganun/ kapraningan

pag-uwi ko kagabi galing sa office… gaya ng dati eh nagkumpulan na naman sila sa room ni Mama, halos magkasunod lang kaming dumating ni Wennie, bumili kaagad kami ng makakain dahil nga medyo nagugutom na rin kami dahil parehong kagagaling lang namin sa work.

nang lumabas si Shiela, sinabi niya na hihiwalayan na raw niya si Deovit, ang current boyfriend niya. ngayon naman eh ipakikilala ko sila sa inyo.

SHIELA – siya yung tipo ng tao na pihikan sa paghahanap ng boyfriend. marami na rin naman siyang naging boyfriend na matitino rin naman. suplada siya dati pero nagbago na siya ng pananaw sa buhay mula nung magdalaga na nga. siya yung type ng girl na hard to get – at kapag nagka-bf siya… palagi niyang sinasabi na hanggang holding hands lang or kiss sa cheeks.

DEOVIT – although ngayon ko lang naman talaga siya nakilala, dati ko siyang schoolmate at classmate naman siya ni Shiela noong highschool kami. ngayon, sa nakikita ko ay napakatahimik na tao ni Deovit… hindi makabasag-pinggan ika nga ng iba. mabait, maalalahanin at higit sa lahat under-the-saya ni Shiela at sobra ang paggalang kay Shiela bilang girlfriend niya – hanggang kiss pa lang sa cheeks ang nagawa niya dahil ayaw naman niyang magalit si Shiela.

ang palaging topic sa life ni Shiela sa ngayon ay si Deovit – pero hindi niya talaga ipinapakita ang pagmamahal niya dito, pag nanjan si Deovit sweet naman sila – hindi nga lang PDA na naglalambutsingan sa harap ng ibang tao. madaling-araw umuuwi si Deovit – at nag-eeffort pa itong pumunta muna sa bahay namin para ihatid si Shiela sa work nito sa Makati – saka siya uuwi sa bahay nila sa Pasay.

last time nga eh nasabi ni Shiela na “naku Monthsarry pala namin ni Deovit ngayon… hindi ko man lang siya nabati!” isang example na hindi niya pinahahalagahan ang ilang simpleng bagay sa buhay nilang mag-nobyo (hahaha nobyo daw o!) palaging ikinukuwento ni Shiela kung paano niya anderin si Deovit.

tapos nga nitong gabi eh sasabihin niyang hihiwalayan niya na si Deovit dahil nga napaka-TORPE nitong tao. lumabas tuloy ang katotohanan, inalaska namin siya ng ate niyang si Wennie sa nasabi niya – so dahil nga babae siya, dapat ang gumawa ng first move talaga eh lalaki – okay sige tama yun, ang mali naman eh bakit ba naman kasi sinasabi pa ni Shiela na ayaw niya nang ganito ng ganyan – well natural naman na kung MAHAL ka ng lalaki – eh igagalang niya anuman ang naisin mo dahil ayaw niyang mawala ka sa kanya – or iginagalang ka niya – so stop saying na ayaw mo magpahalik, magpayakap, magpadila… etc. kung sa totoo lang eh gusto mo lang na siya ang mauna. haiz.

tapos sinabi ko sa kanya na baka hindi gaanong klaseng lalaki sa Deovit na magte-take advantage sayo kahit na tabi pa kayo matulog – tama na siguro yung nahalikan ka niya sa pisngi or makasama. sabi naman niya eh “naku kung alam mo lang, kaya nga ayaw ko magdididikit dun eh – lam mo naman ang mga lalaki… MALILIBOG!”.

hahaha! nakakatuwa naman yung sinabi niya – so lumalabas na ayaw niya naman magdididikit ke Deovit – tapos sabi niya TORPE daw… Oh C’mon! ano ba naman yun… hindi na lang niya sabihin na ayaw niya na nga kay Deovit.

saka niya naman ibinida ang Ex-BF niya na GINAGO daw siya – pero napakabait na tao nun! napaka-sweet… etc… etc… namimiss na rin daw niya si Jason (Ex-BF niya) so yun na nga… lumabas ang katotohanan, ipinanakip-butas niya lang si Deovit para makalimutan ang isang taong GUMAGO sa kanya – pero nananatili pa rin yung pagmamahal niya sa taong GUMAGO sa kanya… at gusto niya pa daw balikan.

———-

Shiela is one of my closest friends na nakilala ko mula pa noong bata ako at kasama ko hanggang sa ngayon – in short, kilalang-kilala ko na siya. pero ang PANLOLOKO niya sa or paggawang PANAKIP-BUTAS ang isang inosenteng tao ay hindi ko makakaya. She’s my friend! OKAY! She is my Friend… pero porke ba kaibigan ko siya eh kailangan matuwa na rin ako sa ginawa niya at magkunwaring walang alam kahit kaharap ko pa yung taong nagmumukhang tanga. haiz. napakahirap talagang intindihin ng mga babae.

bakit kaya may mga taong walang pakialam sa damdamin ng ibang tao? basta sila okay sila dinededma na nila kung anuman ang maramdaman nung taong ginamit nila – bakit kinakailangang may mga taong inosente ang masaktan, mabalewala – kahit wala naman silang ginagawang masama?

BAKIT NGA KAYA?

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/07/bakit-may-mga-taong-ganun/feed/ 8 206 Prinsipe ng Pangarap! kapraningan sign forever
ang kupal na agent! https://dee13.wordpress.com/2007/09/06/ang-kupal-na-agent/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/06/ang-kupal-na-agent/#comments Thu, 06 Sep 2007 14:07:40 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/06/ang-kupal-na-agent/ pinahanap ako ng boss kong Korean ng Math, Science and English tutor para sa dalawang batang Koreans. naghanap ako sa buy and sell. makalipas ang ilang oras ng madugong paghahanap ng “perfect” na subject…

– ipinangalandakan ko sa agent na ang kailangan ko is Ateneo or UP Graduate dahil yun nga ang sabi ng boss ko (hindi ibig sabihin nito na chaka ang ibang schools ha! basta lang gusto niya ng UP at Ateneo Grads) na inoohan naman ng agent na nakausap ko.

– sinabi kong 8pm ngayong araw na ito na magsisimula… kung hindi pwede e di huwag na lang (namimilit ba ito?)

– wala naman siyang tinanong kung pwede ba niyang kausapin yung boss ko… dahil nga ako na mismo ang nagbibigay ng detalye sa kanya.

– siya mismo ang nagsabi sa akin na bandang Greenhills ang ipadadala niyang tutor.

naisarado namin ang DEAL. dahil ayos na naman ang napag-usapan namin. nang mag-8pm na ay tinatanong na sakin ng boss ko kung nasan na ang tutor. sinabi ko rin sa boss ko na siya ang magbibigay ng pamasahe sa tutor everdyday at siya rin ang magpapakain dito ngayong gabi, ayos naman.

nang sumapit ang 8:40 PM, bigla akong tinawag ng boss ko na mukhang galit na galit. taga-MAPUA kasi ang ipinadalang tutor (again, hindi ko sinabing hindi maganda ang MAPUA… talagang UP at Ateneo lang ang trip ng boss ko!) ayos lang naman sa boss ko ang nangyari na MAPUA nga, ang problema naman ay late na late na nga silang dumating. sinabi ng tutor na kanina pa siya nasa labas ng gate kaso ay hinintay niya muna ang pagdating ng escort niyang matandang kolektor at isang boy, na late na late na nga daw dahil galing pa sila ng Quiapo.

ipinangalandakan pa ng matanda na galing nga siya sa Quiapo, traffic papunta sa Greenhills. 5PM na ako nakipag-usap sa boss nila kaya talagang matatagalan sila – una sa lahat, nais kong ipabatid sa inyo na sa Quiapo ako sumasakay papuntang Greenhills araw-araw at kabisado ko na na 1 hour ang byahe kapag heavy traffic, how come na nakausap ko sila ng 5PM eh huli na daw ang tawag ko.

eto ang ibang clips:

Agent: wala kaming sinabi na UP or Ateneo Grad.
Ako: kung wala kayong sinabi na UP at Ateneo Grad ang pupunta, bakit nandito kayo ngayon… e di dapat sana eh hindi ko na itinuloy ang pakikipag-usap.

Agent: gusto kasing kausapin ng boss ko yung mismong customer pero tumanggi ito (sabay turo sakin) dahil nga alam na daw niya ang lahat at siya na lang ang kausapin.
Ako: First of all, wala akong sinabi or walang demand ang amo mo na ang kakausapin niya ay ang customer mismo dahil nga ayos na ang pag-uusap namin, at hindi rin ako tumanggi na ipakausap ang customer sayo o sa kung sinupaman sa opisina niyo.

Agent: sinabi niya (turo ulit sakin) na ayos lang daw kahit taga-PNU o MAPUA ang ipadala namin. at hindi niya rin sinabi na mga KOREANS ang customer.
Ako: sinabi ko?
Agent: oo!
Ako: eh teka diba hindi naman ikaw ang kausap ko kanina, how come na alam mo ang pinag-usapan namin?
Agent: nasa tabi niya ako palagi dahil assistant ako, kaya alam ko ang mga pinagusapan niyo.
Ako: naka-speaker phone kayo? ang lakas naman ng pandinig mo.

Agent: sinabi niya kasi (turo sakin) na ayos lang ang taga-MAPUA, at sinabi niya rin na siya na lang ang kausapin at wag na ang kostumer.
Ako: ha? sinabi ko yun? pano mo nasabi eh ni hindi nga IKAW ang KAUSAP ko! recorded ba ang usapan namin, sige iparinig mo sakin? o ano tawagan mo yung sinasabi mong BOSS mo?

natameme naman ang punyetang agent. napaka-epal niya. haiz! nasira na naman tuloy ang araw ko sa kanya.

maayos naman ang usapan namin ng tutor – yung agent lang naman talaga ang madada – sinasabi pa ng agent na kung alam niya lang na KOREAN ang customer eh hindi na sila pupunta dahil mahirap kausapin ang KOREANS dahil pabagu-bago nga naman ng isip. buti nga hindi siya sinapak ng Boss ko eh halatang pikon na rin sa kadadada niya at pamimilit na bayaran ang downpayment na 1,250 – nasabihan tuloy siya ng boss ko na “do you think im stupid, to pay that much money!” oo nga naman… 3 years na yung boss ko sa Pinas at marunong na rin siyang mag-tagalog, alam na niya ang sistema sa Pinas gaya ng under-the-table sa mga legal at government offices – alam na niya ang drama ng mga nangongotong na pulis….etc. samakatuwid, kabisado na niya ang likaw ng bituka ng ibang pinoy – alam na niya kung gaano kabulok ang sistema ng Pinas. haiz, nakakalungkot isipin na eto na naman at pumangit na naman ang tingin sa atin ng mga dayuhan.

nagmagandang-loob na lang ang boss ko na bayaran ang FARE ng agent at ng tutor – although alam namin na nag-BUS lang sila eh pan-TAXI pa rin ang ibinayad, although sinasabi nila na ang TUTOR is from Fairview samantalang sinabi ng Boss nila na taga-malapit lang ang tutor – taga-CUBAO eh ayos padin. kilala ko na ang boss ko – three years na siya sa Pinas at kasama ako sa tatlong taon na yun.

sinungaling ang agent na yun. sampol pa ng kasinungalingan niya nang sinabi niyang ayaw magbayad ng boss ko dahil sinabi nito na wala siyang cash that time. mismong yung tutor na kasama niya ang nag-korek sa kanya na walang sinabi ang boss ko – guni-guni niya lang ata yun – o talagang sanay siyang magbali-baligtad ng kuwento. haiz, matanda na nga si manong – EPAL PA DIN!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/06/ang-kupal-na-agent/feed/ 4 205 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
anak ng pasig! https://dee13.wordpress.com/2007/09/04/anak-ng-pasig/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/04/anak-ng-pasig/#comments Tue, 04 Sep 2007 12:04:09 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/04/anak-ng-pasig/ kapraningan

napanood ko ang i-Witness kagabi, tungkol sa ilog pasig ang kwento. haiz, kamustahin naman ang piso para sa pasig movement nila dati na wala namang kakwenta-kwenta… mag-2-2008 na pero ang pangako nilang Clean Water sa 2008 para sa ilog pasig eh napakalabong mangyari – e kung tanggalin na lang kaya nila lahat ng mga pabrika at squatters sa gilid nito, malamang na magkaroon pa ng pag-asa. ilipat nila ng venue diba?

anumang linis ang gawin nila sa DEAD RIVER na ito eh walang patutunguhan kung tuluy-tuloy naman ang pagtatapon ng kemikal na waste at basura dito. hindi mo tuloy malaman kung nagbobobo-bobohan ang gobyerno – kaya nga nilang magpalayas at manggiba ng bahay ng mga squatters sa ibang lugar, samantalang ang isang napakahalang lugar na kinakailangang ayusin eh hindi nila magawan ng paraan. LECHE! umiral na naman ang bulok na sistema ng Pilipinas. kawawang ilog.

kung malilinis at maisasaayos nila ang pasig river at ang paligid nito… isang napakalaking make-over ang mangyayari – malamang na pakinabanagan ng karamihan… hindi lamang ng gobyerno kundi ng ibang mamamayang pilipino. hindi ko isinulat ito dahil sa environmentalist ako or whatever, gusto ko lang makakita ng isang “pagbabago” na maipagmamalaki natin sa ibang tao – at siyempre sa buong mundo. at syempre gusto ko rin namang makakita ng napakagandang ilog sa pusod ng Manila na punung-puno na ng kasamaan, kalaswaan at ka-abnormalan. minsan kahit mahirap ang buhay – masarap pa ring tingnan ang kalikasan.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/04/anak-ng-pasig/feed/ 8 204 Prinsipe ng Pangarap! kapraningan sign forever
iskaparate… https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/iskaparate/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/iskaparate/#comments Mon, 03 Sep 2007 13:07:29 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/iskaparate/ kapraningan

MAKULAY ANG BUHAY

naging makulay ang weekend ko kahit medyo malamlam naman… basta at least hindi grayscale or black and white na walang kabuhay-buhay. kapag sinabi kong makulay na ang buhay ko, that’s when it’s already complete gaya kunwari kung dumating yung taong pinakahihintay ko.

PERSONALITY DEVELOPMENT

napansin ko na nag-iimprove na nga ang pagkatao ko… kaso one day-millionaire pa rin. haiz, pakingsyet na BPI kasi yan eh, daming requirements, hindi tuloy ako makapag-open ng account… eniweiz me natira pa naman ako gaya ng ipinatago ko sa kaibigan ko at sa iba pang ipinahawak sa ibang tao. hindi ko tuloy natupad ang isang bagay na gustung-gusto kong gawin pero napurnada dahil naisip ko na may iba pang mas importanteng “bagay” na kinakailangang pagkagastusan… in the end! nagsisi ako.

PAGSISISI

kagabi, nakasama at nakausap ko na naman ang ex-bestfriend ko… ipina-swear ko pa siya about something, kinaumagahan pagkagising ko at naalala ko ang usapan naming iyon, syet! nagsisi na naman ako… ayoko na naman kasi siyang i-welcome pa ulit sa buhay ko. ganundin si Ace na panandalian kong naging ka-close, at na-realize kong ayaw ko na din siyang maging kaibigan pa. nababanas din ako sa sarili ko kung bakit kinakausap ko pa ang ex-bro ko na panganay… kabanas – feeling close na naman tuloy ang epalogs na yun. pero at least hindi ko pa rin kinakausap ang ex-brother na kubain (hahaha!) kakabanas talaga… kanina nga nagkamali siya, sa sobrang tuwa niya sa picture na ipinakita ni mama eh bigla niyang ipinakita saken, at sabay-iwas din naman after that. it’s your lost not mine bwa hahaha!

ISANG BAGONG KAIBIGAN

ayos naman palang kainuman, kakuwentuhan si Deo, ang boyfriend ng childhood friend kong si Shiela, kaso nakakabanas ng kaunti si Shiela dahil pinipigilan niyang uminom yung tao… eh lalaki naman yun, and worst! para tumigil lang ang otoko eh siya na ang lumalaklak ng tagay… haiz!

ANG MGA MUMUNG LIGAW

nararamdaman ko na mas nagkaroon ng sigla at saya sa bahay dahil na rin siguro dumami kami, nadagdag sina Wennie, Shiela at Ritchie… at least hindi ka-boringan sa bahay… lageng maingay, hindi gaya ng dati na puno ng dull moments, kaso tumitindi na ang “pagpaparamdam” ng mga supernatural beings, like madalas na akong binabangungot, biglang nagliliwanag sa mga madidilim na lugar, patay-sindi ang mga ilaw like for example sa CR. at ang latest nga ng pagpaparamdam ay nang ilawan sa pwet si Wennie nang umuwi siya ng madaling-araw.

meron akong hinihintay na dumating…

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/iskaparate/feed/ 2 203 Prinsipe ng Pangarap! kapraningan sign forever
September 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/september-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/september-2007/#respond Mon, 03 Sep 2007 10:47:24 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/september-2007/ september

 

NOTE: binago ko na ang sistema ng tala-arawan (diary) ko. UPDATED pa rin siya DAILY pero hindi na siya makikita sa daily posts. i-uupdate ko na lang itong post na ito. as in sama-sama na ang buong tala-arawan ng isang buong month sa iisang post. eniweiz – la namang wenta ang daily life ko.

 

—————————————–

September 1, 2007 – SATURDAY

haiz, simula na ng BER Months hahaha! so eniweiz malapit na naman ang Christmas kaya kinakailangan nang magmadali sa pagiipon hahaha. masaya talaga pag may pera kaya ubusang-lahi na naman ako. kakabanas kasi yang BPI na yan. hindi tuloy naitago ang kayamanan ko. dumating si Deo pero nabanas ako kasi hindi naman niya tinuloy yung pangako niyang inuman, kaya nakipag-inuman na lang ako sa Novi’s with Herson, Jojo at Makoy… ang saya GRABE! lalo na nang makipag-duet sakin yung isa pang Bartender doon na hindi ko kilala… SINTA ng Aegis hahaha! sigawan pa ang mga audience ng “More! More! More!!!”

September 2, 2007 – SUNDAY

tanghali na akong nagising. dumating sina Jasmine kaya kinuha ko yung anak nilang si Amerie, maldita kasi yung inaanak kong si Ashanti. haiz! dumating uli si Deo and this time hindi na siya nakawala. bumili na agad ako ng isang case ng Red Horse, kulet din pala ng kumag haha! pikon na pikon pa sakin si Shiela dahil nilalaglag ko daw siya sa harap ng bf niya. nakainuman ko din yung ma-eps na si Dion, tapos dumating si Makoy, tapos tinapos din namin dumating pa sina Ace at Arnold… all-star cast talaga, buti na lang at hindi dumating si Jordan. binato ko ng bote yung tindahan nina Pinkyng chismoza na may asawang pamhintang basag. bwa hahaha! at kinorner ko si Jojo nang kutsilyo sa leeg kasi iniwanan niya kami.

September 3, 2007 – MONDAY

maaga akong nagising at nagtanggal ng hang-over sa pamamagitan ng paglaklak ng isang bote ng malaking RC Cola. natulog agen at sakto naman ang gising. pagdating ko sa office, ayos naman ang mga pangyayari – nakausap ko sa phone si Jessie ng PLDT. maayos na akong nagwowork at higit sa lahat eh kuntento ako sa buong araw ko. gumawa ako ng panibagong images para sa blog ko using photoshop. iniba binago ko rin ang ilang dapat baguhin. naka-chat ko kanina si Kuya Jhune na kasalukuyang na Saudi na. me bagong teacher. nakakatuwa yung mga blog na nakita ko!

September 4, 2007 – TUESDAY

nababanas ako kay YCS – meron daw syang ibinigay saking new student… eh ala naman. SINUNGALING! LECHE! kabanas… eh kapag nagbibigay naman sya ng new student, hindi ka niya tatantanan hanggat hindi niya na-coconfirm na nasa sked na nga yun! haiz. tapos sasabihin niya pa na ala akong alam… UNGAS! sino satin? nasira na tuloy ang araw ko dahil sa kanya.

September 5, 2007 – WEDNESDAY

 

kakapraning kasi hindi na pala gumagana yung wallclock sa bahay kaya ayun at akala ko maaga pa – tanghali na pala. haiz! aning-aning tuloy ako habang nagbibihis papasok. sakto ang pagkakapasok ko sa office – hindi ako na-late! b-day ni Jericho kaya umaapaw ang pagkain – nasan ang diet? naka-apat na balik ata ako dun sa Pansit Malabon at naka 1 litrong coke kakabalik – haiz, hirap talaga lalo na kung paborito mo yung pagkain – nawawala ang kontrol ko sa sarili ko.

September 6, 2007 – THURSDAY

naaasar ako dun sa nanay nung friend ko. 1 year na yung utang niya sakin pero ngayong pinangakuan niya ako na magbabayad siya kahapn… tinaguan na naman ako. haiz… PINAY nga naman. pati yung friend ko… nagpalit na ata ng number para hindi ko makontak… kakaasar, hindi ako na-late today – medyo boring pero ayos naman. hindi pa rin dumarating si Jordan… hinihintay ko siya pero kung darating siya sana wag muna bwa hahaha! SIRA na ata ULO ko! decided na ngayon ako na mag-aaral na. haiz… pero anong course naman kaya.

September 7, 2007 – FRIDAY

haiz. last day na agen ng pasok, pahinga na naman. sana naman hindi ko ma-feel ang ka-boringan mula bukas. late ako ng 20 minutes ngayon – ayos lang yun, napakaganda ng nasakyan kong bus kanina yung RRCG na bago – kaso pagpasok ko napansin kong napakaliit ng daanan sa loob, kaya nang pababa na ako hirap na hirap ako dahil napakasikip dahil pinuno na naman nila, alang patawad! san ka pa! nakipagkiskisan tuloy ako sa mga pasahero kahit walang malisya. haiz!

September 8, 2007 – SATURDAY

ka-boringan moment, maghapong natulog pero maayos naman ang lahat. dumating si Jordan kinagabihan at nag-inuman kaming dalawa. napakalakas pa ng ulan nang ihatid ko siya sa sakayan. haiz. pero masaya sobra!

September 9, 2007 – SUNDAY

eto tadtad na talaga ng ka-boringan pero masaya pa rin ako kasi hinihintay ko na lang yung next na pagkikita namin ni Jordan, na malamang eh sa Sabado. haiz. grabe.

September 10, 2007 – MONDAY

umalis na papuntang Korea yung boss ko. haiz. inayos namin yung mga PC sa CC2. maaga kaming kumain dahil gutom na gutom na rin naman talaga ako… diba nga Diet-Dietan haiz… HIRAP. pero natutuwa ako kasi maayos naman ang mga nangyayari sa life ko sa ngayon.

September 11, 2007 – TUESDAY

nababanas ako sa bahay – basta lang no apparent reason pero basta asar ako – kaya bago ako pumasok eh bumili muna ako sa Ministop ng kakainin ko for dinner which is Cup Noodles lang – bumili na rin ako ng Gran Matador para mawala yung asar ko. Uminom ako habang inaayos ko yung nasa CC2. alam nina Jerico at Joy pero kamuntik nang mahalata nina Mr. Yoo – buti na lang kumain ako ng Presto Creams na Peanut Butter – sabe ko na lang na allergic ako sa Peanuts – bwa hahahaha! basta kabanas pa rin.

September 12, 2007 – WEDNESDAY

maayos at maganda naman ang araw ko – hindi nako banas. haiz, minsan talaga may mga nakakabanas na bagay n gumugulo sa buhay ng isang tao – pikon pa naman ako sa mga ganitong klaseng bagay. nakausap ko si Mar kanina at niyayaya niya ako na lumabas na naman kami ulit nina Herson sa Linggo, medyo matagal-tagal na rin naman kasi mula nung huli kaming nagkainuman – haiz, kakamiss din naman yung mga ganung moments with my friends.maulan today at talagang giniginaw ako.

September 13, 2007 – THURSDAY

haiz, nakakaasar na naman sa bahay – minsan nga ayoko na naman umuwi para magkaroon naman ako ng Peace of Mind. basta nakakabanas. ui marami nang nakakapansin ng pagganda ng katawan ko (naks naman!) and i hope na magtuloy-tuloy na ito. maaraw naman nung pumasok ako kanina, pero maya-maya eh dumadagundong na ang kulog at kidlat – tatlong beses pang nagblack-out sa lakas ng kidlat, at hanggang ngayon eh napakalamig pa rin. marami-rami na naman akong nadownload na ibuburn ko bukas wahahahaha! nakakatuwa sa office, bukas ng umaga mababanas na naman ako. haiz.

September 14, 2007 – FRIDAY

maaga akong nakarating sa office, haisalamat hindi ako na-late bwa hahahaha! payday pala ngayon. wow naman ang saya hahaha! ang cute nung ginawa ko sa photoshop multiple personality, galing ko naman hahaha! masaya ang mga nangyari sa buong araw – bukas darating si Jordan, mas lalong masaya.

September 15, 2007 – SATURDAY

tanghali na akong nagising, namili ng mga bagay-bagay… hindi ako nakasama sa Family Reunion kasi wala lang. basta ayoko lang. next time na lang siguro. pagkagaling ko sa pamimili sinalubong ako ni Jon Jon. nag-inuman kami nina Jon Jon at Jordan sa Novi’s kung saan eh nagpaka-senti ang usapan naming tatlo, at hindi yun tungkol sakin kundi tungkol sa kinakaharap ni Jon Jon sa ngayon. pinauwe na namin siya pagkatapos at umuwi kami ni Jordan samin… doon nagtagal kami ng hanggang 11:30pm, nang umuwi siya tumambay muna ako with Shiela and Herson, saka ako natulog dahil bangenge na ako.

September 16, 2007 – SUNDAY

tamad na tamad akong bumangon. nanood lang ako ng TV at DVD maghapon – ni hindi ako lumabas ng bahay. sanay na rin naman ako ng ganun eh. hindi natuloy yung usapan namin nina Herson at Mar sa hindi malamang kadahilanan. masama ang pakiramdam ko at ilang beses na natutulala sa mga nangyayari sakin. late na ako natulog kasi pinanood ko yung Shattered Glass sa Star Movies.

September 17, 2007 – MONDAY

haiz. tinatamad ako pero naging maayos naman nang makaligo na ako. tanghali na nga ako nagising, nyeta! tinatamad pa. hahaha! sa amin na ngayon tumutuloy si Ate Jo, kaya malamang na sa Gendai na ulit ako mag-stay. haiz, namiss ko rin namang matulog doon no! wala pa rin si Mr. Sohn, pero sabi ni Mr. Yoo, this week daw eh uuwi na iyon. naka-chat ko si Abbie kanina, tawanan kami ng tawanan. balak nga naming gumimik sometimes. nakakaasar… naaasar na naman ako sa sarili ko. leche napaka-gastador ko talaga.

September 18, 2007 – TUESDAY

haiz haiz haiz. masaya today pero kaninang papasok pa lang ako… hindi ko malaman kung may nang-aasar bang engkanto sakin or what. hinahanap ko yung black bag ko pero nowhere to be found talaga as in, pabalik-balik ako. pero bigla namang lumitaw – kabanas. namura ko na nga lahat ng engkanto sa bahay. hindi ako na-late sa work. masaya naman. umuulan na sa ngayon pero sana hindi na lang lumakas dahil malamang na ayoko ng mawalan ng net dito.

September 19, 2007 – WEDNESDAY

ayos na naman ang gising ko kahit na mga 4am na ako nakatulog. ansarap gumising lalo na masaya ka. oo nga wala na naman akong pera pero masaya naman ako hahaha! yari na kasi malapit na yung Korean Holiday, one week na walang pasok, sayang bayad hehehe. Joke lang! i mean… la na naman akong gagawin nito sa bahay at maghapon na namang mabuburyong. haiz. well eniweiz, dumating na si bossing – maayos naman ang lagay ko today, at naipa-burn ko na kay Jericho yung 2 CD, bukas ulet hahaha!

September 20, 2007 – THURSDAY

maaga-aga ako nagising at nanood na lang ng DVD. haiz, kakatamad. pumasok ako nang maaga pero na late pa rin ako ng 5 minutes. dapat hindi na ako ma-late nito sa susunod or elses hehehe! andami kong nai-download na kung anek-anek! haiz, dami ko nang collection nito hehe! hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. haiz. boring na naman kasi eh, napakalamig pa ng panahon.

September 21, 2007 – FRIDAY

nakkssss naman. saktong-sakto lang ang gising ko kasi over-puyat na naman ako. in fairness hindi ako na-late although naharang naman ang bus na sinasakyan ko ng mga pulis at raliyista sa mendiola. kala ko tuloy male-late ako hehehe. sakto ang dating ko 2:00 bwa hahahaha! mainit ang ulo ni bossing dahil nawalan siya ng net sa baba sa di namin malamang kadahilanan, siguro si M.Y.San na naman hahaha! nakapag-download na naman ako ng scandals (hehehe) at naipa-burn ko na kay jericho. la kaming pasok ng 5 days kaya uber-pahinga ito.

September 22, 2007 – SATURDAY

hep hep hep! hindi ako ka-boringan today. pero matagal-tagal rin naman akong nagising. palihim akong nanood ng DVD sa room ko. kakatamad naman kasi. kaya hindi talaga ako bored. ang kaso, dumating na yung boarders, eh hindi pa naaayos yung room sa taas kaya kinakailangan kong lumipat.

September 23, 2007 – SUNDAY

maaga pa lang eh kinukulit na ako ng phone calls nina Jomar at Mar at kakakatok ni Herson. pano ba naman, birthday nga ni Mar kaso ang usapan naman namin ay Monday. so antok na antok ako. at eto pa, ginanap ang b-day niya sa Cavite – malamang na hindi ako nakasama kahit nagising pa ako dahil wala naman akong balak na bumiyahe ng far far away from home.

September 24, 2007 – MONDAY

unang araw ng Chuseok. kamustahin naman at wala na naman kaming pasok ngayon hanggang Wednesday. nagkayayaan kami nina Herson, Mar at JC sa Novi’s, well naging maayos naman ang lahat lalo na nang kamuntikan nang magkaroon ng GULO sa bahay between Arnold (ex-bestfriend) kakampi niya sina Don (ex-bro) at iba pang gangsters. kalaban nila ang Michael Daga (ex-barkada) at ang ilan pang squatteriffic na mga katoto nito. well eniweiz, kamuntik ko na namang makaaway ang Tsismaxers, buti di sila pumalag. bangenge kaya ako. tineargas ko yung mga pipol sa Gendai. kaunting spray lang para silang ipis na naglabasan sa lunggan with matching ubong nakamamatay. bwa hahaha! walang nakakaalam na ako yun.

September 25, 2007 – TUESDAY

nagsimula na ang ka-boringan. natulog at nanood lang ako ng TV, hindi talaga ako lumabas ng bahay. ewan ko nga ba. tinatamad nga akong maligo kaya hindi ako nakaligo hanggang sa gumabi na at kinakailangan na uling matulog. nanood na naman ako ng TV nang magising ako ng madaling-araw. as in walang katapusang TV.

September 26, 2007 – WEDNESDAY

gaya kahapon. TV-marathon na naman ako. nagising, kumain, nanood ng tv, natulog, kumain at nanood ulit ng TV. natotodohan na ako sa pag-iisip para lang antukin. biruin mo ba namang kung ano yung iniisip ko bago matulog, yun ang napapanaginipan ko. haiz. kakatamad naman kasi eh. eto na naman excited na akong mag-aral. wish ko lang forever na ito ha!

September 27, 2007 – THURSDAY

maaga akong nagising at sobrang aga akong pumasok. 1pm pa lang eh nasa office nako. hahaha! marami akong nagawa like nasagutan ko yung dalawang tag sa blog ko from enelym (rhapsody) naghanap ako ng napakaraming contacts ng junk shop at trucking services sa net… etc. nakakatuwa kasing masyadong perfect ang araw ko. nagpakain si Rose ng kare-kare kasi ng b-day niya kahapon (eh la pasok diba?) nag-uwi pa ako hehehe. nahihirapan na talaga akong matulog ng maayos, buti na lang at hindi naman ako nahihirapang gumising sa umaga kahit na late na ako nakakatulog.

September 28, 2007 – FRIDAY

haiz Friday na naman at ala na namang pasok bukas. late na ako nakatulog kagabi pero napakaaga ko namang nagising. PUCHA napakaagang nomohan sa bahay na naman yung ex-bro ko at yung mga kupal na dabarkads niya haiz. hindi na talaga mapigil ang kaabnormalan sa bahay. siya pa naman ang panganay. la wenta! maaga na naman akong pumasok kahit hindi naman siguradong payday. basta maaga lang. tapos yung mga listahan ko ng contact na kulang-kulang isandaan eh tinawagan ko lahat – in the end apat lang ang maayos-ayos na nakausap ko. haiz. phone-marathon talaga. swimming kami mamaya dito sa office (diba nga me pool dito) napakalamig pa naman ng panahon hehehe.

September 29, 2007 – SATURDAY

umaga na akong nakauwi makalipas ang Pool Party namin sa office – ayos naman napakasaya lalo na at Payday kahapon hehehe. 8am na ako nakatulog at naaasar na naman ako dahil nakatulog nga ako samantalang balak ko na namang magsimba talaga. ayun kain – tulog – nood TV lang ang ginawa ko maghapon pero ayos naman. at least hindi ako gumastos diba.

September 30, 2007 – SUNDAY

haiz, malapit na nga naman talagang mag-PASKO, sana maging masaya noh! kinuha ko na nga pala yung phone ko dati – hindi yung naholdap, kundi yung nakasanla na 3220… no choice eh, minsan kasi naiinggit ako sa mga taong nagtetetex. ayun maghapon na naman ako sa bahay kain – tulog – nood TV na naman na walang katapusan.

————————————

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/09/03/september-2007/feed/ 0 201 Prinsipe ng Pangarap! september sign forever
experience! https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/experience/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/experience/#comments Fri, 31 Aug 2007 12:49:04 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/experience/ praning

porke ba experience ang title eh about sex na haha! nagkakamali ka ineng… this post is all about a funny experience with the rain.

kagabi 11pm, pauwe na kami ng aking mga friends/officemates. nagkukuwentuhan at nagkukulitan ang lahat. nang nasa kalagitnaan na kami ng way paputang guard house eh me narinig kaming “something” na parang kotseng malayo na hindi makarating-rating. isa lang ang pumansin si Andrea… “ano yun?” sabay tumingin siya sa likod — automatic namang nagtinginan din ang lahat sa likod. someone said “Ulan?” — saka namin na-realize na ulan nga. Somebody bursts out “Ulan nga… TAKBO!” so yun nga kanya-kanyang takbuhan, halos nagkandalaglag pa ang pants ni Andrea — paparating na kasi ang ulan — parang MOVIE SCENE, yung sa The Ten Commandments (kung saan eh biglang sumasara na ang dagat kung saan eh sama-sama ang mga alagad ni Moses na tumatawid dito) or pwede ring yung dalawang scenes sa The Mummy Returns (yung papasikat ang araw at yung nilalamon na ng pyramid yung buong oasis) haha so yun nga — napaka nakakatuwang experience kasi nga napakarami namin that night at kanya-kanya kaming nagtatakbuhan haha! sakto pa nang parating na kami sa Shed eh pasalubong ang isa pa — so kokornerin nila kami haha!

kami-kami nina Andrea, Joy, Jericho, Jessica, Arlene and Carl – haiz. huminto rin naman ang napakalakas na isang bagsakan na ulan nang nasa ilalim na kami ng Overpass ng Madison. para bang pinaglaruan kami ni San Pedro haha!

San Pedro:   aba ang iingay nitong mga ituh ah! teka, ipahahabol ko kayo sa alaga kong ulan!

in the end tawanan kami nang tawanan.. kakatuwa or kakatwa haha! basta masaya.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/experience/feed/ 2 199 Prinsipe ng Pangarap! praning sign forever
August 31, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/august-31-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/august-31-2007/#respond Fri, 31 Aug 2007 12:46:36 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/august-31-2007/ diary2

August 31, 2007 – FRIDAY

kahit umaga na ako natulog. eh pinilit ko pa ring bumangon ng 9am. la naman wenta dahil la namang nangyaring maganda at walang natupad sa mga plano ko… like pag-oopen ng account sa BPI. haiz! na-late pa tuloy ako kanina ng mga 20 minutes – kaimbei talaga! nakakatuwa sa office kasi masaya lahat hehe! syempre FRIDAY na at payday kahapon NICE diba? ala na sina Teacher Niall & Family, mukha tuloy Ghost Town ang buong bahay.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/31/august-31-2007/feed/ 0 198 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
anak nang pootahkteh! https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/anak-nang-pootahkteh/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/anak-nang-pootahkteh/#comments Thu, 30 Aug 2007 14:36:03 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/anak-nang-pootahkteh/  praning

busy ako ngayon dahil me ORDER kami from our dear Korean Bossing, i-update na daw ang site haiz. namiss ko ang pag-uupdate ng company websitye namin at masyado akong excited sa pagkalkal na naman agen dito haha! as ussual ala pa rin nyelpon (BWISIT KASI YANG MGA SYET NA HOLDAPER NA YAN EH!) di ko rin alam kung kelan ulit ako bibili. basta wish ko lang this month me new nyelpon na ako.

napanood mo rin ba ang kadugasang ginawa sa Wilyonaryo ng ABS-CBN Noontime Show na Wowowee? haha. kakatawa sila kasi meron pang paiyak-iyak si Willie (host) inaaway niya pa si Joey de Leon. La naman akong pinapanigan kasi enjoy din naman ako sa mga shows nila minsan nga lang masyadong O.A. haiz. pero kita naman talaga ang pandaraya sa Wilyonaryo pero we can’t just blame Willie about it, hindi naman tayo sure kung sino ang may pakana nito eh. nakakatuwa rin naman ang sagot ni Joey sa mga salaysay ni Willie. Ayos na ayos! Bida na naman ang Eat Bulaga! pero sa totoo lang! la pa rin naman talagang papantay sa Eat Bulaga. magkalaban na naman sila noon pang simula. syempre kunyari friends sila. showbiz nga naman. pansinin niyo na lang ang kanta ni Joey na Itaktak mo! at ang kanta ni Willie na Iyugyog mo! hahaha nauna si Joey pero ginaya pa rin ni Willie.

nabasa mo rin ba ang article ni Malu Fernandez? haha! kakabanas ang potah! ipinangalandakan na shala-shala siyang nilalang. bat ba naman kasi di na lang siya ipinanganak sa Iraq? hahaha! ipinangalandakan niyang CHAKA ang mga OFWs. nga naman. mayaman siya eh! ano magagawa naten kung ayaw niyang makihalubilo sa mga mahihirap na nilalang. LECHE siya! antaba-taba naman niya.

naka-chat ko si Ren (ang pamhintang durugista) at medyo mahaba-haba rin ang usapan namin na nagsimula nang mapansin niyang nag-IDLE ako sa YM… teka teka teka… KONTROLADO ko ba ang YM? haha di bale sana kung nag-invisible, malamang kinontrol ko pero yung pagiging IDLE (it means hindi ka gumagamit ng PC at the moment) so eniweiz yoko naman magmukhang nagtatago kaya sabi ko na lang “me ginagawa ako kanina” so yun na nag-umpisa na… ayaw pa amining bading siya haha! kakatawa. tapos hanggang sa pa-out na siya sabi niya bigla. “parang ala ka nang balak pa-schedule” hahaha pinatawa niya talaga ako. naknampootahkte naman. yoko naman talaga hahaha!

kanina kakuwentuhan ko sa DINNER BREAK ang mga friends ko na sina Joy at Jerico. ngayon ko lang nalaman na nagpakamatay pala ang Chinese na may-ari ng Mattel (gumagawa ng laruan) dahil nalugi at naloko hahaha! so sad naman! at syempre madame pang ibang usapan na ngayon ko lang din nabalitaan like nang makasuhan ng Graft and Corruption ang malibog na si Joey Marquez and take note! dahil sa walis hahaha!

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/anak-nang-pootahkteh/feed/ 5 197 Prinsipe ng Pangarap! praning sign forever
August 30, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/august-30-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/august-30-2007/#respond Thu, 30 Aug 2007 14:32:40 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/august-30-2007/ diary2

August 30, 2007 – THURSDAY

hahaha. sinimulan ko na ang exercises ko para mas gumanda ang korte ng katawan ko. nakakapagod pero ayos lang naman NO PAIN NO GAIN diba? ayos naman sa bahay. feeling-close pa rin si Ex-Bro 1 haha! payday ngayon kaya nagbabalak na naman akong mag-open ng account sa BPI na hindi ko malaman kung makakapag-OPEN ba ako ever! haiz… maaga ako nakapasok. (kasi payday ata!) dame ko ginagawa now. happy me today!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/30/august-30-2007/feed/ 0 196 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
i nid sum1 na! https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/i-nid-sum1-na/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/i-nid-sum1-na/#comments Wed, 29 Aug 2007 13:50:44 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/i-nid-sum1-na/ 7877

gaya nga ng sinabi ko… sinisimulan ko na ang pagbabago, wish ko lang na matagalan ko… bigla lang kasing sumagi sa isip ko ang tanong: “MASAYA BA AKO?”…. para kasing hindi na. iba pa rin yung palagi kang nakangiti at saka hinihintay mo ang bukas para sa panibagong ligaya. haiz… hindi nga ata ako masaya.

BORING ang bawat araw ko madalas. buti na nga lang at nasanay na rin ako na kapag alang magawa eh matulog na lang maghapon, kasi kung hindi, kung kagaya pa rin ng dati. NAKUPO! malamang ma-tegi ako sa sobrang kalungkutan. hindi na rin naman talaga ako masaya.

—————————————

bakit kaya ganun! eto ako at matindi ang lungkot pero yung mga taong mahalaga sakin or mahal ko like Jhai eh tingin ko masaya… kasama niya ang pamilya niya (anak at asawa!) naghaharutan, nagbibiruan at nagkukuwentuhan, magkatabi matulog – hindi nauubusan ng usapan. pero ako eto! naghihintay na puntahan niya man lang ako isang beses sa isang buwan. alam ko na niloloko ko ang sarili ko na ang ang nanalo pero sa totoo matagal na akong talo. nagkukunwari akong masaya pero sa totoo hindi naman talaga!

kapag iba naman kasi ang kasama ko… iba rin ang pakiramdam ko, iba pa rin pag si Jhai. kung bibigyan ako ng isang kahilingan sa buhay ko! gusto kong bumalik sa kabataan ko.. noon bang 10 years old pa lang ako. PEPERFEKIN ko ang buhay ko. Kaso malabo mangyari yun eh. kaya siguro hahanap na lang ako ng paraan para maging masaya na ng tuluyan like – manligaw, makipag-date, mag-asawa at magka-anak. ewan ko nga ba pero iba pa rin yung may kasama ka. kaso sa ngayon ala naman akong nakikitang tao na makakapagpasaya sakin eh. so ASAP kailangan kong mag-aral para maka-meet ng maliligawan. matagal-tagal na nga rin namang walang babae sa buhay ko, kaya kapag nagkaroon ako ng girlfriend malamang na ibigay ko ang isandaang porsyento ko!

halos lahat kasi ng mga nakasama at naging kaibigan ko noon – me kasama like gf or wife or live-in partner pero ako SINGLE pa rin. so ano na! sana this year may makita na ako at sana magkamabutihan kami. sa ngayon wala as in wala talaga – ayoko na sa mga dati, gusto ko isang bagong simula – isang bagong kakilala. masarap ang pakiramdam ng nanonood ng sine nang may kasama at inaakbayan, ng may nag-aalala sa iyo at nagtatanong kung saang lupalop ka ng mundo naroroon! masaya ang feeling kapag may kayakap at ka-share sa buhay – ayoko nang mag-isa.

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/i-nid-sum1-na/feed/ 7 195 Prinsipe ng Pangarap! 7877 sign forever
August 29, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-29-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-29-2007/#comments Wed, 29 Aug 2007 09:46:01 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-29-2007/ diary2

August 29, 2007 – WEDNESDAY

Nakakatuwa naman hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-POST ng entry haiz. la kasi pumapasok sa utak ko sa ngayon siguro mga FRIDAY na lang… a basta kung kelan na lang ako magkaroon ng idea at topic na isusulat. ilang beses ko nang nakakausap sa landline si PAURONG – kala ko hindi talaga siya EMO… pero naku po SOBRA GRABE as in TO THE HIGHEST LEVEL. wish ko lang na sumaya naman siya. or siguro makakapagpabago sa life niya ay kung magkaroon siya ng luvlyf. sabagay bata pa naman siya.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-29-2007/feed/ 1 193 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 28, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-28-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-28-2007/#comments Wed, 29 Aug 2007 09:45:06 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-28-2007/ diary2

August 28, 2007 – TUESDAY

Napakasaya ng araw today. haiz GRABE! late na late na ako nakauwe as in inumaga para tapusin lang ang project ni Valerie. ayos naman ang maghapon. namimiss ko na ang magtext haiz. baka matagalan pa bago ako bumili. naku naku naku! kakabanas na mga holdaper talaga yan.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-28-2007/feed/ 1 192 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 27, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-27-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-27-2007/#comments Wed, 29 Aug 2007 09:44:13 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-27-2007/ diary2

August 27, 2007 – MONDAY

National Heroes Day kahapon pero inusog ni Madam President nang MONDAY… la pasok at ayos naman ang maghapon. balak ko na nga mag-gym pero nung niyaya ko na si Herson eh dumating naman sina Jojo (ang barkada naming mag-lelespu) b-day niya daw and we are cordially invited nya haha. so yun na hindi natuloy at nakipag-inuman na lang kami magdamag with his PCCR klasmeyts na nag-lelespu rin. haiz. mga pilosopong pulis nyeta.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-27-2007/feed/ 1 191 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 26, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-26-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-26-2007/#comments Wed, 29 Aug 2007 09:43:03 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-26-2007/ diary2

August 26, 2007 – SUNDAY

maghapon akong nakatunganga. pero nung afternoon na eh pumunta ako sa bahay ng tita ko para tulungan sa project niya ang pamangkin ko. so yun na nga ansaya naman. ngayon lang din ako nakarating agen sa bahay ng tita ko na yun… na-overwhelm ako grabe.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-26-2007/feed/ 1 190 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 25, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-25-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-25-2007/#comments Wed, 29 Aug 2007 09:42:14 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-25-2007/ diary2

August 25, 2007 – SATURDAY

haiz. ansaya-saya kahit ala si Jhai eh buhay na buhay ako. hahaha. ayun na nga at nag-inuman kami ni Herson at ang kulut-kulotan na si Jayar. una pa lang eh meron nang isang grupo ng mga laseng ang umeepal. lalo pa nang nagbiritan na kami. haha kakatuwa nga kasi masigabong palakpakan ang natatanggap namen. me nangyari ring karir session haha.

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/29/august-25-2007/feed/ 1 189 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
Naholdap ako! https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/naholdap-ako/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/naholdap-ako/#comments Fri, 24 Aug 2007 13:17:37 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/naholdap-ako/ “life is like a box of chocolate, you never know what you’re gonna get!”

1

maaga akong nagising, kumain at nagbihis para pumunta ng Bureau of Immigration to pick up my boss’ passport. ang dinala ko lang eh ang celphone ko at ang wallet ko. natagalan pa akong sumakay ng PIER kasi nga namimili ako ng masasakyan… yun tipong wala masyadong sakay… kasi nga naman ang init ng panahon at ayoko makipagsiksikan. ilang jeep papuntang PIER na ang dumaan pero dinededma ko. hanggang sa natapat ako sa isang jeep na ala nga masyadong pasahero. habang papalapit sa QUIAPO eh isa-isang nagkakawalaan ang mga pasahero.

nang nasa tapat na ng QUIAPO CHURCH eh dalawa na lang kaming pasahero… ako at ang isang mamang naka-dilaw na nasa unahan. nang nasa foot na ng QUEZON BRIDGE eh me sumakay na tatlong lalaki. they look dirty pero ano naman ang i-eexpect mo sa isang public jeepney. inignore ko lang sila. nang nasa gitna na kami ng QUEZON BRIDGE, dinikitan ako nung isang lalaki at yung isang lalaki naman eh tinutukan na rin yung mamang naka-dilaw, samantalang yung isa naman eh nagsilbing look-out. eniweiz… sa TOTOO lang ha! hindi ako natakot or na-shock. ibinigay ko ang phone ko at ang wallet ko. buti naman at hinayaan niya akong kunin ang ID ko sa wallet at bente pesos. haiz. bumaba sila sa may riverside ng ILOG PASIG, kung saan eh wala naman talagang katau-tao knowing na 10am yun. ang aga nga namang holdapan PUCHA. amoy-rugby yung lalaki. rugby boy na chaka potah!

nang bumaba na ako sa tapat ng Immigration Office, saka ko napagtanto – PUSANG-GALA! ala na akong celphone. puro panghihinayang lang ang naramdaman ko… sayang naman talaga, ang mahal pa naman nun! hindi nga ako natakot dahil feeling ko hanggat hindi naman ako gumagawa ng eksena eh hindi naman ako gigripuhan nung paksyet na mama. hindi rin ako na-shock… EWAN ko nga ba? pero nalulungkot ako at nanghihinayang… haiz!

madaling-araw na ako umuuwi galing office pero kahit kailan hindi ako nakaranas ng pusang-galang holdap moment. ngayon na-experience ko na. napaka-pangit na experience nga naman. natuto na ako. kahapon lang eh naisipan ko nang gumawa ng isang napakalaking hakbang sa pagbabago… what a great way to start haha! eniweiz… magsimula na lang sa wala diba! so naiisip ko din kinakailangan bang lahat ng tao eh makaranas ng holdapan?

LESSONS:

 

1. wag sumakay sa kaloob-looban ng jeep – kung mag-isa ka lang dun ka mismo sa bukana para maamoy mo kung amoy-rugby ang papasok hahaha! at if ever na mukhang madungis or mukhang me binabalak na masama, madaling bumaba diba!

2. wag na wag ipamukha sa mga tao na may phone kang dala. iwasan ang pakikinig sa RADIO at pagtetext, kailangan kapag sa jeep ka sasakay kailangan TAGO ang lahat! naka-SILENT ang phone ha!

3. wag ilagay lahat ng pera sa wallet.

4. kung maganda ang unit ng phone mo – mas mabuting magdala ng dummy (phones na mga 200 lang like 3310) para kung me holdapan… ibigay agad ang punyetang dummy dahil hindi ka na nila hahanapan pa ng iba.

5. magdala ng baril (para tepok kagad ang mga paksyet na holdaper.

———————————- 

NOTE: nag-try akong mag-shala-shalahan kaya eto ang entring ito dapat ang entry ko today at hindi ang nasa itaas… 

i woke up earlier today because i need to go to the Bureau of Immigration to pick up the Passport of my boss. i was suppose to be there at 10am because that was the time written on the claim stub that i have. i didn’t bring my bag with me because i planned to go back home after i finish my business there. i just brought my mobile phone and my wallet. it was hard waiting for a jeepney ride at Lerma… actually i am very choosy on riding a jeepney. after 15 minutes of waiting for a “perfect” ride i’m on my way to PIER where the Bureau of Immigration is located.

then, when i was already at the foot of Quezon Bridge, 3 men got inside . i saw them and they look dirty but what can you expect on a public jeepney… i ignored them, after several minutes, the two of them shove themselves beside me, and declared a hold-up. SHIT! i can feel the silver knife pointing on my right side. i wasn’t scared or shocked! i never experienced a hold-up before… and this is my chance to experience it. WOW! the feeling is overwhelming haha! when they asked for “everything” that i have… i didn’t think twice… i gave it!

what do you want me to do? kick their ass… nah! my dream of being a superhero vanished right at that moment. maybe if i have some weapon to defend the life of my dear phone… maybe i fought for it. but like what i have said before, i didn’t bring my bag with me and i never thought of bringing any deadly weapon anyway. they got it! i wasn’t scared or shocked by the incident… i’m sad that i lost my dear phone… and i learned my lesson. case closed!

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/naholdap-ako/feed/ 7 188 Prinsipe ng Pangarap! 1 sign forever
August 24, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/august-24-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/august-24-2007/#respond Fri, 24 Aug 2007 13:12:31 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/august-24-2007/ diary2

August 24, 2007 – FRIDAY

haiz. maaga akong nagising at kinuha ang passport ng boss ko sa Immigration. NAHOLDAP AKO! ayos lang naman ang buong maghapon ko pwera na nga lang ang pakiramdam na wala na akong phone. buti na lang at binigyan ako ng 2k ng boss ko. haiz talaga. tangina mamatay na sana yung mga paksyet na rugby boys na yun!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/24/august-24-2007/feed/ 0 186 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
bagong-buhay https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/bagong-buhay/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/bagong-buhay/#respond Thu, 23 Aug 2007 14:14:25 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/bagong-buhay/ 123

haiz.

hindi ko na malaman talaga kung saan ba talaga patutungo ang lecheng buhay ko na ito. nahihirapan ako magaaadjust at hindi pa rin ako tumama-tama. the past few days eh na-realize ko na wala na pala akong mga “dabarkads” haiz… but i have a lot of friends in the office naman. pag-uwi ko sa bahay, ayun… manonood ng TV at matutulog, ni wala na akong balak lumabas ng bahay para maki-bonding sa mga friends ko. iniisip ko nga kung nagiging bitter na ba talaga ako sa kanila.

nitong mga nakaraang linggo napansin kong bihira ko nang nakakausap at nakakabiruan sina Ace, Jeng at Herson na dati-rati eh madalas na madalas na kakuwentuhan at kasama ko. haiz! nakikita ko pa rin ang mga dati kong friends pero dinededma ko na sila. nababanas na ako sa maiingay na mga batang masayang nagtatakbuhan… tumatanda na ba ako? andito na lang ako at nananahimik sa napakatahimik kong mundo kung saan eh pagbabasa at pagsusulat lang ang usapan. weirdo na ata talaga ako. wala na rin akong time sa pakikipaglandian kung kani-kaninong tao. minsanan ko na lang nilolodan ang fone ko… dinededma ko na ang mga text. bihira na akong mag-blog.

hindi ako makapag-ipon dahil napaka-waldas kong tao. hindi na ako nakakapamili ng mga bagong damit. kanina lang. SYET! minsanan na lang din kung uminom ako kasama ng mga kaibigan ako. as in minsanan sa dalawang linggo. napaka-BORING kong tao.

napakarami kong dapat ayusin sa buhay ko. so many things, so little time. i really have to change right now. marami-rami na akong naiiwanan at nawawalang-bahala. andaming mga bagay na kinakailangang baguhin ang sumasagi sa isip ko at ilang beses ko na ring subukang ayusin ang lahat nang kinakailangan kong ayusin pero nabibigo naman ako. PAKSYET na buhay to! mula noong madapa ako hindi pa rin ako nakakatayo. hindi rin ako natututo sa mga pagkakamali ko. kinakailangan kong baguhin ito… I HAVE TO DO IT NOW! pero pano? any ideas? haiz… kakaasar talaga. kinakailangang simulan sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog nang gabi. gusto kong isa-isahin nang mabilisan at kinakailangang makasanayan nang agad-agaran.

I HAVE TO CHANGE!

sa muli kong pagbabalik. may isang malaking pagbabago!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/bagong-buhay/feed/ 0 185 Prinsipe ng Pangarap! 123 sign forever
August 23, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-23-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-23-2007/#respond Thu, 23 Aug 2007 12:40:48 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-23-2007/ diary2

August 23, 2007 – THURSDAY

dahil masyado nga akong natagalang umuwe kagabi, 6pm nako pinapasok ng boss ko. haiz… nakakabanas sa bus nung papasok nako over-punuan talaga.  “meron pa! meron pa!” naknamputakteng konduktor yan. meron pa daw… SAN BANDA? haiz… kakairita. ayos naman at nai-publish ko na ang entry na nakalimutan ko i-publish kagabi. humihina na ako sa blogging ah. eniweiz… may mga plano naman ako eh. so wait lang mga fans haha (parang meron ah!)

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-23-2007/feed/ 0 183 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 22, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-22-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-22-2007/#comments Thu, 23 Aug 2007 11:54:33 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-22-2007/ diary2

August 22, 2007 – WEDNESDAY

haiz… ano kaya yung word na HIATUS? PUCHA nawawala si PAURONG ah… hindi ko na rin mabuksan ang blog niya. nasan ka man PAURONG… paramdam ka naman. madame akong ginawa sa office to the point na inabot ako ng madaling-araw. nahirapan ako sumakay… mga 45 minutes siguro or lagpas pa ang paghihintay ko nang masasakyan. ayos naman ang life.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/august-22-2007/feed/ 3 182 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
buraot https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/buraot/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/buraot/#respond Thu, 23 Aug 2007 10:33:49 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/buraot/ isa siyang cook na waray. masipag at napakagaling magluto. maaga pa lang pumapasok na siya sa pinapasukan niyang restaurant sa quezon city. nakapangasawa siya ng magandang babae at nagkaroon din ng mga anak. tuluy-tuloy ang buhay niya bilang isang cook na wala nang mahihiling sa buhay. kumikita ng sapat, may mabait na asawa at mga anak… kuntento na siya.

hanggang isang araw…

natanggal siya sa kanyang trabaho. hindi ko na alam kung bakit at wal rin naman akong balak mang-usyoso. nagbago si Jerry. hindi siya adik, malakas nga lang talaga magsugal… hindi siya lasenggero pero nagyoyosi siya. hanggang sa nabigyan siya ng isang malaking break para maging full-time TAMBAY sa lugar namin. yun na nga ang simula… nagbago ang takbo ng buhay niya. lumayo ang pamilya niya sa kanya, wala siyang priming tirahan… nakikitulog lang sa mga kababayan at ibang kamag-anakan. nakikikain sa iba. ibang-iba na si Jerry. madalas ka niyang kakalabitin, manghihingi ng barya.. pero hindi siya pulubi. madalas magpapasuntok yan sa dibdib basta babayaran mo siya ng piso isang suntok. nangayayat, nakita ko pa siyang naging “barker” (taong nagtatawag ng pasahero para sa jeep) sa may morayta. sumikat siya… bilang si Jerry Buraot.

pero ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. naninibago ako na hindi ko siya nakikita sa mga sugalan, sa video karera, sa poolan, sa karerahan… hindi ko siya nakikitang nakatambay, hindi ko na siya naririnig na nambuburaot. nawala na ata siya nang tuluyan.

—–0—–0—–0—–

isa lang siya sa libu-libong PINOY na walang trabaho. walang sapat na pinag-aralan… umaasa lang sa talento. iba na ang mundo ngayon, ang mga kumpanya, naghahanap ng mga DIPLOMA at TRANSCRIPT. kinakailangan na magaling kang sumagot sa interview kahit wala namang konek sa inaaplayan mong trabaho. isa lang siya sa mga taong pinalampas ang pagkakataon para sa isang magandang buhay, isa lang siya na hindi na kayang abutin pa ang mga pangarap.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/23/buraot/feed/ 0 181 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
ano ba ang dapat? https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/ano-ba-ang-dapat/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/ano-ba-ang-dapat/#comments Tue, 21 Aug 2007 14:01:00 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/ano-ba-ang-dapat/ watchamacallit

hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. ginawa ko na ang lahat, but still! prisoner pa rin ako. paano ba naman ako makakamove-on kung siya lang naman talaga ang nakakakumpleto sa buhay ko. sa nakalipas na isang buwan, pinipilit kong makalimot at makamove-on pero ilang sandali lang siyang nawawala sa isip ko, sa oras na mag-isa na naman ako like bago matulog at pagkagising eh siya nang siya ang nangungulit sa kukote ko. NAKANAMPUCHA! hindi ko na alam ang DAPAT kong gawin.

feeling ko sincere naman siya eh.

so ganun na lang ba palagi. FEELING ko lang di pa 100% SURE mga 70% pa lang. nagpalit ako ng cel number, nagpakalunod ako sa pagtulog, nanahimik ako sa loob lang ng bahay, nagpaka-boring ako, nagpakasaya ako sa piling ng ibang tao… lahat na ginawa ko pero may kulang pa rin. HINDI KO KAYANG KALIMUTAN SIYA! paano ko makakalimutan ang isang tao na tanging nakakapagpasaya sakin? paano ko kakalimutan ang isang taong bumuhay sa patay kong puso, sa nahihimbing kong dugo? PAANO???

haiz, alam ko naiintindihan niyo ako… NAGMAHAL DIN NAMAN KAYO GAYA KO! hindi pa naman ako sure kung NAGPAPAKATANGA or NAGPAPAKAMARTIR ba talaga ako. dahil wala pa namang matibay na DAHILAN na masasabi ko tungkol sa ipinapakita niya sakin! WALA PA! so kailangan ko ba siyang hanapan ng BUTAS, na ilang beses ko nang ginawa pero nabigo ako… kinakailangan ko bang sundin ang mga taong AYAW sa kanya para sakin. SYET!

sweet pa rin siya, mahalaga pa rin daw ako sa kanya, mahal niya pa daw ako? eh ano magagawa ko kung mahal ko pa din siya? ANO?  WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! NAPAPRANING na naman ako sa nangyayaring ito… nababaliw ako sa sobrang pagkalito kung ano ba talaga ang DAPAT o ang TAMA?

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/ano-ba-ang-dapat/feed/ 2 179 Prinsipe ng Pangarap! watchamacallit sign forever
August 21, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-21-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-21-2007/#respond Tue, 21 Aug 2007 13:08:41 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-21-2007/ diary2

August 21, 2007 – TUESDAY

nakkkksssss me pasok na. muntik na ako ma-late SAKTO ang dating ko sa office. medyo nanibago ako sa surroundings sa di malamang-kadahilanan pero ayos naman. pinapunta ako sa Recto ng boss ko. pero bumalik din ako after several hours haiiiiizzzzz, kakapagod pa rin bumiyahe lalo na kung trapik-trapikan ang daan. heto sa tinagal-tagal na panahon eh nakapag-post na ako kahit diary entries lang hehe. nakausap ko si Jessie.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-21-2007/feed/ 0 178 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 20, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-20-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-20-2007/#respond Tue, 21 Aug 2007 13:07:31 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-20-2007/ diary2

August 20, 2007 – MONDAY

la pasok sa work. malamang ka-boringan na naman. la na kasi si Jordan. pero ayos lang sanay na naman akong matulog maghapon at manood na lang ng TV. walang babaan yan ha! hehehe…. so yun na nga natapos ang buong araw na walang ka-kwenta-kwenta. haiiiizzzz!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-20-2007/feed/ 0 177 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 19, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-19-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-19-2007/#respond Tue, 21 Aug 2007 13:06:12 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-19-2007/ diary2

August 19, 2007 – SUNDAY

wala akong magawa maghapon kaya kain-tulog-watch TV na naman ako gaya ng ibang weekends na nagdaan. naging maayos naman at least yung ka-boringan eh nakakasanayan naman pala. pero nung gabi na, may isang pangyayaring naganap bwa hahahaha! na nagpagising sa mga ugat ko… hehehe! dumating si Jordan! at nag-inuman at kuwentuhan kami. wow naman lagpas sambuwan siyang nawala, eh sakto pa namang siya ang iniisip ko.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-19-2007/feed/ 0 176 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 18, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-18-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-18-2007/#respond Tue, 21 Aug 2007 13:04:22 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-18-2007/ diary2

August 18, 2007 – SATURDAY

pumunta kami sa bahay nina Jerico at Joy sa Anonas… malayo pero ayos naman. kaso kumukulog at kumikidlat with matching napakalakas na ulan talaga. halos umagahin kami there. kumanta kami nanag kumanta at lumafang at nagpakalunod sa Coke at sa walang-habas na kaulanan. haiiiizzzz. kala ko pa naman dudugain ako nung taxi driver di naman pala hehe TH (tamang hinala) talaga ako kung minsan. nakatulog ako maghapon. nakipag-nomohan naman ako kina herson at jay-ar nung gabi na.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/21/august-18-2007/feed/ 0 175 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
move on… https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/move-on/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/move-on/#comments Fri, 17 Aug 2007 14:42:11 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/move-on/ alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka.

masakit? kung gayon ay ‘wag mo ng ituloy ang pagbasa.

kung kaya mong tiisin, ituloy natin.

susubukan mong makalimot, ititindig mo ang sarili at sasabihing “magsisimula akong muli!” binura mo na ang number niya. maaaring ang ilang larawan o mga love letters niya ay itinapon mo na rin. ang mga regalo niya, nasa kahon na o di kaya ay naipamigay mo na. sa ganitong paraan, pinapalaya mo ang sarili mo sa mga alaala niya. inaalis mo ang mga naiwan niya. gayunman, may mga alaalang mahirap alisin lalo na kung naiwan ito sa puso mo.

napaso ka ba? pwede kang tumigil, magmura at sabihing siraulo ang nagsulat nito. pero alam kong mas siraulo ka dahil tatapusin mo pa rin ang pagbabasa.

at dahil sa masasayang sandali ninyo, may mga kantang pinili ninyong maging theme song. paano ka ngayon makakaligtas sa radyo o sa mga concert o  minsan, sa sasakyan. ilang beses mo na bang naranasan na masaya ka, maayos at ang araw ay tila para sa iyo nang biglang may maririnig kang awit na magpapaalaala sa inyo. pareho pa ba ang nararamdaman mo? ang hatid bang saya ng awit na ito noon ay katumbas ngayon? E’ kung biruin kitang ang awit na ito ay pinili rin nilang maging awit, o mas malala ay gawing theme song sa kasal nila?

paano kung sabihin ko sa’yo na sa nararamdaman mo ngayon ay talo ka. isa kang loser!

handa ka ba kung sakaling magkasalubong kayo? ano ang sasabihin mo? Paano kung magtapat siya sa’yo at sabihing mahal ka pala niya. ikaw pala ang tama para sa kanya. nakabukas ang kanyang mga braso at naghihintay ng yakap. tatanggapin mo ba siya? hindi mo ba iisiping nagbalik siya dahil alam n’yang hindi mo siya matitiis? dahil ang alam niya… siya ang sentro ng buhay mo?

ouch?!! isumpa mo man ako, itutuloy ko pa rin.

wala ng gustong makinig sa’yo.  ang kwento ng pag-iibigan niyo ay alam na ng lahat ng kaibigan mo. hindi pa siya naisusulat at nagagawang telenovela o di kaya dulang panradyo ay pinagsawaan na ng mga tao dahil sa paulit-ulit mong kwento. wala ng gustong bumili sa mga sakit na nararamdaman mo. wala ng gustong makinig. dahil wala ng interesado… ikaw na lang ang naiwan diyan, at maging siya, wala ng pakialam sa’yo.

wag kang umiyak. nakanangp*cha! bumenta na ‘yan.

ang pagkakaroon ng minamahal o ng kasintahan ay nagbubunga ng mas malaking barkada, ng kaibigan o ng nakikilala. sa madaling salita, lumalawak ang mundo. e’ bakit pinaliit mo ang mundo mo sa kanya?! paano mong tiniis na mabuhay nang nakasentro sa kanya?

gumalaw-galaw ka muna at baka ka maistroke.

totoong moving on from a relationship is hard. lahat ng reasons meron ka. infact pwede mong isulat ang 1001 reasons kung bakit mo nararamdaman ‘yan. gayunman, hindi mo pa napapapublish yan, may magsusulat na ng 1002 reasons why you need to move on, o kaya naman 1003 reasons kung bakit masayang maging malaya  at 1004 reasons kung bakit ka dapat tawaging loser.

alam mong hindi binibilang ang taon at lalong hindi sinusukat ang effort. alam mong pareho kayong naging masaya noon. ano ngayon ang dahilan para magsisi o manghinayang sa mga nakaraang araw?

maaaring lahat ng mura ay naipukol mo na sa kanya. kung nakamamatay ang mga masasakit na salitang iyan, o ang galit na nararamdaman mo ay maaaring nailibing na siya. alam mong hindi maibabalik ng mga iyan ang relasyon ninyo. alam mong hindi mo siya mapipilit at alam mong hindi mo kontrolado ang buhay niya. marami kang alam pero ang totoo, merong kang hindi alam. alam mo ba na kontrolado niya ang buhay mo?  alam mo ba na ginagawa ka niyang tanga hanggang ngayon? sa nangyari sa’yo,  alam mo ba na maraming masasayang araw ang pinapalampas mo. alam mo rin ba na hindi mo kailanman mapapalitan ang minahal mong ‘yan, di mo mahahanap at di darating ang para sa’yo? dahil hindi mo alam na may taong handang gumalang sa nararamdaman mo, handa kang tanggapin, handa kang ingatan, handang magsakripisyo at mahalin ka ng labis kaysa sa pagmamahal mo? alam mo bang maaaring nariyan na siya kaso ay hindi makapasok sa buhay mo dahil sarado pa, dahil abala ka pa sa tumarantado sa’yo.

o sabihin man nating ang mga iyon ay walang kasiguruhan, ang totoo ay hindi mo alam na ang paghihiwalay ninyo ay mas makabubuti sa’yo.

kelan ka huling humigop ng kape o ng tsaa kasama ng mga kaibigan mo? kelan ka huling nagjogging? kelan ka huling nagbakasyon. kelan ka huling tumingala sa langit at pagmasdan ang paglipad ng malalayang ibon at paggalaw ng ulap. kelan mo huling nasulyapan ang paglubog ng araw at unti-unti pag ningas ng kalawakan sa paglabas ng mga bitwin.

kelan ka huling lumabas kasama ng mga mahal mo sa buhay? kelan mo huling nakabonding ang kapatid, kaibigan o magulang mo? kelan ka huling naglinis ng kwarto?  kelan ka huling nagsulat sa diary, kelan ka huling nagbasa at nakatapos ng libro?

marami ka ng napapalampas. kanino mo gustong marinig ang salitang move-on? sa kanya?  masarap maramdaman na kontrolado mo ang buhay mo. masarap makitang muli kang nakatayo, in-control, at nagagawa mo ang gusto mo. masarap maging malaya.

i love this fucking entry. maxadong anlakas ng sipa saken!

kaw ba tinamaan din?

tnx nga pala kay bernard umali – hibang for posting this!!!

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/move-on/feed/ 4 174 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
August 17, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-17-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-17-2007/#respond Fri, 17 Aug 2007 11:30:56 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-17-2007/ diary2

August 17, 2007 – FRIDAY

bagyo na naman waaahhhh! 12pm na ako umuwi and then nagpahinga muna ako den pumasok ako ng mga 5pm. ayos naman, naka-shorts nga lang ako eh. masyadong malamig at imaginin mo na lang na bukas daw eh lalakas pa ito. nagdasal tayo nang nagdasal para sa ulan dahil nag-state of calamity na sa ibang lugar sa Pinas pero ngayon mas matinding state of calamity na dahil bumabaha na ng sobra ang lahat ng panig ng bansa. hainakuh! well anyways… nahihirapan ako kumain dahil sinisinok ako nang sinisinok. 2 days straight na waaaaaaah! kakainom kasi eh.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-17-2007/feed/ 0 173 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 16, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-16-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-16-2007/#respond Fri, 17 Aug 2007 10:46:55 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-16-2007/ diary2

August 16, 2007 – THURSDAY

ayos naman ang buong maghapon. meron lang kaunting hindi magandang nangyari, pero sa tingin ko eh maaayos naman kaagad. haninaku hindi ako nakauwi, kasi nang pauwe na ang mga kasama ko eh meron pa akong ginagawa so i ended up staying late at the office.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/17/august-16-2007/feed/ 0 172 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 15, 2007 – WEDNESDAY https://dee13.wordpress.com/2007/08/16/august-15-2007-wednesday/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/16/august-15-2007-wednesday/#comments Thu, 16 Aug 2007 09:59:42 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/16/august-15-2007-wednesday/ diary2

August 15, 2007 – WEDNESDAY

1:00 AM
– hindi ako umuwi dahil may ipinatapos pa sa aking gawain, dahil la namang pasok bukas eh ayos lang. at dahil b-day ni Bossing eh dumating yung mga kaibigan niyang bakla 4 sila. so nakipaginuman kaming tatlo nina Teacher Niall at Rayan sa kanila. madali naman silang kaibiganin, hindi naman sila wild haha. sina INO, APRIL, KATYA at yung isa na hindi ko nakilala dahil natulog lang siya. nakipag-close factor pa ako sa Driver ng Taxi na nasakyan ko pauwe hehe.

2:00 PM
– naginuman kami nina Mar, Herson at Jomar at kasama na doon ang ka-meet ko na si Ren na DIVA talaga ang dating that moment. AS IN! masaya pero lasing na lasing talaga ako.

11:00 PM
– nagising ako. at hindi na agad makatulog ulit. kakabanas. nahirapan ako ansama ng pakiramdam ko, malamang sa dami ng ininom ko.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/16/august-15-2007-wednesday/feed/ 2 171 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
okay nako. https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/okay-nako/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/okay-nako/#comments Tue, 14 Aug 2007 13:26:58 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/okay-nako/ birthday na ni Jordan bukas (08-15) pero hindi pa rin nagtatagpo ulit yung mga landas namin. hainaku, may reason kung bakit… siguro kinakailangan na talagang tapusin. hainaku… mahilig akong gumawa ng mga bagay like pagpapalit ng sim (para hindi niya ako makontak) at maghapong magkulong sa bahay (para hindi niya ako makita) pero sa totoo lang eto at obvious na obvious naman na hinihintay ko siya. SYET! siraulo na talaga ata ako.

—–0—–

paulit-ulit na lang ang ginagawa ko sa araw-araw, magising ng tanghali, manood ng TV, pumasok sa trabaho o matulog, umuwi, manood ng TV ng magdamagan at saka matutulog ulit. nasasanay na nga ako sa ganitong routine pero minsan siyempre nagsasawa rin ako. kaya nga bukas… me lakad kami nina Mar, Herson at Omay… pero pinagbabalakan na rin naming isama si Ace, di ko pa nga lang sure. at siyempre pinag-iisipan ko rin nang mabuti kung makikipagkita ba ako kay REN. well, dahil hindi ko naman ikinukuwento dito si REN… eh siya yung ipinakilala sakin ng baklang Katya. me usapan na nga kami ni Red bukas, siyempre hanggang sa ngayon eh nagdadalawang-isip pa rin ako. di ko naman kasi siya kilala, sa frendster ko pa lang nakita ang picture niya with matching hubo’t-hubad na private photos. okay naman siyang ka-chat / ka-text pero di ko lang talaga sure kung makikipagkita ba talaga ako sa kanya bukas… siguro sisilipin ko muna siya bago makapag-decide.

bukas nga pala ay kinakailangan na makapag-open ako ng account sa BPI by hook or by crook hahaha! hindi kumpleto ang buong araw ko na hindi ako nakapag-open dahil it’s now or never na talaga, may kasabay man ako o wala. at kapag kinailangan naman ng ID at wala ako… a basta gagawa ako ng paraan, malapit na naman ang pasko kinakailangan ko ng pera.

okay na ako…. sa NGAYON!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/okay-nako/feed/ 2 170 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
August 14, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/august-14-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/august-14-2007/#respond Tue, 14 Aug 2007 13:22:50 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/august-14-2007/ diary2

August 14, 2007 – TUESDAY

b-day ng bossing ko ngayon. andaming pagkain. maaga pa lang eh tinawagan na ako ni Rose para pumasok ng maaga. magsiswimming sana kami pero malamang na hindi matuloy dahil umuulan at talagang napakalamig ng panahon haiiiizzz. na-discover ko na may Visual Radio pala ang fone ko, kaya ansaya-saya ko hehehe! ang goal ko nga pala bukas dahil walang pasok is makapag-open ng account sa BPI, at magpa-haircut. yun lang at kumpleto na ang buong araw ko… hindi rin magiging boring dahil nga me lakad kami bukas. maulan ngayon pero masaya.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/14/august-14-2007/feed/ 0 169 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
hainakuh! https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/hainakuh/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/hainakuh/#comments Mon, 13 Aug 2007 14:32:05 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/hainakuh/ – blangko ang utak ko ngayon, kaya wala akong maisip na ipopost, siguro masyado lang akong maraming iniintindi. kapag ganitong walang idea na pumapasok sa utak ko (i’m talking about blog entry) eh nananahimik na lang ako at nilulunod ang sarili ko sa anumang pwede kong gawin. isang napakalaki kong OGAG! syetness naman! WAAAAAAHHHHHHHH! napapraning na naman ako.

(bumalik na kasi ang dapat bumalik!)

(dumating na kasi ang dapat dumating!)

(mangyari na kasi ang mga dapat mangyari!)

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/hainakuh/feed/ 4 168 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
August 13, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-13-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-13-2007/#respond Mon, 13 Aug 2007 14:05:58 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-13-2007/ diary2

August 13, 2007 – MONDAY

sakto naman ang gising ko. excited ako dahil me pasok ngayon at katapusan ng BORING days ko. kailangan lang magpaka-dalubhasa sa work. pumasok na sina Joy at Jerico and thank God na ayos na rin ang lagay nila. na-late ako ng mga 20 minutes dahil bumili pa ako ng 1.5 na Coke sa Mercury Drug. ang cute nung dalawang babaeng kolehiyalang taga-BASTE kanina na nakatabi ko sa bus, teka teka manyak mode na ba? hahaha! nagandahan lang naman ako sa kanila… masama ba? mukha kasi silang mga artista at anseseksi pa hahaha! mainit ang ulo ni bossing. pero ayos naman the whole day hehe.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-13-2007/feed/ 0 167 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 12, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-12-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-12-2007/#respond Mon, 13 Aug 2007 14:04:09 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-12-2007/ diary2

August 12, 2007 – SUNDAY

ganun pa din gaya ng kahapon, pero mas malaki ang percentage ng oras na itinulog ko sa ngayon. hindi ako na-badtrip or whatever basta ayos lang. BORING (kailangan pa bang i-memorize yan?)

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-12-2007/feed/ 0 166 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 11, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-11-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-11-2007/#respond Mon, 13 Aug 2007 14:02:03 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-11-2007/ diary2

August 11, 2007 – SATURDAY

maganda at maayos naman buong araw. hindi masyadong masaya pero maganda naman hahaha! hindi umulan, dumating si Shiela… ayun kuwentuhan to the max, natulog den nanood ng TV at kumain. yan na kasi ata ang weekend routine ko syetness. ka-boringan talaga.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/13/august-11-2007/feed/ 0 165 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
ganun lang yun… https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/ganun-lang-yun/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/ganun-lang-yun/#comments Fri, 10 Aug 2007 13:26:46 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/ganun-lang-yun/ balak ko na sanang gumawa ng entry tungkol sa paglalaslas ko ng pulso… pero huwag na lang, next time na lang siguro. hindi dahil sa hindi pa ako handang ipagkalat yun! pero dahil napaka-nonsense naman… hindi yun tungkol sa lovelife na inaakala ng halos lahat ng tao… wala lang, minsan masarap subukan ang mga bagay na hindi magandang subukan hehe!

syet

nitong mga nagdaang mga araw, palagi kong nakikita, nasasalubong or nakaka-encounter ang ex-bestfriend ko na si Arnold. walang kuryente or friction, siguro talagang wala nang friendship feeling na nararamdaman ang pagkatao ko sa kanya. nito lang, masyadong ka-boringan ang nangyari sakin. tapos nung nahalata nung isa kong kaibigan yun na medyo iwas ako sa kasayahan, nilapitan niya ako tapos sinabi… “Ui Bestfriends na tayo ha!” out of nowhere nakaramdam ako ng pagkahiya, napansin ko kasing hindi na ako nageentertain ng mga taong nakasama ko na dati. imbes na kalimutan ko kasi ang mga “sama ng loob” ko or whatever bad na namagitan samin eh, nawawala na talaga ang pakiramdam ko. nagiging bato na ako.

nitong mga nakaraang araw lang… nagpalit ako ng number not just because hindi ko na magamit ang sim ko, kundi dahil gusto kong mawalan ng koneksiyon sa mga so-called friends ko. magwa-one-month nang hindi kami nagkikita ni Jordan August 16 to be exact… aaminin ko na minsan naaalala ko siya (tulad ngayon) pero hindi palagi, pasulpot-sulpot lang like when im watching TV, reading books or trying to sleep early at night. bukas Saturday na naman, malakas ang kutob ko na darating siya, dahil yun ang sinabi niya… pero feeling ko hindi ako magpapakita muna sa kanya, yoko magsalita ng tapos pero para makaiwas eh hindi ako lalabas ng bahay at magkukulong ako sa kuwarto maghapon. siguro sa September ready na akong harapin siya ulit. susubukan ko lang naman na wala muna siya ngayon… baka sakaling umayaw na talaga ako.

siguro sakit ko na talaga na kapag nawalan na ako ng “amor” sa isang tao eh nahihirapan na akong ibalik yun, at minsan nga eh hindi na talaga naibabalik pa. hindi naman ako ang nagsisimula… sila naman ang nanguna, ako lang ang tumatapos. ayoko kasing masaktan, ayokong ginagawa akong gago, tanga or bobo, ayokong pinapaasa ako, ayokong binabalewala ako, ayokong maisantabi, ayokong maging LAST choice… normal naman yun diba? sa mga naging SUPER-CLOSE FRIENDS ko na nakakabasa nito ngayon! alam niyo yan, kilala niyo ako at kayo ang may kasalanan kung bakit ganyan na ngayon ang turing ko sa inyo. malufet ako magmahal… to the point na nangngarap na ako ng isang panghabambuhay na samahan, relasyon or pagkakaibigan, pero pag nasosobrahan, kina-cut ko na kaagad ang thread natin. hindi naman ako mamamatay kung mawawala kayo. SYET KAYO!

nanjan pa naman ang mga kaibigan ko na ipinaparamdam talaga sa akin na HINDI AKO NAG-IISA, madami sila at alam kong hindi nila ako iiwanan or gagaguhin ng basta-basta, sa ngayon ieenjoy ko muna ito.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/ganun-lang-yun/feed/ 7 164 Prinsipe ng Pangarap! syet sign forever
August 10, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/august-10-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/august-10-2007/#respond Fri, 10 Aug 2007 12:11:02 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/august-10-2007/ diary2

August 10, 2007 – FRIDAY

nakkksss naman FRIDAY na… makakatulog na naman ako ng sobra bwa haha! so yun na nga… naging maayos naman ang buong araw ko. walang gumulo. nakatulog nga lang ako sa bus kahit malapit na ako, muntik na tuloy akong lumampas. hindi na umulan maghapon pero napakaganda naman ng panahon, hindi mainit at hindi naman gaano malamig SAKTO lang! tinapos ko ang Progress Reports ng mga students na Korean . . eniweiz natapos ko naman haha! pakiramdam ko naisasaayos ko na ang life ko nang dahan-dahan.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/10/august-10-2007/feed/ 0 162 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 9, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/august-9-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/august-9-2007/#respond Thu, 09 Aug 2007 14:34:13 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/august-9-2007/ diary2

August 9, 2007 – THURSDAY

– maayos naman ang mga nangyari buong araw. tumila na ang ulan pero walang pasok sa lahat ng level sa buong metro manila. naku naman bat nakakapraning ata yung ganun. hindi umulan maghapon pero suspendido ang klase hainaku. la na talaga akong katiwa-tiwala. hula-hula lang ata sila eh. hindi ako na-late kahit late na ako umalis samin. bwa haha! maghapon akong may ginagawa kaya ang pinost ko dito sa blog ay ang buong TRAYANG-GULO story na sinulat ko (naks feeling writer na talaga ako ah!) so yun na nga. ayos naman hehe. me bagong memo, bawal lahat ng alang wentang bagay dito like internet hehe.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/august-9-2007/feed/ 0 161 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
Trayang-Gulo! – INDEX https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-index/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-index/#comments Thu, 09 Aug 2007 12:35:42 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-index/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

—————————————————————————

TABLE OF CONTENTS

Chapter 1Chapter 2Chapter 3

Chapter 4Chapter 5Chapter 6

Chapter 7Chapter 8Chapter 9

Chapter 10Chapter 11

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-index/feed/ 3 160 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 11 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-11/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-11/#respond Thu, 09 Aug 2007 12:22:46 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-11/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 11

          Isang linggo ang lumipas, hindi na makapag-usap sina Dan at Jordan, hinigpitan na si Jordan nang kanyang ate at ina. Pero isang gabi, palihim silang nagkita at nag-usap. “Sorry sa mga nagawa ko” ang paumanhin ni Dan. “Lam mo Dan, OK na sana, pero nangyari na ang hindi dapat na nangyari, Nagmukha akong gago, hindi ko maipaglaban si Toni, kahit mahal ko sha, Kasi iba ka pa rin Dan. Hindi na natin maibabalik ang dati, hindi lang si Toni ang nadamay sa pangyayaring iyon, galit sayo lahat, nanay ko, tito ko, lalo na ang ate ko, alam na nila ang lahat. Sinabi lahat ni Toni.” Ang diretsang wika ni Jordan. “hindi na nga natin maibabalik ang dati, pero mananatili ang masasayang nakaraan sa isip ko. Salamat na lang sa lahat ng kabutihan mo” ang wika ni Dan. “at salamat din Dan sa yo” ang wika ni Jordan. Niyakap ni Dan si Jordan, sa pag-aakalang iyon na ang huli…

 –   WAKAS   –

Ito ang WAKAS ng Season 1, O diba parang PBB, Prison Break or One Tree Hill (hehe!) pero this time bibitinin ko muna (haha!) Hanggang sa susunod na yugto.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-11/feed/ 0 159 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 10 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-10/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-10/#respond Thu, 09 Aug 2007 12:19:02 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-10/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 10

             Sampal, suntok, hampas ang natamo ni Jordan sa nagwawalang kasintahan. Bumalik ito sa bahay nina Dan at sinundan ito nang dalawa. Isinarado ni Dan ang pinto. “Walang lalabas! Pag-usapan natin ito.” Ang wika ni Dan. Humarang siya sa pintuan. “di ba sumingit lang naman ako? Pwes aalis na ako, enjoy” ang mataray na wika ni Toni. Nakaharang si Dan sa pintuan kaya hindi siya makalabas. Hindi malaman ni Jordan ang gagawin, magulo na ang kanilang mundo. Itinulak ni Toni si Dan, isang matunog na sampal ang isinukli nito kay Toni. “Gago ka ah” ang wika ni Toni pero pinipigil ito ni Jordan. Nagwawawala si Toni sa bahay. Ibinabato ang anumang mahawakan. Pigil pa rin nang pigil si Jordan. Dumampot si Dan nang bote at ibinato sa kinaroroonan nang dalawa. Hindi na siya gumalaw sa kinatatayuan, sa pag-aakalang siya ay masusugatan. Nang mapatingin siya sa kanyang paanan, walang tigil ang dugo sa kanyang paa. Tinamaan siya sa kanyang pagbato. Napatingin si Jordan at tumigil sa pag-awat kay Toni. Hinubad ang suot na kamiseta at ibinalot sa nagdurugong sugat ni Dan. Umupo si Dan sa higaan, at tumigil. Nagkatitigan silang dalawa at nanumbalik ang damdaming saglit na nawala. “Alagaan mo sha, me sugat sha” ang wika ni Toni sabay labas sa nakaabang na pintuan. “sundan mo sha, kaya ko to, mas mahirap ang dinadala niya” ang wika ni Dan. “pero may sugat ka, walang hinto ang dugo” ang wika ni Jordan. “leche lumabas ka na, ako na ang bahala!” ang sigaw ni Dan at lumabas na nga si Jordan. Saka na lamang niya napagtanto na nag-iisa na lamang siya, Naalala niya ang dating masaya, pero magulong samahan. Lumabas siya at hinanap ang matalik na kaibigang matagal na nawalay sa kanyang tabi… si Arnold. Pero bigo siya, Sarado na ang pintuan sa bahay nila Arnold. Ilang araw ang lumipas, naghilom ang sugat. Pero nananatiling nakatatak sa isipan ang nangyari.

          Isang gabi, dumating si Toni, diretso sa bahay ni Dan. Hinahanap ang tsinelas ni Jordan na naiwan doon kani-kanina lamang. Hindi na siya nakatuloy pa sa loob sapagkat hinatak na siya ni Dan palabas. Itinulak niya si Dan, pero isa na namang matunog na sampal ang inabot niya. Lumabas si Jordan, pinagsasampal ito ni Toni at pinipilit na gantihan si Dan. Pero lumapit lamang si Jordan kay Dan at sinabing… “Dan ayus-ayusin mo ha” ang wika ni Jordan na halatang may galit pero hindi kayang gawin ang anumang nais. Hinatak ni Jordan si Toni sa bahay nila. Nilusob sila ni Dan. “Tangina ka, sino ba nanguna?” ang galit na sigaw ni Dan. Pero bigla na lamang nagsisigaw ang nanay ni Jordan. “ipapapulis kita, trespassing yan” ang wika nang nanay ni Jordan kay Dan. “shit ka!” ang wika nito kay Dan. “SHIT ka din! wala kang karapatang maggagaganyan.. kaw sino ka ba? SHIT!” ang ganting wika naman ni Dan. Tuloy-tuloy na lumabas at umuwi na si Dan sa kanilang bahay, nahiga sa higaan, at nahimbing. Kinausap ni Toni ang nanay at ate ni Jordan, ibinulgar ang mga nalalaman niyang lihim, galit na galit ang pamilya ni Jordan kay Dan. Pero hindi ito ininda ni Dan. Wala siyang pakialam sa sinuman, lalo na sa pamilya ni Jordan, at sa mga taong galit sa kanya.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-10/feed/ 0 158 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 9 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-9/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-9/#respond Thu, 09 Aug 2007 12:17:50 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-9/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 9

             Isang gabi na matamang nakatingin si Dan sa kanto. Tumabi si Jordan at nagwika… “dalawang buwan na ngayon”. Nabigla si Dan at tinanong nang maayos si Jordan “anong ibig mong sabihin?”. “Buntis si Toni” ang wika ni Jordan, “bakit di mo sinasabi sa akin?” ang wika ni Dan sabay tayo at lumabas sa kanto. Naglakad-lakad at nag-isip-isip. Nawala ang lahat nang damdamin niya sa kaibigan. Nagbabago ang pananaw. Wala siyang nararamdaman, namanhid siya sa winika ni Jordan. Pagbalik niya ay naroroon na sina Jordan at Toni, magkasama. Hindi niya pinansin ang dalawa at nagpatuloy sa kanilang bahay. Isinara ang pinto at tuluyan nang natulog. Tinext nya muna sina Jordan at Toni. “Ingat kau palagi ha, wag kau mag-alala di na ako manggugulo sa inyo” ang wika niya sa mensahe. Nakatulog na siya.  Maya-maya ay kinakatok na siya nina Jordan at Toni. Pumasok ang dalawa, hindi nagsasalita si Dan. Nanatili itong nakahiga. Ginulo siya nang dalawa sa pananahimik niya. Nang makahiga na si Toni ay hiniram ni Jordan ang cellphone ni Dan at nag-type ng message. “wag ka na magalit” ang winika nito sa mensahe. Pinilit ni Dan na makatulog, pero ni hindi ito dalawin nang antok. Lumabas ito at bumili ng malaking Red Horse, pampaantok. Pero iba ang nangyari. Lumabas siya at tinawag si Jordan. Hinatak niya ito sa malayo at kinausap. “Eto na ang huli, kanina, nang sabihin mo sakin ang bagay na iyon, nawala na ang damdamin ko sayo. Tinext ko pa kayo na ayoko na pero makulit ka. Ngayon tatanungin kita… Kung iiwanan mo ako, Sabihin mo na ngayon! Dahil baka bukas hindi ko na kaya, ngayon na ang chance mo. Gusto mo na bang mawala ako sa buhay mo?” ang masinsinang tanong ni Dan. “AYOKO!” ang matigas na wika ni Jordan.

             Mula sa likuran ay biglang lumitaw si Toni at sinampal nang ilang ulit si Jordan habang umiyak. “Anong sabi mo? Kaya pala di mo maiwanan, magsama kayong dalawa!” ang wika ni Toni habang sinasampal-sampal ang kasintahan. “Hindi mo naiintindihan!” ang wika ni Dan. “Narinig ko ang lahat, walang maikakaila. Pigil-pigil ni Jordan si Toni.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-9/feed/ 0 157 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 8 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-8/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-8/#respond Thu, 09 Aug 2007 12:16:27 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-8/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 8

          Galit si Dan kay Toni pero sa mga pakiusap ni Jordan ay nawawala naman ang galit niya. Isang gabi, sinabi ni Dan na ayaw na nyang Makita pa si Toni, pero dumating si Toni nang gabi at nais na matulog doon, okey lang sana kay Dan, pero dapat wala doon si Jordan. Pero matagal doon si Jordan. Hindi makatulog si Dan sa ingay nang dalawa. Tumayo ito, dala ang isang unan, lumabas at humiga sa isang suruting upuan na nasa labas ng bahay. Sinundan siya ni Jordan at pinilit na pumasok sa loob nang bahay, pero galit si Dan dahil may pasok pa siya kinabukasan at hindi siya makatulog nang maayos na naroroon si Jordan. Ilang beses na pinilit na pumasok ni Jordan si Dan pero hinawi lamang ang kamay nito at sinigaw-sigawan siya. Walang nagawa si Jordan kundi pumasok na lamang sa bahay. Maraming kaibigan sila na nakapansin kay Dan at pinipilit siyang pumasok sa loob ng bahay. Pero ayaw ni Dan, naroroon na si Arnold na sinakyan sakyan pa si Dan para lang tumayo ito at pumasok na, niyaya pa nga ni Arnold na doon na lang sa bahay nila matulog si Dan, pero tumanggi ito. Dumating pa si Jhune at pinilit na pumasok si Dan, pero walang sinuman ang nakapilit sa kanya na pumasok na. Naghintay siya nang isang oras, nilamok na siya at naingayan sa mga nagdaraang lasing. Galit na galit siya kay Jordan. Hindi na siya nakatiis at tumayo ito, tinawag si Jordan, nang lumabas na si Jordan ay “Dan, uuwi nako, kaw na…” Hindi na natapos ni Jordan ang sasabihin, isang matunog na sampal ang ibinigay ni Dan sa kanya. “para yan sa lamok” sabay tingin nang masama kay Jordan. Pumasok si Dan sa kuwarto at tumabi kay Toni, “Bakit Dan” ang wika ni Toni, “WALA, matulog ka na!” ang wika lamang ni Dan. Pero muli itong tumayo, sinundan si Jordan sa bahay nila. Sinalubong niya ito at kinausap. “mukha akong gago sa labas, nilalamok ako, pero wala kang pakialam, Gago ka talaga ano?” ang wika ni Dan na halatang galit. Hindi makapagsalita si Jordan dahil sinunud-sunod siya nang sermon ni Dan. “walang makakaalam nang usapang ito ha!” ang huling wika ni Dan at umalis na ito. Umupo ito sa tapat nang bahay. Lumapit sa kanya si Jordan at nagwika.. “Dan, Sorry na, Pinipilit kitang pumasok pero ayaw mo, minura mo pa nga ako, Galit ka kasi eh, baka kung ano lang ang magawa mo sakin” ang wika ni Jordan. “talaga, kulang pa yan tangina ka napakakulit mo kasi.” Ang galit na wika ni Dan. “sori na talaga” ang pamimilit ni Jordan kay Dan. “Umuwi ka na, may pasok ka pa bukas” ang wika ni Dan. “ayoko, uwi ka rin, baka mamaya kung ano pa gawin mo, baka mambugbog ka na naman jan, Sabay tayo, di ako uuwi, kung di ka uuwi” ang wika ni Jordan. Maya-maya lamang ay maayos na naman ang kanilang samahan. Nagkukuwentuhan na sila nang kanilang mga masasayang nakaraan. Hindi nagtagal ay tinawag na si Jordan nang kanyang nanay at natulog na ito.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-8/feed/ 0 156 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 7 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-7/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-7/#respond Thu, 09 Aug 2007 12:01:50 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-7/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 7

          Isang araw ay pumunta si Dan sa Manilah High, kung saan nag-aaral si Jordan. Ipinakilala ni Jordan si Dan sa kaniyang mga kaibigan. Sa isang tabi naroon si Maritoni. Astang tomboy pero may lihim na nararamdaman kay Jordan. Nalaman ni Jordan na may gusto sa kanya si Maritoni kaya niligawan niya ito. Agad naman siyang sinagot ni Maritoni. Ipinakilala niya it okay Dan at naging mabuting magkaibigan ang dalawa, si Dan ang nagbuko kay Jordan kay Toni. Ipinakilala ni Dan ang tunay na Jordan na hindi naglaon ay may tawagan na ang magkaibigan na Marsh at Mallow. Sweet si Toni, hindi lamang kay Jordan pero pati na rin kay Dan. Naging matalik na magkaibigan sina Dan at Toni. Naging maganda ang kanilang samahan. Pero isang gabi… “Dan dito kami matutulog ni Toni ha!” ang wika ni Jordan. “Oo ba!” ang wika muli ni Dan kay Jordan. Doon nga natulog si Toni at Jordan sa kuwarto ni Dan. Tabi-tabi silang natulog. Pero nagising si Toni sa kalagitnaan ng gabi. Madilim ang silid, wala kang makikita. Nang yayakapin ni Toni si Jordan ay iba ang kanyang nalaman. Magkayakap si Dan at Jordan habang natutulog. Hindi niya binigyan nang anumang ibig sabihin ang nalaman. Pinilit na lamang niyang matulog, at isang bagay ang kanyang hindi maintindihan. Kinabukasan ay maagang umalis sina Dan at Jordan at iniwanan si Toni. Kinabukasan ay matamang nakatingin si Toni sa kanyang celphone. Nang biglang tabihan siya ni Lara. “kaw ha, nilagyan mo ng kissmark si Jordan sa leeg” ang biro ni Lara kay Toni. Nabigla na lamang si Toni sa narinig sapagkat hindi naman niya nilagyan ng marka sa leeg si Jordan at dahil wala namang nangyayaring ganoon sa kanilang dalawa pa. Lumapit si Toni kay Jordan at tinanggal ang nakatakip sa leeg nito. “si Dan ang naglagay nyan ano?” ang tanong ni Toni. Sa una ay hindi mapaamin ni Toni si Jordan pero dahil huling-huli na rin ay umamin na ito. Sinabi rin nito ang totoo. Mula nga noon ay nagbago na ang pagsasamahan nina Toni at Dan. Sinabi rin ni Jordan kay Dan na nalaman na ni Toni ang lahat nang kanilang mga itinatagong lihim. Nagkaroon na nang friction ang dalawa, kapag nagdidikit sila ay sandamakmak na plastikan at girian ang nangyayari. Pero nananatili pa rin silang magkakasama at kung minsan naman ay nagbibiruan pa rin. Pero pilit na ipinalalayo ni Toni si Jordan kay Dan. Hindi naging lingid ito kay Dan sapagkat sinasabi pa rin ito ni Jordan sa kanya. Samakatuwid pinaplastik lamang siya ni Toni.

            Isang gabi ay muling nagkasama ang matalik na magkaibigan, nag-inuman sila sa bahay ni Arnold, kasama, ang mga kapatid ni Jasmine at ang nobyo nang isa na dati rin nilang kabarkada na si Michael. Maya-maya ay umihi si Dan. Sinundan sya ni Arnold sa banyo. “Dan galit ka ba sa akin?” ang wika ni Arnold. “Hindi, kahit ano pa ang nangyari sa ating dalawa, mananatili ang dapat manatili, hinding magbabago ang damdamin, pero hindi ang samahan” ang wika ni Dan sa matalik na kaibigan. “Lam ko Dan okay na kayo ni Jordan, masaya ka na, masaya na ako. Pero nakakamis pa rin ung dati,” ang wika ni Arnold. “Sorry, sa mga nagawa kong masama, alam mo na kung ano yon, siguro pagsubok yun, at hindi tayo naging matatag” ang wika ni Dan. “Pero Dan oo aaminin ko nagalit ako sayo, pero nawawala ang galit sa isang pinakamamahal na kaibigan” ang wika ni Arnold. “Salamat kung ganon. Basta kahit na hindi tayo gaya nang dati, Sana hindi pa rin magbago ang bestfriend ko” ang wika ni Dan. “Kaw lang Dan, wala nang iba” ang proud na wika ni Arnold. “sinong bestfriend mo doon?” ang wika ni Dan. “syempre ikaw lang” ang wika naman ni Arnold. Magdamag silang magkasama, nagkuwentuhan at nagharutan.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-7/feed/ 0 155 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 6 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-6/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-6/#respond Thu, 09 Aug 2007 12:00:05 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-6/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 6

          Nagdaan pa ang maraming araw. Dahan-dahang lumalayo ang magkasintahan sa kanilang kaibigan… si Dan. Isang araw na natutulog sina Jasmine at Arnold, sa kuwarto ni Dan, lumabas si Dan at bumili ng Red Horse sa labas. Uminom ito nang uminom. Mayamaya ay nagising si Arnold at tinabihan ang matalik na kaibigan. “bakit nagsosolo ka? Ayaw mo ba akong kainuman?” ang tanong ni Arnold sa kaibigan. Bigla na lamang sinapak ni Dan si Arnold. Napatingin lamang si Arnold kay Dan. Sinundan pa ito nang mag-asawang sampal. “Gumanti ka!”  Ang sigaw ni Dan sa kaibigan. “Masama ang loob ko sayo, masamang-masama, ipinagpapalit mo ako sa syota mo!” ang tampong wika ni Dan. “akala ko pa naman iba ka, iiwanan mo rin pala ako!” ang wika muli ni Dan sa kaibigan. “sige gawin mo kung ano ang gusto mo, magpakasawa ka. Hindi kita kayang saktan” ang wika ni Arnold. Sa pagsabi niya nito ay pinagsasampal siya ni Dan at pinagsusuntok sa mukha. Habang lumuluha ay tinanggap lahat ni Arnold ang mga pananakit ni Dan sa kanya. Nakatulog si Dan, habang nakatingin sa kanya si Arnold. Nagbago na nga ang pakikitungo ni Arnold sa matalik na kaibigan, ginawa niya itong bata na sinusunod niya ang lahat nang gusto nito. Hindi niya na hahayaang magalit pa muli ang matalik na kaibigan niya sa kanya. Isang araw, wala si Arnold, dumating si Jasmine galing sa trabaho. Ginising nito si Dan na tulog sa kanilang bahay. Sinama niya ito sa kanilang bahay. May nangyari sa kanilang dalawa. Kinabukasan ay dumating si Arnold. Tahimik lamang sina Dan at Jasmine dahil sa kasalanang ginawa nila. Nakahalata si Arnold sa ikinikilos ng dalawa. Di-naglaon ay nalaman ni Arnold ang nangyari. Galit na galit si Arnold pero hindi pa rin nito magawang saktan ang kaibigan. Pinagsusuntok na lamang nito ang pader nang ilang ulit hanggang magdugo ang kamao nito. “sinabi mo talaga noh, para magkahiwalay na kami, bakit sino ba me kasalanan?” ang galit na wika ni Dan kay Jasmine. Mula nga noon ay nagbago na ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa. Naging mainitin ang ulo ni Arnold, tuluyan na silang nagkahiwalay ni Dan. Bago ang kanilang paghihiwalay, nilapitan ni Dan si Jordan. Umupo siya sa harapan nito at nagwika… “ikaw na ang kapalit ng kaibigan ko, wag na wag mo ko iiwananan ha… ipangako mo” ang wika ni Dan kay Jordan sabay halik. “Oo, makakaasa ka” ang sagot na lamang ni Jordan kay Dan. Nasira na nga ang pagkakaibigan ni Dan at Arnold. Pero hindi nalilingid na sa isang banda, nais nilang mag-usap, at nais nilang ibalik ang dati. Nagkabati nga sila, pero iba na ang nangyari… Malayo na sila sa dati nilang pagsasamahan. Naging espesyal na magkaibigan sina Jordan at Dan. Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. Nagkaroon ng ilang mga kasintahan si Jordan, na hindi naging lingid kay Dan. Naging masaya ang kanilang samahan. Harutan, Asaran, Tawanan at walang hanggang kaligayahan.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-6/feed/ 0 154 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 5 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-5/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-5/#respond Thu, 09 Aug 2007 11:58:49 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-5/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 5

          Mula nga noon ay palagi nang magkasama sina Jordan at Dan, naging mabuti silang magkaibigan. Marami silang mga kalokohang ginagawa na sila na lamang ang nakakaintindi at nakakaalam. Lumipas ang ilang buwan at nagkahiwalay na sina Dan at Jasmine. Isang araw na nakaupo si Dan sa tapat nang bahay nila ay biglang lumapit si Jasmine, ibinalik ang kuwintas na ibinigay niya at lumuluhang nagtanong.”ayaw mo na ba talagang magbalikan tayo Dan?” ang malungkot na wika ni Jasmine. Hindi nagsalita si Dan, tumayo lamang ito at diretsong umuwi sa bahay nila. Pilit na lumayo si Dan kay Jasmine sa di-malamang kadahilanan. Nagkaroon nang ilang kasintahan si Jasmine sa kanilang lugar na nagpabago ng takbo ng buhay niya.

Gendai
  
          Madalang na bumabalik-balik naman si Arnold sa kanilang lugar, at ang unang taong hinahanap nito ay ang matalik na kabigang matagal nang hindi niya nakikita at nais niyang makasama. “Marami akong ikukuwento sayo!” ang wika ni Dan sabay akbay sa matalik na kaibigan. Ganun na lamang ang tagpo palagi kapag dumarating si Arnold. Kinakalimutan nilang dalawa pareho ang lahat, makapagkuwentuhan lang. Nanatili ang tamis ng samahan nang matalik na magkaibigan hanggang isang araw ay wala silang magawa pareho. “itext mo kaya si Jasmine” ang pambubuyo ni Dan kay Arnold. “ayoko nga, di ko pa nga close yun eh!” ang wika naman ni Arnold. “Basta ako ang bahala sayo, sasagutin ka nun” ang wika muli ni Dan sa matalik na kaibigan. “ikaw bahala ako kawawa” ang wika ni Arnold. “Text mo na! ako sabi bahala eh” ang pambubuyo muli ni Dan kay Arnold. Mula nga noon ay palagi nang tinetext ni Arnold si Jasmine kahit hindi naman ito palaging nagrereply. “Sagutin mo si Arnold ha!” ang wika ni Dan kay Jasmine. “oo na ang kulit mo naman, bakit kasi sya pa ang sasagutin ko, di na lang ikaw” ang wika ni Jasmine kay Dan sabay ngiti. “Baliw, bahala ka kailangan talaga sagutin mo yan ha!” ang wika ni Dan. Isang beses ay umuwi si Arnold galing Bulakan na may dalang tuta, “Dan, sayo na tong Tuta na to, lam mo Dan, kami na ni Jasmine” ang masayang bungad ni Arnold. “Wow naman, ayusin mo yan ha!” ang wika ni Dan. Pinangalanan nilang Yuri ang tuta sapagkat yun lamang YURI’s Revenge ang nilalaro nina Dan at Arnold nang magkasama. Sa simula ay walang makikitang tamis sa pagmamahalan nina Arnold at Jasmine. Sa bawat magkasama ang dalawa ay naroon din si Dan, para gumawa nang paraan para magkausap naman nang maayos ang dalawa sapagkat napipipi palagi si Arnold kapag kaharap si Jasmine. Dumaan pa ang mga araw at naisaayos ni Dan sina Arnold at Jasmine. Nagbago na nang dahan-dahan ang kanilang samahan. Hindi naging lingid sa mga magulang ni Arnold ang pagsasama nina Arnold at Jasmine. Kinutsaba nila si Dan para paghiwalayin ang dalawang ito. Hindi ito sinunod ni Dan kaya nagalit sa kanya ang pamilya ni Arnold.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-5/feed/ 0 153 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 4 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-4/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-4/#respond Thu, 09 Aug 2007 11:57:24 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-4/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 4

          “Batit ka, nagagayet? E di naman tita iiwanan Tahit tabihin pa ni Tuya eh!” ang paglalambing na wika ni Jasmine, sabay halik sa kasintahan. “E Kashi naman yang Tuya mo babatagin ko na yang Mukha niyan eh, guto niya ba tayaga ako mawayan nang katama” ang pabatang wika rin naman ni Dan. “Wag ikaw mag-ayaya, Tahit tabihin pa nya na iwanan Tita, di ko gagawin kati mahay Kita! Ang wika ni Jasmine.

          Ilang buwan pa ang nakalipas, biglaang sinama ng bayaw niyang si Alex si Dan patungo sa probinsiya nito sa Marinduque. Pinuntahan ni Dan si Jasmine sa bahay nila. “Aalis nako… hihintayin moko ha!” ang wika ni Dan kay Jasmine. Hindi na nakapagsalita si Jasmine, basta yumuko na lamang ito. Niyakap siya ni Dan at hinubad ang suot nitong pulang damit. “itago mo to ha, mahal na mahal na mahal kita!” ang wika ni Dan habang yakap ang kasintahan. Hindi pa rin kumibo si Jasmine kaya umalis na si Dan.

          Habang papasakay sa jeep si Dan ay nakatanaw si Jasmine mula sa kanilang bubungan, yakap-yakap ang pulang damit at lumuluha.

          Isang buwan na nawala si Dan, dapat nga ay doon pa siya mag-aaral pero hindi na natuloy dahil namimis na rin niya ang dating lugar. Binulaga si Dan nang napakaraming sulat ni Jasmine, Ihinatid ito ni Joshua sa bahay nila at kinuwento kay Dan na gabi-gabing umiiyak si Jasmine kakahintay sa kanya at dahil hindi nito alam ang address niya sa Marinduque kaya hindi nito maipadala ang mga sulat. Agad na bumaba si Dan, kahit may sugat ito sa paa at hirap itong makalakad. Nang magkita silang dalawa, ay niyakap kaagad ni Jasmine si Dan. “mis na mis na kita” ang wika ni Jasmine na halatang galak na galak sa pagbabalik nang kasintahan. “ako rin na-miss kita” ang wika ni Dan.

          Kinabukasan ay naghihintay si Dan kay Jasmine sa kanilang pintuan nang biglang sumungaw ang isang lalaking nakaitim na sando. “Ui Dan, musta na” ang wika ni Jordan. Nanibago si Dan sa itsura ni Jordan, matangkad na ito at lumitaw ang magandang anyo ng mukha. “Hah! Mabuti… Ikaw Kamusta, San ka galing?” ang tanong ni Dan kay Jordan na dati niyang kinaiinisan. “Sa Isabela… Nagbakasyon ako dun mga isang buwan”  ang matamang wika naman ni Jordan na hindi naaalis ang ngiti pero bakas naman ang kaseryosohan nito. Hindi bumaba si Jasmine nang araw na iyon pero maghapon namng nagkuwentuhan sina Dan at Jordan.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-4/feed/ 0 152 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 3 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-3/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-3/#comments Thu, 09 Aug 2007 11:15:01 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-3/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 3

          “Josh, mahal mo ba si Jessica?” ang tanong ni Dan habang magkasama sila ng kaibigan. “Oo! Bakit mo naman naitanong?” ang wika naman ni Josh. “Kapag ba pinahiwalay ka sa amin ni Jessica, lalayuan mo kame?” ang matamang wika ni Dan sa kaibigan. “Hindi naman no, bakit ko naman gagawin iyon?” ang wika ni Josh. “Promise?” ang paniniguro ni Dan. “Promise!!!” ang wika ni Josh sabay angat ng kamay tanda ng pangangako.

          Hindi lumaon ay naging magkasintahan na nga sinaJessica at si Joshua. Subalit hindi naman nagtagal ay unti-unti na ngang lumalayo si Josh kay Dan. “Kala ko ba hindi mo ko lalayuan kahit sabihin pa nyang babaeng yan!” ang galit na wika ni Dan sa kaibigan. “Pasensya ka na Dan ha, Pwede naman tayong mag-usap pag ala si Sica eh” ang wika ni Josh. “ah! Leche, kung ayaw ng tao sa akin, ayoko rin sa kanya, wag ka mag-alala di na kita guguluhin pa. Magsama kayong mga putangina niyo! Wag ka mag-alala, sa akin pa rin ang huling halakhak” ang galit na wika ni Dan at sabay talikod sa kaibigan.

          Mula nga noon ay naghiwalay na nang landas sina Joshua at Dan. Sakto naman ang muling pagbabalik ni Arnold mula sa Bulakan sapagkat tapos na rin naman itong mag-aral. Sa anumang pangyayari ay nanatili ang tamis sa pagmamahalan ni Dan at ni Jasmine. Ilang buwan ang nakalipas, nalaman nilang buntis si Jessica. Wala silang pakialam pareho sa mga nangyari. Basta silang dalawa, nagmamahalan at magkasama. Subalit pilit rin yatang silang pinaglalayo ng tadhana. “Bakit hindi ka bumaba kahapon, hintay ako nang hintay dito ah!” ang galit na wika ni Dan kay Jasmine. “Kasi Dan nagagalit si Joshua kapag sumasama ako sa iyo eh!” ang sumbong ni Jasmine. “Ah ganon! Pwes talagang kinakalaban niya talaga ako ha!” ang galit na wika ni Dan sabay lapit sa kinaroroonan ni Joshua. “HOY! Bakit pinahihiwalay mo sa akin si Jasmine ha! Wala na nga akong pakialam sa inyo ni Jessica tapos pakekealaman niyo kami. Ano ba talaga ang gusto mo?” ang wika ni Dan kay Josh. “Dan, wala akong sinasabing ganyan, sinungaling yang si Jasmine, at saka Dan kung anu’t-anupaman kapatid ko yan kaya may karapatan akong mag-alala” ang wika ni Josh. “BAKIT? Ano ba gagawin kong masama sa kapatid mo, nag-iisip ka na baka gantihan ko siya sa pang-iiwan mo sa akin, anong akala mo sakin ganun kababaw, isasakripisyo ko ang pagmamahalan namin para sa inyo. UNGAS! Kung ikaw kaya mong iwanan ang kaibigan mo dahil lang sa isang tao, pwes wag na wag mo akong igagaya sa iyo” ang galit na wika ni Dan. Hinatak ni Jasmine ang kasintahan at inilayo ito at baka may mas matindi pang gulong mangyari.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-3/feed/ 2 151 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 2 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-2/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-2/#comments Thu, 09 Aug 2007 10:16:41 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-2/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 2

          Bagong-salta kaya sikat si Josh sa iba pa nilang mga kabarkada. Marami ang nais na makilala at makasama o makakakuwentuhan si Josh. May itsura si Josh kaya marami rin ang nagkarooon ng interes sa kanya. Si Dan ay isa lamang sa mga naging kaibigan ni Josh na tuwang-tuwa sapagkat nakasama niya ito. Si Herson, na may lihim na pagtingin kay Josh ay naiiwan palagi sapagkat ayaw ni Josh na kasama siya. Panay-panay naman ang pang-iinggit ni Dan kay Herson, lalo na nang bumili si Josh ng kuwintas na may palawit na araw para kay Dan at sa kanyang sarili. Inggit na inggit si Herson sapagkat nais niya ring makasalamuha si Josh. Bumibili sila nang mga kagamitang maaari nilang gamitin sa Meijai gaya nang scrabble, at kung anu-ano pa. Nagkakaroon rin sila nang pagsasama-sama araw-araw.

          Ngunit nabighani si Josh kay Jessica. Isa rin sa mga babae na nakatira sa kanilang lugar. “kapag naging kami ni Joshua, ilalayo ko yan kina Dan, kasi mga Bad Influence lang naman ang mga iyan eh” ang wika ni Jessica kay Shiela. Lingid sa kaalaman ni Jessica ay bigla naman itong sinabi ni Shiela kay Dan. “Sabi ba naman ni Jessica, ilalayo niya daw sa inyo si Joshua, kasi Bad Influence ka daw” ang wika ni Shiela kay Dan. Nagpanting ang tenga ni Dan sa narinig. Mula nga noon ay palagian na lamang na iniisnab ni Dan si Jessica at palagi na rin niya itong pinariringgan. “kawawa naman ang ibang tao dyan, gusto mo masolo ha! Pwes sayo na… para ka namang mauubusan!” ang ilan lamang sa mga panlalait na sinasabi ni Dan kay Jessica. Nalaman ito ni Jeanette na ate naman ni Jessica at ito naman ay pinuntahan sina Dan at Herson habang nasa hagdanan ang mga ito nang bahay nina Josh at kausap si Jasmine. “Hoy bakit niyo sinisiraan ang kapatid ko?” ang wika ni Jeanette na halatang galit nag galit na. “Wag mo kaming pagbibintangan na naninira ha, baka naman yang kapatid mo ang naninira at hindi kami!” ang matapang na wika ni Dan sa ate ni Jessica, na noong panahong yon ay nagmamatapang. “hindi ikaw Dan, etong si Herson, kung anu-ano kasi ang sinasabi, ganyan talaga kasi ang mga bakla eh, masyadong ipokrita!” ang wika ni Jeanneth habang nakatingin nang diretso kay Herson na nang mga oras na yon ay tumutulo na ang luha. Hindi nakapagsalita pa si Herson, dahil na rin sa sobrang sama nang loob.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/09/trayang-gulo-chapter-2/feed/ 2 150 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
Trayang-Gulo! – Chapter 1 https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/trayang-gulo-chapter-1/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/trayang-gulo-chapter-1/#comments Wed, 08 Aug 2007 14:39:38 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/trayang-gulo-chapter-1/ lapis at papel

TrayangGULO

Ni Prinsipe Dilan

Chapter 1

Meijai Genesis
          Magkasamang pumanik sa kanilang lihim na tambayan sina Dan at Josh, magkaibigan na ang dalawa buhat pa nang maging girlfriend ni Dan ang nakababatang kapatid ni Josh na si Jasmine. Pinangalanan nilang Meijai ang kanilang lihim na tambayan na matatagpuan sa kisame nang bahay nina Dan. Sa labas ay para lamang tambakan nang mga lumang gamit ang kisame subalit sa dulo nito ay may lihim na lagusan sa isang maliit na silid. Magugulat ka sa itsura nang silid na para bang isang library, bedroom, bar na pinagsama-sama sa isang maliit na espasyo ng bahay. Maraming mga aklat na nakahiligan ni Dan na basahin. May mga stuffed toys, may mga gamit-kainan, nakahanda ang ilang inumin, at nakalatag ang isang higaan. Todo-dekorasyon ang maliit na silid na sa larawan ay hindi mo iisiping isang lugar lamang sa kisame matatagpuan.

          Sumunod sa kanilang dalawa ang iba pa nilang kaibigan na sina Joy, Bea, Shiela, Jasmine at Julia. Nabigla na lamang si Dan nang biglang sumulpot si Jordan. “teka, teka! Bakit nandito ka? Are you one of us?” ang asar na wika ni Dan sapagkat hindi naman niya gustong Makita si Jordan sa kanilang lihim na tambayan dahil na rin siguro sa lihim na asar niya rito noon. “pasali naman!” ang wika ni Jordan na nakayuko pa. “Dan pasalihin mo naman, minsan lang naman!” ang wika naman ni Jasmine. Hindi muling umimik si Dan pero bakas naman dito ang asar.

          Matalik na kaibigan ni Dan si Arnold noon pero ito ay pinauwi nang mga magulang niya sa Bulacan sapagkat nagloko ito sa pag-aaral. Nangulila sa kaibigan si Dan kaya nang makilala niya si  Joshua, ay agad na nakapalagayang-loob niya ito.

( …itutuloy )

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/trayang-gulo-chapter-1/feed/ 5 149 Prinsipe ng Pangarap! lapis at papel sign forever
August 8, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/august-8-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/august-8-2007/#respond Wed, 08 Aug 2007 09:55:49 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/august-8-2007/ diary2

August 8, 2007 – WEDNESDAY

hainaku… umuulan pa din hep hep! BUMABAGYO PALA! hehehe. eniweiz ayos naman, basang-basa ako nang sumakay sa bus kanina papasok at basang-basa din nang makapasok sa work. muntik na ako ma-late mga 5 mins na lang haha! nakipagpalitan ng fone sakin si Ate Lannie! nakkksss naman, yung 7610 ko eh naging 3230 na… nang tingnan ko sa net eh parehas lang naman ng price pero nang tingnan ko ang specs eh mas mataas yung 7610 ko. pero ayos naman kasi sawang-sawa na ako sa 7610 na yun.

nasalubong ko pa sina Arnold at Joshua, galing sa mall, namili kasi b-day daw ni Ashanti. Happy B-day na lang Ashanti hehe 🙂 maayos naman ang buhay maghapon kahit makulimlim at nagwawala ang hangin sa labas.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/08/august-8-2007/feed/ 0 148 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
nakakapraning ang life! https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/nakakapraning-ang-life/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/nakakapraning-ang-life/#comments Tue, 07 Aug 2007 14:31:23 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/nakakapraning-ang-life/ praning

nalulungkot ako…

kasi hindi na ako bata at hindi ko na magagawa ang mga bagay na ginagawa ko noon. pwede pa ba akong makipag-taguan-pung, makipag mataya-taya, makipag-langit-lupa, malamang magmukha akong siraulong nakawala sa mental if ever na pinilit kong gawin ang mga “masasayang bagay” na ginagawa ko dati. noon gusto ko na lumaki, pano ba naman kasi, mahirap pumasok sa mall o kaya sa sinehan, pero ngayon naku ha!

sayang… hindi na naibabalik ang nakaraan, naaalala ko pa noon… maaga pa lang lumalabas na ako ng bahay kasi gusto kong makipaghabulan hanggang pagpawisan ng todo-todo. at saka noon kasi maraming bata sa lugar namin. ngayon NABABADTRIP na ako sa kanila hehe! naiirita ako kapag maingay, makulit at magugulo, pero napapangiti na lang ako kapag naaalala kong minsan ganun din ako sa kanila SYET! kailangan ba talagang TUMANDA! dati walang problema, puro laro lang. minsan tuloy naiinggit ako sa mga batang naghahabulan at naglalaro.

lumaki na ako, tinubuan na ng buhok kung saan-saan, nagkalaman na ang butuhang katawan, lumaki na ang mga dapat lumaki, nasaktan na, lumigaya na, nagmahal na, nabigo na – nasubukan ko na rin ang napakaraming bagay sa buhay. sex, yosi, alak, gimik, trabahao, pag-aaral, pananatiling buhay at paglalaslas. naku naman, madami-dami na rin palang mga tao ang dumaan, nagpaiwan, nawala at nananatili sa buhay ko. ang kulit ng buhay ng tao noh? nakakapraning!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/nakakapraning-ang-life/feed/ 2 147 Prinsipe ng Pangarap! praning sign forever
August 7, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/august-7-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/august-7-2007/#respond Tue, 07 Aug 2007 14:17:55 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/august-7-2007/ diary2

August 7, 2007 – TUESDAY

– nakatulog ako ng maayos at matiwasay. umuulan-ulan na talaga at napakalamig ng simoy ng hangin (parang krismas). naging masaya ang buong araw kahit na bumabagyo na… wala masyadong nangyaring KAKAIBA pero ayos naman ang pakiramdam ko sa buong araw. absent pa rin sina Joy at Jerico (sana gumaling na sila) hindi ako masyadong naka-blog today (ewan kung bakit) basta yun na hehe!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/august-7-2007/feed/ 0 146 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
After The Love Has Gone. https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/after-the-love-has-gone/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/after-the-love-has-gone/#respond Tue, 07 Aug 2007 07:07:46 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/after-the-love-has-gone/ This POST is from JOVIE of Girl, Interrupted

Dear Wife:

I’m writing you this letter to tell you that I’m leaving you forever. I’ve been a good man to you for seven years and I have nothing to show for it. These past two weeks have been hell. Your boss called to tell me that you quit your job today and that was the last straw.

Last week, you came home and didn’t even notice that I had a new haircut, had cooked your favorite meal and even wore a brand new pair of silk boxers. You ate in two minutes, and went straight to sleep after watching all your soaps. You don’t tell me you love me anymore; you don’t want sex or anything that connects us as husband and wife.

Either you’re cheating on me or you don’t love me anymore; whatever the case, I’m gone.

Your EX-Husband

P.S. Don’t try to find me. Your SISTER and I are moving away to West Virginia together! Have a great life!

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Dear Ex-Husband:

Nothing has made my day more than receiving your letter. It’s true that you and I have been married for seven years, although a good man is a far cry from what you’ve been.

I watch my soaps so much because they drown out your constant whining and griping. Too bad that doesn’t work.

I DID notice when you got a hair cut last week, but the first thing that came to my mind was ‘You look just like a girl!’ Since my mother raised me not to say anything if you can’t say something nice, I didn’t comment.

And when you cooked my favorite meal, you must have gotten me confused with MY SISTER, because I stopped eating pork seven years ago!

About those new silk boxers: I turned away from you because the $49.99 price tag was still on them, and I prayed that it was a coincidence that MY SISTER had just borrowed fifty dollars from me that morning.

After all of this, I still loved you and felt that we could work it out. So when I hit the lotto for ten million dollars, I quit my job and bought us two tickets to Jamaica. But when I got home you were gone. Everything happens for a reason, I guess.

I hope you have the fulfilling life you always wanted. My lawyer said that the letter you wrote ensures you won’t get a dime from me. So take care.

Signed,

Your Ex-Wife, Rich As Hell and Free!

P.S. I don’t know if I ever told you this, but my sister Carla was born Carl. I hope that’s not a problem.

 sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/after-the-love-has-gone/feed/ 0 145 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
Langyang Buhay To! https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/langyang-buhay-to/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/langyang-buhay-to/#comments Mon, 06 Aug 2007 16:41:12 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/langyang-buhay-to/ kanina pa ako pinaparusahan ng ulan… ilang beses na akong nagpatuyo ng damit dahil nababasa ng ulan. well salamat sa ulan dahil kung hindi sa kanya eh malamang na natuluyan nang naging desyerto ang Pinas (exage naman) pano ba naman nagiging State of Calamity na isa-isa ang mga bayan natin dahil nga sa tagtuyot syete naman…

kaso sana pinauwi niya muna ako sa bahay bago siya dumating diba? eto tuloy ako ngayon walang magawa dito sa office dahil na-stranded hehe. buti na lang me internet connection pa rin hehe.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/07/langyang-buhay-to/feed/ 2 144 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
halata ba? https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/halata-ba/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/halata-ba/#comments Mon, 06 Aug 2007 14:13:29 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/halata-ba/ praning

nagkamali ako ng pag-post, nakalimutan kong dapat pala eh ipinopost ko muna ang diary bago ang anupamang entry mas may kabuluhan (nga ba?) ayan tuloy pilit kong kinakalkal ang utak ko kung meron pa bang natitirang idea o subject na ipopost ko bago man lang matapos ang araw.

bigo ako… SIYET!

siguro naman ayos na yung eto yung pang apat na post ko for this day diba? hindi naman siguro masyadong halatang kinakarir ko talaga ang blogging… so yun na nga. la ako maisip! pakibasa na lang ang other posts ko for today.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/halata-ba/feed/ 4 143 Prinsipe ng Pangarap! praning sign forever
August 6, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/august-6-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/august-6-2007/#comments Mon, 06 Aug 2007 13:35:55 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/august-6-2007/ diary2

August 6, 2007 –  MONDAY

unang araw na naman ng isang linggo. kahit la pa ako masyadong tulog eh pumasok kaagad ako ng mga 8am dahil kinakailangan nga talaga. sa tagal ng panahon eh nakita ko na naman si Abbie (hehe! ang aking friendship) pumunta kami ni bossing sa Makati – Chinese Embassy, la rin naman nangyari… nakakabanas pa yung mandurugas na driver. madaming “kakaibang” pangyayari na halos hindi ko na ma-keri pero kinaya ko pa rin. masyadong tahimik sa office dahil wala na halos tao kanina… mamaya malamang na matulog agad ako nito, kung hindi naman eh magdamagan akong manonood ng bi-nurn kong CDs hehe.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/august-6-2007/feed/ 2 142 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
Teksi Drayverz https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/teksi-drayverz/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/teksi-drayverz/#respond Mon, 06 Aug 2007 09:53:30 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/teksi-drayverz/ praning

sinamahan ko ang bossing ko papunta sa Chinese Embassy kanina. dahil nga hindi ko naman alam ang kinaroroonan nito eh kinailangan naming mag-taxi. pinakuha ng taxi si Rayan. pagbaba namin andun na ang matandang lalaki na bungal at naghihintay samin. pinaalam ko na sa kanya na sa Chinese Embassy ang target namen so go na ang taxi.maya-maya eh napansin napapabilis ata ang takbo ng metro. at ito pa! biglaan ang pagtakbo, para bang kumakandirit ang metro hindi tumatakbo. syetness, mandarambong ata ang bungal na drayber. nagkukuwento pa siya. hanggang sa pangalawang pagkakataon eh napansin ko na naman ang pagkandirit ng metro. tinutukan ko na talaga ang metro, hindi ako kumukurap. napansin kong naging balisa siya. pagdating namin sa Buendia… “kuya, pakitawag nga yung pulis!” sabi ko. “ah eh bakit?” nagtataka nyang sagot. “tatanong ko lang kung san banda itong World Centre” ang sabi ko ulit. “wag na madadaanan natin naman yun eh” ang sabi niya. “mas maganda kung tatanungin natin kesa kakapa-kapa tayo” nagagalit na ako kaya binuksan naman nya ang bintana saka tinawag yung traffic enforcer. tinanong ko lang naman talaga yung enforcer… narating naman namin nang matiwasay ang Embassy. “ma dito na lang kami!” sabi ko. pinauna kong bumaba si bossing tapos lumabas na rin ako hawak ang ipambabayad ko. biruin mo ba namang tumataginting na Php 220.00 ang metro PUCHA! I can’t believe this man! Pinabilis ko ng lakad si bossing hanggang sa makapasok na kami kaagad sa World Centre. Ang kapal kaya nung mama. binigyan ko na lang siya ng Php 120.00 (hehe! kala niya maiisahan niya ako).

pauwi na kami. nakahanap naman kami kaagad ng taxi although umuulan na nga. hindi kasi namin dinala yung kotse kasi nag-aalala siya na traffic at nakakatamad daw mag-drive kaya nag-taxi kami. this time binantayan ko na ang metro mula sa simula. hindi gaya nung mamang bungal eh hindi naman nagsasalita or nagkukuwento yung isang mama. hanggang sa nakarating kami sa patutunguhan namin eh ayos pa rin alang imikan. ang metro naman ay Php 117.50 almost Php 120.00 na hehe. so naisip ko na naisahan namin ang unang drayber. dahil naghintay na siya ng mga 15 minutes bago kami sumakay, naghintay pa siya ng another 10 minutes nang bumili ako ng Globe Card sa 7-Eleven at idagdag mo pa ang traffic bwa hahaha!

bat naman kasi kinakailangang mandugas pa diba? yayaman ba siya sa kaunting madudugas nya (nyek nyek!).

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/teksi-drayverz/feed/ 0 141 Prinsipe ng Pangarap! praning sign forever
Ka-Boringan https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/ka-boringan/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/ka-boringan/#comments Mon, 06 Aug 2007 09:50:33 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/ka-boringan/ praning

hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakailangan kong manatiling gising hanggang 4am. BADTRIP kaya! syet talaga! biruin mo ba namang matapos kong panoorin ang SISTER ACT ni Whoopie Goldberg kagabi sa ABS-CBN (Kapamilya Network) at mapanood ang isang replay ng MAD TV! at nakahanda nang matulog… eh bumali-baligtad na ako at nagtutuwad pero hindi talaga ako makatulog. so lumabas ako ng bahay at kumain ng Lomi sa Valencia. naabutan ko pa doon ang kaibigan kong si Eddie Boy. okay naman at least nawala ang pagka-boring ng gabi… nagkuwentuhan kami bout life habang lumalafang…

EDDIE BOY (Eduardo Reyes Jr.)
Definition: siya yung tipo ng tao na kapag nakasalubong ka sa kahit saan eh kakamustahin ka. friendly diba? pero after kumustahan eh makikipagkuwentuhan yan sayo ng tungkol sa mga nakaraan at sa mga buhay-buhay hanggang sa antukin ka na dahil masyadong matagal.

ayos naman na matapos ang lafang at palitan ng talambuhay namin ni Eddie Boy eh dumiretso na ako sa higaan at nakatulog ng mahimbing……….. na magigising after 1 and a half hour para maligo na dahil maaga ang pasok ko. Nuh Ba Yan!

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/06/ka-boringan/feed/ 3 140 Prinsipe ng Pangarap! praning sign forever
Holdaper https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/holdaper/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/holdaper/#comments Sun, 05 Aug 2007 14:11:18 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/holdaper/ Nung nakaraang Byernes, pauwi na ako at kasalukuyang nakasakay sa isang jeepney. sa sobrang kapunuan ng jeep eh kamuntik ko nang hindi sakyan… pero dahil gusto ko nang makauwi na that time eh pinatulan ko na rin dahil ngayon lang ulit ako nakakita ng magandang jeep… yung tipong bagung-bago. hehehe! so yun na nga. nang sumakay ako, eh kagaya ng iba pang abnormal na jeepney driver eh.. pinaandar na ng mama ang jeep, napakasikip pa naman ng daanan, no choice ako kundi umupo sa pinakamalapit na mauupuan ko. may kaunting space sa gitna ng isang seksing babae at isang tukmol na lalaki. “excuse me” sabay siksik sa kaunting space. ayaw pa rin umusog nung tukmol na lalaki pero ipinagpilitan ko ang pagsiksik. sa wakas umusog siya at nakaupo na ako… napansin ko na lang na ansama ng tingin sakin ng mga pasahero ng jeep… pero hindi kasali ang seksing katabi ko. maya-maya eh dahan-dahang nalalagas ang mga pasahero hanggang sa ang natira na lang ay ang seksing babae, at katapat niya, dalawang lalaki na nasa bandang unahang upuan (hindi sa pinakaharap) at ako. nang umalis yung seksi, dulu-duluhan na kaming apat na pasahero…

binagtas ng jeep na sinasakyan ko ang Espana, napansin namin na wala nang ibang sumasakay. yung lalaking katapat ko eh itinago na ang fone nyang 7650 at ako naman eh itinago na rin ang 7610, malay mo biglang me holdaper na pumasok e di sapul kami… merong sumakay na dalawang babae, hindi naman kagandahan, pero papasok pa lang eh nag-iinarte na. bulong siya nang bulong sa kasama niya hanggang sa hindi ata niya sinasadyang napalakas ang boses niya at narinig ko nam,an.

Babae 1: (pabulong) ui… mukhang mga holdaper tong mga ito. baba na tayo.

hindi naman siya pinansin ng kasama niya. tinawanan lang siya… pero maya-maya eh nangulit na naman ang babaeng nagmamaganda.

Babae 1: (pabulong ulit) ui sige na naman. baba na tayo, baka mamaya holdapin tayo ng mga ito…

this time eh narinig siya ng katapat kong lalaki. sakto namang tumunog ang celphone ng nagmamagandang babae.. Laging Tapat ni Jolina Magdangal. nagkatinginan na naman kami nung katapat ko at nagkangitian. sabay naming inilabas ang celphone namin. tumunog lang ng tumunog ang celphone ng babae… tinatawagan na ata siya ng kung sinuman at wala naman siyang balak sagutin dahil baka nga naman holdapin namin siya.

Babae 1: ui pano ba to… baka pag inilabas ko ito bigla tayong tutukan (nakatalikod siya kaya di niya pa nakikitang mukha namang pamato yung phone niya kumpara sa mga phones namin)

sa sobrang asar nung katapatan ko eh pinatunog niya ang celphone niya… PUCHA naman BEER ang kanta at ang ganda sa tenga hahaha. napatingin yung Babae 1, pati na rin sa akin. Nginitian ko siya sabay sabing…

Ako: eh miss kung holdaper kami… hindi namin hoholdapin ang mas mukha namang timawa pa sa amin at matatakot din kaming holdapin ang mas mukha pang holdaper samin.

nagtawanan ang mga nakasakay sa jeep. sumimangot yung babae. nakatitig lang sakin, parang naiiyak na ata sa sobrang galit.

Babae 1: how dare yo! (hahaha hindi mali ng spelling ito yo talaga at hindi you!)

nagpigil ng pagtawa yung mga kasama ko sa jeep. ako naman eh nakangiti lang… sabay sabing.

Ako: miss di bagay mag-english. kung ako sa iyo mananahimik na lang ako. (sabay halakhakan ng mga nakasakay sa jeep)

namula yung babae… tapos sa labas na siya tumingin. natatawa naman yung kasama niya. siya naman halatang napahiya ng husto. nang pababa na ako nagpahabol pa ako.

Ako: maholdap ka nga sana one of this days…

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/holdaper/feed/ 8 139 Prinsipe ng Pangarap! sign forever
August 5, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/138/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/138/#respond Sun, 05 Aug 2007 13:41:55 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/138/ diary2

August 5, 2007 – SUNDAY

– tanghali na ako nagising… natulog na naman ng ilang beses at kumain nang kumain at nanood ng TV… nakakatuwa nga si Angel Locsin eh… kahit ano pa naman ang maging desisyon niya sa buhay eh siya pa rin naman si Angel diba, kaya dapat let her move on na.  bukas maaga na naman ako magigising dahil maaga akong pinapapasok ng bossing ko, papupuntahin ata ako sa Chinese Embassy (san kaya yun…) hindi gaanong boring ang araw at ayos naman ang mga nangyari…

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/05/138/feed/ 0 138 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever
August 4, 2007 https://dee13.wordpress.com/2007/08/04/august-4-2007/ https://dee13.wordpress.com/2007/08/04/august-4-2007/#comments Sat, 04 Aug 2007 08:34:27 +0000 https://dee13.wordpress.com/2007/08/04/august-4-2007/ diary2

August 4, 2007 – SATURDAY

hindi ko na talaga malaman kung saan ako lulugar sa ngayon. basta wish ko lang na ma-overcome ko kung anuman ang dapat na i-overcome. nandito ako ngayon sa netcafe malapit sa FEU – lahat naman nagge-games. puro taga-FEU pa tong mga katabi ko hek hek! parang epal tuloy ako dito. kasama ko nga pala si Jon-Jon. nasa bahay nga pala sina Sheila, Wennie at Joy. boring sa bahay kaya nang dumating si Jon Jon niyaya ko kaagad siyang maginternet… napalayo nga lang kami hehe. kamustahin naman diba. senga pala andito ako sa number 72UP-FEU haha.

sign forever

]]>
https://dee13.wordpress.com/2007/08/04/august-4-2007/feed/ 4 137 Prinsipe ng Pangarap! diary2 sign forever