hindi na lumilipas ang isang buong araw na hindi kami nagkakasama-sama ng mga kaibigan kong sina King, Alex, Jaycee at Denz – minsan naiisip kong mas lalong nagiging komplikado ang lahat, pero looking on the brighter side, masaya. nadala na rin ako na sa bawat kasiyahan – may kakambal na kalungkutan. natatakot ang harapin ang mga maaaring mangyari, na magdudulot ng matinding kalungkutan. si Jaycee na sentro palagi ng asaran, si Alex na mala-henyo kung titingnan – whistle kung whistle ang labanan, si King na pa-sweet; sagad hanggang buto at si Denz – na puno ng kaabnormalan. hindi na kami makaiwas sa makakating dila ng mga tao. marami na ang umeepal.
madalas na rin akong dinadalaw ni Jordan – ewan pero ayos naman at masaya kapag nandiyan siya, pero kung wala naman okay lang din.
tinatamad na rin naman ako sa pagtambay, gusto kong magkaroon ng mas magandang katuturan ang buhay ko. namimiss ko ang mga kaopisina ko, sina joy, jericho, andrea, maan, eve, niall, joan, abbie, bunjon, jen, rose, jessica, lyn at carl. namimiss ko yung kwentuhan at kulitan namin noon. hindi ko namimiss yung trabaho ko, mas namimiss ko yung mga TUNAY na kaibigang nakilala ko. namimiss ko yung boss kong Koreano.
nagbalik na nga ng lubusan ang pagkakaibigan namin ng mortal kong kaaway na si Toni, pero minsan na-giguilty pa rin ako.
P.S: Badtrip ako sa mga taong umeepal sa buhay ko, yun bang mga taong akala nila eh alam na nila ang lahat – nag-fifeeling close at nagmamarunong sa mga bagay-bagay. ayoko ng mga taong CHISMOSA, siguro dahil walang ibang mapaglibangan. prangka ka na kung prangka pero alam kong PLASTIK ka din at BALIMBING pa! bakit? tataas ba ang sweldo mo? magiging boss ka ba ng kumpanya sa mga ginagawa mo? anuman ang gawin mo, DIYAN KA NA LANG SA KINALALAGYAN MO!