Nakalap ko ang mga teknik ng pagsusulat mula sa mga kaibigan: si Teng Formoso ang nagturo sa akin ng pagbuo ng sentral na ideya, si Ronalisa Areola-Co naman ang nagbigay ng hint, thru facebook, na magsimula sa paggawa ng interesting character kung saan iikot ang istorya. Si Albert Rodriguez Balmonte naman ang nagpayo, thru facebook din, ng pagtatagni-tagni ng magagandang eksena, ideya o karanasan upang makabuo ng isang magandang kwento at ang pagiging flexible sa pagbago o bagbura ng mga bahagi. Kay Mimi Villareal ko naman natutunan ang paggawa ng 3D sketch ng mga karakter, this time, thru skype naman.
Malaki rin ang impact ng gawa ng isang bata na istudyante ni Ronalisa, si Eunice Andrea Peña. Dun ko nakita ang payak at deretsong paglalarawan, walang gaanong palamuti. Dun ko nakita ang kahalagahan ng pamagat at mga pangalan ng karakter. Sa mga gawa naman ni Mike Garcia ko nakita ang matalim na paglalarawan ng realidad. Kay Mary Jane Alejo ko naman nakita ang malalim na pagkilatis sa mga itinuturing nating maganda at paglalahad ng salungat na ideya.
Dinadampot ko lahat ng mga natutunan ko mula sa mga kaibigang nabanggit, depende kung ano ang kailangan para mabuo ang katha. Ngunit hindi ko lahat maisakatuparan. Kaya padampot-dampot na lang kung ano ang mahagilap.
Sa aking mga gawa, doon ako nakatuon sa hugis. Tinitimbang ko sa pamamagitan ng kutob kung ito ba may kagat sa gana o nasa ng mambabasa. Pagkatapos ay saka ko na paplantsahin ang mga detalye. Minsan sa detalye ako nag-uumpisa o sa isang kataga o pangungusap na may malakas na impact, bago uukitin ang kabuuang hugis. Pagkatapos ay babalik uli ako sa paglilinis ng detalye.
Ang mga detalye ay inaayos ko ayon sa harmoniya kung saan ang mga bahagi ay makikitang isa lamang batay sa kabuuang hugis.
Ginagamit ko rin ang mga natutunan ko sa pagpipinta. Para akong nagpipinta lamang habang ako’y nagsusulat.
Emosyonal din ako habang nagsusulat, maging galit man ito, lungkot, takot o katatawanan. Dahil naniniwala akong masasalo’t masasalo ito ng mambabasa.
At sa huli, hinahayaan ko ang aking imahinasyon na kumutkot, magpanday, maglilok, magsira, magyupi at lumikha ng mga bagay na possible at impossible, umiiral at hindi. Dahil sa kalayaan ng imahinasyon lumalabas ang mga bagong konsepto at hugis ng sining.
Yun lang… di ko sigurado kung nasa tamang direksyon ako.
At s’yempre, nag-aral akong mag-basa nang magbasa.
Photos by Kutchai Jovi




Posted by pugadengkanto on Hulyo 1, 2009 at 13:28
Nakakatuwa ka talaga boss! Kahit na malayo na ang marating mo sa pagsusulat alam kong hindi ka makakalimot. Sigurado akong lagi kong babasahin ang iyong mga tula at blog. Pre, sigurado akong marami ka pang ma.i.inspire na mga tao. ako man din ay nai.inspire mo.
Maraming salamat. Mabuhay ka bossing!
Posted by dagta on Hulyo 1, 2009 at 15:36
Maraming salamat sa pag-appreciate ng mga gawa ko…
Posted by dhandelle on Setyembre 30, 2011 at 19:20
kuya., ang gaganda ng mga blogs mo.,., naghahanap pa ako ng iba mo pang blogs na pampabitin at haha., ung mga nakaka inspire tulad na lamang ng about love.. ayyiieehh., ahahaha., sayo din po ba uing sulatkamay101 blog? gaganda din kasi nung mga anduon.. \
ni-try ko na rin po ung mga nishare mong links ng blogs pero ung sayo at ung sundrysiblings ba yun? basta may sundry.. dagdagan nyu pa po.,. ang sarap pong basahin lalo na kung bigkasin ng mag-isa.,. salamat po sa blogs nyu.,
Posted by brokenform on Oktubre 6, 2011 at 00:16
salamat po 🙂
Posted by brokenform on Oktubre 6, 2011 at 00:29
eto po yung iba kong bolg: “iskul ob pilosopi” at “talindak.”