Bubuhayin ko muna ang blog na ito, para sa “How to Process your Certificate of Registration and Official Receipt with BIR” bilang isang Self Employed Professional.
These past months medyo nagkaroon kami ng struggle (kasama ang mga fellow consultants ko sa sakahan).
Masyadong masalimuot ang usapin ng tamang proseso ng pagbabayad ng buwis at ng mga teknikal terms kapag hindi ka direct employee ng pinagsasakahan mo. Most of the sites na nabasa ko pati masyadong pang matatalino kasi spokening dollar sila… propesyunal na propesyunal talaga sila.
Kapag nagtanong ka sa City Hall nyo or sa BIR kung papaano ka kukuha ng sarili mong resibo ang una una nilang sasabihing requirements ay ang ma ito:
Mayor’s Permit, if applicable
DTI Certificate of Business Name, if applicable
PRC ID, if applicable
Payment of Professional Tax Receipt (PTR), if applicable
Pero hindi naman kasi ako Proprietor o Business person para kumuha ng Mayor’s permit, wala din naman akong business plan para makakuha ng DTI certificate ng business name ko. Monkey business at extra service lang ang alam ko sa buhay so how?
Pero dahil ang post na ito ay para dun sa mga katulad kong Self Employed Profeyshunal eh mas simple ang requirements. Medyo hindi nga lang masyadong popular or usual yung category ko kaya di gaano alam nung ibang mapapagtanungan. Ipagpapasa-pasahan ka muna sa kung saan saang tao.
Since wala akong Professional License, ang step 1 lang process ang magiging pagkakaiba sa mga tulad kong hindi lisensyado. Sorry na sa alma mater ko kung nag suicidal board exam ako nung November 2005, feeling ko sinusumpa na ako nung mga nakasabay kong nag boards nun dahil di nakuha ng SLU ang usual na 100% passing rate. Sorna, wala kasi talaga akong plano maging Engineer, naisipan ko lang after 4 years kong grumadweyt na gusto ma experience ang pag tatake ng boards.
So kung may valid PRC license ka ang kelangan mong kunin sa city hall ng resident address mo eh PTR (Professional Tax Receipt). Kung expired na license mo naman, kelangan mo munang mag renew sa PRC at harapin ang mga usaping CPD points.
Para sa mga tulad ko, OTR or Occupational Tax Receipt ang kelangan mong kunin. Para makakuha nito, kelangan ng Certificate of Tax Registration o Cedula sa halagang Php5.90

Eto naman yung itsura ng OTR na matutubos mo sa halagang Php200.00

So kapag meron ka na ng 1st requirement, kelangan mo na mag fill-up ng 2 sets of Application for Registration (BIR Form 1901), 3 sets of Payment Form (BIR Form 0605) at 2 sets of Application for Authority to Print Receipts and Invoices (BIR Form 1906).
Much better to completely fill these forms before kayo pumunta sa BIR RDO Branch mo to save time.
Kelangan mo rin ng Journal at Ledger na mabibili sa local bookstore. Nagtry ako bumili sa National pero masyadong madaming option ang ledger (iba ibang columns) kaya di ko alam kung anong tamang bibilhin, so dun na lang ako sa BIR bumili. Sabi sa ibang blog, mas mahal daw ng konti sa BIR kesa sa bookstore, pero nagsiguro na ako na tama ang mabibili ko.
So all in requirements na kelangan mo dalhin sa BIR ay ang mga sumusunod:
- Orig/Photocpy of Occupational Tax Receipt (OTR) or Professional Tax Receipt (PTR)
- Orig/Photocopy of Valid Government IDs (SSS and Driver’s License ang binigay ko)
- Consultancy Agreement / Certificate of Consultancy (Photocopy only)
- BIR Form 0605 (3 sets original)
- BIR Form 1901 (2 sets original)
- BIR Form 1906 (2 sets original)
Yung BIR Form 0605 need mo muna bayaran sa mga accredited banks ni BIR, good thing katabi lang nung BIR yung BPI which is accredited naman. You need to inform the cashier na magbabayad ka ng BIR Form 0605 tapos bibigyan ka nila ng another form for you to fill up. Below is highlighted form 0605. Yun ang mga fields na kelangan natin lagyan ng detalye. This payment form is for our Certificate of Registration na renewable on or before 31 January yearly. Php500 ang kelangan bayaran dito.

Once na mabigyan ka ng resibo from the bank, you need to photocopy this too. For your record ang original tapos copy lang ang isasubmit mo sa BIR.

Eto naman yung sample ng For 1901 kung papano fill-upan. Sa case ko, page 1 and 3 lang ang nilagyan ko ng detalye. Yung ibang info na kelangan specially yung details nung printing press, sa BIR ko na nilagyan. Hindi highlighted ang Spouse information sa akin kasi hindi applicable hihihihi.

At eto naman yung sample ng Form 1906. I paid Php1,500 for this ATP Form.

I paid for 2 documentary stamps din para sa Certificate of Registration (COR) ko which is Php 15 each. Dahil one-stop-shop na yung RDO ko, nung makumpleto ko na ang requirements and payment, I was advised to come back after 3 working days to pick up the Certificate of Registration, Official Receipt and Journal.
Eto ang COR ko:

Ayaw pa sana ako bigyan nung BIR banner kasi di naman daw ako tindahan, pero konting pa cute kay sir eh binigyan na din ako hihihihi. PANG REMEMBRANCE PO SIR.

So ayun, mukha lang syang complicated, pero once na kumpleto ang documents mo eh wala pang 2 hours tapos mo na lahat.









































































