
PAUNA: Ang entry na inyong matutunghayan ay hango sa naging usapan namin ng isang kaibigang may malaking problema!
Jojo: Father Rhett (aka Bluguy) , kumusta ka na? Nasundan mo ba kahapon FB live ng Saranggola Blog Awards? Ang galing naman ni Blue Umali. Biruin mo mula ng simulan ito noong 2009, malayo na rin ang nilakbay nito. Nag-evolve na talaga sya.
Ako: Oo naman, bigla nga kitang naalala. Kung wala lang ECQ, sana me meet-up tayo sa Maynila.
Jojo: Oo nga eh. Naglitanya na sya ng mga kaganapan at mga anik-anik patungkol sa Corona pandemic na ito.
(Kesyo, stay at work at home mode sya for three weeks now. Walang social life at bakasyon abroad). At pagkatapos ng 30 minutes na monologue….
Jojo (ulit): Kakainis nga eh…hindi na yata matutuloy ang Miss Philippines Universe. Sayang naman, kandidata pa naman ang beshy ko.
Ako: Malay mo baka matuloy rin yan.
Madami pa kaming pinag-usapan tungkol sa buhay-buhay, plans in the future at saka mga latest trending sa tweeter (wala po kasi akong tweeter!).
Matapos ng isang araw nang aming pag-uusap, naisipan kong bisitahin ang blog ko dito at trying to awakened my wildest imagination, sinubukan kong magsulat muli. Kung walang Miss Philippines Universe, baka pwedeng magkaroon ng Miss Corona 2019.
____________________________________________________________________________________________
Merong patimpalak ang nagsimula pa noong 2019, pero hanggang ngayon hindi alam kung sino ang kokoronahan. Isa syang patimpalak na nagsimula sa bansang Tsina, pero kalaunan maraming sumali, ika nga naging pandemic ang kompetisyon. Maraming sumali mula Europa, America, Asia, Oceania at pati ang Africa at hindi lang iisa ang pinadalang kandidata, maramihan, ika nga, mas marami mas sikat ang bansa.
Ang WHO, mga eksperto sa epedemya, politiko, world analysts, strategists, economists, mga tanyag na artista: iilan lamang sila mga piling-pili na mga hurado. Araw-araw merong updates sa mga kaganapan ng patimpalak na ito. Mind you, sa lahat ng wika ginagawa ang mga press conferences, minu-minuto, walang sablay.
Inilatag na ng mga organizers ang batayan ng paghuhusga sa bawat kandidata. Dalawa ang kategorya ng mga tatanghaling Miss Corona 2019:
- Para sa mga Miss Corona Frontliners 2019:
- Maayos at tamang pagsusuot ng PPE’s.
- Tamang social distancing
- Araw-araw na pagrereport sa mga daily activities sa ward, operating rooms, etc
- Self-quarantine ng 14 days kung kailangan
- Walang uwian sa bahay hanggang dumadaloy ang pakontes
- Handang madiscriminate
2. Para sa mga Miss Corona Stay at Home 2019
- Stay at home at all times, lalabas lang kung bibili ng essentials
- Suot ang quarantine pass paglalabas
- Tamang social distancing.
- Manood ng Netflix at mga re-runs na programa ng mga tv stations
- Nakamask sa labas ng bahay at lalo na sa loob para maiwasan ang over-eating
- Handa lagi pag kumahol ang aso, para kunin ang relief good sa labas ng gate
- Mag tik-tok 10 beses sa isang araw
- Ilathala ang OOTD at mga bagong recipe na niluluto araw-araw sa FB, Instagram, etc.
- Participate lagi sa lahat ng pakontes sa FB
- Gumamit ng at least 100 applications in a week
- Mag-aral gumawa ng masks
- Manood ng Wowowin, malay mo manalo ng PhP10,000.00
Para sa mga future updates at araw ng grand coronation, hintayin lamang ang abiso sa mga social media forums at sa mga himpilan ng telebisyon at radio.
Conclusion: Sa haba ng duration ng pakontes na ito, baka kokoronahan ang magwawagi a year from now 2021 (2022 , 2023 o baka 2026 pa).
After finishing my service in the General council for 12 years, it is time to say my goodbyes to wonderful years of leadership work and traveling to the five continents of this wonderful world. Meeting people and learning new cultures, seeing new places. What a wonderful life it has been. Journeying with ups and downs of life. I could still hear the laughters and feel the tears I shed. Life indeed, is a roller coaster ride, but indeed full of surprises from my God. Never felt abandoned and alone all throughout these long and tedious journey. But the journey continues and I’m ready for this new ride towards an unforeseen future.
Ang tagal na ah? Kumusta na? Wala lang, matagal na kasi kitang di nadalaw.
pssst…pssst….pssst…kuya…..kuya…ha…., ako ba? ….oo, ikaw di ba………. ikaw si kuya Blu….oo ako nga. Wow! ano naman ang name mo …..baby Blu po. …..Ha….Blu din ang pangalan mo. Opo…baby Blu…eh anong ginagawa mo dyan…ah….hinihintay ko po nanay ko….saan siya nagpunta? ..bakit naman iniwan ka nyang nag-iisa dyan? doon po sa kwartong iyon…..kasama po tatay ko…..ah….o sige pero wag kang malikot dyan ha, baka ka mahulog…ang hirap kaya gumawa ulit ng baby.





salamat kay MON
salamat kay MON
salamat kay DHYOY
salamat kay SANDI
salamat kay DHYOY
pakontes ni hibang - bernard
