
“namiss kita! hug mo naman ako… lage na lang bang yang bata, ako naman ang i-hug mo.” ang naglalambing na sinabi sa akin ni Julia nang pumunta ako sa reception ng binyag ng anak ng ex-bestfriend kong si Arnold at ng ex-girlfriend/friend kong si Jasmine na inaanak ko at pamangkin naman ni Julia at maaaring inaanak niya din. “para kang sira, andaming tao o!” ang nahihiyang sabi ko dahil nga naroroon ang mga magulang ni Arnold. inaanak ko rin ang panganay nilang si Ashanti, pero dahil sa pinagsamahan kaya pati yung pangalawang anak nila eh inanak ko na rin sa binyag (sugapa ba?) bahagya akong nagitla sa napakalaking pagbabago sa ayos ni Julia. napakalayo sa dating siya.
“yung tungkol sa panliligaw mo sakin, siguro mas maganda kung magiging friends muna tayo, kasi mas masaya yung ganun, kasi hanggang ngayon boyish pa rin ako.” ang nakasaad sa dati niyang sulat sa akin nang minsang tangkain ko siyang ligawan mga apat na taon na ang nakakaraan. sa simula pa lang tomboyin na talaga siya, maikli ang buhok, at nagsusuot ng supporter para hindi mahalata ang dibdib, at hindi mo makikitang nagsusuot ng palda o bestida pwera na lang kapag pumapasok sa eskuwela. puro maluluwang na t-shirt na panlalake, hip-hop na pantalon at shorts, minsan pa nga eh me nakataling panyo sa ulo. nakababata siyang kapatid nina Jasmine at Julia, although para sakin kasi noon eh babae pa rin siya, dahil lumalabas na talaga ang mga soft sides niya, matampuhin, malambing, mabait.
parang kailan lang, higit apat na taon na pala ang nakakaraan.
“galit ako sa’yo, puro ka na lang Jordan – Jordan – Jordan. samantalang nandito naman kami para sa iyo, hindi mo kami binibigyan ng pansin… ako! hindi mo ako itinuturing na nagmamahal sayo!” ang galit at lumuluhang wika niya noon sa akin, lasing na siya noon, inilalabas niya ang sama ng loob niya sa akin. niyakap ko siya, sapat para tumahan siya sa pagpupuyos ng damdamin niya.
dumaan ang mga araw, linggo, buwan…. taon. nagkaroon na rin siya ng mga nobyo at nasanay sa pakikiharap sa pang-araw-araw na buhay, naging matatag at matapang. at eto nga siya, isang malaking pagbabago, na kahit kailan hindi ko naisip na makikita ko siyang ganun… kahit kailan. pero huli na ang lahat… HULI NA!













