***
Sa Maynila, ang MMDA ay gumagawa ng sari-saring paraan upang maging malinis, maganda at makulay ang siyudad. Kasama sa kanilang mga proyekto and pag-linis at pag-buhay sa Ilog Pasig.
Isang proyekto sa ilalim ng Pasig Linis Group o PALIGRO, ay ang pag-import ng sang damakmak na janitor fish para makatulong sa pa-linis sa tubig. Dahil sa tagumpay ng proyekto na ito, dumating na ang PALIGRO sa pinaka-hihintay na pag-revive sa marine life ng Ilog Pasig – ang pag dala dito ng ibat-ibang klase ng isda para muling magkaroon ng fishy residents ang ilog.
Dahil sa naubusan sila ng pera sa pagbili ng anito fish, kinailangan na nila ulit funding. Lumapit ang PALIGRO kay Erica Lopez, ang mayamang dalaga na presidente ng Alpha Beta Max Sorority at kay Jonathan Livings Tan, ang mayamang binata na presidente ng Triple Gamma Fafa Fraternity para humingi ng suporta.
Isang Sabado, nag eye ball meeting ang mga miyembro ng 3 grupo sa Gold’s Gym, ang paboriting tambayan ng Alpah Beta Max at Triple Gamma Fafa upang pag-usapan ang proyekto. Na-interes ang mga sor girls at frat guys sa proposal ng PALIGRO ngunit dahil concerned sila tungkol sa kung sino ang hahawak ng pera, napagpasyahan ng 2 grupo na sila nalang ang bibili at maglalagay ng fish sa Ilog Pasig. Pumayag naman ang PALIGRO sa mga kondisyon ng mga mayayamang bata.
Nung umalis na ang PALIGRO, lumapit sa Alpha Beta Max Sorority at Triple Gamma Fafa Fraternity and gym instructor na si Zach. Sabi ng machong gym instructor na nag-ju-jumping rope in place na may kilala syang supplier ng mga fish na pwede tumulong upang maka-import ng mga fish para sa Ilog Pasig. At dahil si Zach ang personal fitness consultant ni Jonathan Livings Tan, agad nila ipinagkatiwala dito ang pag-order at pag lagay ng isda sa Ilog Pasog.
***
Lumipas ang ilang oras at sa Bundok ng Payatas, makikita natin na nag-re-report si Dragon Z sa kanyang boss na si Dragon N.
“May bagong proyekto ang PALIGRO, Alpha Beta Max Sorority at Triple Gamma Fafa Fraternity! Nais nilang buhayin muli ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng pag-lagay ng mga imported na isdang ilog dito. At dahil pinagkakatiwalaan ako ng lider ng Triple Gamma Fafa, sa akin kinontrata ang pagbili at paglagay ng mga isda sa ilog.”
“Kailangan ma-aksyonan agad ang kontrata na yan. Sabihin natin kay Big G.”
Pumasok ang dalawa sa isang kwarto sa kailailaliman ng bundok ng basura at doon tumayo sila sa labas ng isa pang silid at bumigkas.
“Boss! Mayroon pong binabalak ang PALIGRO, Alpha Beta Max at Triple Gamma Fafa.” sabi ni Dragon N
Mula sa silid ay may isang malaking anino na nagpakita sa pintuan at isang malaking boses na narinig sa super high-tech na speaker system.
“Alam ko na ang balita! Napanood ko na sa PressCon at narinig ko na ang mga detalye. Kailangan hindi matuloy ang proyekto na yan. Dragon N, tumawag ka ngyun din sa ating suking petshop sa Amazon River. Wag ka gmamit ng NDD, mahal yan! Gumamit ka ng phone card!”
May phone card na lumipad mula sa loob ng silid.
Dahang-dahang dinayal ni Dragon N ang number ng Amazon at nung na-ring ay inilapag nya ang cellphone, malapit sa pituan kung saan makikita ang higanting anino.
Isang back-scratcher na korteng kamay na binili sa Baguio ang kumuha sa cellphone.