This is not a movie review! This is just an insight!

Hanggang ngayon meron pa rin akong hangover sa movie, there are lots of reasons why? Una, tumakbo ako ng mga 5minutes lang naman just to be on time para sa movie, T***ina ang haba ng pila sa counter, 10 minutes na lang start na ng movie, then na-realized ko bakit ko ba kailangan magmadali eh hindi naman ako Last full show at wala rin naman ako ibang lakad, so eto na ba ang forever? Pangalawa, masaya rin pala mag watch ng movie mag-isa pero again T***ina kasi nasa gitna ako ng two pairs of couple, at napaka awkward ng feeling, sana man lang ang nasa tabi ko yung mga lalaki hindi eh! Pero syempre na sight ko naman kung ano ang hitsura nila eh, ayun jackpot gwapo naman sila. Anyways going back, isa sa mga bucketlist ko ay makapanood ng RomCom alone, ayun nagawa ko naman sa unang lunes ng taon, minsan we need to experiment, experience and explore, dahil baka dun may forever. Pangatlo, thank you sa MMDA Passes ng kaibigan ko at ayun nakapanood ako ng movie worth 5pesos and Twenty-Five centavos, again T***ina bakit may butal pa? ayan ang dahilan kung bakit siguro andaming nag-aaway na mga fans dahil sa centavos na yan hindi tuloy nila alam kung sino ang number one! Nakalagay sa MMDA ticket 5 pesos pero pagdating mo sa counter may 25 cents pa, pero okay lang kasi sabi nga “minsan wag ka magbibigay ng sakto, dahil baka kulang ang ibalik sayo! (laos parang walang sense! LOL)

Movie

Paano nga ba natin nade-define ang salitang forever? Pag nagtanong ka sa nakararami sasabihin lang nila na ‘yung tipong infinity and beyond or pwede rin naman walang hanggang. Actually depende pala kapag bata ang natanong mo sa panahon ngayon, sasabihin lang nila sayo kami ng mga kaibigan ko “friend forever.” Or sasabihin lang nila “parang yung parents ko!”.

There are different types of forever sabi nga nila, may intimate, may tipong pang-banal at meron din naman parang mga immortal. Kahit ano pa man yan forever pa rin yan.

While watching movie what you can see is the present, bakit? kasi si Mia isang writer, sa panahon ngayon, lalo na sa mga kabataan everyone wants to become writer. Well for me lahat naman talaga pwedeng maging isang magaling na manunulat, depende na nga lang yan kung paano mo ibabato ang iyong istorya. Si Mia paano ba sya naging isang magaling na manunulat, kasi minsan kailangan mo lang ikwento ang istorya ng buhay mo, para may puso, may substance, may laman, yun nga lang tandaan gumamit lang ng ibang character para kung sakaling mabasa ng ibang tao, hindi agad nila malalaman kung sino ang tinutukoy mo. Anyways, yun na nga Mia is Mia, masasabi ko ba na makasarili sya, hindi ko alam pero si Ethan? “OO”, if you love the person, ipapaalam mo sa kanya kung ano ang dahilan mo, hindi yung, T***ina iiyak ka na lang at gagawa ka ng ibang istorya, maybe may point ka kasi ayaw mo maging pabigat sa iba! Ano ba naman yung sabihin mo sa kanya, don’t let the situation be the reason of getting out of the relationship baka naman pwedeng yung reason na iyon ang magpapatibay sa inyo.

Parang mali ata, actually parehas pala silang naging makasarili, why? Kasi pinilit nilang itago kung ano ang totoo nilang nararamdaman. But at the end of the movie, Wala nga ba talagang forever? Or it is just a pop culture na pinaniniwalaan nating lahat? Or Tang*** na-reverse psychology lang tayo ni Antonette Jadaone at Paul Sta. Ana, if maniniwala tayo sa forever dapat handa rin tayo na lilipas at mawawala rin ito, pero wag natin hayaan na mawawala ang spark kung ano ang meron kayo.

Eksena

Pucha, this is my first time to watch movie alone, ever! Hindi ko maipaliwanag yung feeling at ang movie pa na napili ko Walang Forever! Hindi ko makakalimutan ‘to kasi nasa gitna ako ng two pairs of couple, what an awkward feeling. Tawang-tawa ako sa movie kasi halos lahat tumatawa, meron pa yung iba may side comment agad at meron naman isa pa, sarap batukan kasi may bato pa sya ng linya na “miss ko na sya?!” well di naming kilala kung sino ang miss mo ate, hindi ka na lang kaya manood di ba?eto pa may eksena pa sya, yung tan*** ang bigat na nung scene oh, bigla ba naman mag ring yung phone at pucha sinagot pa talaga?napaka anticlimactic di ba? At sasabihin “im watching walang forever, grabe, nakakaiyak,blah blah blah, sige mamaya na lang ulit lapit na matapos!” ano ba sarap lingunin eh at sabihin na, “hindi pa kaya tapos yung movie!!!” asar lang! And kung may nakakatawa na nakakainis meron din naman ume-eksena sa kilig, yung tipong “huy ate, kuya nasa dalawang gilid ko tigilan niyo nga ako sa mga pa-sweet nio, dalang-dala kayo sa eksena eh!” Bakit ano nga ba ginagawa nila? Kiss dito, hawak sa kamay, punas luha, subuan ng popcorn, ano ba 2016 na! Charot! Bitter lang! pero yun naman ang maganda kilig-kilig sila, at ako din naman kahit mag-isa lang! kasalanan mo ‘tong lahat Dan Villegas at Antonette Jadaone, dahil ba kayo may forever?!

Hindi masama ang maniwala sa forever, totoo ang sabi nila papatok ito sa lahat, bakit? kasi lahat ng tao gusto makaramdam ng totoo at walang hanggang pagmamahal, hindi man masuklian ang mahalaga, naipakita at naiparamdam mo na you can forever love the person kahit wala sya sa iyon tabi.