magkasama kami sa isang kwarto, nanonood ng telebisyon. ang kanyang ulo, nakahindig sa aking balikat.
sinasabi ko sa kanya kung gaano ka-korni ang sayaw ng kontestant sa Show Time. hindi siya umayon o sumalungat sa sinabi ko.
“Sana normal tayo,” ang tangi niyang sambit.
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Kahit hindi na ako magtanong ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
Sa likod ng mga dingding ng kwartong ito lang namin malayang nagagawa ang mga gusto namin. maghawakan ng kamay, magyakapan, maglambingan at kung anu-ano pa. sa labas nito ay kailangan namin magpanggap sa takot na husgahan ng mapangkutyang publiko.
Pilit akong nag-isip ng maisasagot sa kanya. ngunit kahit anong pilit ko ay wala akong maisip. tahimik kami pareho.
inakbayan ko siya at isinandal sa akin, habang ang isip ko nama’y tahimik na bumulong ng “sana.”








Recent Comments