| CARVIEW |
namiss ko kayong lahat..
salamat sa aking guest blogger na si joycee..tenchuu ng marami sis
labshuu..mwaahugss^^
]]>MYMP
♪ Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano’ng aking gawin, ‘di mo pinapansin ♪
Hey heypi berdei sa inyong lahat, narito na naman ang Joyceebelle para mag-agiw-agiw. Kahit saan ata ko magpunta eh trabaho ko nang maglinis ng kung anu-anu. Ang tawag nga sakin ng officemate eh “service mistress” wahahahha.
Heniwey haywey milkywey, sabi ni Kathysexy eh magsulat daw ako dito ng kahit ano about love. Medyo nadelay ang post na ‘to dahil nag-isip talaga ko kung anung ipopost ko eh. Medyo mahirap para sa katulad kong mag-iisang taon nang single at hinde nakakaramdam ng pagmamahal at kalinga galing sa isang taong mahal mo din. Pero hinde naman ibig sabihin eh hinde na ko nagmahal ng ibang lalake simula nung naging single ko. May mga(?) minahal din ako, yun nga lang, hinde ko maintindihan kung bakit hinde nila ko magawang mahalin.
Madaming nagsasabi hinde naman daw ako mahirap mahalin. Merong mga lalakeng nagustuhan o minahal din yata ako, pero dahil hinde ko sila type pinalagpas ko sila. Ayoko din naman kase maging unfair sa kanila na iba ang mahal ko diba? Hayyst. Pero baket ganun?? Talaga bang dapat eh pag mahal mo eh hinde ka mahal? At ang mga mahal ka eh hinde mo naman mahal??
Hay, kegulo ng mundo ng pag-ibig hanu??? Nagdaan din ako dyan. Minahal ko ang isang lalake ng mahigit isang taon without expecting nothing in return. Ayos na sakin yun. Masaya na ko na makita syang masaya. You might wanna ask anong mga ginawa ko. Wala. Neutral lang.
Pero ngayon eh gusto ko kayong bigyan ng ilang mga tips din on how to deal with this so-called “unrequited love”. Eto naman eh sa pansarili ko lamang opinyon, bahala na kayo kung susundin niyo o hinde,
– Tanggapin mo na ng buong-buo na hinde ka nya type. Kung umaasa ka pa din na magugustuhan ka nya in time, nyemas! Walang mangyayari sa buhay mo. You’re missing a lot of good people out there who are completely into you!
– Stay positive. Do not lose hope na someday, somebody will love you more than you expect. Believe that you are a sweetheart and you deserve to be loved by somebody else, someone who’s waaaay better than that someone who doesn’t lobe you back.
– Keep yourself busy. Sows andame-dameng bagay na pagkakaabalahan dyan o! I created my wordpress blog last year hoping that I will forget about my ex. And yes, fortunately I was able to do that. Spend more time with your family and friends and surround yourself with people who love and care for you.
– Remind yourself of your good qualities. Feel good about yourself. Again, you are a sweetheart!
– Treat yourself! Buy that fabulous dress you’ve been dying to buy since God-knows-when or prolly get a massage.
– Think about this. Everyone gets rejected, but don’t forget that once or twice in our lives we rejected someone else, too.
– Limit the amount of time you spend with the person who doesn’t love you. If you can, don’t see them for a while. Medyo mahirap lalo na pag lagi kayong magkasama, pero kung may chance na hinde kayo magkikita, take advantage of that. This one really worked for me.
– Think about one difficult situation you’ve been through and how you got through it. Try mo i-adopt yung mga strategies na ginawa mo nun to help yourself with this heartbreak.
– At kapag ready ka na, start hanging out with other people you’d consider dating. Give yourself the chance to fall in love again!
Believe it or not, unrequited love happens to almost everybody. Ang importante lang eh we know how to deal with it. And don’t you ever give up on love ’cause it will never give up on you.
]]>
kanina tinawagan ako ni M{bawal ireveal ang name nya} ang aking long lost fwend..nagulat ako kase ndi ko nman ineexpect na tatawag sya.chaka tagal na din nmin ala komyunikashen.sabi ko nga sa kanya san nya nakuha ung cel number ko sabi nman nya kay rozel ung isa pa nming fwendship.ayun chikahan kame to the max hanggang maubos ang kanyang card.pero sandali lang nman ung paguusap nmin dahil tira lang nman ng card ung pinangtawag nya sa kin.sabi nya saka na lang uli sya tawag wala na daw sya card,sabi ko nga kuripot mo nman bili ka na lang uli ng isa pa now na!demanding ang lola mo. .pero shempre sabi ko jowk lang yun baka ndi ako bigyan ng pasalubong sa kanyang paguwi eh..hihihi^^
si M po pala ay isang kaibigan na nasa bansa ng Qatar ngaun.classmate/barkada/kaututang dila ko sya nung college sa UE Caloocan.pero nung lumipat ako ng skul nun nawalan kame ng komyunikashen dahil naging busy na rin sila at ako nman ay ganun din plus nagkaroon na nman ako ng mga new fwends sa aking nilipatang skul..miss ko na nga din tong baklang to eh.oo tama ang nabasa nyo bading sya pero ndi pa talaga sya naglaladlad katulad ni bebe gandang hari.ang tanong mo bat ko nasabi na bading sya?
eto mga senyales na nakikita ko sa kanya noon:
una:nung nakilala ko sya nun sa ue may “best friend” sya na lalake na lagi nya kasama at buddies talaga sila.infairness nman kay J—-(M’s friend) eh lalaking lalaki nman sya..nung una ilang akong maging friends sya kase akala mo kung sino kung umasta sa klase feeling super matalino,gusto lagi sya lider sa klase kaimbyerna ba..tapos nung minsan nagkaroon ng group studies kuno na pakana ng titser nmin sa FIL 101 eh pinag-isang grupo nya kame nila M and J with my other two girl friends(rozel & nicky).sa umpisa nag kakailangan pa ciempre,pero nung tumagal naging close na rin kame.at dun na nga nmin nakikita ang mga senyales.PINAGSESELOSAN NYA SI ROZEL KASE NILILIGAW NI J SI ROZEL.vocal nman sya about dun,ang reason nya kase ndi na daw sila nagkakasama ni J,si rozel na lang daw lagi kasama nito.cge given na nga yun natural lang siguro na ganun minsan ang mga boys nakakaramdam din ng selos sa isang kaibigang lalake.
etong pangalawa:madalas sa klase nung ndi pa nmin close si M,madalas nmin syang pagmasdan nila rozel and nicky sa loob ng classroom(bad nmin noh) at minsan nahuhuli nmin na pumipilantik ang kanyang mga daliri at minsan napapatili pa.
pangatlo:talagang ndi na nya pinansin si J nung sinagot na to ni rozel..ganun ba talaga kapag nagtampo ka sa isang kaibigan na nawalan ng tym sau ndi mo na talaga sya papansinin?..actually ndi sa nawalan totally ng time kundi nabawasan lang.
pangapat:mahilig din sya magspot ng cute(gawain kase nmin yun dati ng mga girl fwends ko) sa campus kapag free time nmin or wala na kameng klase..ganito ang palitan nmin ng salita nun:
m: uy kat cute ni —– noh?
kathy: oo nga pero ndi ko sya type,eto si nicky patay na patay jan.
nicky: oa mo nman patay na patay ka jan!crush kon lang sya noh!
kathy:mas oa ka nman jan noh!imagine crush mo pa lang sya ng lagay na yun,para ka na nyang anino kung nasan sya nandun ka din..
m & rozel:(nagkatawanan ang dalawa habang napapapilantik ang daliri ni m)
panglima: natural lang ba talaga sa isang lalake na magkaron ng crush sa isang cute na guy?minsan kase habang inaantay nmin sila nicky and rozel sa ilalim ng puno ng ekek(ndi ko alam kung anong puno ba yung madalas nming tambayan nun) eh may dumaan na cute na guy na kakilala nmin.sabi nya ang gwapo nyang si *bleep yan ang lalakeng crush ko..sabay natawa..pero feeling ko kahit nagjojowk lang sya crush nya talaga yun..hehehe
ayan kayo na lang ang magjudge ako kase feeling ko 50/50 sya..or ung silahis na sinasabi nila..pero pag nakita nyo sya makalaglag panty sya ngaun grabe..gulat din ako sa transformation nya.gusto ko sana ilagay ung pichure nya kaya lang baka may makakilala sa kanya eh.chaka baka makurot ako nun sa singit kapag nadiscover nya tong bahay ko.hehehe..pero lab ko tong fwends ko na to at super miss ko na sya..panigurado pag uwi nya session agad toh{inuman}..hihihi
lesson of the story::
girls wag agad mainlab sa mga lalaking may magandang katawan at pamatay na mga ngiti,ndi nyo alam may nakatago sa likod ng magandang katawan at makalaglag panty na ngiti ay isang lalaking may pusong katulad ng kay bebe gandanghari..hehehe^^…sabi nga nila,don’t be deceived by what you saw,sometimes looks can be deceiving..oh ha english yan,naghanap pa ko ng dictionary para mabuo lang yang sentence na yan..hehehe..pero totoo nman di ba ang dami ko kayang nakikita sa mall ang kyute nung guy tapos ang laki pa ng katawan kase mukang naggigym kaya lang bigla ka na lang manghihinayang pano may kaholding hands na fafah..hay naku pano nalang ang mga katulad nila heleyna and joycee kung karamihan ng guy eh guy na din ang gusto?!{peace sistah!}^^
eto daw ang rules!
]]>List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
katrina-yan po talaga ung real name koat natatawag lang ako nyan sa bahay nmin kapag nagagalit na sila sa kin..
kathy-ayan ang tawag nila sa kin sa bahay kapag mabait na bata ako at walang ginagawang bad..yan din ang tawag sa kin ng ibang fwends ko.
ate kat/ate kathy-for obvious reason tawag sa kin ng mga nakakabatang kafatid at pinsan ko.
kat-ung ibang fwends ko yan ung tawag sa kin kapag siguro tamad silang bigkasin ang kathy or katrina.
trina-isang tao lang ang tumawag sa kin sa pangalan na to,si A..ewan ko ba bat sya lang talaga..{asan na kaya sya ngaun?..wondering!}
kat-kat-binigay na pet name ni revsiopao sa kin..natawa nga ko nung nitawag nya ko na kat-kat kase para lang sya nagtatawag na pusa para pakainin eh..hehehe
tita kathy-tawag ng mga makukulit at magaganda kong pamangkin na mana sa tita kathy sa kin.
tati-meaning kathy,tawag ng cute na cute kong pamangkin na si migs sa kin na 2 yrs old pa lang.
hon-tawag ni hubby..hehehe..baketbe!gusto ko tong isama eh.^^
so ayan lang po ndi po interesting noh…hehehe
so dapat talaga itag ko rin sila kase sabi ni joycee kaya nya ko nitag isa ako sa dyosa ng buhay nya…hehehe..kaya dapat maipasa ko din to sa mga maladyosa ng blogosperyo para makaganti..heheh^^
eto ang aking itatag sina:
kinabukasan papasok na uli ako sa skul napatingin uli ako sa katapat na apartment pero nakita kong mejo marami kayong nakatira sa loob.nakita kita na nagmamadaling umalis bitbit ang cute mong bag na parang pang gradeschool ang design.dun ko na napansin na cute ka pala..bigla kang napatingin sa gawi ko at binigyan mo ko ng isang pangclose-up at makalaglag panty’ng ngiti.biglang kumabog ang bata kong puso para sayo,pero ndi ako nagpahalata at lumakad na ako sa sakayan ng tricycle sa kanto papuntang eskwelahan.habang alam ko na ilang dipa lang ang layo mo sa akin,ndi ako lumilingon kase alam ko na nasa likod lang kita.derederecho ako ng sakay sa tricycle papasok,hanggang makarating ako ng eskwelahan ndi pa rin naaalis ang kabog ng aking dibdib….nang hapon din iyon paguwi ko galing skul nakita na agad kita sa tindahan ng aking tita na nakatambay at nakikichika sa kanya.nung palapit na ako tinawag ako ng aking tita at pinakilala sayo”Kathy halika muna pakilala ko muna sayo si A— sila yung bagong lipat jan sa tapat,A— si Kathy pamangkin sya ng mister ko”..hi lang ang nasabi ko nun sayo kase nahihiya ako sayo{dahil likas akong mahiyain}’kahit na super friendly nman ang bati mo sa kin…pero simula nun naging kabatian na kita tuwing nagkikita tayo.pero ndi pa rin nawawala ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita kita..
summer vacation
bakasyon na at madalas nasa bahay lang ako..nung minsan ako ang pinagbantay ni tita Lala ng kanyang tindihan dahil may bibilhin lang daw sya pandagdag sa paninda nya pumayag nman ako dahil wala nman akong ginagawa…nakita kitang palabas ng gate nyo at patawid ka ng kalye at dito ka sa pwesto ko patungo.coolness lang ako ndi na nman ako nagpahalata na kumakabog ang aking puso dahil sa nakapaskil mong pangclose-up na ngiti..bumili ka ng coke at pilit na nakikipagkwentuhan sa akin.dahil mabait ka nman ay ndi ko namalayan na isang oras na pala tayong naguusap ng kung ano-ano lang nman.simula nun madalas ka nang magpunta sa amin para makipagchikahan lang nman,minsan kung ano-ano ang dala mong pagkain para habang nagkwekwentuhan tayo meron tayong nakukutkot sabi mo…ndi ko alam kung ano ba mararamdaman ko sayo kase madalas parang nakakabatang kapatid lang ang tingin mo sa kin.oo nga siguro younger sister lang ang tingin mo sa kin dahil sa agwat ng edad ntin dahil ikaw 20 ako nman 16 lang nung time na yun..pero di ba ndi nman malayo ang 4 na taong pagitan ng edad natin?…
pero alam ko ndi pagtinging kuya lang ang nararamdaman ko sayo.kase may kuya ako kaya alam ko na iba ang tingin ko sayo.ndi nman kumakabog ang dibdib ko kapag nakikita ko ang kuya ko madalas pa nga naaasar ako sa kuya ko kapag nakikita ko kase kahit malaki na kame hilig pa rin akong paiyakin..
isang gabi nagkwekwentuhan tungkol tayo tungkol sa pagibig at nasabi ko sayo…“kapag na-inlove ako sa iyo dapat mahalin mo rin ako.wag mong gawing malungkot ang first love ko ha”.ang tangi mo lang nasabi “ikaw talaga oh…bata ka pa wag mo muna isipin ang first love na yan” sabay gulo sa buhok ko..alam ko ndi mo sineryoso ang sinabi ko sayo,iniyakan ko rin ng ilang gabi yun at ndi ako lumalabas ng bahay…
isang hapon pinuntahan mo ko sa bahay at dinalan mo ako ng peborit kong chokoleyt{alam na alam mo talaga ang weakness ko} at tinanong mo ako bakit ndi ako naglalalabas ang sinabi ko lang sayo..”wala lang ako sa mood lumabas”..nagkaroon na nman ng false hope ang bata kong puso sabi ko baka eto na ang simula baka mahal mo na din ako..bago ka umalis sinabi mo sa kin na may ipapakilala ka sa akin mamayang gabi paguwi mo tapos nagmamadali ka na rin umalis kase sabi mo may pupuntahan ka pa.nang gabing yun nakita kitang bumaba ng taxi at may kasamang magandang babae nakaedad mo…
napangiti ako ng mapait nang mapagtanto ko kung sino ang sinasabi mong ipapakilala mo sa kin…one reality check,coming up sarkastiko kong nasabi sa aking sarili….nilapitan nyo ko at pinakilala mo ako sa kanya”kathy this is sheena my GIRLFRIEND,SHEE this is Kathy my favorite neighbor“..nakapaskil ang isang plastik na ngiti sa aking mga labi at nagpaalam na agad ako sa inyo,agad akong nagtungo sa aking kwarto at tahimik na lumuha..favorite neighbor lang pala ko sayo..sana ndi mo na lang sya pinakilala sa kin..ang batang puso ko agad nawasak nang dahil sayo..
alam ko kahit hindi mo sinasadya nagawa mo pa ring maging malungkot ang aking first love…
kahapon ng umaga nag-iisip na ko kung ano ba magandang ipost sa aking blog,sa kakaisip ko ala pa rin ako maisip na topic…hehehe
sa tagal ng pagiisip ko inabot na ko ng hapunan…dahil ako ang reyna ng kusina nmin naging busy muna ako at iniwan panandalian ang mundo ng blogosperyo para maghanda ng hapunan ng aking pamilya.saglit kung nalimutan ang magulong mundo ng internet dahil natuon na ang buong atensyon ko sa aking hilig ANG PAGLULUTO.
opo hilig ko po talaga ang magluto at magbake kaya lang sa mahal ng bilihin ngaun ndi ko na mapagtuunan ng pansin ang pagbibake.ayoko nman na tipirin ung gagawin ko kase shempre baka maiba nman ung lasa.ako pa nman kung ano nakalagay na ingredients dapat lahat yun meron ayoko ng substitute lang{arte ko noh}
mahilig din ako mageksperimento ng luto,ung tipong ndi ko pa naluluto ever tapos susubukan kong gawin.challenging yun para sa kin tapos ang ending eh mauubos lahat ng niluto ko ung tipong sarap na sarap sila.ang sarap na ng feeling ko nun,parang worth na ung pagpapakahirap ko habang nagluluto.
eh kahapon mejo wala akong masyadong ganang magluto kaya ung madaling lutuin lang ang hinanda ko para less effort pero sobrang namiss ko din sya kase tagal ko na ndi to nakain lagi na lang kase kame manok at karne.mejo pihikan kase ung ibang kasama ko dito sa bahay kaya ganun.pero kung ako lang ay naku kahit ano lang ako pwede na.minsan nga gusto ko lang ung okra na pinakuluan lang sa tubig tapos may partner na pritong GG{galunggong} solve na ko dun tapos ang sawsawan ung bagoong balayan na may kalamansi at sili{sarap kaya nun}.mabilis lang nman kase kong maplease eh.
nagtataka lang talaga ko bakit kaya madalas tuwing byernes munggo ang madalas iulam.nung minsan sabi sa kin ng byenan kong lalake magluto daw ako ng munggo eh friday yun sabi ko nman Dy bukas na lang.aba ang sagot sa kin “hindi na masarap yun kase sabado na”..napaisip nman ako ng malalim ano bang konek kung ndi na byernes magluto ng munggo??..
tapos minsan din dalawang kapitbahay nmin eh parehong ginisang munggo ang binigay sa min.sabi nga nila masamang tumanggi sa grasya kaya tanggap lang ako ng tanggap kahit na munggo din ang ulam nmin.sabi ko na lang sa sarili ko pasarapan na lang ang labanan nito…shempre ang luto ko ang pinakamasarap{oh wag ka na umangal blog ko to}.
so eto po ang aking hinanda nung dinner nmin:
ang ginisang munggo bow!…ndi lang po sya masarap tignan pero masarap po lasa nyan pramis..{wag ka na sabing kumontra}
at ang ipinartner ko sa aking ginisang munggo etong daing na bangus..dahil iba-iba ang mga tastebud nmin dalawa ang sawsawan na ginawa ko isang sukang may bawang,paminta at sili.at isang bagoong isda na may kalamansi at sili{mahilig po kase kame sa mejo maanghang}
at kanina namang tanghali eto ang naisipan kong ihanda dahil miss ko na rin kumain nito:
inihaw na pusit na may sibuyas kamatis sa loob
eto nman ang pinartner ko sa inihaw na pusit,PAKBET..
ang tagal ko na rin kaseng hindi nakakain ng mga yan eh,kaya nasira ang diet ko kanina talagang dami kong nakain grabe..hehehe
ayan malamang nagutom kayo noh?
ay nakalimutan ko pong ilagay ang aking peborit na garlic fried rice..gustong gusto ko po ito kapag madaming fried garlic dito sa min all time peborit din po to…hehehe
]]>
bago po matapos ang kanta na toh eh talagang tulo na ng tulo ang luha at sipon ko.pano ang unang pumasok sa isip ko habang pinakikinggan ko sya ang daddy ko na maagang kinuha ni Bro.namatay si daddy sa sakit na cancer 2 yrs ago,nakalimutan ko na kung ano bang cancer yun pero nagkaroon po sya ng maraming cyst sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.ang pinakamalala eh ung sa mata nya kase nawalan sya ng paningin at tinutulak na palabas ng cycst or tumor na ata ung mata nya palabas.nung time na yun ndi ko matignan ng matagal yung dady ko kase baka bigla na lang akong bumigay ng iyak.sobrang iyakin pa nman ako.
nung time na nakabed rest na sya nagpapakita na sya ng motibo na malapit na sya kunin ni Bro,pano nung minsan sabi nya kase sa tita ko na sis nya ipalaundry na daw ung barong nya kase yun daw ang gagamitin nya sa burol nya.nung sinabi nya yun talagang kinilabutan ako at pinagalitan ko sya.
pero the saddest part after 1 month kinuha na rin sya ni Bro,sabi ko na lang nun ok na rin siguro para ndi na rin sya mahirapan ng husto.kase sobrang nahirapan talaga sya sa sakit nya.alam mo yung tipong hihilingin mo na lang na sana matapos na ung paghihirap nya kase ndi mo makayanan tignan ung kalagayan nya..
dad where ever you are alam ko binabantayan mo kameng lahat.thank you sa lahat alam ko sobrang dami nting pagkukulang sa isa’t isa,and im so sorry for that alam ko ganun ka rin. DY SOBRANG MISS NA KITA.. I LAB U DAD!
]]>like it
love it
hate it
wat ever
just enjoy it^^(rin on the rox kayo ba yan?!)
maligayang araw ng puso sa inyong lahat!..at dahil araw ng mga puso ngaun,ngaun din ang araw ng pagbubukas ng aking munting bahay para sa inyong lahat.may munti po akong inihandang salo-salo para sa lahat.mabusog po sana ang inyong mga mata.(hihihi)
ilang araw ko din pong pinagisipan kung ano bang masarap na ihanda sa aking bagong tahanan,nakakahiya nman kase sa mga darating na mga bisita kung ndi masarap sa mata ang aking mga ihahanda.pero simple lang po to at low budget po ako ngaun kase nagbayaran na nman kase ng tuition sa skul ng aking anakis.
rev eto na lechon mo,yaan mo itatabi ko na agad tong ulo para sayo.
eto nman po para kay brother uts pansit bihon,special request nya po ito(isang serving lang talaga to kase para sayo lang to brother utoy)
kung gusto mo nman po brother uts etong miki-bihon masarap din to?!
eto kinatay ko pa talaga ung alagang manok ng byenan ko para sa inyo ha.^^
sinigang na hipon sa sampalok,para dun sa gustong humigop ng mainit na sabaw..(sarap nito peborit ko to)
at shempre meron din akong inihanda para sa gustong uminom,the ol tym peborit ng mga manginginom ang sisig at alak.
eto nman po ang ginawa kong dessert,ang leche flan.
sana po ay natakam nasiyahan kayo sa pagdaan dito sa aking abang bahay..pasensya na po talaga at yan lang ang nakayan ko..
at para po sa lahat ng mga naging inspirasyon(naks!may ganun) at tumulong sa pagbuo nitong aking bahay maraming maraming tenk u po sa inyong lahat..ndi ko na po iisa-isahin nakakahiya po kase baka may makalimutan akong banggitin baka magtampo,ulyanin pa nman po ako..hihihi
sa totoo lang po mejo kabado ko kase baka wala nman akong maisulat na may kabuluhan dito.dahil nawili akong magbasa ng mga posts nyo sa inyong mga blog kaya nainggit parang inggetera lang ganun akong gumawa ng sarili kong blog.pero ndi lang pala freedom of expressing your thoughts/ur self ang makukuha mo sa pagboblog you will also gain more friends.ang saya di ba!..
HAPPY VALENTINES DAY ULI SA LAHAT!!!
]]>
at sana ndi magsawa si joycee sa pagtulong sa akin sa pagaayos ng aking bahay.at sana may matino po akong mailagay na post…hehehe
tenkyu din pala kay heleyna at napasama ako sa ten chuvaness ek ek nya sa kanyang post
at tenkyu din in advanced kay rev dahil…secret!..hihihi
basta abangan nyo na lang po ang blog launch pero pagpasensyahan nyo na lang po at ndi po kasing garbo ng pasinaya ni rev ha.simple lang po ang mangyayaring paghahanda.
^^,













